Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Language:
English
Stats:
Published:
2026-05-28
Words:
12,622
Chapters:
1/1
Comments:
15
Kudos:
172
Bookmarks:
7
Hits:
1,169

Clearance to My Heart

Summary:

prompt from x where

 

Jhoanna just needed to borrow a pen to sign her graduation clearance. She didn’t plan on accidentally flirting with Aiah Arceta—the university’s newest and prettiest professor.

Notes:

I’m sorry if this seems rushed, I just need to post this before this day ends.

Anyway;

Hi to my favorite person (you know who you are). This is for you, I love you so much.

Work Text:

 

Kung may Olympics lang para sa pinakamahabang pila sa buong mundo, sigurado si Jhoanna na top contender ang Finance Office ng unibersidad nila tuwing graduation season.

 

"Heto na naman tayo," Jhoanna muttered to herself, adjusting the heavy tote bag sliding off her shoulder.

 

Bitbit niya ang isang makapal na brown envelope na naglalaman ng lahat ng huling requirements niya bilang isang graduating Communication student. Kulang na lang ay ialay niya ang kaluluwa niya sa registrar para lang matapos na ’tong clearance na ’to. Pagod na siya. Haggard na ang pulbos niya, at halos mayari na rin ang baon niyang pasensya sa ingay ng pila.

 

Naupo siya sa isa sa mga monobloc chairs sa waiting area nang may mabakanteng pwesto. She let out a long, dramatic sigh, checking her phone. 2:30 PM. May isang oras pa bago mag-close ang counter.

 

“Miss, next ka na po sa Counter 3 pagkatapos nung naka-blue,” untag sa kanya ng guard.

 

"Ah, opo! Salamat, Kuya," sagot niya, sabay mabilis na binuksan ang envelope para ihanda ang clearance form.

 

At doon na pumasok ang matinding kamalasan ng araw niya.

 

Hala. Walang ballpen.

 

Binuklat ni Jhoanna ang loob ng bag niya. May lip tint, may wallet, may earphones, may tissue, at may tatlong piraso ng lumang resibo mula sa convenience store—pero walang kahit isang gumaganang sign pen. Gusto niyang maiyak. Paano niya mapapapirmahan at mapupunuan ang form kung wala siyang panulat?

 

Gatiting na lang, hihiram na sana siya sa kuya guard nang mapalingon siya sa taong nakaupo sa mismong kanang gawi niya.

 

And holy shet, biglang huminto ang ikot ng mundo ni Jhoanna.

 

The girl sitting next to her looked like she stepped straight out of a premium laundry detergent commercial. Sobrang aliwalas ng mukha nito. She was wearing a crisp, pastel blue button-down shirt paired with tailored trousers, and her long, wavy hair was clipped neatly at the back. Habang ang lahat sa loob ng opisina ay mukhang stressed, itong katabi niya ay mukhang amoy mamahaling vanilla at bagong ligo.

 

Lord, clearance lang po ang hiningi ko, bakit may kasamang anghel? Jhoanna thought, momentarily forgetting how to breathe.

 

The girl was holding a sleek leather folder, quietly scrolling through her phone.

 

Jhoanna cleared her throat, trying to shake off the sudden nervousness creeping up her throat. She tapped her own knuckles lightly against her clear folder to catch the girl's attention.

 

"Uhm... excuse me, Miss?" Jhoanna ventured, her voice coming out a little softer than usual.

 

The girl paused, turning her head towards Jhoanna. When their eyes met, Jhoanna felt a literal jolt in her chest. Ang ganda ng mga mata nito, at may multo ng isang ngiti na agad gumuhit sa mga labi niya.

 

"Yes?" the girl replied. Her voice was smooth, gentle, and had this polite, formal undertone that made Jhoanna’s inner gay alarms ring at maximum volume.

 

"Ah, kasi... ano..." Jhoanna stuttered, mentally slapping herself. Jhoanna Robles, ayusin mo. Graduating ka na, huwag kang mautal sa harap ng magandang babae. "Kasi, ano... itatanong ko lang sana kung may hihiramin—ay, kung pwedeng humiram ng ballpen? Nakalimutan ko kasi ’yung sa akin, tapos ako na ’yung susunod sa counter."

 

The girl blinked, looking at Jhoanna’s flustered state, before a warm, genuine smile broke across her face. "Oh, sure. Wait lang, ha?"

 

She unzipped her sleek leather bag and pulled out a beautiful, minimalist white gel pen. She handed it over to Jhoanna, the tips of their fingers brushing slightly. Jhoanna felt a literal spark. Exaggerated ba? Hindi, totoo talaga.

 

"Here you go," the girl said softly.

 

"Maraming, maraming salamat talaga, Miss! Hulog ka ng langit, promise," Jhoanna said, letting out a nervous laugh as she quickly filled out her form on her lap. Her handwriting was shakier than usual, purely because she could feel the girl's gaze amusedly watching her.

 

"Graduating student?" the girl suddenly asked, breaking the silence.

 

Jhoanna nodded quickly, not looking up from her form but smiling widely. "Opo! Sobrang hirap ilaban nitong huling pirma sa Finance. Ikaw ba? Kukuha ka rin ba ng clearance para sa graduation?"

 

Jhoanna glanced at the brown envelope and documents the girl was holding. Inassume niya agad na kapwa niya estudyante ito—marahil mula sa ibang departament tulad ng Business o Law, kaya ganito ka-disente at ka-bango manamit.

 

The girl let out a soft, melodic chuckle that made Jhoanna’s heart do a little backflip. She looked at Jhoanna with an unreadable, playful glint in her eyes.

 

"Ah... actually, no. I'm just here to claim my TOR," the girl replied smoothly, her voice rich with a gentle, teasing tone.

 

"Ah, TOR! Wow, advanced ka pala kumuha kaysa sa amin," Jhoanna commented cheerfully, handing back the white gel pen after signing her document. "Ako nga pala si Jhoanna. Jho na lang para mabilis."

 

The girl accepted the pen, her fingers lingering for a split second longer than necessary. Her smile widened, revealing a set of perfect white teeth.

 

"I'm Aiah," she introduced herself, her voice wrapping around the name like a warm blanket. "Nice to meet you, Jhoanna."

 

"Number 143, Miss Robles, Jhoanna!"

 

Halos mapatalon si Jhoanna mula sa kinauupuan niya nang marinig ang boses ng teller mula sa Counter 3. Kung wala lang siya sa pampublikong lugar, baka nag-tumbling na siya sa tuwa. Finally! Makakatakas na rin siya sa impyernong pila na 'to.

 

"Ay, ako na po!" mabilis na sagot ni Jhoanna, sabay bitbit ng envelope niya. Bago siya tuluyang maglakad papunta sa counter, nilingon niya si Aiah. The beautiful stranger was already looking at her, an amused smile still playing on her lips.

 

"Una na 'ko, Aiah ah? Super thank you ulit sa ballpen! Binalik mo ang pag-asa ko sa graduation," Jhoanna joked, her signature bright smile on full display.

 

Aiah softly chuckled, the sound making Jhoanna’s stomach do a weird, fluttery flip. "You're welcome, Jhoanna. Good luck sa clearance mo."

 

Habang nakatayo si Jhoanna sa harap ng counter at pinoproseso ng masungit na staff ang mga papel niya, hindi niya mapigilang magnakaw ng tingin pabalik sa waiting area. Nakaupo pa rin si Aiah, habang nagbabasa ng kung ano sa phone niya. Mula sa pwesto ni Jhoanna, kitang-kita niya kung paano tamaan ng ilaw ang buhok ni Aiah. Grabe, tao ba talaga 'yon? Jhoanna thought wildly.

 

"Miss Robles. Okay na 'to. Proceed na lang sa Registrar for the final dry seal," mataray na sabi ng staff sabay abot pabalik ng clearance form niya.

 

"Thank you po!" sagot ni Jhoanna.

 

Napahinga siya nang maluwag. One step closer to the real world. Pero bago ang real world, may kailangan muna siyang gawin. Isang desisyon na pwedeng mag-make or break ng araw niya, o ng buong buhay niya.

 

Dahan-dahan siyang naglakad pabalik sa direksyon kung saan nakaupo si Aiah. Wala pa rin itong tinatawag, kaya tahimik lang itong naghihintay. Kinakabahan si Jhoanna. Ang lakas ng tibok ng puso niya. Usually, makapal ang mukha niya pagdating sa pakikipagkaibigan, pero iba kasi 'yung kaba kapag kaharap mo ay isang taong mukhang diyosa na bumaba sa lupa para lang mag-claim ng Transcript of Records.

 

Kaya mo 'yan, Jhoanna. Para sa bayan, pagche-cheer niya sa sarili.

 

"Uhm, excuse me ulit?" Jhoanna said, trying to sound as casual as possible as she stopped in front of Aiah.

 

Aiah looked up, her phone gently resting on her lap. "Oh, tapos ka na? That was fast."

 

"Oo eh, himala nga. Mabait yata 'yung universe sa 'kin ngayon," Jhoanna chuckled, scratching the back of her neck shyly. "Kasi ano... naisip ko lang, since iniligtas mo ang buhay ko kanina dahil sa ballpen mo, baka... baka pwede kitang ilibre ng kape? Or milktea? Or kahit anong gusto mo! Pambawi lang, you know?"

 

Aiah blinked, looking slightly surprised. A soft blush crept up her cheeks, and Jhoanna swore she just saw the most beautiful thing in the world.

 

"Ilibre? You really don't have to do that, Jhoanna. It was just a pen," Aiah said, her voice dripping with that same gentle, refined tone.

 

"Hindi, I insist!" Jhoanna pressed playfully, clutching her brown envelope to her chest. "Malaking bagay kaya 'yon. Kung wala 'yung ballpen mo, baka next week pa 'ko maka-graduate. Sige na, kape tayo? May masarap na cafe dito malapit sa campus."

 

Aiah bit her lower lip, seemingly contemplating the offer. She checked her elegant wristwatch—a delicate silver piece that matched her whole expensive vibe.

 

"I would really love to," Aiah started, and Jhoanna's heart soared, "but I'm actually waiting for someone. May meeting pa kasi ako after I claim my TOR."

 

Ouch. Rejected ng slight, Jhoanna thought, though she didn't let her smile falter. "Ay, ganon ba? Sayang naman. Busy pala ang ate mo."

 

Aiah let out a soft laugh, finding Jhoanna's phrasing endearing. "Yes, unfortunately. Masyadong hectic ang schedule today."

 

"Okay lang, okay lang! Naiintindihan ko," Jhoanna said, taking a step back, ready to retreat before she embarrassed herself further. "Sige, ah... nice meeting you ulit, Aiah. Good luck din sa buhay at sa TOR mo!"

 

Tumalikod na si Jhoanna at nagsimulang maglakad palayo. Sayang, she internally pouted. Ang ganda pa naman. Hindi ko man lang nakuha 'yung IG account.

 

"Jhoanna, wait!"

 

Napahinto si Jhoanna at mabilis na lumingon. Nakatayo na si Aiah mula sa upuan nito, holding her sleek folder.

 

"Hindi ako pwede today," Aiah said, a playful smile playing on her lips, her eyes crinkling at the corners. "Pero... does the offer still stand for next time?"

 

Jhoanna felt her jaw drop slightly before she quickly recovered, her heart doing a frantic tap-dance in her ribcage. "O-Oo naman! Kahit araw-araw pa kitang ilibre!"

 

Aiah chuckled, walking a few steps closer to Jhoanna. She pulled out her phone and unlocked it. "Give me your phone."

 

Jhoanna eagerly fished her phone out of her pocket, practically shoving it into Aiah's delicate hands. She watched, mesmerized, as Aiah gracefully typed her number into the keyboard. The subtle scent of vanilla and floral perfume wafted towards Jhoanna, making her feel slightly lightheaded.

 

"Here," Aiah handed the phone back. Jhoanna looked at the screen. Aiah 🤍 was now saved in her contacts.

 

"Text me when you're free, graduating student," Aiah said softly, her tone carrying a hint of a tease that Jhoanna couldn't quite decipher. "And maybe I'll take you up on that coffee."

 

Jhoanna beamed, her dimples showing. "Noted 'yan! Ingat ka, Aiah!"

 

"You too, Jho."

 

Naglakad na palabas ng building si Jhoanna, feeling like she was floating on a cloud. Ni hindi niya alintana ang init ng hapon sa labas ng campus. May clearance na siya, at higit sa lahat, may number siya ng pinakamagandang babae sa buong unibersidad.

 

Dali-dali niyang kinuha ang phone niya at nag-type sa group chat nilang magkakaibigan.

 

Jhoanna: MGA BADING! MAY NUMBER AKO NG ISANG DIYOSA!

Colet: Ang ingay mo, Robles. Nag-aaral ako para sa boards, ano ba 'yan?

Maloi: Diyosa? Sino? 'Yung nagbebenta ng kwek-kwek sa labas?

Jhoanna: Gaga! Nakasabay ko sa Finance. Kukuha daw ng TOR niya. Grabe, mga beh. Amoy mayaman. Mukhang Law or Med student. Aiah ang pangalan!

Gwen: Aiah? Parang familiar...

Jhoanna: Wala akong pake kung pamilyar siya sa'yo, Gweneth. Akin na siya. Ako maglilibre sa kanya ng kape! HAHAHAHA!

 

Habang nagtatawanan silang magkakaibigan sa chat, hindi alam ni Jhoanna na ang tinatawag niyang "Law or Med student" ay saktong kumatok sa pintuan ng Dean's Office ng College of Communication, bitbit ang kanyang TOR, handa na para sa huling interview niya bilang bagong assistant professor.

 


 

Isang linggo na ang nakalipas mula nung “Meet-Cute sa Finance Office” na hindi matigil-tigil ikwento ni Jhoanna sa mga kaibigan niya. Isang linggo na rin siyang puyat—hindi lang dahil sa huling revisions ng thesis manuscript nila, kundi dahil magdamag silang magka-chat ni Aiah.

 

Jhoanna found out a few things about her. Una, mahilig si Aiah sa kape, specifically iced caramel macchiato. Pangalawa, Aiah was incredibly smart and articulate; minsan napa-Google pa si Jhoanna ng mga English words nito para lang makasabay sa usapan. At pangatlo, Aiah had this adorable habit of using formal punctuation marks even in casual chats.

 

Nakahiga si Jhoanna sa kama niya, yakap ang isang hotdog pillow habang nakangiting aso sa screen ng phone niya.

 

Jhoanna: Aiahhhhh! Gusto ko na sumuko sa revisions. Pwede bang magbenta na lang ako ng siomai sa kanto? Send help or send kape chz haha!

 

Wala pang isang minuto, tumunog ang phone niya.

 

Aiah 🤍: You can do it, Jho. You're almost at the finish line. Do you want me to send you an iced coffee via Grab? I can do that.

 

Napangiti nang malaki si Jhoanna, halos mag-touch na ang mga pisngi niya sa mata niya.

 

Jhoanna: Hala joke lang! Wag ka gumastos sa'kin no! I-reserve mo 'yang pera mo para sa first date natin pagka-graduate ko. Charot lang! (pero half meant)

Aiah 🤍: Haha. We'll see about that date once you finally get your diploma, Miss Robles. Focus on your thesis first.

 

Kinagat ni Jhoanna ang ibabang labi niya para pigilan ang tili. Jusko, kinikilig ako sa Miss Robles!

 

"Hoy, Robles. Para kang timang diyan na nangingisay."

 

Nabalik si Jhoanna sa reyalidad nang batuhin siya ni Maloi ng isang nakusot na yellow pad paper. Nasa kabilang kama ang kaibigan niya, busy sa pag-highlight ng readings.

 

"Inggit ka lang kasi dry ang love life mo, Mary Loi Yves," asar ni Jhoanna sabay bato pabalik ng papel. Bumangon na siya at nag-inat. "Tara na nga, kailangan pa nating i-submit 'tong final hardbound natin kay Sir Perez sa faculty room. Tapos, tapos na talaga tayo!"

 

"Salamat naman sa Diyos," buntong-hininga ni Maloi, mabilis na niligpit ang gamit. "Siguraduhin mo lang na hindi ka lutang ah? Baka mamaya imbes na thesis ang i-submit mo, 'yung love letter mo sa Aiah na 'yon ang maibigay mo kay Sir."

 

"Grabe siya sa love letter! Casual flirting lang tayo, beh," tawa ni Jhoanna habang isinusuot ang paborito niyang denim jacket.

 

Makalipas ang kalahating oras, naglalakad na sila sa hallway ng College of Communication. Ang department building nila ay laging maingay at puno ng mga estudyanteng may bitbit na camera, ring lights, at kung anu-anong props, pero dahil patapos na ang semester, medyo tahimik na ang paligid.

 

Nang makarating sila sa tapat ng Faculty Room, biglang kinabahan si Jhoanna. Kahit kailan talaga, nakaka-intimidate pumasok dito. Malamig ang aircon, amoy lumang libro at black coffee, at sari-saring terror professors ang nakaupo sa kani-kanilang mga cubicle.

 

"Good afternoon po," sabay na bati nina Jhoanna at Maloi nang buksan nila ang glass door.

 

"Oh, Robles, Ricalde. Andiyan na ba 'yung hardbound niyo?" bati sa kanila ni Sir Perez mula sa desk nito sa dulo.

 

"Yes, Sir! Eto na po, mainit-init pa galing bindery," nakangiting sabi ni Jhoanna. Naglakad sila palapit, umiiwas na mabangga ang mga tambak na test papers sa gilid.

 

Habang chine-check ni Sir Perez ang mga pirma sa title page, napagala ang paningin ni Jhoanna sa paligid ng faculty room. May ilang pamilyar na prof, may mga student assistants na nagpapa-photocopy, at may isang babaeng nakatalikod na nakaupo sa desk na dating pagmamay-ari ng nag-retire nilang professor.

 

She was wearing a sleek, beige blazer over a white turtleneck, her long wavy hair cascading down her back.

 

Kumunot ang noo ni Jhoanna. Pamilyar 'yung buhok. Pamilyar 'yung tindig.

 

Sakto namang humarap ang babae para kunin ang isang folder sa gilid niya. Nagtagpo ang mga mata nila.

 

Nanlaki ang mga mata ni Jhoanna. Gusto niyang kurutin ang sarili niya.

 

Aiah?!

 

Totoo ba 'to? Ang babaeng nilalandi niya sa chat gabi-gabi, ang babaeng hiningan niya ng ballpen sa Finance Office, nandito sa faculty room ng College of Communication?

 

Aiah’s eyes widened a fraction when she saw Jhoanna, but almost instantly, that signature warm, amused smile painted her lips.

 

Hindi napigilan ni Jhoanna ang sarili niya. Matapos ibalik ni Sir Perez ang isang form sa kanila, mabilis siyang nagpaalam at palihim na naglakad palapit sa cubicle ni Aiah. Iniwan niya sandali si Maloi na nag-aayos pa ng gamit.

 

"Aiah!" pabulong na tawag ni Jhoanna, tuwang-tuwa. "Anong ginagawa mo rito? May pina-process ka ba na papers sa admin ng college namin?"

 

Aiah looked up at her, softly resting her chin on her hand. Her eyes were dancing with suppressed laughter. "Hi, Jhoanna. What a pleasant surprise. Tapos na ba ang revisions mo?"

 

"Oo! Katatapos lang namin mag-submit ng hardbound," Jhoanna practically beamed, leaning slightly against the cubicle divider. Ang bango na naman ni Aiah. Amoy expensive. "Grabe, small world. Dito ba 'yung sinasabi mong meeting mo last time? Student assistant ka ba dito habang naghihintay ng med school? O kukuha ka ng units?"

 

Aiah let out a soft chuckle. "Something like that. I'm... settling in."

 

"Ay, weh? Taray! Eh 'di lagi pala tayong magkikita rito—ay wait, ga-graduate na nga pala ako," Jhoanna laughed at her own silliness. "Sayang naman. Pero okay lang, tuloy pa rin naman 'yung coffee date natin ah? Balitaan mo 'ko kung tapos na shift mo rito—"

 

"Miss Arceta?"

 

Isang matinis at malakas na boses ang bumasag sa landian—este, usapan nila. Lumingon si Jhoanna at nakita ang Department Head nila, si Ma'am Velez, na naglalakad palapit sa kanila. May hawak itong makapal na folder.

 

Mabilis na tumayo si Aiah at magalang na ngumiti sa Department Head. "Yes, Ma'am Velez?"

 

"Here is your official teaching load for the next academic year," nakangiting abot ni Ma'am Velez sa folder. "Welcome to the College of Communication faculty. I know you'll be a great addition to our media studies professors, considering your impressive background."

 

Jhoanna felt her soul leave her body.

 

Teaching load?

Faculty?

PROFESSORS?!

 

Parang tumigil sa paggana ang utak ni Jhoanna. Unti-unting lumingon si Aiah sa kanya, ang ngiti nito ay may halong guilt at matinding pang-aasar.

 

"Thank you po, Ma'am," Aiah told the Department Head before turning her gaze fully back to Jhoanna, whose jaw was practically on the floor.

 

"Prof..." Jhoanna whispered, her voice cracking. "Prof ka?"

 

Aiah bit her lower lip, trying to hide her grin. "Surprise?"

 

Biglang sumulpot si Maloi sa likuran ni Jhoanna, walang kamalay-malay sa nangyayari. "Jho, tara na! Gutom na—ay, hello po, Ma'am!" bati ni Maloi kay Aiah.

 

Jhoanna couldn't speak. Gusto niyang magpalamon sa sahig ng faculty room. Ang nilalandi niyang 'Aiah 🤍' sa contacts niya, ang inaalok niyang ilibre ng kape gamit ang allowance niya, at ang babaeng niyaya niya ng first date... ay isang propesor.

 

"I-I need to go," Jhoanna squeaked, her face completely entirely red. Hinila niya si Maloi sa manggas ng shirt nito. "Bye po, Ma'am Arceta."

 

Aiah chuckled softly, her voice loud enough for only Jhoanna to hear as she walked away. "I'm still holding you to that coffee date, Miss Robles."

 


 

"Gusto ko na lang maging pusa sa kalsada. O kaya electric fan. Kahit ano, huwag lang tao," daing ni Jhoanna sabay bagsak ng mukha niya sa mesa ng paborito nilang karinderya sa labas ng campus.

 

"Huy, Robles! Baka may laway 'yang lamesa, umayos ka nga," saway ni Colet habang naghihimay ng tilapia. Katatapos lang ng klase niya at sumunod siya sa tawag ng nagpapanic na si Maloi.

 

"Colet, hindi mo kasi naiintindihan," naiiyak na saad ni Jhoanna, dahan-dahang itinaas ang ulo pero bagsak pa rin ang mga balikat. "Tinawag ko siyang 'ate mo.' Sinabihan ko siya na i-reserve 'yung pera niya para sa first date namin. Tapos... tapos tinawag ko pa siyang student assistant!"

 

Humagalpak ng tawa si Maloi, halos maibuga ang iniinom na mountain dew. "Gago, 'yun talaga 'yung pinakamatindi! 'Yung mukha mo kanina sa faculty room, parang nakakita ng maligno! Kulang na lang mag-flying kick ka palabas ng pinto."

 

"Seryoso? Si Miss Arceta?" kunot-noong tanong ni Gwen habang nag-aayos ng salamin. "Ah! Kaya pala pamilyar 'yung pangalan nung kinuwento mo last week. Sabi ng mga upperclassmen, siya 'yung bagong hire na galing sa top media network. Super galing daw niyan, summa cum laude nung college tapos nag-master's agad abroad. Kaya pala kumuha ng TOR sa Finance, para sa requirements ng HR!"

 

Lalong nabaon si Jhoanna sa kawalan. "So... hindi lang siya prof. Alamat siyang prof. At ako? Isang hamak na graduating student na walang ballpen."

 

"Pero teka," singit ni Colet, itinuro si Jhoanna gamit ang hawak na kutsara. "Alam ba niyang graduating ka?"

 

"Oo, sinabi ko nung una pa lang."

 

"At alam niya ring nilalandi mo siya?" tanong ulit ni Colet.

 

"Uhm..." Naalala ni Jhoanna ang mga chats niya. 'Yung mga hirit niyang may kasamang '(pero half meant)' at 'date tayo.' "Oo? Kasi sumasagot siya! Hindi siya nagagalit!"

 

"Aba, mukhang may gusto ring pumatol sa'yo, Robles. Scholar ka ba ng bayan o scholar ng pag-ibig?" asar ni Maloi sabay sundot sa tagiliran ni Jhoanna.

 

Bago pa makasagot si Jhoanna, biglang nag-vibrate ang phone niya na nasa ibabaw ng mesa. Parang may kuryenteng gumapang sa spine niya nang makita ang pangalan sa screen.

 

Aiah 🤍: Are you okay, Jhoanna? You ran away so fast earlier. I hope I didn't scare you.

 

Nagsisigaw ang mga kaibigan niya nang makita ang chat.

 

"Replyan mo! Sabihin mo 'Sorry po, Ma'am, papasok na po ako sa kumbento!'" utos ni Maloi.

 

"Huwag! Maging cool ka lang," payo ni Gwen.

 

Nanginginig ang mga daliri ni Jhoanna habang nagtitipon ng lakas ng loob para mag-reply.

 

Jhoanna: Hala, Ma'am Aiah! Sorry po talaga kanina!!! Hindi ko po talaga alam na professor kayo 😭😭😭 Nakakahiya po talaga, pasensya na sa mga nasabi ko nung mga nakaraang araw!!!

 

Hinihintay nila ang reply habang sabay-sabay na nakatitig sa screen. Tatlong minuto ang lumipas. Ang haba ng tatlong minuto para kay Jhoanna, para siyang naghihintay ng hatol kung makakagraduate ba o hindi.

 

Bzzzt.

 

Aiah 🤍: Hey, don't worry about it. And please, just 'Aiah' when we're texting outside class hours. You didn't do anything wrong. It was actually very refreshing to talk to someone who didn't know my job yet. 😊

 

"Hala, may pa-emoji na smiley," bulong ni Colet. "Bait naman."

 

Aiah 🤍: And about that coffee... is the offer still open? I'm free this Friday afternoon around 4 PM. No professor duties, just two people having coffee. What do you think?

 

Nabitawan ni Jhoanna ang phone niya sa kandungan niya. Napanganga siya, tumingin kay Maloi, kay Colet, at kay Gwen.

 

"Mga beh... inaaya pa rin niya ako magkape."

 

"Aba, Robles, huwag ka nang umarte!" sabi ni Colet. "Graduating ka naman na, ibig sabihin hindi mo siya magiging prof sa kahit anong subject. Safe 'yan! Walang conflict of interest!"

 

"So... itutuloy ko?" tanong ni Jhoanna, ang puso niya ay muling nagwawala sa tuwa at kaba.

 

"Gow! I-rampa mo ang ganda ng isang Jhoanna Robles!" cheer ni Maloi.

 

Dahan-dahang kinuha ni Jhoanna ang phone at nag-reply, may malawak na ngiti sa labi.

 

Jhoanna: Sige po—ay, sige, Aiah! Friday, 4 PM. Libre ko. Ako na bahala sa pwesto. See you!

Aiah 🤍: It's a date, then. See you, Jho. 🤍

 

It's a date.

 

Binura ni Jhoanna ang lahat ng hiya sa utak niya. Kung panaginip man 'to, ayaw niya nang magising.

 


 

Kung may mas nakakakaba pa pala sa thesis defense, iyon ay ang mamili ng isusuot para sa isang date kasama ang babaeng crush mo na professor pala sa college niyo.

 

"Okay na ba 'to? O masyadong pormal? Baka isipin niya a-attend ako ng kasal?" tanong ni Jhoanna sa kawalan habang nakaharap sa full-length mirror ng kwarto niya.

 

Pang-limang palit na niya ito ng damit. Nagsimula siya sa paborito niyang oversized graphic tee (masyadong pambata), tapos nag-try siya ng button-down blouse (mukhang mag-a-apply ng trabaho), bago siya nauwi sa isang simple fitted white top at maong na jacket, paired with wide-leg trousers at white sneakers. Casual, neat, pero may effort.

 

"Perfect. Jhoanna Robles, maganda ka. Kaya mo 'to. Hindi ka niya ibabagsak kasi ga-graduate ka na," pag-cheer niya sa sarili bago tuluyang lumabas ng apartment.

 

Ala-una pa lang ay wala na siyang klase, pero siniguro niyang makarating sa Café Bella—ang sikat na coffee shop malapit sa campus—ng 3:45 PM. Gusto niya siya ang unang dadating para makapag-ayos siya ng sarili.

 

Pagpasok niya, sinalubong agad siya ng amoy ng roasted coffee beans at sweet pastries. Kumuha siya ng pwesto sa dulong booth, malapit sa bintana pero medyo tago para may privacy sila.

 

Eksaktong 4:00 PM, tumunog ang chimes ng pinto ng cafe.

 

Napatingin si Jhoanna, at parang nag-slow motion na naman ang paligid. Pumasok si Aiah. Kung sa unibersidad ay nakasuot ito ng mga pormal na blazers at slacks na nagbibigay ng matinding 'intimidating professor' energy, ngayon ay ibang-iba ang aura niya. Aiah was wearing a flowy, cream-colored sundress that fell perfectly around her knees, paired with strappy sandals. Her hair was let down, cascading in soft waves over her shoulders. Wala siyang dalang leather folder ngayon, kundi isang maliit na sling bag.

 

She looked breathtakingly soft.

 

Nang magtagpo ang paningin nila, agad na sumilay ang pamilyar at nakakatunaw na ngiti ni Aiah. Naglakad ito palapit sa pwesto ni Jhoanna, and with every step, Jhoanna felt her heart rate multiply.

 

"Hi," Aiah greeted softly as she reached the table. Amoy na amoy ulit ni Jhoanna ang signature vanilla scent nito.

 

"H-Hi! Upo ka, Aiah," Jhoanna stuttered slightly, bago mabilis na tumayo para ipaghila ng upuan si Aiah. "Kanina ka pa ba? I mean, traffic ba? O galing ka pa ng campus?"

 

Aiah chuckled softly as she took her seat. "Thank you. And no, I just came from my condo. Katatapos ko lang mag-ayos ng lesson plans for next semester. Ikaw? Kanina ka pa ba rito?"

 

"Hindi naman! Mga fifteen minutes lang. Syempre, baka biglang dumating 'yung prof ko eh, ma-late pa 'ko, baka ma-minus points," Jhoanna joked, though her voice betrayed a tiny bit of nervousness.

 

Aiah rested her arms on the table, leaning in slightly, her eyes dancing with amusement. "I thought we agreed to drop the 'prof' title for today, Miss Robles?"

 

"Ay, oo nga pala! Sorry, naninibago lang," Jhoanna laughed, rubbing the back of her neck. "Tsaka 'Aiah' na nga lang, sabi mo. So, ano... anong gusto mong kape? Iced caramel macchiato ba ulit? Tapos partneran natin ng cake? Treat ko 'to, remember?"

 

"Yes, an iced caramel macchiato would be perfect," Aiah smiled warmly. "And maybe a slice of red velvet cake, if you don't mind sharing?"

 

"Sharing it is! Dito ka lang, ako na o-order," mabilis na sabi ni Jhoanna, parang nakawala sa koral habang naglalakad papunta sa counter.

 

Habang naghihintay sa order, pilit kinakalma ni Jhoanna ang sarili niya. Chill lang, Jho. Tao rin 'yan. Umiinom din 'yan ng tubig. Nag-C.R. din 'yan.

 

Pagbalik niya sa table dala ang tray ng dalawang iced coffee at isang slice ng cake, naabutan niyang nakatingin si Aiah sa labas ng bintana, pinagmamasdan ang mga estudyanteng naglalakad.

 

"Here you go. One iced caramel macchiato for the prettiest girl in the cafe," Jhoanna blurted out as she set the cup down.

 

She instantly bit her tongue. Gago, Jhoanna, masyadong mabilis!

 

Aiah turned to her, a faint pink blush dusting her cheeks. She looked down at the coffee, then back up at Jhoanna, her smile widening. "Smooth, Miss Robles. Very smooth."

 

Jhoanna let out a nervous laugh as she sat across from her. "Sorry, lumabas na lang sa bibig ko. Pero totoo naman eh. Anyway! Bakit hindi mo agad sinabi sa'kin nung nasa Finance tayo na prof ka pala? Edi sana mas inayos ko 'yung pagpapapansin ko sa'yo."

 

Aiah took a delicate sip of her coffee before answering. "Honestly? I didn't plan on hiding it. But you were just so... frantic that day. And when you assumed I was a student claiming my TOR, you looked so comfortable talking to me. Kapag kasi nalaman agad ng mga estudyante na professor ako, they suddenly put a wall up. Nagiging sobrang pormal. I didn't want you to do that."

 

"Sabagay," Jhoanna nodded slowly, stirring her own iced americano. "Kung alam ko agad, baka hindi ako nanghiram ng ballpen. Baka hinayaan ko na lang na kainin ako nang buhay nung sungit na teller doon sa counter."

 

Aiah let out a genuine, melodic laugh that made Jhoanna’s insides turn into mush. "Exactly. And I wouldn't have gotten your number. That would be a shame, wouldn't it?"

 

Jhoanna felt her own cheeks heat up. Okay, hindi lang pala ako ang marunong bumanat rito.

 

"Grabe ka, Aiah. Tapos nung nasa faculty room? Ang galing mong magtago ng reaksyon ha," asar ni Jhoanna. "Muntik na 'kong himatayin doon tapos ikaw, pa-smile-smile lang."

 

"I was actually trying very hard not to laugh," Aiah confessed, taking a small forkful of the red velvet cake. "Your face was priceless, Jho. Kulang na lang tumakbo ka palabas ng pinto."

 

"Tumakbo naman talaga ako! Kasama ko pa nga si Maloi eh," Jhoanna pouted slightly, which only made Aiah smile softer.

 

"I'm sorry," Aiah said gently, pushing the plate of cake slightly towards Jhoanna. "But I really am glad we met, Jhoanna. Even if you thought I was just a student claiming my TOR. And for what it's worth, I think you're very brave for actually asking me out."

 

"Brave ba? O sadyang patay na patay lang sa'yo?" Jhoanna mumbled under her breath.

 

"What was that?" Aiah leaned closer, the teasing glint back in her eyes.

 

"Sabi ko, masarap 'yung cake! Tikman mo," palusot ni Jhoanna, mabilis na sumubo ng cake, muntik pang mabulunan.

 

Aiah just shook her head, a soft, fond smile settling on her lips. As they continued talking about Jhoanna's upcoming graduation, Aiah's experiences studying abroad, and their shared love for cheesy rom-com movies, Jhoanna realized something.

 

Wala na 'yung kaba niya. Aiah wasn't just a beautiful professor on a pedestal anymore. She was Aiah—warm, attentive, incredibly smart, and surprisingly funny.

 

And as Aiah reached across the table to gently wipe a tiny crumb of red velvet cake from the corner of Jhoanna's lip, Jhoanna knew one thing for sure.

 

Wala na. Bagsak na bagsak na siya kay Miss Arceta.

 


 

Tatlong linggo matapos ang unang coffee date nila, naging bahagi na ng daily routine ni Jhoanna si Aiah.

 

Araw-araw silang magka-chat. Madalas, magka-call pa sila bago matulog. Kung minsan ay nagkikita sila sa library kapag may kailangang i-research si Aiah para sa syllabus nito at may kailangan namang tapusing clearance errands si Jhoanna. Medyo lowkey lang sila sa loob ng campus dahil kahit papaano, respetado nilang pareho ang titulo ni Aiah bilang bagong faculty member, kahit pa sa susunod na linggo na ang graduation ni Jhoanna.

 

Pero ngayon, parang gusto nang bumigay ng katawang-lupa ni Jhoanna.

 

"Okay, College of Communication, please fall in line! Uulitin natin 'yung pag-akyat sa stage, hindi kayo sabay-sabay!" sigaw ng event coordinator gamit ang megaphone.

 

Nasa loob sila ng university gymnasium para sa graduation rehearsal. Mainit, maingay, at higit sa lahat, nakakapagod. Kanina pa silang alas-otso ng umaga rito at mag-aalas-tres na ng hapon.

 

"Gusto ko na yatang himatayin, Robles," nakasandal na reklamo ni Maloi sa balikat ni Jhoanna. "Pwede bang i-photoshop na lang nila 'yung mukha ko sa stage? Para matapos na 'to."

 

"Konti na lang, Loi. Isipin mo na lang, next week, hawak na natin 'yung diploma. Worth it 'tong pawis natin," pag-cheer ni Jhoanna, kahit na sa totoo lang ay namumutla na rin siya sa pagod at uhaw. Naubos na kasi ang baon niyang tubig kanina pa.

 

Nag-vibrate ang phone ni Jhoanna sa bulsa ng jeans niya. Mabilis niya itong kinuha, hoping na message iyon galing sa favorite person niya. And thankfully, hindi siya nabigo.

 

Aiah 🤍: Hi. I heard your rehearsal is extending until 5 PM. Have you eaten? Drink plenty of water, Jho.

 

Napangiti si Jhoanna, biglang nawala ang kaunting pagod na nararamdaman.

 

Jhoanna: Wala na nga akong tubig eh 😭 Pati energy ko pa-lowbat na rin. Huhu. Miss na kita, Ma'am Aiah ko.

 

Oo, tinatawag pa rin siyang 'Ma'am' ni Jhoanna minsan, pero puro pang-aasar na lang ito para makita ang pamumula ng pisngi ni Aiah.

 

Aiah 🤍: I told you to drop the 'Ma'am', Jhoanna Robles. Anyway, look at the right side entrance of the gym.

 

Kumunot ang noo ni Jhoanna. Tumingkayad siya at nilingon ang entrance na tinutukoy ni Aiah. From a distance, she saw a familiar figure. Nakasuot ito ng simpleng black slacks at navy blue polo shirt na may logo ng unibersidad—ang official faculty uniform tuwing wash day. Kahit malayo, kitang-kita ni Jhoanna kung paano mangibabaw ang ganda nito sa gitna ng siksikan.

 

May bitbit itong isang paper bag at dalawang bottled water. Kumaway si Aiah nang magtama ang paningin nila.

 

"Huy, saan ka pupunta?" tanong ni Colet nang biglang humiwalay si Jhoanna sa pila nila.

 

"CR lang! Saglit!" mabilis na palusot ni Jhoanna, nagmamadaling tumakbo palapit sa gilid ng bleachers para salubungin si Aiah.

 

Nang makalapit siya, halos hindi niya mapigilang yakapin ang dalaga, pero napigilan niya ang sarili. Nasa public gym pa rin sila.

 

"Aiah! Anong ginagawa mo rito? Akala ko ba may department meeting kayo?" hinihingal pero nakangiting tanong ni Jhoanna.

 

Aiah smiled, her eyes inspecting Jhoanna's flushed and sweaty face. "We finished early. And someone texted me that she's running low on energy. I couldn't just let you collapse before graduation day, could I?"

 

Inabot ni Aiah ang malamig na bottled water kay Jhoanna at ang paper bag na may logo ng paboritong fast-food chain ng huli.

 

"Hala, bumili ka pa talaga ng pagkain ko. Grabe, ang swerte ko naman sa crush ko," Jhoanna flirted shamelessly, agad na binuksan ang tubig at uminom.

 

Aiah chuckled, reaching out to gently tuck a damp strand of hair behind Jhoanna's ear. The simple, intimate gesture made Jhoanna’s breath hitch. "You're very welcome, Jho. Kumain ka kapag may break na kayo, okay? Baka magkasakit ka niyan eh."

 

"Opo, kakain po," malambing na sagot ni Jhoanna. Tinitigan niya si Aiah, feeling completely overwhelmed by how caring this woman was. "Thank you talaga, Aiah. Hindi lang sa pagkain ah. Thank you sa pagpunta rito."

 

"Anything for you," Aiah replied softly, the sincerity in her voice making Jhoanna’s heart swell.

 

"Ehem!"

 

Sabay na napalingon sina Jhoanna at Aiah sa likuran. Nakatayo roon sina Maloi, Colet, at Gwen, nakapamewang at may malalaking, nakakalokong ngiti sa mga labi.

 

"CR pala ah?" pang-aasar ni Colet.

 

"Iba na pala ang itsura ng inidoro ngayon, may pa-paper bag at faculty uniform pa," gatong ni Maloi, sabay takip sa bibig para pigilan ang tawa.

 

Namula ang buong mukha ni Jhoanna. "Mga baliw! Nakita ko lang si Aiah kasi inabutan niya 'ko ng tubig."

 

Gwen adjusted her glasses, giving Aiah a polite but teasing nod. "Hello po, Ma'am Arceta. Salamat po sa pag-sponsor ng snacks ng kaibigan namin. Sana all po inaalagaan ng professor."

 

Aiah, entirely unfazed by the teasing, just smiled warmly at Jhoanna's friends. "Hello, girls. Good luck sa rehearsal niyo. Jhoanna mentioned you guys are going out to celebrate later. My treat, just let Jho know where you're eating."

 

Lalong nanlaki ang mga mata ng tatlo, habang si Jhoanna ay gulat ding napatingin kay Aiah.

 

"H-Hala po! Seryoso, Ma'am?" mabilis na tanong ni Maloi. "Naku, mabait po talaga si Jhoanna! Marunong pong maglaba at magsaing 'yan, Ma'am! Pwedeng-pwede na po pang-asawa!"

 

"Maloi!" saway ni Jhoanna, namumula hanggang sa tenga habang pilit na tinutulak ang mga kaibigan pabalik sa pila. "Umalis na nga kayo! Tinatawag na tayo sa stage oh!"

 

Nang makalayo ang tatlo habang nagtatawanan, binalingan ni Jhoanna si Aiah, sobrang nahihiya. "Sorry talaga sa mga 'yon, Aiah. Ang kukulit lang. Tsaka huwag mo na kaming ilibre mamaya! Masyado ka nang gumagastos sa'kin."

 

Aiah just laughed, a soft, carefree sound that echoed perfectly over the noise of the gym. "I don't mind, Jho. I like your friends. And I like taking care of you."

 

Jhoanna felt her heart do a complete somersault. Lord, pwede ba 'kong maiyak sa kilig?

 

"Basta, bumawi ka sa'kin after mo maka-graduate," Aiah added, her voice dropping into a slightly lower, more intimate register. "Once you have that diploma, you're officially not a student anymore. Which means..."

 

"Which means...?" Jhoanna trailed off, leaning in closer.

 

Aiah smiled, a mix of sweet and daring. "Which means I can finally take you on a proper, official date. One where we don't have to worry about running into Ma'am Velez or any other faculty."

 

Napalunok si Jhoanna, sabay ngiti nang pagkalaki-laki. "Deal. Hinding-hindi ako a-absent sa graduation day. See you next week, Miss Arceta."

 


 

Dumating ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ang araw kung saan ang dugo, pawis, at napakaraming kape na inialay ni Jhoanna sa loob ng apat na taon ay magbubunga na.

 

Graduation Day.

 

"Ma, pa-adjust naman nung hood ko, parang nasasakal ako nang slight," utos ni Jhoanna sa nanay niya habang nakaharap sa salamin sa loob ng holding room ng mga graduates.

 

Suot niya ang itim na toga at ang kulay asul at gintong hood na nagrerepresenta ng College of Communication. Pakiramdam niya ay ang bigat-bigat ng suot niya, pero at the same time, umaapaw ang puso niya sa saya at pride.

 

"Kaya ka nasasakal kasi ang likot mo," natatawang sagot ng mama niya habang inaayos ang pagkakabit ng pin sa balikat niya. "Oh ayan, ang ganda-ganda na ng anak ko. Ready na harapin ang totoong buhay."

 

"Thank you, Ma," malambing na sagot ni Jhoanna, sabay yakap nang mahigpit sa ina.

 

Nang magsimula na ang processional, naramdaman ni Jhoanna ang pamilyar na kaba. Nakapila siya kasama sina Maloi, Colet, at Gwen. Puno ng magulang at bisita ang university gymnasium, at rinig na rinig ang solemn na tugtog ng graduation march.

 

"Huy, naiiyak ako," bulong ni Maloi na nasa unahan niya. "Gagi, ga-graduate na talaga tayo."

 

"Umayos ka nga, Loi. Pangit mo umiyak, baka ma-chaka 'yung pictures mo," asar ni Colet, pero halata namang namumula na rin ang ilong nito.

 

Habang naglalakad sila sa aisle papunta sa mga upuan nila, hindi napigilan ni Jhoanna na igala ang mga mata niya. May hinahanap siya. O mas tamang sabihin, may hinihintay siyang makita.

 

Sa bandang unahan ng stage, nakapwesto ang mga faculty members at university officials. Lahat sila ay nakasuot din ng kani-kanilang academic regalia. At doon, sa ikalawang hilera, nakita niya ito.

 

Aiah was wearing her faculty toga, the velvet stripes perfectly accentuating her posture. Sa ilalim nito, she wore a pristine, modern white Filipiniana dress. Nakataas ang buhok niya sa isang eleganteng bun, with a few stray strands framing her beautiful face.

 

Nang dumaan ang linya nina Jhoanna malapit sa faculty section, nagtama ang mga mata nila.

 

Aiah’s professional, serious demeanor instantly melted. She gave Jhoanna the brightest, proudest smile, her eyes sparkling under the stage lights. Bahagya pa itong tumango sa kanya, a silent, intimate 'I see you, and I am so proud of you.'

 

Jhoanna felt her heart flutter wildly. Ngumiti siya pabalik nang pagkalawak-lawak. Muntik na siyang matisod sa sarili niyang toga kung hindi lang siya hinila ni Gwen mula sa likod.

 

"Focus, Robles. Mamaya na lumandi, kunin mo muna diploma mo," pabulong na saway ni Gwen, na ikinatawa na lang ni Jhoanna.

 

Naging mabilis ang takbo ng seremonya para kay Jhoanna. Ang mga speeches, ang pag-awit ng university hymn, lahat ay parang dumaan sa isang blur. Ang tanging naka-focus lang sa utak niya ay ang paghihintay na tawagin ang pangalan niya.

 

"From the Bachelor of Arts in Communication... Robles, Jhoanna Christine!"

 

Nagsigawan ang mga kaibigan niya. Narinig niya ang malakas na palakpak ng mga magulang niya. Habang naglalakad si Jhoanna paakyat ng stage, feeling niya ay nasa ulap siya. Kinuha niya ang diploma holder mula sa University President, nag-bow, at humarap sa audience.

 

At bago siya bumaba ng stage, sinadya niyang sulyapan ang gawi ni Aiah. Aiah was clapping gracefully, her eyes locked onto Jhoanna with an intensity that made Jhoanna’s knees weak. Aiah mouthed the word, “Congratulations.”

 

Pagkatapos ng tatlong oras, tuluyan nang naghiwa-hiwalay ang mga tao para kumuha ng pictures sa iba't ibang photo booths at spots sa campus. Gulo, ingay, at iyakan ng mga magkakaibigan ang pumuno sa buong field.

 

Matapos magpa-picture nang sandamakmak kasama ang pamilya at ang barkada, nagpaalam muna sandali si Jhoanna.

 

"Ma, Pa, wait lang po ah? May kukunin lang akong gamit sa department namin," palusot niya.

 

Dala ang phone niya, mabilis siyang nag-chat habang naglalakad palayo sa crowd.

 

Jhoanna: Tapos na! Official alumna na 'ko! Nasaan ka?

 

Hindi pa siya nakakalayo nang mag-vibrate ang phone niya.

 

Aiah 🤍: Look up.

 

Napatigil si Jhoanna at nag-angat ng tingin. Nakatayo si Aiah sa ilalim ng malaking acacia tree malapit sa College of Communication building, medyo malayo sa karamihan ng mga tao. Tinanggal na nito ang faculty toga niya, revealing the full, breathtaking elegance of her white Filipiniana. May bitbit itong isang medium-sized bouquet ng sunflowers at white baby's breath.

 

Tumakbo nang bahagya si Jhoanna palapit sa kanya. Nang makaharap niya si Aiah, bigla siyang nahiya. Ibang klase kasi talaga ang ganda nito sa personal, lalo na kapag ganitong pormal na pormal ang suot.

 

"Hi," hingal na bati ni Jhoanna, ang ngiti ay hindi matanggal sa labi.

 

"Hi, Alumna," Aiah greeted back, her voice soft and full of affection. Inabot niya ang bouquet kay Jhoanna. "Congratulations, Jhoanna. I am incredibly proud of you."

 

Tinanggap ni Jhoanna ang mga bulaklak, amoy na amoy ang sariwang bango nito. "Hala... thank you, Aiah. Grabe, ang ganda. Nag-abala ka pa."

 

"You deserve it," Aiah said, taking a step closer. May kinuha siyang isang maliit at manipis na velvet box mula sa maliit na bag niya. "And... I have another small gift. Consider it a graduation present."

 

Binuksan ni Jhoanna ang box. Sa loob nito ay isang mamahaling silver fountain pen, nakaukit pa ang pangalan niya sa gilid: J. Robles.

 

"Aiah... hala, ang mahal naman nito!" gulat na sabi ni Jhoanna, napatingin mula sa pen pabalik sa mga mata ni Aiah.

 

"I remember someone borrowing a pen from me not too long ago because she forgot hers," Aiah teased softly, her eyes crinkling. "I figured you'd need a reliable one for when you sign your first employment contract. O kaya kapag pipirma ka ng mga documents for your future real world adulting."

 

Jhoanna felt a lump form in her throat, a mix of pure joy and overwhelming fondness. Hindi na siya nag-isip pa. Sa sobrang tuwa, napahakbang siya at niyakap nang mahigpit si Aiah. Jhoanna wrapped her arms around Aiah’s waist, burying her face slightly into Aiah's shoulder.

 

Naramdaman niya ang bahagyang pagkagulat ni Aiah, pero mabilis din itong bumawi. Aiah wrapped her arms around Jhoanna's shoulders, holding her close, her hands gently resting on Jhoanna's back.

 

"Thank you. Best graduation gift ever," bulong ni Jhoanna malapit sa tenga ni Aiah.

 

Aiah chuckled softly, her breath tickling Jhoanna's neck. "You're welcome, Jho."

 

Kumalas si Jhoanna nang marahan, pero hindi siya lumayo. "So... dahil graduate na 'ko, at technically hindi na 'ko estudyante ng university na 'to... ibig sabihin ba wala nang conflict of interest?"

 

Aiah looked at her, pretending to think deeply. "Hmm. According to the university manual, yes. You are no longer under my jurisdiction, Miss Robles."

 

"Good," Jhoanna grinned, feeling braver than ever. "Kasi ibig sabihin no'n, pwede na kitang ayain maging girlfriend ko soon."

 

Aiah’s eyes widened slightly before a beautiful, genuine blush spread across her cheeks. She let out a soft laugh, shaking her head as she looked at Jhoanna with entirely soft eyes.

 

"Then I guess I'll be waiting for that question, Alumna."

 


 

Dalawang linggo matapos ang graduation, opisyal nang pumasok si Jhoanna sa tinatawag nilang "real world." At gaya ng inaasahan, hindi ito madali. Puro resume building, online interviews, at paghihintay ng email ang inatupag niya.

 

Pero may isang magandang bagay na hindi nagbago—ang presensya ni Aiah.

 

Ngayong hindi na siya estudyante, mas naging malaya silang dalawa. Wala na ang takot na baka may makakita sa kanilang kapwa estudyante o kapwa propesor ni Aiah na magbibigay ng malisya sa closeness nila. They were just two adults getting to know each other.

 

Nakatayo si Jhoanna sa parking lot ng paborito niyang kainan, nakasandal sa hiniram na sasakyan ng papa niya. Inayos niya ang collar ng suot niyang navy blue polo shirt. Sa wakas, araw na ng una nilang official date na walang halong palusot na "clearance errands" o "thesis break." At may idadagdag pa siyang good news.

 

Nag-beep ang phone niya.

 

Aiah 🤍: I just parked. I see you.

 

Nag-angat ng tingin si Jhoanna. Mula sa kabilang side ng parking lot, naglalakad palapit sa kanya si Aiah. Jhoanna’s breath hitched, just like the first time they met in the Finance Office. Aiah was wearing a simple, elegant black slip dress paired with a white oversized blazer, her hair falling softly in big, bouncy curls. Mukha na naman itong diyosa na naligaw sa Metro Manila.

 

"Grabe naman 'yan," mahinang bulong ni Jhoanna sa sarili bago mabilis na naglakad para salubungin si Aiah.

 

"Hi," nakangiting bati ni Aiah nang magkaharap sila. Amoy na amoy ulit ni Jhoanna ang signature vanilla scent nito.

 

"Hi," Jhoanna breathed out, visibly mesmerized. "Ang... ang ganda mo naman masyado, Miss Arceta. Baka mamaya may maningil ng entrance fee dito sa restaurant kasi may kasama akong model."

 

Aiah laughed softly, playfully hitting Jhoanna’s arm. "You always exaggerate, Jho. And you don't look too bad yourself. Bagay sa'yo 'yung polo."

 

"Thank you! Effort 'to kasi first official date natin as non-student/teacher," Jhoanna winked, opening the passenger side door of her dad's car. "Shall we?"

 

"Thank you," Aiah said gracefully as she got in.

 

Habang nagmamaneho papunta sa pinili niyang steakhouse para sa dinner nila, hindi mapigilan ni Jhoanna ang mapangiti. Nakikinig lang sila sa soft R&B playlist ni Aiah na naka-connect sa Bluetooth ng sasakyan. The silence wasn't awkward; it was comfortable and warm.

 

"So, how's the job hunting, Alumna?" basag ni Aiah sa katahimikan, her tone teasing yet genuinely curious. "May nag-reply na ba sa mga in-apply-an mo?"

 

Mabilis na sumilay ang malaking ngiti ni Jhoanna. "Actually... 'yon nga 'yung gusto kong i-kwento sa'yo tonight."

 

Aiah shifted in her seat, facing Jhoanna completely. "Really? What happened?"

 

Pinarada ni Jhoanna ang sasakyan sa tapat ng restaurant at pinatay ang makina. Humarap siya kay Aiah, hindi na maitago ang excitement. Kinuha niya ang tote bag niya mula sa likod at may hinugot na isang pamilyar na bagay.

 

Iniabot niya kay Aiah ang isang pirasong papel na nakatupi. "Look."

 

Aiah carefully unfolded the paper. It was a Job Offer and Employment Contract from one of the top media production companies in the country—the exact company Jhoanna had been dreaming of working for since her sophomore year.

 

At sa ibaba ng papel, nakapirma ang pangalan ni Jhoanna gamit ang asul na tinta na may eleganteng hagod.

 

Aiah gasped lightly, covering her mouth with one hand. Her eyes met Jhoanna's, shining with unadulterated pride. "Jhoanna... oh my gosh, this is huge. You got the junior producer position!"

 

"Opo," Jhoanna grinned, feeling incredibly proud of herself. "Nag-email sila the other day, tapos kaninang umaga pumunta ako sa office nila for the final signing."

 

Kinuha ni Jhoanna mula sa bulsa ng polo niya ang fountain pen na binigay ni Aiah nung graduation. Itinaas niya ito, parang nagpapakita ng tropeyo.

 

"At guess what I used to sign my very first professional contract?" Jhoanna said softly, her eyes locked onto Aiah's.

 

Aiah looked at the silver fountain pen, then back at Jhoanna. A beautiful, soft pink hue rushed to Aiah’s cheeks, and her eyes softened in a way that made Jhoanna’s heart flutter uncontrollably.

 

"You used my gift," Aiah whispered, visibly touched.

 

"Syempre," Jhoanna replied, her voice dropping into a sincere, gentle tone. "Sabi mo 'di ba, gamitin ko 'to for my future adulting milestones? I wanted you to be a part of my first big step, kahit sa ganitong paraan lang muna."

 

Hindi na napigilan ni Aiah ang sarili. She reached across the console and wrapped her arms around Jhoanna's neck, pulling her into a tight, warm hug.

 

Jhoanna froze for a split second before her instincts kicked in, her arms automatically wrapping around Aiah’s waist. Sumiksik siya nang bahagya sa leeg ni Aiah, humihinga ng pamilyar na pabango nito. It felt so right. Like a puzzle piece finally snapping into place.

 

"I am so proud of you, Jho. Truly," Aiah murmured against Jhoanna's shoulder, her voice thick with emotion. "You're going to do amazing things."

 

Kumalas nang bahagya si Jhoanna, magkalapit pa rin ang mga mukha nila. "Inspired kasi."

 

Aiah playfully rolled her eyes, though her smile never faltered. "Bolera talaga."

 

"Totoo nga!" Jhoanna laughed, gently tucking a stray curl behind Aiah's ear. The subtle contact made them both pause, the atmosphere inside the car suddenly shifting from playful to incredibly intimate.

 

Aiah was looking at Jhoanna's lips, then slowly dragged her gaze up to meet Jhoanna's eyes. Nag-aantay. Nagbibigay ng tahimik na pahintulot.

 

Jhoanna swallowed hard. Gusto niya. Gustong-gusto niyang nakawin ang pagkakataon na 'yon, pero umiral ang kaba at respeto niya. Gusto niyang gawin 'to nang tama.

 

Dahan-dahan siyang umatras, ngumiti nang alanganin pero matamis. "Tara na sa loob? Baka gutom ka na. Sayang naman 'yung reservation ko, pinag-ipunan ko 'yon galing sa natitira kong graduation money."

 

Aiah blinked, a tiny, fond smile replacing the heavy anticipation. She appreciated the restraint. It told her everything she needed to know about how much Jhoanna respected her.

 

"Okay. Let's go celebrate your new job, Miss Junior Producer," Aiah agreed, gracefully stepping out of the car.

 

Habang naglalakad sila papasok ng restaurant, pasimpleng inilapit ni Jhoanna ang kamay niya sa kamay ni Aiah, until the back of their hands brushed. Aiah didn't pull away. Instead, she slowly opened her palm, allowing Jhoanna to gently intertwine their fingers.

 

Napangiti si Jhoanna nang malawak. Hindi pa niya tuluyang nasusungkit ang oo ni Aiah, pero habang hawak niya ang kamay nito, alam niyang malapit na malapit na siya sa finish line.

 


 

Isang buwan at kalahati. Ganyan kabilis lumipas ang panahon mula nang magsimula si Jhoanna sa bago niyang trabaho bilang Junior Producer.

 

Kung akala niya ay nakakapagod na ang thesis, ibang level pala ang puyat at stress ng "real world." Puro out-of-town shoots, meeting sa mga clients, at pag-edit ng scripts ang umuubos sa oras niya. Pero sa kabila ng pagiging ganap na corporate slave, may isang bagay na laging nagpapagaan ng araw niya.

Ang mga "Good morning, Jho. Eat your breakfast," at "Good night, Alumna. I'm proud of you," ni Aiah.

 

Kahit gaano ka-busy si Aiah sa pagtuturo at paggawa ng lesson plans para sa bagong semester, palagi itong may oras para sa kanya. Kung minsan, nagkikita sila para mag-late dinner. Minsan naman, si Aiah pa mismo ang nagpapadala ng iced coffee sa opisina ni Jhoanna gamit ang Grab.

 

Pero ngayong araw, si Jhoanna ang babawi.

 

Nakatayo siya sa harap ng pinto ng condominium unit ni Aiah, bitbit ang dalawang malalaking eco-bag na puno ng groceries. Kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang malawak na ngiti bago pinindot ang doorbell.

 

Ilang sandali lang, bumukas ang pinto. Bumungad sa kanya si Aiah na malayong-malayo sa "Miss Arceta" na nakikilala ng mga estudyante sa unibersidad. Nakasuot lang ito ng oversized gray sweatshirt, cotton shorts, at may messy bun na parang minadali. Nakasalamin din ito, halatang nagbabasa ng kung ano bago siya dumating.

 

Kahit ganito ka-casual, halos mapatigil pa rin sa paghinga si Jhoanna. Bakit ang ganda pa rin niya? Hustisya naman.

 

"Delivery po para sa pinakamagandang professor sa buong Pilipinas!" masiglang bati ni Jhoanna, itinaas nang bahagya ang mga bitbit niyang eco-bag.

 

Nagliwanag ang mukha ni Aiah, isang matamis na tawa ang kumawala sa mga labi nito. "Jho! I thought you were just going to bring takeout. Ano 'yang mga dala mo?"

 

"Syempre, special day ngayon!" Jhoanna beamed, pumasok sa loob nang imuwestra ni Aiah ang pinto. Ibinaba niya ang mga pinamili sa ibabaw ng kitchen counter. "Dumating na kasi 'yung first ever sweldo ko, Miss Arceta! Kaya naisip ko, imbes na kumain tayo sa labas kung saan maraming tao, ipagluluto na lang kita dito. Bahay-bahayan muna tayo ngayon."

 

Sumandal si Aiah sa counter, pinapanood si Jhoanna na isa-isang ilabas ang mga ingredients—pasta, chicken breast, fresh basil, heavy cream, at isang bote ng white wine.

 

"You're going to cook for me?" Aiah asked, clearly amused and touched. "You really didn't have to spend your first paycheck all on this, Jhoanna."

 

"Hep! Wala nang bawian," natatawang sagot ni Jhoanna habang naghuhugas ng kamay sa sink. "Gusto ko 'tong gawin. Ikaw ang nagligtas sa'kin nung naghihingalo ako sa clearance, at ikaw 'yung naniwala sa'kin nung nag-a-apply ako. Deserve mo 'yung best chicken alfredo na matitikman mo sa buong buhay mo."

 

Aiah’s heart melted a little. Lumapit siya at kinuha ang chopping board at kutsilyo. "At least let me help you prep the ingredients. Ayokong nakaupo lang habang nagpapagod ka dyan."

 

"Sure ka? Baka masugatan 'yang kamay mo ah, pang-check pa naman 'yan ng mga test papers," asar ni Jhoanna, pero hinayaan na rin niyang tulungan siya nito.

 

Para silang nasa sarili nilang maliit na mundo. Habang nagpapakulo ng tubig si Jhoanna para sa pasta, si Aiah naman ay maingat na naghihiwa ng bawang at manok. Natural lang ang daloy ng usapan nila—kinuwento ni Jhoanna ang nakakatawang kapalpakan ng katrabaho niya sa shoot, at nagbahagi naman si Aiah ng mga kwento tungkol sa mga makukulit na freshmen sa klase niya.

 

Sobrang gaan, sobrang komportable.

 

"Ang bango naman niyan," komento ni Aiah nang igisa na ni Jhoanna ang bawang at manok sa olive oil at butter. Tumabi siya kay Jhoanna, ang balikat nila ay halos magkadikit na.

 

"Siyempre, luto ko 'to eh," pagyayabang ni Jhoanna. Kumuha siya ng maliit na kutsara at tinikman ang sauce na ginagawa niya. "Hmm... parang may kulang. Wait, tikman mo nga."

 

Sumalok si Jhoanna ng kaunting sauce gamit ang panibagong kutsara at maingat na inilapit sa bibig ni Aiah. Aiah automatically parted her lips to taste it, catching a drop of the creamy sauce.

 

"It's good," Aiah nodded, her eyes bright. "Maybe just a tiny bit more pepper?"

 

"Okay, noted," sagot ni Jhoanna, pero hindi niya maalis ang paningin kay Aiah. May napakaliit na dumi ng sauce na naiwan sa gilid ng labi ng dalaga.

 

Hindi na nag-isip pa si Jhoanna. Gamit ang hinlalaki niya, marahan niyang pinunasan ang gilid ng labi ni Aiah.

 

Biglang natigil ang lahat.

 

Napatitig si Aiah kay Jhoanna, ang mga mata nito ay nanlaki nang bahagya bago unti-unting lumambot. The air around them suddenly thickened. Wala nang nagsalita. Tanging ang mahinang pag-kulo lang ng pasta sa kabilang stove ang naririnig nila.

 

Ibinalik ni Jhoanna ang tingin sa mga mata ni Aiah. Yung kaba niya na laging nararamdaman noon ay napalitan ng isang matinding kasiguraduhan. Sigurado siya sa babaeng nasa harap niya.

 

"Aiah," Jhoanna whispered, her hand dropping from Aiah's face but her fingers hesitating, eventually settling gently on Aiah's waist.

 

Aiah didn't step back. In fact, she leaned in a fraction of an inch closer. "Yes, Jho?"

 

"May tanong ako," Jhoanna swallowed hard, fighting the urge to just close the gap between them immediately. "Graduate na 'ko. May trabaho na 'ko. Hindi mo na 'ko estudyante."

 

A faint, fond smile played on Aiah's lips. "I am well aware of those facts, Alumna."

 

"So... pwede ba?" Jhoanna asked, her voice slightly shaky but full of sincerity. "Pwede na ba kitang ligawan? 'Yung totoo. 'Yung formal. Gusto kitang maging girlfriend, Aiah. Gustong-gusto."

 

Aiah’s breath hitched. She looked into Jhoanna’s eyes, seeing nothing but pure, unadulterated adoration and honesty. Naramdaman ni Aiah ang mabilis na pagkabog ng sariling puso.

 

"Jhoanna," Aiah softly began, reaching up to rest both of her hands on Jhoanna's shoulders. She slid her fingers slowly towards the back of Jhoanna's neck, gently playing with the soft hairs there. "I thought you'd never ask."

 

"Wait... so, yes? Pwede kitang ligawan?" Jhoanna’s eyes widened like a puppy.

 

Aiah chuckled, shaking her head affectionately. "Jho... you've been courting me since that day you bought me an iced caramel macchiato. You don't have to formally court me anymore."

 

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ni Jhoanna, her brain short-circuiting at the proximity.

 

Aiah smiled, a look of absolute surrender and affection in her eyes. "It means... yes, Jhoanna. I would love to be your girlfriend."

 

Bago pa man maka-process ang utak ni Jhoanna sa sobrang tuwa, Aiah closed the remaining distance between them. She tilted her head and pressed her lips gently against Jhoanna's.

 

It was a soft, tentative kiss at first. Para silang nagpapakiramdaman. Pero nang mapagtanto ni Jhoanna na hindi ito panaginip, na talagang hinahalikan siya ng babaeng pinapangarap niya , she kissed back. Jhoanna wrapped both of her arms securely around Aiah's waist, pulling her flush against her chest. Aiah sighed softly into the kiss, her hands tracing the line of Jhoanna's jaw.

 

It tasted like heavy cream, garlic, and something uniquely sweet that Jhoanna knew she would be addicted to for a very long time.

 

Nang dahan-dahan silang maghiwalay para huminga, pareho silang may malalawak at namumulang mga ngiti.

 

"Shet," bulong ni Jhoanna, hindi makapaniwala. Nakadikit pa rin ang noo niya sa noo ni Aiah. "Girlfriend na kita?"

 

"Yes, you silly girl," Aiah laughed softly, kissing the tip of Jhoanna's nose. "Now, please check the pasta before my new girlfriend burns our dinner."

 


 

Dalawang linggo mula noong gabing naging opisyal sila, pakiramdam ni Jhoanna ay nakatira siya sa isang malaking cotton candy. Lahat matamis, lahat malambot, lahat nakangiti.

 

"Kung nakakamatay lang ang pagngiti sa cellphone, kanina ka pa pinaglalamayan, Robles."

 

Napaangat ng tingin si Jhoanna mula sa screen ng phone niya. Nasa paborito nilang samgyeopsal place silang magkakaibigan para sa isang mini-reunion. Busy sa paggupit ng baboy si Colet, habang si Maloi ay nakahalukipkip at masamang nakatingin sa kanya. Si Gwen naman ay tahimik na kumakain ng lettuce.

 

"Grabe ka naman sa pinaglalamayan, Loi!" natatawang depensa ni Jhoanna, mabilis na ibinaba ang phone niya. "Masama bang maging masaya? Fresh out of stressful work week eh."

 

"Hindi 'yan stress relief mula sa trabaho," sabat ni Gwen, itinaas ang salamin niya. "Ibang ngiti 'yan. 'Yan 'yung ngiting may ka-chat na nag-a-update kung kumain na ba siya."

 

"Sino ba 'yan? Si Ma'am Aiah pa rin ba?" chismis ni Colet, sabay turo ng sipit na may hawak na karne kay Jhoanna. "Balita ko pinuntahan mo raw sa condo nung sumweldo ka ah? Ano, hanggang 'padala ng kape' stage pa rin ba kayo?"

 

Hindi alam ng mga kaibigan niya ang totoong status nila ni Aiah. Masyado siyang naging busy sa trabaho, at si Aiah naman sa midterms week ng unibersidad, kaya hindi pa niya nababalita ang pinakamalaking achievement ng buhay niya.

 

Sumandal si Jhoanna sa upuan niya, pilit pinipigilan ang ngiting gustong kumawala sa mga labi niya. "Wala... friends lang kami."

 

"Weh. Parang gago 'to, friends daw," irap ni Maloi. "Kung 'friends' kayo, bakit parang kinikilig 'yang buong pagkatao mo? Gusto mo ata ikiskis 'yang mukha mo sa grill eh."

 

Bago pa man makasagot si Jhoanna, tumunog ang chimes ng pinto ng restaurant. Nilingon ito ni Jhoanna at agad na nagliwanag ang mukha niya.

 

Naglalakad palapit sa table nila si Aiah. As usual, she looked effortlessly stunning in a casual white button-down slightly tucked into high-waisted mom jeans, paired with white sneakers. May bitbit itong isang paper bag mula sa isang sikat na pastry shop.

 

"Ayan na pala 'yung 'friend' eh," mahinang asar ni Colet nang mapansin kung saan nakatingin si Jhoanna. Agad na umayos ng upo ang tatlo, pilit nagpapakabait dahil andiyan ang "Professor."

 

Tumayo agad si Jhoanna para salubungin si Aiah. Imbes na pormal na bumati tulad ng inaasahan ng mga kaibigan niya, mabilis na yumakap si Jhoanna sa baywang ni Aiah at walang pag-aalinlangang humalik sa pisngi nito.

 

"Hi, love. Buti nakaabot ka," malambing na bati ni Jhoanna.

 

Aiah smiled brightly, wrapping an arm naturally around Jhoanna's shoulders and kissing her forehead in return. "Sorry I'm a bit late. The faculty meeting extended. Traffic pa."

 

Sa kabilang dulo ng table, sabay-sabay na nalaglag ang mga panga nina Maloi, Colet, at Gwen. Nalaglag pa ni Colet ang sipit na hawak niya.

 

"L-Love?" utal na bulong ni Maloi, nanlalaki ang mga mata.

 

Lumingon si Jhoanna sa mga kaibigan niya, isang malaking, proud na ngiti ang nakapaskil sa mukha. Inalalayan niya si Aiah na maupo sa bakanteng upuan sa tabi niya, hindi bumibitaw sa kamay nito.

 

"Hi girls," bati ni Aiah, ang pamilyar at nakakatunaw na ngiti ay nakaharap sa mga kaibigan ni Jhoanna. Inilapag niya ang paper bag sa table. "I brought some macarons for you to share."

 

"Ma'am... A-Aiah," bati pabalik ni Gwen, parang hindi pa rin nag-o-operate nang maayos ang utak. "Ano po 'yung narinig namin? 'Love' po?"

 

Tumawa nang malakas si Jhoanna. "Ayan, mga chismosa. Para hindi niyo na 'ko kulitin kung nasa 'padala ng kape' stage pa rin ako. Mga beh, meet Aiah. My girlfriend."

 

Katahimikan. Tanging ang tunog lang ng mantika sa grill ang maririnig sa table nila.

 

"Girlfriend?!" sabay-sabay at malakas na sigaw ng tatlo, dahilan para mapatingin ang ilang tao sa kabilang table.

 

Mabilis na tinakpan ni Jhoanna ang mukha niya sa hiya habang si Aiah ay tumawa nang mahina, halatang aliw na aliw sa reaksyon ng mga kaibigan niya.

 

"Huy, ang iingay niyo! Nasa public place tayo!" saway ni Jhoanna, namumula.

 

"Paanong hindi kami sisigaw, Robles?!" gulat na gulat na sabi ni Colet. "Kailan pa?! Paano?! Hindi man lang kami na-orient na tapos na pala 'yung thesis defense ng love life mo!"

 

Aiah gently squeezed Jhoanna's hand under the table, her thumb rubbing soothing circles on Jhoanna's knuckles. "It happened exactly two weeks ago. Nung nagluto siya ng dinner for my... for us, to celebrate her first paycheck."

 

"Grabe, pasikreto pala kayo gumalaw," naiiling na sabi ni Maloi, pero unti-unting napalitan ng tuwa ang gulat sa mukha nito. "Pero infairness! Ang ganda ng girlfriend mo, Jho! Para kang nanalo sa lotto na walang biniling ticket!"

 

"Hoy, anong walang biniling ticket? Namuhunan kaya ako ng isang ballpen no!" pagyayabang ni Jhoanna, na ikinatawa na naman ni Aiah.

 

The rest of the dinner went smoothly and chaotically. Tuwang-tuwa sina Maloi, Colet, at Gwen na tanungin si Aiah ng kung anu-anong bagay, mula sa kung paano niya natiis ang kakulitan ni Jhoanna hanggang sa kung ano ang paborito nitong skin care. Aiah, bless her patient heart, answered every question gracefully, naturally fitting in with Jhoanna’s loud and crazy support system.

 

Habang nagtatawanan ang tatlo sa isang corny na joke ni Aiah, sumandal si Jhoanna at pinagmasdan ang girlfriend niya. Naramdaman ni Aiah ang titig ni Jhoanna kaya lumingon ito, her eyes soft and asking a silent question.

 

"Ang ganda mo," bulong ni Jhoanna para silang dalawa lang ang makarinig.

 

Aiah’s cheeks tinted pink. She bumped her shoulder against Jhoanna's playfully. "Stop it. Your friends are watching."

 

"Wala akong pake sa kanila. Girlfriend kita eh," Jhoanna whispered back, leaning in to press a quick, sweet kiss on Aiah's temple.

 

"Ehem! May mga single po rito!" parinig ni Colet mula sa kabilang side ng table.

 

"Edi maghanap kayo ng hihiraman ng ballpen sa Finance!" ganti ni Jhoanna, sabay pulupot ng braso niya sa braso ni Aiah, isinandal ang ulo niya sa balikat nito.

 

Nakangiting humilig din si Aiah sa ulo ni Jhoanna. Sa gitna ng ingay ng samgyeopsal place at pang-aasar ng mga kaibigan, alam ni Jhoanna na nasa tamang tao siya. Wala na siyang hihilingin pa. Mula sa simpleng hiram ng ballpen, hanggang sa pagkuha ng puso ni Miss Arceta.

 


 

Isang taon. Isang taon na ang lumipas mula nang maging opisyal na magkasintahan sina Jhoanna at Aiah.

 

Kung tatanungin si Jhoanna, pakiramdam niya ay araw-araw siyang nananalo sa lotto. Mas naging demanding man ang posisyon niya bilang Junior Producer at mas naging busy man si Aiah sa pagiging paboritong professor ng buong College of Communication, hindi nawala ang tamis at lambingan nilang dalawa. Sa katunayan, nag-level up pa nga ito nang mapagdesisyunan nilang mag-move in together sa condo ni Aiah noong nakaraang buwan.

 

Ngayong hapon, nag-half day si Jhoanna sa trabaho. May special mission siya.

 

Nakatayo siya sa hallway ng College of Communication building, sakto sa tapat ng pinto ng classroom kung saan nagtuturo ngayon ang girlfriend niya. May hawak siyang isang paboritong iced caramel macchiato ni Aiah sa isang kamay, at isang maliit na bouquet ng sunflowers sa kabilang kamay. Nakasuot lang siya ng simpleng white t-shirt, wide leg jeans, at white sneakers, pero ang ngiti niya ay abot hanggang langit.

 

Sumilip siya nang bahagya sa maliit na salamin ng pinto. Nakita niya si Aiah na nakatayo sa harap ng klase, suot ang isang eleganteng maroon blouse at black slacks. Hawak nito ang isang marker at seryosong nagpapaliwanag tungkol sa media ethics.

 

Grabe. Isang taon na, pero patay na patay pa rin ako sa'yo, Miss Arceta, Jhoanna thought to herself, leaning against the wall with a fond sigh.

 

Maya-maya pa, narinig niya ang hudyat ng bell. Unti-unting lumabas ang mga estudyante mula sa classroom. Ang ilan sa kanila ay napapatingin kay Jhoanna, nagbubulungan habang dumadaan.

 

"Huy, ang ganda. Model ba 'yan?"

"Baka artista, pre. Pero kanina pa 'yan nakatayo sa tapat ng room ni Ma'am Arceta eh."

"Baka kapatid ni Ma'am? Ang swerte naman sa genes ng pamilyang 'yan."

 

Palihim na natawa si Jhoanna sa mga narinig niya. Kapatid? Hindi no, asawa in the making, gusto sana niyang isagot, pero nanahimik na lang siya.

 

Nang lumiit na ang volume ng mga estudyante, lumabas si Aiah habang inaayos ang pagkakabitbit ng mga folders niya. Nakatingin ito sa sahig, marahil ay pagod na sa maghapong pagtuturo.

 

"Excuse me, Miss Arceta. Tumatanggap po ba kayo ng late enrollees?"

 

Napaangat agad ng tingin si Aiah. Nang makita niya si Jhoanna na nakasandal sa pader, ang mukhang pagod na professor ay biglang nagliwanag. The serious, strict demeanor vanished, replaced by the softest, most loving smile.

 

"Love! Anong ginagawa mo rito? I thought you had an afternoon edit for your new segment?" Aiah asked, mabilis na lumapit kay Jhoanna.

 

"Happy Anniversary, love," Jhoanna grinned, iniabot ang iced coffee at ang mga bulaklak. "Nag-half day ako. Nagpaalam ako kay Boss na kailangan kong puntahan 'yung pinakamahalagang tao sa buhay ko. Hindi naman siya tumutol."

 

Aiah’s eyes completely melted. Tinanggap niya ang mga bulaklak at ang kape, bago marahang hinampas ang braso ni Jhoanna. "You silly girl. You didn't have to skip work. Mamayang gabi pa naman 'yung dinner reservation natin ah?"

 

"Eh sa na-miss kita eh," Jhoanna pouted slightly, looping her arms around Aiah’s waist, completely disregarding the fact that they were in the middle of the university hallway. "Tsaka gusto kitang sunduin. Ayaw mo ba?"

 

"Of course I want you here," Aiah whispered, leaning in to press a quick, tender kiss on Jhoanna's cheek. "Ang sweet naman ng baby ko. Thank you for this, love."

 

"Syempre naman. Anything for my professor," Jhoanna winked.

 

Kinuha ni Jhoanna ang mabigat na tote bag ni Aiah para siya na ang magbitbit nito. Magkahawak-kamay silang naglakad pababa ng building. Walang pakialam si Jhoanna sa mga mapanuring tingin ng iilang estudyante at kapwa professor ni Aiah; she wore her title as Aiah Arceta's girlfriend like a badge of honor.

 

"Saan tayo ngayon? Maaga pa para sa dinner," Aiah pointed out habang naglalakad sila sa main pathway ng campus, under the shade of the tall acacia trees.

 

"Maglalakad-lakad lang. May ipapakita ako sa'yo," nakangiting sagot ni Jhoanna.

 

Iginaya niya si Aiah papunta sa kabilang side ng campus, papasok sa Administration Building. Kumunot ang noo ni Aiah, pero nagpadala lang siya sa hila ni Jhoanna. Hanggang sa huminto sila sa tapat ng isang pamilyar na glass door.

 

Finance Office.

 

Natawa nang mahina si Aiah nang ma-realize kung nasaan sila. "Jhoanna Robles, seriously? Dinala mo 'ko sa Finance Office for our anniversary date?"

 

"Grabe ka, hindi ah! Dito lang tayo sa labas. Tingnan mo oh," itinuro ni Jhoanna ang waiting area mula sa salamin. Wala masyadong tao ngayon dahil hindi naman enrollment o graduation season. "Naalala mo ba 'yung monobloc chair na 'yon? 'Yung nasa bandang dulo? Diyan tayo unang nagkita."

 

Aiah rested her head on Jhoanna's shoulder, looking affectionately through the glass. "How could I forget? You looked like a mess, love. Haggard na haggard ka, tapos akala mo katapusan na ng mundo dahil wala kang ballpen."

 

"Hoy, excuse me! Cute pa rin kaya ako nun!" depensa ni Jhoanna, sabay yakap sa bewang ng kasintahan. "Tsaka totoo namang katapusan na ng mundo ko nun! Kulang na lang umiyak ako kay Kuya Guard. Buti na lang... buti na lang talaga ang bait mo, tapos ang ganda mo pa."

 

Aiah turned to face her, looking up with eyes full of adoration. "I was just minding my own business, waiting for my TOR. Tapos biglang may kumalabit sa'kin na sobrang cute at nagpapanic na estudyante. When you asked me out for coffee... you have no idea how much courage I thought you had."

 

"Lakas ng loob lang talaga 'yon, Aiah," Jhoanna admitted softly, her playful tone shifting into something more sincere. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Aiah, gently stroking the skin with her thumbs. "Kung alam ko lang na magiging ganito tayo kasaya isang taon pagkatapos no'n... baka araw-araw akong nanghiram ng ballpen sa'yo."

 

"One pen was enough to write our story, Jho," Aiah smiled, her voice dripping with pure honey.

 

"Naks. Ganda talaga ng terms ng professor ko," Jhoanna teased, closing the gap between them to press her lips softly against Aiah's.

 

It was a slow, sweet kiss, right right in front of the place where everything began. It tasted of coffee, promises, and a love that was just starting to bloom into something even more beautiful.

 

Nang maghiwalay sila, ipinatong ni Jhoanna ang noo niya sa noo ni Aiah.

 

"Happy first anniversary, Aiah ko."

 

"Happy first anniversary, Jho ko," Aiah whispered back. "Come on. Let's go home."

 


 

Kung may nag-predict man ng future ni Jhoanna noong nasa kolehiyo pa siya at sinabing titira siya sa iisang bubong kasama ang pinakamagandang propesor ng unibersidad nila, baka tinawanan niya lang ito at sinabing, "Sige, paki-suntok ako para magising ako."

 

But as she lay on the soft sofa in their condo’s living room, her head resting on Aiah’s lap while her girlfriend gently ran her fingers through her hair, she knew it wasn’t a dream. This was her happiest reality.

 

Katatapos lang ng romantic anniversary dinner nila sa isang fine dining restaurant. Ngayon, nagpapahinga na lang sila. Nakasuot na sila pareho ng matching silk pajamas. Ang tanging ilaw lang sa sala ay nagmumula sa warm lampshade sa gilid, habang may mahinang lo-fi jazz music na tumutugtog sa background.

 

"Busog na busog ako, love. Feeling ko hindi na 'ko makakatayo rito," nakapikit na reklamo ni Jhoanna, pero may malawak na ngiti sa labi. Naramdaman niya ang magaan na paghaplos ni Aiah sa pisngi niya.

 

"That's because you ate two slices of that chocolate truffle cake, Jho," natatawang sagot ni Aiah, her voice a soft, comforting melody in the quiet room. "I told you to save some for tomorrow, pero inubos mo agad."

 

"Eh masarap eh! Tsaka anniversary naman, minsan lang maging matakaw," pagdadahilan ni Jhoanna, iminulat ang mga mata para salubungin ang paningin ni Aiah.

 

Kahit walang make-up at nakapusod lang ang buhok, mukha pa ring anghel si Aiah. The soft lighting cast a warm glow on her features, making her look incredibly ethereal.

 

The atmosphere shifted between them—what had been playful moments ago now settled into something soft and unspoken. Quiet, warm, and full of affection. Jhoanna reached up, holding Aiah’s hand against her cheek, before pressing a gentle kiss to it.

 

"May isa pa pala akong regalo sa'yo," bulong ni Jhoanna, dahan-dahang bumangon mula sa pagkakapahiga.

 

Umupo siya nang maayos sa tabi ni Aiah, inayos ang gusot ng pajama niya bago kinuha ang maliit na paper bag na nakapatong sa coffee table kanina pa.

 

Kumunot ang noo ni Aiah, halatang nagulat. "Love, we said no more gifts after the dinner. You already gave me the flowers earlier."

 

"Technically, hindi 'to binili ngayon. Matagal ko na 'tong naitago, naghihintay lang ng tamang oras," Jhoanna smiled proudly, handing over a sleek, rectangular velvet box.

 

Tinanggap ito ni Aiah nang may pag-aalinlangan, pero hindi rin niya naitago ang kuryosidad sa mga mata niya. Dahan-dahan niyang binuksan ang kahon.

 

Sa loob, nakalatag sa itim na unan ang isang napakagandang, custom-made na rose gold fountain pen. Sa gilid nito, nakaukit nang maayos at elegante ang mga salitang: A. Arceta-Robles.

 

Napasinghap si Aiah. Nanlaki ang mga mata niyang tinitigan ang nakaukit na pangalan, bago dahan-dahang nag-angat ng tingin kay Jhoanna. Basa na agad ang mga gilid ng mata ng propesor.

 

"Jhoanna..." Aiah breathed out, her voice trembling slightly.

 

Lumapit nang kaunti si Jhoanna, hinawakan nang mahigpit ang kabilang kamay ng kasintahan.

 

"Noong graduation ko, niregaluhan mo 'ko ng silver pen. Sabi mo, gamitin ko 'yon sa mga future adulting milestones ko, para sa mga kontrata at mahahalagang dokumento na pipirmahan ko sa labas ng university," panimula ni Jhoanna, ang boses niya ay malambot pero puno ng kasiguraduhan. "At ginamit ko nga. Ginamit ko sa first job ko. Ginamit ko sa lease agreement ng condo nating dalawa. Every milestone I had, nandoon 'yung pen na 'yon. Nandoon ka."

 

Aiah bit her lower lip, a tear gracefully falling down her cheek. Hindi niya ito pinunasan, hinayaan lang niya itong tumulo habang nakikinig sa babaeng pinakamamahal niya.

 

"Kaya ngayon, sa first anniversary natin... naisip kong ibalik sa'yo 'yung pabor," Jhoanna continued, giving Aiah's hand a reassuring squeeze. "Bibigyan din kita ng ballpen. Pero this time, hindi lang 'to para sa adulting milestones. Gusto ko sanang gamitin mo 'to... sa mga lesson plans natin, sa pag-check mo ng mga test papers, sa mga grocery lists natin... at balang araw..."

 

Jhoanna paused, taking a deep breath as her own eyes started to water.

 

"...balang araw, gusto kong gamitin natin pareho 'yung mga ballpen natin para pumirma sa isang marriage certificate."

 

Isang hikbi ang nakawala sa mga labi ni Aiah. Agad niyang binitawan ang kahon sa lap niya at mabilis na ikinawit ang parehong braso sa leeg ni Jhoanna. She pulled Jhoanna into a tight, overwhelming hug, burying her face into Jhoanna's neck.

 

"Yes," Aiah cried softly, her tears wetting Jhoanna's collar. "Yes, of course, Jho. Balang araw."

 

Niyakap din nang mahigpit ni Jhoanna si Aiah, nakangiti nang napakalawak habang tumutulo ang sarili niyang mga luha. Naramdaman niya ang napakabilis na pintig ng puso ni Aiah na tumutugma sa bilis ng tibok ng sarili niyang puso.

 

"Advance lang ako mag-isip, love," Jhoanna chuckled wetly, rubbing gentle circles on Aiah's back. "Ayoko pang mag-propose ngayon kasi gusto ko kapag nag-propose ako, may singsing na talaga. At gusto ko tapos na 'yung Master's mo. But I just wanted to give you the assurance. Ikaw lang, Aiah. Wala nang iba."

 

Kumalas nang bahagya si Aiah, pinunasan ang luha niya at saka hinawakan ang magkabilang pisngi ni Jhoanna. Her eyes were completely filled with an ocean of love, warmth, and absolute devotion.

 

"I don't need a ring right now, Jhoanna. You being here, building a life with me, is more than enough," Aiah whispered, leaning her forehead against Jhoanna's. "I love you. So much."

 

"I love you too, Miss Arceta. So much," Jhoanna whispered back.

 

And then, they kissed. It wasn't the tentative, nervous kiss they shared on their first date, nor the quick pecks they gave each other in the morning. It was a kiss full of promises, of shared dreams, of a future written in the stars.

 

Jhoanna’s mind drifted back to the day they first met—the chaos of the Finance Office, the nervous knot in her chest over her clearance, and the shameless way she borrowed a pen from a stranger who smelled faintly of vanilla.

 

Sino ba namang mag-aakala na sa iisang ballpen magsisimula ang pinakamagandang kwento ng buhay niya?

 

Hindi na kailangan pa ni Jhoanna ng magarbong plot twist o nakakagulat na turn of events. Kuntento na siya rito. Hawak ang kamay ni Aiah, yakap ang babaeng nagbigay ng kulay sa buhay niya, at handang-handa nang isulat ang susunod na mga pahina ng kwento nila.

 

Wala nang expiration date. Wala nang clearance na hihingiin.

 

Passed na passed na si Jhoanna Robles sa subject ng pag-ibig.

 

 

The End.