Work Text:
“Angas mo talaga, pre. Tangina, pasakay naman kahit isang beses lang.” litanya ni Yangyang sa isang nakabusangot na Jaemin.
Kung ano man ang naiisip niyo, hindi ‘yun ang ibig niyang sabihin. Dumating lang naman kasi ang nag-iisang Jaemin Na sa napag-usapan nilang magkakaibigan na kakainan nila at dala nito ang isang bagong sasakyan na malamang ay bigay sa kanya ng mga magulang kahit hindi ito hiningi. Ewan, niregaluhan na siya ng motor no’ng pasko pero kusang -loob pa rin siyang binigyan kahit walang okasyon o maski dapat ikadiwang na pangyayari sa buhay niya o ng kanyang pamilya. Gano’n siguro talaga kapag matatanda na, wala nang mapag-aksayahan ng pera.
“Kakabigay lang sa akin no’ng isang araw, babangasan mo na.” pagtanggi ni Jaemin sa hiling ng kaibigan. Natawa naman sila Mark at Sungchan sa pagkukunwaring nasaktan si Yangyang sa sinabi ng binata.
“Let me guess. Another ‘just because’ gift from parents?” paniniguro ni Mark kahit pare-pareho naman nilang naiisip na ito lang ang dahilan kung paano siya nagkakaroon ng mga bagay na ni minsan hindi sumagi sa isip ni Jaemin.
“Ano pa bang bago? Baka nga kapag nagkajowa ‘yan si Jaem, bigyan na lang siya ng sampung milyon ng mga magulang niya yung jowa niya para lang layuan siya.” pagbibiro ni Sungchan na nakatanggap ng isang mahinang suntok kay Jaemin na natatawa rin.
“Baka magjowa ‘yan. Tayo nga, hirap na hirap kitain kung hindi binabantaan na tayo na lang ang pupunta sa unit niya.” gatong ni Yangyang.
Napairap na lang ang lalaking pinag-uusapan sa mga pang-aasar ng mga kasama niya. Hindi naman din mali si Yangyang. Huwag niyong masamain, ah? Gusto ni Jaemin makasama mga kaibigan niya at wala itong halong kahit na anong negatibong damdamin, sadyang gusto niya lang din mapag-isa’t nakahilata sa unit niya lalo na’t nagpapahinga sila sa ilang taon nilang pag-aaral. Kaka-graduate lang nila pare-pareho isang taon nang nakalipas. Sila Mark at Sungchan ay inaaral na kung paano patakbuhin ang kompanya ng kanilang mga magulang pero napagbibigyan pa rin ng oras kapag gustong magliwaliw. Si Yangyang nagsimula pagka-graduate mismo na gampanan ang pagiging manager ng isang branch nilang nagbebenta ng mga kagamitan ukol sa sasakyan. Si Jaemin? Ayun.
“Huh?”
“Gago, pinagshashabu mo?”
“Joke time amputa.”
Sabay-sabay na naging reaksyon ng mga binatang kaharap ni Jaemin at siya naman ay nakangiti na para bang na-engganyo pa sa mga ipinamalas na itsura ng mga kaibigan. Naging ganito lang naman ang mga sagot nila dahil…
“Oo nga, seryoso ako. Nirehistro ko yung sasakyan sa Grab.” pag-uulit ni Jaemin sa mga kaibigang hindi pa rin makapaniwala.
“What’s with you, Dude? Nababaliw ka na ba?” nagtatakang tanong ni Mark.
“Confirmed. Nasa genes nila ‘yan, mga pre. Binigyan si Jaemin ng sasakyan kasi ‘wala lang.’ tapos nirehistro niya sa Grab kasi ‘wala lang.’ din. Pre, ayos mukha.” pagseseryoso ni Sungchan.
“Mukha ba akong nagbibiro?” nakataas na kilay na tanong ni Jaemin.
“Hindi nga siya nagbibiro, pre gago.” pagsang-ayon ni Yangyang.
🦋🦋🦋🦋🦋
“Let’s go, Asul.” pagtapik ni Jaemin sa manibela ng kanyang sasakyan na pinangalanan niya dahil sa kulay nito.
Inayos niya ang kanyang reserbang telepono sa lagayan nito at pinaandar ang sasakyan patungo sa kung saang daan tinuturo ng mapa. Wala naman siyang tiyak na oras ng byahe basta ba’t natripan niya, do’n lang siya magmamaneho at talaga namang alas tres ng madaling araw niya ginusto. Habang tinatahak ang daan, naging pamilyar ito kay Jaemin at hindi nga siya nagkakamali. Dinala siya ng kanyang sasakyan sa unang pasahero niyang galing sa isang club na madalas nilang pagtambayan noon magkakaibigan kaya kahit nakapikit si Jaemin, kaya niyang i-maneho ang papunta rito.
Kahit malapit na sumikat ang araw, kitang-kita ang makukulay na ilaw at rinig na rinig ang ingay na nanggagaling sa loob. May iilan na ring tao na nasa labas at nagpapawala siguro ng tama ng alak sa pamamagitan ng paninigarilyo (na hindi kailanman ginawa nilang magkakaibigan) at iilan naman ay halatang wala na sa wisyo’t nakakatulog na sa kung saan-saan. Memories hahaha.
Nabalik lang ang atensyon ni Jaemin nang may marinig siyang nagtatawanan papalapit sa kanyang sasakyan. Apat itong magkakaibigan at dalawa ro’n ay buhat-buhat ng natitirang dalawa. ‘Yung isa, nakakapaglakad pa kahit papaano basta’t may alalay pero ang isa ay halatang babagsak na kapag binitawan. Binuksan ng isa sa kanila ang pintuan ng passenger seat at do’n isinalampak ang isang lalaking nilalabanan ang antok dahil sa pagpikit at bukas ng mga mata nito.
“Punyeta, hindi na talaga ako sasama kapag itong gagang ‘to ang mag-aaya. Akala mo mauubusan ng alak kung makalagok sa bote.” pagrereklamo ng kaibigan nito nang maiupo siya.
“Kuya, paki-ingatan na lang po ito, ah? Alam ko pangalan, kulay at tatak ng kotse, at plate number mo. Kapag may nangyari sa kaibigan ko, ako mismo maghahanap sa’yo.” pagbabanta naman ng isa nitong kaibigan na naiwang may inaalalayan. Isang tango naman ang iginawad ni Jaemin bilang sagot.
“H-huwag niyo ngang t-takutin si Kuya. Ang b-bango kaya ng kotse n-niya.” sinisinok na sagot ng lalaking pasahero ni Jaemin.
Pinandilatan na muna nila si Jaemin bago isara ang pintuan ng kotse. Isang malalim na hininga naman ang pinakawalan niya na hindi niya namalayang kanina niya pa palang pinipigilan. Tinignan niya muna ang kanyang pasaherong nakangiti sa kawalan at humahagikhik pa nang mahina tila tama na lang ng alak ang dumadaloy sa buong sistema nito bago sumakay sa driver's seat. Hindi rin naman mapigilan ni Jaemin mapangiti pero agad din binawi nang maalala kung ano ang pakay niya rito.
“Sir, ihahatid ko na po kayo sa naka-pin niyong lugar. Pakisuot na lang po ng seatbelt.” sabi ni Jaemin bago pinaandar ang makina ng sasakyan.
Tinignan lamang siya ng lalaki.
“Sir, yung seatbelt po.” ulit nito.
“Jeno?” sagot naman nito pabalik.
“Jeno, i-ikaw ba ‘yan? Dito ka na ba ulit sa akin?”
“Hindi po ako si Jeno, Sir.”
“Hindi ikaw? Eh, si Jeno lang naman naghahatid-sundo sa akin.”
“Grab driver lang po ako. Pakisuot na po ng seatbelt nang makaalis na po tayo.”
“Ayaw ko. Si Jeno nagsusuot ng seatbelt ko.” pagmamatigas nito at talagang tumalikod pa kay Jaemin.
Isang buntong-hininga na naman ang nailabas ni Jaemin. Mabuti na lang at sanay na siya sa mga ganitong pag-iinarte dahil sa kaibigan niyang si Yangyang. Dahan-dahan niyang hinarap ang lalaki sa kanya at tinitigan ito nang mabuti.
“Sir, kailangan niyo po suotin ang seatbelt nang makauwi na kayo.” pakiusap ulit ni Jaemin gamit ang mahinahong boses nito. Wala naman sinagot ang binata at tinitigan lang siya kaya’t nang makaalis na sila, siya na lang ang nagsuot nito para sa kanya.
“Matulog po muna kayo para mahimasmasan kayo pagdating natin sa bahay niyo.” huling paalala ni Jaemin bago pinaandar ang kotse.
“Huwag ka na ulit aalis, ah?” bulong nito bago ayusin ang pagkakaupo para simulang matulog.
Nilingon siya ni Jaemin saglit at bahagyang sinagot ang binata kahit halata na ang lalim ng tulog nito.
“Pahinga ka muna, Haechan Lee.”
🦋🦋🦋🦋🦋
“Sir, gising na po. Nakarating na po tayo sa bahay niyo.” mahinang pag-alog ni Jaemin sa pasahero niyang napasarap na ang tulog at hindi na maistorbo. Isang ingit naman lumabas dito hangga’t sa madilat na ang mga mata.
“Sir, uwi na po kayo. Bayad naman na ng mga kaibigan niyo yung pamasahe.”
“Aki, buhat.” sambit nito habang nagkukusot ng mga mata.
“P-po?”
“Buhat.”
Naiwang nakatingin si Jaemin sa lalaki dahil sa sinabi nito. Wala talagang ginawang pag-amba ng tayo ang kanyang pasahero para lumabas na ng sasakyan at balak pa atang ituloy ang tulog sa kung paano ito naghahanap ng magandang pwesto para ihilig ulit ang ulo sa bintana. Ginulo ni Jaemin ang kanyang buhok dahil sa unti-unting paggapang ng inis sa kanyang katawan pero mas pinipili pa rin niyang maging mahinahon dahil una, trabaho niya ito at pangalawa, lasing.
Lumabas si Jaemin ng sasakyan at pumunta sa kabilang gilid kung saan ang pinto ng passenger seat. Binuksan niya ito at tinignan ang kalagayan ng binatang mahina nang humihilik.
“Sir, aalalayan ko na po kayong tumayo. Bangon na po.” magalang na sabi ni Jaemin.
Marahan naman pumiglas ang binata sa pag-alalay ni Jaemin.
“Buhat sabi eh.” pagmamaktol nito.
Wala nang magawa si Jaemin at gusto na lang niya matapos ito’t makauwi na sa unit niya dahil ilang oras na lang ay aabutan na sila ng sikat ng araw.
“Sir, bubuhatin na po kita, ah?” pagpapaalam ni Jaemin nang hawakan niya ang likod at likod ng mga tuhod nito. Muntikan pa silang mahulog pareho nang magulat si Jaemin sa paghapit ng lalaki sa kanyang leeg gamit ang mga braso nito habang sinisiksik ang kanyang mukha.
Pagkarating sa harap ng bahay, halatang walang tao sa loob dahil walang ilaw na nakabukas. Hindi alam ni Jaemin ang gagawin dahil ang taong buhat-buhat niya ngayon ay mahimbing nang natutulog sa leeg niya at minsan pa’y hinahapit siya lalo. Dahil na rin sa ngalay, dahan-dahan niyang binaba sa sahig ang lalaki. Ngayon, nagkakaroon siya ng munting pagtatalo laban sa kanyang sarili kung iiwan na lang niya ba ang pasahero niya sa labas o ipapasok na mismo sa loob. Isang mahinang mura na lang ang nasabi ni Jaemin tsaka yumuko para kapkapin ang mga bulsa ng lalaki at hinanap ang susi o kahit ano man para mabuksan ang pinto at sa kabutihang-palad, nakasabit lang ito sa pantalon niya kaya agad itong kinuha ni Jaemin.
Sinalubong siya ng dilim pagkabukas ng pinto. Pumasok siya saglit para hanapin ang pindutan ng ilaw at sinimulang buksan ito. Binalikan niya ang binata sa iniwanan niyang pwesto nito sa tabi ng pinto at nakitang nakahilig na ang mukha sa pader tila hindi natitinag sa pagtulog. Matatawa na sana si Jaemin nang maalalang siya rin pala ang magpapasok dito. Umamba ulit nang buhat si Jaemin pero hindi pa lumalapat ang kanyang mga braso ay hinagkan na siya ng binata.
“Aki, bango.” bulong nito sa leeg niya.
Sandaling natigilan si Jaemin, naiwang nasa ere ang mga braso. Kanina pa siya tinatawag ng lalaki sa isang pangalang hindi naman kanya. Nang makabawi, agad niya itong binuhat ulit at naglakad papasok sa bahay. Bilang isa pa rin siyang estranghero, inilapag niya lamang ang lalaki sa sofa nito. Inayos niya ang pagkakahiga sa unan at kahit gusto niya man, hindi niya ito mabigyan ng kumot dahil malamang ay nasa kwarto ‘yon kaya’t wala na siyang nagawa.
Naglakad na si Jaemin papalabas at bago tuluyang umalis, nilingon niya nang huling beses ang kalagayan ng binatang malalim na ang tulog sa sofa at dahan-dahan isinara ang pinto para siya naman ang umuwi.
🦋🦋🦋🦋🦋
“Dude, did you even sleep a wink last night?” pambungad na bati ni Mark sa kakarating lang na Jaemin sa personal office nito.
“Huwag mo akong simulan, masakit ulo ko.” dumiretso ito sa mini sofa ng office ni Mark at sumalampak ng higa habang nakapikit ang mata at hinihilot ang sentido. Napadilat saglit si Jaemin at napaupo bigla nang may maalala. Talaga naman pati sofa, naknang.
“Bagong bili lang ‘yan, Jaem. Don’t look at it like someone puked on it.” napapikit nang ilang beses si Jaemin, hindi namalayan na iba na pala tingin niya sa kanyang inuupuan. Bumalik ito sa pagkakahiga at naiwang nakatulala sa kisame.
“Something happened last night? You never even experienced eyebags when we were in college.” pangangamusta ni Mark nang makita ang kalagayan ng kaibigan. Bihira lang ito lumabas kaya gulat na gulat si Mark nang biglang pumasok na walang pasabi ang binata.
Tila walang narinig si Jaemin kaya’t tinapunan ito ng tingin ni Mark. Sinitsitan na rin niya ito at halatang malalim ang iniisip. Napairap si Mark bago batuhin ng takip ng ballpen si Jaemin.
“Ba’t kailangan mamato? Parang bata naman ‘to.” pagrereklamo niya.
“You’re so out of it, Jaem. Para kang nakakita ng multo kagabi and the funny thing is, you don’t even believe in them. Heck, mas naniniwala ka pang magbabago si Yangyang once na siya na maghandle ng company nila.”
“Naghatid ako ng lasing kagabi.”
“What? Wala naman napag-usapang mag-iinom kagabi? You went out last night on your own? Dude, are you even okay?”
“Dami mo naman tanong, Mark. Wala pang tulog yung tao oh.”
“So, sino nga hinatid mo?”
“Pasahero.”
Tinignan ni Mark si Jaemin na para bang tinubuan ito ng panibagong ulo. Talaga palang sineryoso niya ang pagrerehistro ng bagong sasakyan niya sa Grab. At napili pang bumyahe nang dis-oras ng gabi.
“Let me guess, the first passenger was a drunkie?”
“Drunkie? Wasted ang tamang term.” hindi makapaniwalang tawa ni Jaemin habang naaalala na naman ang lalaking hinatid kagabi.
“As if hindi ka naman sanay kay Yang.”
“That’s different, Mark. Kaibigan natin ‘yan. Pasahero ko lang ‘yon. Complete stranger.” paglilinaw nito na may diin ang huling sinabi.
“So, what’s the catch?”
“Anong catch? Wala. Hinatid ko siya sa bahay niya. Tapos.”
“And you look like you’ve gotten out of hell, yeah?”
“Napakamalisyoso mo.”
“I am not even saying anything!” mapang-asar na sabi ni Mark habang tumatawa.
🦋🦋🦋🦋🦋
“Asul, let’s spend the night away. Again.” bulong ni Jaemin nang binigyang buhay ang sasakyan. Time check: 2:30am.
“You’ve got to be kidding me.” hindi makapaniwalang bulalas ni Jaemin nang nakita kung saan na naman naka-pin ang lokasyon ng kanyang unang pasahero. Midterms ba ngayon? Finals? Why are people at clubs?
Nagrereklamo man sa kanyang sitwasyon, wala rin siyang nagawa at pinaandar na ang sasakyan.
Kasalukuyang nakaparada sa tapat ng club ulit si Jaemin, hinihintay ang kanyang pasahero dahil nabatid naman siguro ng Grab App na nakarating na siya. Matiyaga siyang naghihintay sa loob ng kotse habang nakikinig ng mga paborito niyang kanta pero masyado na atang natatagalan ang taong ihahatid niya sa kung saan.
Pinatay niya muna si Asul para hindi aksayado sa gas at lumabas para do’n hintayin ang kanyang pasahero. Tulad no’ng gabing may sinundo rin siya rito, walang pinagbago ang buhay na buhay na musika at nag-iibang mga kulay ng ilaw sa loob salungat sa mga taong halos mawalan na ng malay na nakapaligid sa labas. Pero ang ingay ng loob ay biglang narinig sa labas nang sunod na nagsilakad ang dalawang lalaking tila naghahabulan sa bilis ng yapak.
“Ano ba! Bitawan mo nga ako! Panira ka ng bonding namin magkakaibigan.”
“Kakainom niyo lang no’ng nakaraan, iisa na naman kayo?”
“Anong pake mo? Ikaw ba masisiraan ng atay?”
Bulgarang nag-aaway ang dalawang lalaki sa harap ni Jaemin. Pinagtitinginan na sila ng ibang mga tao pero parang wala silang nararamdaman kun’di ang inis ng isa’t isa. Walang sinuman ang umaambang umawat dahil ramdam ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Nasaan mga kasama nito?
“Haechan naman. Mag-aaway na naman ba tayo?”
“Wow, Jeno Lee. So, ano? Ako na naman may kasalanan, gano’n? Eh ikaw ‘tong bigla-biglang manghahablot ng braso. At bakit ka ba nandito? Akala ko ba pagod ka na sa akin? ‘It’s not you, it’s me.’ amputa ano ‘to, internet love?”
“Haech, please. One more chance, hmm? Aki?”
“Hindi ako si Basya, Jeno kaya tigil-tigilan mo ako sa chance-chance na ‘yan. Lutang ako madalas pero hindi ako tanga. Nasaan na ba sina Renjun? Puta naman.”
“See? Walang maghahatid sa’yo pauwi. Let’s go to my car, Haech.”
“Mayroon maghahatid sa akin! H-hinihintay ko lang sina Renjun para magpaalam!”
“Really? Nasaan na siya ngayon?”
Luminga-linga ang binata tila naghahanap ng mumunting ilaw na nanggagaling sa lansangan para makakita ng kahit ano mang sasakyan na papalapit sa kanila. Tanda niyang inutusan niya si Renjun na ipag-book siya ng Grab nang nalaman niyang nando’n si Jeno dahil iniiwasan nga niya itong makita o makasalubong. Wala siyang maramdaman na paparating na sasakyan kada segundong lumilipas hangga’t sa nagkasalubong mga tingin nila ni Jaemin na prenteng nakasandal lang sa kanyang sasakyan.
Halata ang gulat sa mga mata nilang pareho ngunit sa magkaibang dahilan.
Gulat si Jaemin dahil siya ang hinatid niya no’ng nakaraan.
Gulat si Haechan dahil nagkaroon siya ng pupwedeng lusot sa sitwasyon.
Tumalikod si Haechan at mabilisang tinahak ang daan papunta sa harap ni Jaemin at bahagyang ngumiti ito, kita ang hiya at pagmamakaawang sana sumabay siya sa gagawin niya.
“Hi, Tangi! Nandito ka na pala, hindi mo man lang sinabi sa akin.” sambit ni Haechan sabay yakap nang mahigpit kay Jaemin. Mas lalong lumaki ang mga mata nito sa gulat dahil sa sinabi at ginawa ng binata pero marahan itong bumulong “Please, Kuya sumakay ka na lang muna hangga’t sa umalis lang siya.”
Huminga nang malalim si Jaemin bago dahan-dahan niyakap ito pabalik at nakahinga naman nang maluwag ang isa. Isang mahinhing bulong ng thank you ang iginawad sa kanya ng binata bago kumalas sa yakap at humarap kay Jeno.
“Oh, andito na sundo ko. Pwede ka nang umalis.” pagtataboy ulit ni Haechan.
“Haechan, sino ‘yan? I’ve never even met that man in your life.”
“Bakit? Kailangan ba kilala mo buong populasyon ng mga kilala kong tao sa Pinas? Umuwi ka na sabi, mahiya ka naman.”
“I am not going anywhere until you prove me that you really have something with that guy.” pagmamatigas ni Jeno.
Narinig ni Jaemin na nagpakawala ng mahinang tangina si Haechan at unti-unting humarap ulit sa kanya. Bago pa niya matanong sa binata kung bakit ito bumulong ng isang mahinang sorry, nagulat na lang siya nang may maramdamang malambot na dumampi sa kanyang labi.
Tangina nga.
Isa, dalawa, tatlo…
Ilang segundo na ang nakalipas pero hindi pa rin tumitigil si Haechan at talagang hinigpitan pa ang hawak niya sa damit ni Jaemin. Gusto man itulak ni Jaemin, bigla na lang iginalaw ni Haechan ang kanyang labi..
Tangina talaga.
Nakita ni Jaemin na nakapikit na ang binatang kaharap niya kaya pinabayaan na lang niya ang sarili na magpatianod sa galaw ng kanilang magkadikit na labi. Dahan-dahan lumapat ang mga kamay ni Jaemin sa bewang ni Haechan at ipinulupot naman nito ang mga braso sa leeg ni Jaemin. Patuloy nila itong ginagawa at minsan pa’y titigil para humanap ng maayos na anggulo, tuluyan na rin nilang nakalimutan ang mga tao sa paligid lalo na ang lalaking dahilan kung bakit sila may pinapatunayan kahit hindi naman kailangan.
“Tangina talaga ng gagita mong best friend, Renjun! Masasabunutan ko talaga ‘yon kapag nakita ko. Nasaan na ba ‘yon?”
“Ewan ko! Hindi pa gumagalaw ‘yung binook ko–TANGINA, DEJUN! ANG BATA! ANG BATA, DEJUN! TAKPAN MO ‘YUNG MATA! HINAYUPAK.”
“KUYA, ARAY! ARAY! BENTE DOS ANYOS NA AKO, ANONG BATA?”
“MANAHIMIK KA, CHENLE. KUNG HINDI, HINDI NA KITA ITATAKAS KAY MAMA.”
Doon natigil ang kababalaghang nangyayari kay Jaemin at Haechan. Pareho silang naghahabol ng hininga sa ilang minuto nilang… magkadikit. Saglit silang nagkatitigan at nagpapasalamat si Haechan na madilim dahil ramdam niya ang init ng kanyang mga pisngi. Nang makabawi ng hininga, marahan ito tinulak ni Jaemin kaya’t pareho silang nag-iwas na rin ng tingin.
“Aray! Renjun naman!”
“Anong ‘Renjun naman’? Wala ka nang ginawang tama sa buhay mo, Haechan Lee! Hindi ka pa nga tapos kay Je–Hmph!”
Luminga-linga ulit si Haechan habang takip ang bibig ni Renjun, sinisipat ang lalaking hinahabol lang siya kanina. Nang hindi na makita, binitawan niya na rin ang kaibigan na agad naman siyang sinabunutan.
“Sadista ka talaga! Kanina ka pa ah!” pagrereklamo ni Haechan.
“Hindi lang ‘yan matatanggap mo sa akin kapag hindi mo sasabihin kung anong maling desisyon na naman ang ginawa mo!”
“Ayaw umalis ni Jeno, okay?! Edi sinabi ko na may susundo na sa akin eh kaso, wala pa ata ‘yung grab na binook m—” pagpuputol nito ng kwento at natigilan, tila nahimasmasan sa nagawang kalokohan. Oh my god. OH MY GOD KAYO!
Agad napatingin si Haechan sa lalaking kasalukuyang inaayos ang kanyang nagusot na damit. Bukod sa kanya, napalingon na rin ang tatlo niyang kaibigan dito. Naramdaman ni Jaemin na may mga matang nagmamasid sa bawat galaw niya kaya’t inangat niya ang kanyang tingin at napatikhim nang makitang may apat na pares ng mga matang mariin siyang pinagmamasdan.
“Aray, puta! Nakakarami na kayo ah!” pag-angal ni Haechan sa kurot ni Dejun.
“Tangina ka, ayan yung grab driver mo! Tignan mo plate number!” sagot ni Dejun.
Nang makumpara ni Haechan ang mga numerong nakalagay sa telepono at sa harap ng kotse ay iisa, agad itong napalunok at unti-unting ginapangan ng hiya sa katawan na sana nagkaroon siya kanina.
“Hala ka, Kuya Haech. Nakipag-momol ka sa grab driver mo.” paglilinaw ni Chenle na hindi naman kailangan dahil pare-pareho nilang alam.
Katahimikan. Literal. Walang may balak magsalita.
“Pwede ko na po ba kayong ihatid?”
🦋🦋🦋🦋🦋
Kung gaano kaingay sa lugar na nilisan nila, gano'n katahimik sa loob ng sasakyan ni Jaemin.
Kasalukuyan niyang minamaneho si Asul nang isang kamay lang ang gamit at ang kaliwa niya'y abala sa paghagod sa kanyang nagulong buhok kanina. Sa kabilang banda naman ay kanina pa nginangatngat ni Haechan ang kanyang mga kuko sa daliri kahit napupudpod na ang iba basta may pagkaabalahan lang siya dahil hindi niya kinakaya ang nananalaytay na katahimikan sa pagitan nilang dalawa.
Hindi alam ni Haechan saan sisimulan ang paghihingi ng tawad sa binatang taimtim na nakatingin sa daan. Kanina pa niya iniisip ito nang magsimula silang bumyahe papunta sa apartment niya at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang magandang panimula dahil nauunahan siya ng hiya.
"Uy, sorry sa halik kanina hehe."
"Thank you sa kiss kasi mukhang naniwala ex ko."
"Ako ba first kiss mo? Ikaw kasi una ko, eh."
"Haha gagi, ang bango mo pal—"
"You want to play a song?"
"Ay isa pa nga!"
Putangina naman, Haechan Lee.
"Ano?"
"H-huh? song? Sige lang haha."
Pinindot ni Jaemin ang bluetooth para maka-connect si Haechan. Akala ko phone niya gagamitin haha nakalimutan kong nakabukas Waze niya.
Sandali siyang nagscroll sa mga playlist niya at nang walang makitang kaaya-ayang ipatugtog, pinindot na lang niya ang shuffle at hinayaan kung ano mang kanta ang lalabas.
Na mukhang sana hindi na lang niya ginawa.
I look at her and have to smile
As we go driving for a while
Her hair blowing in the open window of my car
Tulad ng inaasahan, pareho silang napatigil at saglit nagkatapunan ng tingin sabay iwas din.
"S-sorry. Shinuffle ko kasi wala ako mapili. P-palitan ko na la—"
"No, it's okay. I kinda like that song."
Napatikhim at napatango na lang si Haechan sa sinagot ni Jaemin at hinayaan na lang ang kantang tumugtog sa loob ng sasakyan. Umayos siya ng upo at hindi namalayang nakataas na pala ang kanyang mga paa dahil sa lamig na nararamdaman. Nakailang inom din siya kanina pero hindi ito sapat para dumaloy ang init sa buong katawan. Napansin naman ito ni Jaemin kaya't saglit niyang tinignan ang binata at sakto namang nagkulay pula ang ilaw trapiko.
And as we go, the traffic lights
I watch them glimmer in her eyes
In the darkness of the evening
"Are you cold? Hinaan ko yung AC kung gusto mo."
Para namang natauhan si Haechan sa kanyang posisyon at agaran napalingon kay Jaemin para umiling nang paulit-ulit.
"Hindi! Sakto lang, haha. Sorry. Nasanay lang."
"When that Jeno guy fetches you?"
Sapul.
Sasagot na sana si Haechan nang mag-berde ang ilaw kaya pinaandar na ulit ni Jaemin ang kanyang kotse at dito tinuon ang buong atensyon. Wala naman nagawa si Haechan kung hindi ang ngumuso.
We stop to get something to drink
My mind clouds and I can't think
Scared to death to say I love her
"Sandali. Hindi ito yung daan papunta sa apartment ko."
"I know."
Nataranta si Haechan dahil imbis na dire-diretso sila, lumiko pakaliwa si Jaemin at taliwas ito sa daan niya pauwi. Alam niyang fixed price ang pamasahe sa Grab pero sa nangyari kanina, malaki ang utang na loob ni Haechan. Kinakabahan na siya sa kung saan sila pApunta dahil wala siyang perang dala. What if ibenta niya laman loob ko sa black market? Huhu Lord, magpapakabait na ako kay Renjun please, iuwi niyo lang ako na kumpleto organs ko.
"Anong order mo?"
"Ay, kidney!"
Kinagat ni Jaemin ang loob ng kanyang pisngi, paraan niya ng pagpipigil ng ngiti dahil sa itsura ng kasama. Nakaharang ang dalawang braso nito sa dibdib niya at nakataas na naman ang mga paa habang nakapikit.
"You're right."
"Huh?"
"Hindi ka tanga pero madalas ka nga lutang."
Do'n napadilat si Haechan. Tumambad sa kanya ang nagpipigil ng tawang binata habang nakahawak sa steering wheel at sa bukas niyang bintana. Dahan-dahan ulit siyang kumalma at inayos ang sarili.
"Ano ulit 'yon?"
"Nasa Mcdo tayo. Ano order mo? Don't worry, it's on me."
"Huh? Ako na. Nakakahiya."
"Nahihiya ka pa sa lagay na 'yan, ah?"
Nanahimik na naman si Haechan sa sinabi ni Jaemin at nag-init na naman ang mga pisngi nang maalala ang pangyayari kanina dahil sa sinagot ng binata.
"Two hot brewed coffee, two large shake shake fries bbq and cheese, and two quarterpounder with cheese solo. Thank you."
Then the moon peeks from the clouds
I hear my heart, it beats so loud
Try to tell her simply
"You can eat while I'm driving. Para diretso tulog ka na lang pag-uwi." sambit ni Jaemin nang umalis na sila sa drive-thru ng Mcdo habang inaabot kay Haechan lahat ng inorder nila. Niya.
"Paano ka? Mukhang pagod ka na rin. Park ka muna kaya?" suhestiyon ni Haechan para pareho silang makakain nang maayos. Aaminin naman niya, gutom na talaga siya pero nakakahiya na talaga.
"You sure? Pwede ko namang kainin mamaya pagkahatid sa'yo."
"Sige na, hanap ka na ng pwedeng parking-an."
Nang makahanap, agad tinigil ni Jaemin si Asul at humarap kay Haechan. Agad naman inabot ng binata ang pagkain niya.
"Panget na kasi ang kape at burger kapag lumamig tapos lalambot din yung fries." pagrarason ni Haechan. May gusto na namang sumilay na ngiti sa mga labi ni Jaemin pero tinago niya ito sa pagtango-tango sa sinabi ng kasama.
Tahimik lang sila habang kumakain, paminsan-minsan ay nagnanakaw ng mga tingin sa isa't isa na hindi rin nila napapansin pareho. Nang hindi na kayanin ni Jaemin, tsaka lang siya nagsalita.
"What's with that Jeno guy—gago, okay ka lang?" dali-daling tinulungan ni Jaemin si Haechan uminom ng kape nang mabilaukan ito sa burger na kinakain. Nagulat kasi ito sa tanong niya kaya't nalunok nang buo ang pagkain na nasa bibig.
"If it's none of my business, it's okay not to—"
"We've been together for a year and a half. Nakilala ko siya sa work ko. Matagal na siya do'n pero ako bagong salta lang tapos nasaktuhan na siya naging team manager ko, boss ko kumbaga. Nung una, trabaho lang naman talaga ang aatupagin ko ro'n kaso siya 'tong makulit kaya ayon. Tamang date lang d'yan do'n. Tapos recently, parang nawawalan na siya ng oras sa akin eh imposible naman na dahil sa trabaho kasi pareho naman kami ng pinapasukan t'as ayon, nalaman ko nito lang na up for promotion pala siya. I mean, hindi naman ako against do'n eh. Puta, baka magpa-fiesta pa ako para sa kanya. Ang akin lang, sana sinabi niya sa akin kasi hinihintay ko siya. Tapos ang rason niya pa kung bakit siya nakikipaghiwalay sa akin eh, pagod na raw siyang balansehin ang trabaho at pagiging jowa ko. T'as balak makipagbalikan sa akin kasi next week na iaannounce yung promotion niya. Kung 'di ba naman isa't kalahating gago." tuloy-tuloy na kwento ni Haechan.
"Kaya ka naglasing no'ng nakaraan?"
"Huh? Paano mo nalaman?"
Shit.
"S-sinabi ni Jeno kanina na kakainom niyo lang no'n, eh."
"Ah 'yon? Oo, siya dahilan no'n. Nakakahiya nga kila Renjun kasi wala talaga akong pake no'n basta magpapaka-lasing ako. Ni hindi ko nga alam paano ako nakauwi eh hahaha."
Oh, and I know
That this love will grow
And I've got all that I need
Right here in the passenger seat
Oh, and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me
"Are you done eating? Hatid na kita?"
"Tara na."
Muling pinaandar ni Jaemin ang sasakyan at sinimulan ulit tahakin ang ruta papunta sa apartment ni Haechan. Tapos na silang kumain kaya't nabalot na naman ang hangin ng katahimikan pero 'di tulad kanina, walang namamagitan na kahit anong tensyon o hiya rito.
"Uy ano pala, sorry sa kanina."
"For what?"
"A-ano... 'yung ano. Alam mo na 'yon."
"I don't know what you are talking about."
Lakas ng trip, asar.
"Sa ano, sa k-kiss."
"See? It's not that hard to say it."
"Anong not hard? Nakakahiya kaya."
"Seems like it doesn't. Hinahabol mo pa labi ko."
"K-kapal mo naman! Dapat nga mag-sorry ka rin sa akin eh kasi first kiss ko 'yo—GAGO KA NAMAN!"
Biglang inapakan ni Jaemin ang preno ng sasakyan. Halatang-halata ang gulat sa mga mata nilang dalawa.
"It's your what?!"
"First kiss ko! Ano namang nakakagulat do'n?"
"Hindi kayo naghahalikan ni Jeno?"
"Hindi kasi ayoko! Kaya nga 'yon ginawa ko para mapaniwala siyang may something tayo eh. Pwede bang tanggapin mo na lang sorry ko? Naiilang na ako sa kiss-kiss na 'to."
Pinabayaan naman ni Jaemin si Haechan sa kagustuhan nito. Muli niyang pinasadahan ang daan pauwi sa apartment ng binata pero nananatili sa kanyang kaisipan ang mga sinambit nitong kataga kanina. First kiss, gano'n ka-agresibo humalik? Nangangagat ng labi? Napakagat ng labi si Jaemin sa naalalang pangyayari sa kanila ng kasamang binata.
"Ako pala si Haechan. Haechan Lee. I think deserve mo naman malaman pangalan ko pero please, huwag mo akong demandahin ng harrassment huhu."
Tinigil na ni Jaemin ang kotse nang nasa tapat na sila ng apartment ni Haechan at napansin naman ito ng binata kaya't tinanggal na niya ang kanyang seatbelt pero hindi pa ito lumabas dahil hinihintay niya ang sagot ni Jaemin.
"Jaemin. Jaemin Na. And I said it's fine. Lawak ng imagination mo."
"Okay, Jaemin. Ingat ka pauwi. Keep the change na lang pala hehe pang-gas din."
"Pahinga ka na, Haechan Lee."
Isang ngiti ang iginawad ni Haechan kaya't nahawa rin si Jaemin nang tignan niya ito. Ilang saglit pa sila nagkatitigan at natawa nang wala pang kumikilos sa kanila. Nauna nang bumaba si Haechan ngunit nanatili pa rin sa labas, hinihintay makaalis si Jaemin. Bumusina si Jaemin bilang paalam kay Haechan at dire-diretso nang nagmaneho papauwi hangga't sa hindi na matanaw ni Haechan ang sasakyan. Nakangiti itong naglalakad ngunit unti-unti rin naglaho nang mapagtanto ang isang bagay at sandaling napatigil.
Jaemin. Jaemin Na. J.Na. JNA Commercial Corporation.
Putangina. Anak ng may-ari si Jaemin ng kompanyang pinapasukan ko?
