Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Categories:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2026-06-04
Updated:
2026-06-04
Words:
3,414
Chapters:
1/?
Hits:
24

sana walang magbago

Summary:

Sa gitna ng pagkakaibigan at lihim na pagkagusto, pilit ipinatitibay ni Jeno ang kanilang pagkakaibigan habang mayroong lihim na pagtingin kay Jaemin — bawat maliit na kilos lang ang nagpapahirap sa pag-deny. Aamin ba siya at ire-risk ang lahat, o itatago na lang para manatiling pareho ang lahat?

Chapter 1: deny lang hangga't kaya!

Chapter Text

Hindi na rin alam ni Jeno kung bakit siya dumating sa puntong ‘to. Kuntento naman siya sa kung anong mayroon sa kanila. Graduating student na siya from Senior Highschool, marami rin siyang responsibilidad bilang anak sa kanilang bahay. She was also casted for their film during mid-year project na sakop ng tatlong minor subject (na halos kapantay na rin ng isang major subject), and lastly, kailangan niya pang makitang magkaroon ng healthy relationship lahat ng kaibigan. Oo, siya nang single.

 

Okay naman siya talaga eh. Simpleng happy crush sa gilid na palagi nalang olats dahil halos lahat ng naging crush niya ay may jowa. Halimbawa, ang isa sa kaibigan niyang si Winter na kaniyang dahilan ng kilig noong grade 10, na itinigil din ni Jeno dahil sa intuition niyang may kausap na si Winter, na siya namang tunay (pwede na yata siyang manghula sa Quiapo). O kaya naman ang naging crush ng kaibigan niya na si David, na pilit niyang dinedepensa na nauna naman siya (Pero who knows? Pareho silang torpe at denial ng kaibigan niya e). Isa naman ay si Lei, na tiga-ibang strand. Iyon na dapat ang last eh, kaso ayun… may kausap. At ang twist, iyong crush niyang kaklase niyang babae ay ex-talking stage noong kausap ni Lei. What a small world ba?

 

Ang gulo hindi ba? Kaya mas lalong naguluhan si Jeno nang nakatulala siya sa upuan ng bahay ng kaibigan nya. Nasa bahay ni Karina silang magka-kaibigan. Halos sampu sila at talaga namang napakaingay. Ngunit, alam nila sa sarili nilang kapag may isang kulang ay hindi talaga kumpleto, ramdam na ramdam mo ang puwang sa pagitan nila. Ngunit ngayon, iilan lamang silang nandoon. Nagkalat ang straws at tela sa sahig habang kumakanta ang iba. Mayroon ding nagsisigawan dahil hindi sila magkaintindihan sa ingay ng pagkanta ng iba nila mga kaibigan. Hindi rin mawawala ang mga tawanan at kulitan.

 

“Hoy! Awat na muna kanta!”

 

“Wala kang pake! Nyenyenye,”

 

Galing silang school event at ngayon ay gumagawa ng costume para sa performance kinabukasan. Kahit na alam nila sa sarili nilang isasawalang-bahala na lamang ng kanilang mga kagrupo ang costume na kanilang ginawa matapos ang performance, patuloy lang silas a pag tahi, pag-dikit at pag bibilang. Nakakapagod, oo, pero wala silang choice kung hindi gawin iyon. Dahil buong strand nila ay naka-salalay sa costume na ito.

 

“Tangina naman, bakit pa kasi kailangan ito eh bukas pagkatapos itatapon din naman nila ito,” Reklamo ni Haechan, isa sa mga kaibigan ni Jeno. Siya ang pinakamatanda sa lahat, ngunit siya rin ang pinakamareklamo.

 

“Wowch si mura, no choice man tayo, ma-bash tayo ng buong strand niyan tingnan mo.” Sagot naman ni Jeno.

 

Napalingon naman silang lahat nang tumawa si Winter, na pinapanood ang performance nila. Isa kasi siya sa mga performers ng kanilang variety show. Ilang oras na yata niya pinapaulit-ulit ang video na iyon. Pati yata tawa ng mga manonood ay nakabisado na nila kakaulit ni Winter. Sobrang kulit ni Winter, siya yung tipong kada segundo yata ng performance video ay ippause niya para lamang mapanood ng maayos.

 

Napamura nalang ulit si Haechan at binitawan ang mga straws na hawak, tsaka kinuha ang cellphone. Napailing naman si Jeno at patuloy na nagdikit ng mga straws sa kanilang tela. Mayroon pang ibang tao doon. Nandoon din si Giselle na sumunod lang sa bahay ni Karina upang makikain. Habang si Jisung ay busy magdikit ng straw sa costume gaya ng ginagawa ni Jeno. Tumigil muna sila sa kakadikit nang magsalita si Haechan.

 

“Wow! Inlove ba si Jaemin? Tingnan niyo note oh?” Napatingin naman si Jeno sa cellphone niya at tiningnan ang pinapakita ni Haechan. Ding!

 

INSTAGRAM
February 25, 2026
7:41pm

jdeyxlz : may damit ka bang pang-athlete?
jdeyxlz : kainiz kasi si tita rey, hindi ako siniseen


jyomi: waleyz
jyomi: for what ba?
jyomi: hindi ka raw rreplyan unless sagutin mo tanong niya

jdeyxlz: malamang for school paper

jyomi : kaya nga nagtatanong e
jyomi :ewan ko sayo
jyomi: nangaaway ka na naman

jdeyxlz : wala pa raw kayo nagagawa ah? as expected naman
jdeyxlz : lagi namang walang nagagawa kapag magkakasama kayo

jyomi : dedma sa bashers
seen

 

Napatingin ulit si Jeno sa usapan nila. Hindi niya alam bakit siya apektado, eh ano bang pakialam niya? Iyon sana ang gusto niyang mangyari. Ngunit hindi niya alam bakit hindi niya napigilang mag-comment tungkol doon nang makita ang profile ni Jaemin.

 

“Guys tingnan niyo oh, may ka-couple yata si Jaemin,” Natatawang sambit ni Jeno. It was supposed to be a joke, something to tease Jaemin about, it was about him. Ngunit bakit sa kaniya napunta ang usapan? Nais niya nang magpalamon sa lupa noong nakita niya ang reaction ni Winter, si Winter na mapangasar ngunit pinaka-matinong mag-advice.

 

“Alam mo, Jeno… ang halata mo.” Seryosong sambit ni Winter. Sa kanilang magkakaibigan, si Winter ang pinakabihirang magseryoso, kaya alam mo na kapag seryoso siya. Sa ilang buwan nilang pagkakaibigan, ito ang pangalawang beses niyang nakitang seryoso ang kaibigan.

 

Una, ay noong lumayo si Giselle sa kanila dahil sa attitude ng isa pa nilang kaibigan, na talaga namang hindi sila nagpansinan hangga’t walang nagbababa ng pride nila (For the note, almost one month hindi nagpapansinan si Giselle at si Somi). Ilang beses sinabihan ni Winter si Giselle na hindi mareresolba ang isang problema kung hahayaan niya lang ang isang tao na mag-isip kung ano ba talagang ginawa nila, dahil una, hindi manghuhula si Somi, at pangalawa, dapat niresolba na muna nila kung ano ang problema bago idamay ang buong circle. Napanood ni Jeno kung ilang beses nagsabi si Winter ng “Seryoso, Giselle.. sinasabi ko ito para mag-grow ka..” na sobrang layo sa isang Winter na nakikipag-sturdy battle.

 

Bumilis ang tibok ng puso ni Jeno. Hindi niya alam kung bakit, at ayaw niyang malaman ang dahilan. Natatakot siya sa sasabihin ni Winter, at sa sasabihin ng iba nilang kaibigan. Ayaw niya ng ganoon, yung nararamdaman niya nako-confront siya. Dahil ano pang takas niya sa isang taong hinarap siya sa isang bagay na ayaw niyang tanggapin, dahil once na tinanggap niya na ay magiging totoo na iyon, at iyon ang kinakatakutan niya.

 

“Anong halata?” Tangina, Jeno. Nakikita mo ba reaksyon ni Winter? Halatang kaunti na lamang ay sasabunutan ka na naman, tanga.

 

“Halatang gusto mo si Jaemin. Alam mo ba, dati pa namin napapansin iyon.” Oo na, Winter. Pwede ka ng manahimik kung ayaw mong patahimikin kita. Hindi ko gusto iyon, okay. Kadiri ka naman. Hahaha kainis naman itong lalaking ‘to.

 

“Gaga, hindi naman. Sinasabi nito,” Napatawa nalang si Jeno at nag-iba ng topic. Pilit niyang iniiwasan ng tingin si Winter, pero bwisit na iyan, mayroong namumutawi na bigat sa dibdib ni Jeno. Iyong tipong bigat na hindi agad maaalis, iyong bigat na matagal niya nang iniiwasan at ngayong nasa harapan niya na ay wala siyang magawa kung hindi mag-deny nang mag-deny.

 

"Ryel," Winter continued. "Sa tuwing magkakaroon ng space sa tabi ni Jaemin, palagi kang lumilipat doon. Lagi kang nag-aadjust para sa kanya, kapag naiinitan siya, bigla kang may pamaypay.” Napatalikod si Jeno sa kanya. Hindi niya na alam kung saan siya pupunta. "Hindi mo naman ginagawa 'yan sa akin," ulit ni Winter, mas mahina na. "Hindi mo naman ginagawa 'yan. Kay Jaemin lang."

 

Napatingin si Jeno sa mga kamay niyang hawak ang straw at tela. Hindi niya na alam kung paano i-deny iyon. Napatingin naman siya kay Karina na nakaupo sa kabilang dulo ng sofa, nakapanood sa performance video na katulad ni Winter. Si Karina ang dahilan kung bakit nabuo ang circle na ito—siya ang tulay sa buong pagkakaibigan nila. Pero hindi lang iyon. Malapit sa isa’t isa si Karina at Jaemin dahil parehas silang tranfer students. Noong una ay laging mag-isa si Karina, walang kakilala. Si Jaemin naman ay palaging tahimik, parang takot na makipag-usap sa iba. Pero noong naging close na sila ay nagkaroon sila ng simpleng pag-unawa kung ano ang pakiramdam ng pagiging bago, ng pagiging outsider. Kaya mas lalong kinakatakutan niya si Karina. Si Karina na bestfriend ni Jaemin, siya na laging kadikit ni Jaemin, na komportable si Jaemin.

Napatigil siya sa pag-scroll (na siyang way para umiwas kay Winter) nang mag-chat si Jaemin. Tangina naman oh, speaking of… Ding!

 

INSTAGRAM
February 25. 2026
8:31pm


jdeyxlz : jeno T^T
jdeyxlz : bakit ako nasusuka kapag kumakain T^T

 

Hindi ko rin alam please bakit sa akin mo tinatanong…

 

Hindi muna nag-reply si Jeno. Hinayaan niya munang ganoon ang usapan nila. Nanahimik na lamang siya habang pinapakinggan ang mga kaibigan niyang mag-usap tungkol sa mga bagay-bagay. Una ay sa lovelife ni Giselle, na kada buwan yata ay iba-iba ang kaniyang kausap. Ang kaniyang dahilan naman ay clean slate naman daw ang hindi nila pag-usap ng iba niyang ka-talking stage at walang sabit. Talagang dinepensahan niya ang sarili niyang malinis lahat, dahil alam niya sa sarili niya na hindi lang sermon ang maririnig niya kundi makakatanggap din siya ng mga batok at palo mula sa mga kaibigan niyang babae. Alam ng magkakaibigan kung gaano mabilis ma-attach si Giselle. Mahirap na rin at isa siya sa mga overthinker na tao, yung tipong kaunting pagbabago lamang ng iyong pakikitungo sa kaniya ang buong buwan niya iyong iisipin. Alam na alam ni Jeno iyon dahil naranasan niya nang lumayo kay Giselle. Maalalahanin siya, ngunit noong nag-sunod sunod ang problema sa kaniyang buhay ay hindi niya namalayang napalayo na siya kay Giselle, na siya namang ikinatampo ni Giselle. Alam ni Jeno iyon kaya humingi siya ng tawad kay Giselle.

 

Sunod naman na kanilang pinagusapan ay ang pagiging M.U ni Karina at ni Renjun. Si Renjun ay isa sa mga atlhete of the year ng kanilang eskwelahan. Umabot na nga siya ng Palarong Pambansa. Hindi sila yung M.U na sobrang bulgar, katulad nang isa sa mag-M.U sa kanilang classroom na buong school year yata ay hindi mapaghiwalay, at halos iniinggit ang buong klase. Speaking of M.U, nabanggit ni Winter na mayroon siyang naka-mutual noon, at alam ni Jeno kung sino iyon.

 

“Guys, alam niyo ba… may naka-M.U ako dati, almost 2 years yata kami.”

 

“Si ano ba yan, Winter?” Paninigurado ni Jeno. Okay, una sa lahat, ganoon magka-gusto si Jeno. Madali siyang makausad once na nalaman niyang may kausap ang crush niya. At nakakahiya mang aminin, kaya lamang siya nakausad kay Winter ay dahil sabay silang bumati ng ‘Happy Birthday’ ng kaniyang M.U kay Jeno noon. Una pa lamang ay napansin na ni Jeno ang messenger notes ni Winter at noong ka-M.U niya. Isinawalang bahala muna ni Jeno iyon ngunit sa sobrang kulit niya ay pilit niyang kinumbinsi ang sarili na may kausap si Winter, na siyang si Marian. Hinila ni Winter si Jeno sa gilid upang siguraduhin kung parehas ba sila ng taong nasa isip, at totoo nga, si Marian nga iyon.

 

“Shh ka lang, Ryel please. Huwag mong pagsabi kahit kanino, please.” Halos matawa si Jeno sa itsura ni Winter dahil nagmamakaawa talaga ito. Tumango lang si Jeno at nangakong hindi niya ito pagsasabi.

 

“Oo, I promise. Tsaka alam mo ba, kahit nakakahiya sasabihin ko na para sa ikapapaya nating lahat, dati ko pa alam na parang may something sa inyo ni Marian, gago kasi ang weird… pero ayun, lagi kasing magkatabi notes niyo noon sa messenger, parang nagsasagutan kayo. Kaunti nalang yata ay iba-block ko na kayo pareho kaso ayoko naman magpaka-bitter. Ship ko pa nga kayo until now eh..”

 

Napakamot naman ng buhok si Winter at nagsalita, “Huwag mo na kami i-ship, wala na rin naman iyon, pero please please, huwag mo pagsabi…” Natatawang tinulak ni Jeno palabas ng kwarto si Winter habang ang iba ay pilit nang inaalam kung sino ba talaga iyon. Ngunit, nanatiling nakasarado ang bibig ni Jeno. Sa totoo lang, kung sasabihin mo sa Grade 10 Jeno na magiging ganito sila ka-close ni Winter ay baka pagtawanan ka lang niya, dahil napaka-unlikely kung iisipin mo. Noong nag-moving up sila ay wala na talagang pakialam si Jeno kay Winter dahil marahil ay na-busy na siya kakaisip sa panibagong chapter ng buhay niya, ang Senior Highschool. Pero sinong mag-aakala na magiging close sila, hindi ba? Noon narealize ni Jeno na wala lang kay Winter na mayroong magkagusto sa kaniya. Kung tutuusin nga, noong naging magkaklase silang dalawa ngayon Grade 12, at lalo na’t magkagroup sila sa research at capstone, si Winter pa ang nakikipag-close kay Jeno dahil ramdam niya ang awkwardness ng dalaga. Hindi tuloy alam ni Jeno kung magpapasalamat ba siyang naging close niya si Winter at talaga namang araw-araw sinusubok ang pasensya niya eh.

 

May isa pang bagay na narealize ni Jeno matapos ang pag uusap nila ni Winter, mukha ngang may crush siya kay Jaemin. Ngunit, binura niya agad sa isip niya iyon. Dahil una sa lahat, dalawa na sa kaibigan niya ang nagkagusto kay Jaemin; pangalawa, may respeto pa rin siya sa mga kaibigan niya even if wala naman silang naging past with Jaemin. Tsaka syempre, magkaibigan sila. Nasa iisang circle sila. Isang maling aksyon niya lang ay maaring madamay ang mga kaibigan nila. Pero bakit kasi ang bigat? Kung crush lang to, bakit ganoon kabigat? Bakit ba kasi napansin pa nila? Eh ano naman hindi ba? Paano ba ito mapapatigil? Ayoko nito, please lang.

 

Napailing nalang si Jeno at nag-open sana ng TikTok para maibsan ang pagiging aligaga niya ngunit mukhang pinaglalaruan siya ng tadhana at kung ano-ano ang lumalabas sa kaniyang fyp.

 

the more u deny, the more u force urself to stop what u feel, the more na lalalim 'yan

 

Ang papansin, sobra! Nakakainis. Huwag na ngang mag-TikTok, letcheng yan. Nakakapikon. Bakit ba ganito, pwede bang sapakin ko na lang sarili ko para mawala ito? Kasi naman, sa dinarami-raming tao sa school, sa Pilipinas, bakit sa kaibigan pa ko magkakagusto? Ayoko talaga nito. Kainis kasi, bakit pa kasi napansin ni Winter iyon, kung hindi niya lang sana pinoint out eh hindi sana ako ganito. Eh tanga ka rin naman, nandadamay ka pa. Hindi ako naniniwala diyan sa tiktok na yan, anong “the more you force yourself out of things, the more na magkakadaleche-leche ang mga bagay?” Immune na ako sa ganiyan, ilang beses ko nang kinain lahat ng feelings ko, kaya ko rin dito.

 

Kasi hindi naman estranghero si Jaemin sa buhay niya. Hindi siya yung random na tao na makakasalubong lang sa hallway o kaya sa canteen, siya yung kasama niya halos araw-araw. Kasama sa kwentuhan, kulitan, sigawan at iba pa. At dahil nga hindi siya estranghero, doon nagmumula ang problema. Para kay Jeno, mas madaling alisin ito kung hindi sila malapit sa isa’t isa, hindi sila nagkakausap araw-araw, eh kaso wala eh, ganoon talaga. Mas pahahalagahan pa ni Jeno ang kanilang pagkakaibigan kaysa sa peace of mind niya.

 

Napasandal siya kay Giselle na siyang patuloy na dumadaldal. Ayaw niya talaga nito. Ayaw niya noong pakiramdam na parang may hinihila siyang lubid sa magkabilang direksyon. Sa isang dulo, naroon ang pagkakaibigan. Habang sa kabila ay naroroon ang isang bagay na ayaw niya pang pangalanan. At habang tumatagal, mas humihigpit ang hawak ng dalawang panig, mas bumibigat sa kaniyang dibdib. Kasi totoo naman eh, kapag inalam niya kung kailan nagsimula, kakailanganin niyang aminin na totoo ngang mayroon siyang nararamdaman, at iyon ang ayaw niyang mangyari.

 

INSTAGRAM
February 25. 2026
9:45pm

jyomi: di ko alamm
jyomi: baka acid yan
seen.

 

Nang pumatak ang alas-dyis ng gabi ay napagdesisyunan nang umuwi ni Winter at ni Giselle, sa kadahilanang sila raw ay hinahanap na ng kanilang mga magulang. Well actually, palusot lang nila iyon dahil hindi naman talaga sila pumunta sa bahay ni Karina upang tumulong sa costume, kung hindi para tumambay at makikain. Wala na ring nagawa ang iba kung hindi hayaan ang dalawa na umuwi dahil ano pa nga bang magagawa nila?

 

Noong oras na ring iyon ay nagpa-sundo si Ningning kay Karina sa kanto. Dahil nga gabi na ay nagpasama siya kay Haechan, leaving Jisung and Jeno alone. Doon nag-soft hours si Jeno. Sa totoo lang, mayroong isang goal si Jeno bago siya grumaduate ng hayskul. Iyon ay ang makausap ng one-on-one ang lahat ng kaibigan niya. Ngunit, sa sitwasyon niya, mukhang hindi niya kakayaning kausapin si Jaemin. Pero huwag na muna siyang isama sa usapan, doon narealize ni Jeno na marami pa pala siyang hindi alam tungkol kay Jisung. Siya ay isa sa pinakamabait nilang kaibigan, na sa sobrang bait ay tila hindi niya alam ang salitang ‘hindi’. Papaano ba naman, sa lahat ng pagkakataon ay puro siya ‘okay lang’ at ‘ayos lang’. Kahit na ilang beses na siyang napagsabihan ng mga kaibigan niya ay hindi niya pa rin maiwasang gawin iyon.

 

Namutawi ang katahimikan sa paligid nila. Hindi na muna pinagtuunan ng pansin ni Jeno ang nangyaring confrontation kanina, bagkus ay nagpatuloy siya sa pag-dikit ng straw sa kanilang costume. Pero sino ba ang makakapigil sa utak mo na mag isip kung napakatahimik ng paligid at tanging ang mahinang TV lamang ang naririnig mo? Kaya ayaw niya ang katahimikan, dahil once na tumahimik ang paligid, ayun, doon na nagsisimula ang kaniyang utak na isipin ang lahat.

 

Napatingin siya kay Jisung na ngayo'y nakadukdok sa sofa bed nila Karina. Ilang minuto na ang nakalipas mula noong umalis ang iba pa nilang kaibigan para sunduin si Ningning. Napaisip tuloy siya, ganoon ba talaga siya kapag nagkagusto? Hindi naman kasi siya bida ng isang pelikula na mayroong script na susundan, iba't iba ang pakikitungo niya sa bawat taong nagugustuhan niya.

 

Una, si Chris, ang OG crush niya mula Grade 6 hanggang Grade 10. Hindi niya talaga gusto iyon, sadyang nasanay lang siyang siya ang crush niya, almost 5 years ba naman. Napaatras siya noong nalaman niyang may girlfriend ito. Sunod, si Winter, mutual friend niya, na kaibigan niya na rin ngayon. Hindi sila nagkaka-interact noong may gusto pa siya kay Winter, nawala yung pagkagusto noong nalaman niyang may kausap ito. Sunod, si Lei na tiga-ICT, walang mutual friends. Nagustuhan niya lamang nung intrams dahil magaling mag-volleyball. Nawala iyon matapos niyang malaman na may gusto ito at mag-kausap pa sila. May pattern, hindi ba? Lahat ng nagugustuhan niya ay out of reach at kalaunan ay may kausap. Ngunit, itong kay Jaemin… kakaiba eh. Hindi siya yung normal na way ng pagkagusto ni Jeno. Hindi niya kayang iwasan ito gaya ng ginawa niya noon dahil maaring maapektuhan ang buong circle nila. Napaisip siya sa mga actions niya nitong mga nakaraan, at kaunti nalang ay gugustuhin niya nalang lumunok ng bato at sumigaw ng ‘Darna!’.

 

Papaano ba namang hindi mahahalata, yung mga actions niya rin naman. Una, noong nagkaroon sila ng event sa school ay kahit napakaraming upuan sa tabi ni Jeno ay lumipat pa talaga siya sa tabi ni Jaemin. Pangalawa, noong nag-apply sila for Admission Test, bigla na lamang silang nag-kulitan. Hindi iyong nakakainis na sobrang ingay, kundi yung tahimik na kulitan na hindi mo mapapansin unless tingnan mo sila. Nag-ayang maglaro si Jaemin ng ba-bato-bato pick at pipitikin ang petals ng bulaklak. Pangatlo, sumasandal palagi si Jeno kay Jaemin at pinaglalaruan ang buhok nito. In her defense naman, sa lahat ng kaibigan niya ay ginagawa niya iyon, lalo na kay Winter na may malambot na buhok. Pangapat, palaging nag-aadjust para kay Jaemin. Kapag naiinitan ito, bibigyan ng pamaypay. Panglima, hinayaan si Jaemin na paglaruan ang buhok niya kahit na ayaw niyang hinahawakan ang siya. Pero ano ba iyon… kapag ba ginawa ko iyon ay iyon na agad ang nararamdaman ko? Hindi ba pwedeng caring lang ako as a friend?

 

Halatang hindi pa siya handang harapin kung ano ba talaga ang nararamdaman niya. Laging “iyon” ang sinasabi niya. Parang si Voldemort lang, “The Feeling That Must Not Be Named”. Pero mukhang kakayanin niya naman, iyon ang paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili niya, kahit pa magmukhang sirang plaka ang mga katagang iyon ay wala na siyang pakialam, basta lamang maialis niya ito.

 

Napailing nalang siya at nagunat ng kamay, na siyang nagdulot ng pagkasagi ng kaniyang kape. Oo, kape. Tama, kabag lang ito. Palpitations lang itong bigat na ito. Walang kinalaman ang ibang bagay. Kaba lang ito para bukas kasi baka hindi namin matapos yung costume at baka magalit ang buong STEM sa amin, oo, tama. Iyan ang paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili niya. Tamang deny ba, kahit alam niya sa satili niya na baka lumala lang, wala naman siyang choice eh. Iyon ang sinasabi nya sa sarili niya, wala siyang choice. Pero actually, mayroon eh. Tanggapin kung ano man “iyon” at tingnan kung anong mangyayari. Kaso, isa sa mga flaws ni Jeno. Once na may naramdaman siya, tatakbo siya papalayo doon. Iiwas siya, ibabaon niya sa isip niya.