Actions

Work Header

wala na ba ako sa'yong puso?

Summary:

“jaehyun naman kasi! sa dami-daming tao na pwede mong gamitin para lokohin ako—yung best friend ko pa talaga! tangina naman, pa’no mo nagawa sa’kin ‘to? we were supposed to get married, alam mo ‘yon—para saan pa ‘tong singsing na binigay mo saakin, ha?”

“sabi mo sa’kin, habang buhay mo akong mamahalin.. how could you do this to me? kayong dalawa, paano n’yo nagawa sa’kin ‘to..” his voice broke halfway, still processing the situation.

napaluhod si sanghyeok—mga luha nya ay walang tigil, nakakaawa s’yang tignan. the old jaehyun would wipe his tears habang sinasabihan siya na magiging okay lang ang lahat—pero, ngayon? ngayon wala man lang siyang masabi kay sanghyeok.

Notes:

i wrote this at like 3-4 am, pls don't mind the grammar, anyways enjoy

Work Text:

jaehyun and sanghyeok have always been good at communicating—so when they had gotten into a fight, it was unexpected and went wrong.

 

“ano na, jaehyun? ako parin ba ‘yung nandyan sa puso mo?” sanghyeok asked, kasi, bakit naman ganito yung pinaparamdam sa kanya nung lalaking nasa harapan nya?

 

hindi makapag-salita si jaehyun, i mean, how could he? how could he even admit that he’d cheated on the shorter man in front of him? “sanghyeok, i’m sorry.” sa una, nag hesitate siya magsalita—pero naisip nya na he needs to know at least the truth.

 

“jaehyun..? anong ginawa mo?” sanghyeok asked, at this point—malapit na s’yang umiyak. tinitigan n’ya ang mga mata ng lalaking mas bata sa kanya, ‘yung mga mata na palagi n’yang tinititigan tuwing sila’y nag-uusap.

 

miss na miss n’ya ‘yung mga moments na ‘yon.

 

“jaehyun, sagutin mo naman ako! anong ginawa mo? bakit ka nag so-sorry?” sanghyeok screamed at him, mga luha niya’y nahuhulog na. “tangina naman!” sumigaw ng biglaan si sanghyeok—hindi nya na alam kung anong mararamdaman niya.

 

“sorry, sanghyeok. naloko kita—i’m so sorry talaga, mahal ko.. me and sungho were—” biglang nainterrupt si jaehyun, “sungho? yung.. yung best friend ko, si sungho?” biglang napatawa si sanghyeok, hindi sya makapaniwala sa naririnig niya.

 

"jaehyun, pinag-tritripan mo ba’ko o ano? kasi kung oo, hindi na nakakatuwa ‘to. please lang, sabihin mo na nagbibiro ka lang..” sanghyeok cried.

 

“jaehyun naman kasi! sa dami-daming tao na pwede mong gamitin para lokohin ako—yung best friend ko pa talaga! tangina naman, pa’no mo nagawa sa’kin ‘to? we were supposed to get married, alam mo ‘yon—para saan pa ‘tong singsing na binigay mo saakin, ha?”

 

“sabi mo sa’kin, habang buhay mo akong mamahalin.. how could you do this to me? kayong dalawa, paano n’yo nagawa sa’kin ‘to..” his voice broke halfway, still processing the situation. napaluhod si sanghyeok—mga luha nya ay walang tigil, nakakaawa s’yang tignan.

 

the old jaehyun would wipe his tears habang sinasabihan siya na magiging okay lang ang lahat—pero, ngayon? ngayon wala man lang siyang masabi kay sanghyeok.

 

tumayo si sanghyeok at nagsalita, “alagaan mo si sungho, ha? mabait s’yang lalaki, wag na wag mo siyang sasaktan. wag mong gawin sa kanya ‘yung ginawa mo sa’kin.” tinignan siya ni jaehyun as his shadow faded away.

sayang nga sila.