Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationships:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2026-03-12
Words:
1,982
Chapters:
1/1
Comments:
2
Kudos:
11
Bookmarks:
1
Hits:
92

Bakit hindi na lang maging kayo?

Summary:

'Yieee, bakit kasi hindi na lang maging kayo?''

Napataas ang kilay ko. ''Si Jaehyun? Kahit bigyan niyo pa ako ng sampung milyon, 'di ko papatulan 'yan.''

Notes:

(See the end of the work for notes.)

Work Text:

 

'Yieee, bakit kasi hindi na lang maging kayo?''

Napataas ang kilay ko. ''Si Jaehyun? Kahit bigyan niyo pa ako ng sampung milyon, 'di ko papatulan 'yan.''

Tinignan niya lang ako mula ulo hanggang paa at ngumisi.

Tanginang mukha yan.

Ang sarap hambalusin. Eh kung kunin ko mata nito at gawing fishball? Konti na lang talaga sasamain na 'yan sakin eh.

 

''Oo nga. Bakit hindi na lang maging tayo? Boring boring mo eh, para sumaya ka naman.'' Pagkatapos niyang sabihin, tumawa siya ng mapang-asar. Nag sitawanan pa 'yung iba naming kaklase.

Edi mas lalo akong nainis.

''Pakyu! Tangina mo!'' Mura ko sa kanya at pinakitaan ng middle finger pero napailing na lang ito at bumalik sa pagpapalit ng jersey sa loob ng room.

Kung hindi ba naman ubod ng yabang ang ulupong.. pinakitaan pa ng abs mga kaklase naming babae na halos kiligin sa ginawa niya.

At ang nagawa ko na lang ay humarap sa librong binabasa ko. Gusto ko nalang ingudngod yung mukha ko roon para hindi ko na makita yung pangit niyang mukha.. well, that's my opinion.

Ligid din naman kasi sa kaalaman ng lahat na bisexual siya, ako rin, I'm loud and proud. Hanggang sa parati kaming inaasar sa isa't isa kasi wala na kaming ginawa kundi magbangayan.

Enemies to lovers daw?

Ulol.

hinding-hindi ko maiisipan na magkagusto sa kanya.

Not a chance.

Bakit? Ayoko lang sa mayabang, ayoko sa mga taong matataas ang tingin sa sarili, ayoko sa mga papansin, sa mga ggss, at higit sa lahat, sa mga PRIVILEGED STUDENT ATHLETES na kagaya niyang kahit hindi pumapasok sa klase eh pinapasa pa rin ng mga profs.

Habang ako na walang ginawa kundi mag-aral ng mag-aral para maging pinakamagaling.

 

Jaehyun Jeong.

That name.

That damn name makes me sick.

 

Naririnig ko pa lang 'yung pangalan niya, umaakyat na agad yung dugo ko sa ulo. Simula ng mag transfer siya dito sa university, wala nang araw na payapa.

Parati ko siyang nakikita, parang sinasadya ng tadhana magtagpo kami ng landas kahit hindi kami magkaklase sa ibang subjects dahil irregular 3rd year student siya, habang 2nd year naman ako.

Kundi ko ba naman sinalo 'yung kamalasan ngayong taon. Out of all people in the campus, lagi ko siyang nakakasalubong?

Tangina nga naman.

 

Nag-inat-inat na ako after my last subject. I took off my glasses for a bit, and rest my eyes before wearing them again. Sakto kailangan ko pa pumunta sa gym para ibalik 'yung mga hiniram na extra arm chairs sa likod kasi may mga naki sit-in sa klase kanina.

Bilang masipag na estudyante, ako na lang ang nag-volunteer.. kasi gusto ko lang.

Masipag kasi ako. At bilang Presidente ng student body ng BS BA Major in Marketing Management department,

I don't like slacking off.

Nagpatulong na lang ako kay Kuya Kun para buhatin 'yung ibang upuan to save time kesa magpabalik-balik ulit. Marami kaming pinagkwentuhan agad along the way dahil siya ang bise ko.

We've discussed our future plans for the events coming right up. Nagtawanan pa nga kami kasi may mga katarantaduhan ang ibang batch na gustong idagdag sa lineup ng events next week.

Papalapit na kami sa gym, ang lakas na agad ng boses ng mga naglalaro ng basketball. Ang lakas ng boses ng coach nila at may sabay-sabay na pag-dribble ng mga bola.

May tryouts ata sila ngayon?

Hindi ko sure.

Wala naman kasi akong pakielam.

Ayun, dire-diretso kaming naglalakad habang kasunod ko si Kuya Kun sa likod, palapit na kami ng palapit sa court ng..

 

BIGLANG MAY TUMAMANG BOLA SA MUKHA KO!

At tumilapon na nga 'yung salamin ko kung saan. Nabitawan ko na 'yung upuan dahilan para mataranta si Kuya Kun sa likod ko.

 

''JUNGWOO!'' Sigaw niya.

Wala akong makita masyado. Sobrang labo ng paningin ko kasi nga almost 500 ang grado ko. Magkabilaang mata pa iyon with astigmatism.

 

''Putangina!'' Singhal ko.

Tumahimik sa gym.

''Ay sorry sorry! Akala ko kasi may posteng naglalakad!''

 

Jaehyun.

 

Ramdam kong may tumulong dugo sa ilong ko. Napakunot ako ng noo at hinawakan ang ilong only to see my hands with blood. Uminit bigla yung ulo ko! Halos nagmamaktol na ako sa loob-loob at galit na galit na luminga sa direksyon niyang tumatakbo papunta sakin.

 

''Okay ka lang? Bakit ka kasi tatanga tatanga at 'di ka umiwas?''

Instead of being concerned???

''AKO PA TALAGA ANG MAY KASALANAN? IKAW NA NGA YUNG NAGBATO NG BOLA SA MUKHA KO??''

Hindi ko pa rin siya makita ng maayos dahil wala akong salamin…

pero BETTER!

''Kung hindi ka sana dumaan sa gitna malapit sa ring edi sana hindi lalagpas 'yung bola sa mukha mo. It's your fault, Jungwoo.'' Anas nito sa akin.

''HUH, fuck you!'' I cursed, still wiping the blood from my nose.

Kita kong pinulot niya ang salamin ko at binigay saakin.

''Sorry, palitan ko na lang salamin mo.''

I snatched it right away out of his hand.

''Putangina talaga, wala na nga akong makita.. dumudugo pa ilong k—–''

''Coach! Dalhin ko lang sa clinic toh!''

 

Bago pa ako makasagot, bigla niya akong binuhat na pang kasal.

Sa harap ng buong basketball team ng Neo University!

 

''Ibaba mo nga ako! Kuya Kun!'' Napaharap ako kay Kuya Kun na aakayin sana ako kaso winasiwas ni Jaehyun ang kamay niya.

''I can take care of Jungwoo, Kun. Let me handle this.'' Matigas na sagot ni Jaehyun.

Pinalo ko braso niya.

''Ang laki-laki kong tao, Jaehyun! Fuck you, ibaba mo nga ako!'' Maktol ko pero hindi ako pinansin at dire-diretsong naglakad patungo sa school clinic.

 

Wala akong makita kaya hindi ko na alam kung sino man mga taong madaanan namin. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin kaya kahit anong galaw ko hindi ako makawala.

''Wala ka na talagang magandang ambag sa buhay ko. Nakakabwisit ka..'' I complained but he just ignored me the whole time.

 

Fuck this guy.

 

Hanggang sa nakarating na kami sa school clinic at binaba niya ako sa bakanteng kama. Masama ko siyang tinitigan habang inaabot ang first aid kit sa school nurse.

''Jaehyun, anong nangyari? Akala ko tuloy ikaw ang pasyente.''

''Natamaan ko ng bola ma'am, eh.. Ako na po maggagamot, don't worry.''

''Sure ka? Sabihan mo lang ako if you need extra hands.''

''Thank you ma'am.''

 

Hindi ako nagsalita at tinitigan ang salamin kong basag sa aking mga palad.

I shook my head in disbelief. Limang taon kong gamit ang salamin na iyon tapos sa isang iglap basag na.

Hayop ka talaga Jaehyun.

Nagsalita na lang siya bigla ng kumuha siya ng upuan para makapwesto sa harap ko.

''Wala ka na ngang makita tapos kumukunot pa noo mo?''

I rolled my eyes at iaangat na sana ang ulo ng pinalo niya ang hita ko.

''Aba!'' Gigil kong sigaw.

''Don't do that! Ibaba mo ulo mo!'' At hinawakan niya ang likod ng ulo ko para di ko maangat.

He moved my head gently. ''Tapos ipitin mo muna ilong mo. Pupunasan ko.''

Hindi ako nagsalita at ginawa ang inuutos niya.

Malalim ang pagbuntong-hininga niya na pinunasan ang ilong ko habang pisil pisil ko pa rin. Maya maya pa ay tumigil na ang dugo kaya nilagyan niya ng tissue ilong ko at inapplyan ng cold compress.

''Kaya ko na!'' Inagaw ko sa kanya ang ice pack kaso nilalayo niya at tinatago tago pa sa likod.

''Sabi ng kaya ko na! Kasalanan mo talaga to eh, kung ginamit mo lang sana yang mata mo ng maayos edi hindi mo tatamaan yung mukha ko! Ang laki laki ng gym! The fuck! Ang laki laki ng space pero hindi mo ma-distinguish yung mukha ko sa kasama mo? AKO BA YUNG RING HA? AKO BA YUNG TEAMMATE MONG NAKA JERSEY? HINDI BA NAMAN TANGA TANGA NA MAGLALARO NG B—''

 

And just like that,

he kissed me on the lips to shut me up.

 

''Daldal mo, kakarindi.'' Sabi niya at parang hindi ako ninakawan ng first kiss!

 

Buka ang bibig ko habang nanlalaki ang mga mata habang siya naman ay pinagpatuloy sa pagdiin ng cold compress sa taas ng ilong ko na para bang walang nangyari.

Madalian kong inagaw ang cold compress sa kamay niya kahit wala akong masyadong makita.

 

''Who do you think you are to kiss me? Fucking asshole?''

He hissed at me.

''Ang daldal mo, ang lakas ng boses mo, and I know you'll never stop so I kissed you.'' He defended.

 

I shook his head in disbelief again. ''Ang kapal talaga ng mukha mo noh?''

''Also, don't you dare blame me for what happened. Apat na nga mata mo hindi mo pa nagamit ng maayos.'' Aniya at saka mabilis na tumayo para kumuha ng tubig sa water dispenser.

 

I glared at him.

 

May kinuha siya sa gilid ng lamesita pero hindi ko alam kung ano kasi nakatalikod siya saakin.

Parang may sinusulat?

I shrugged.

 

The whole time, nakakunot lang ang noo ko at madiin na nilalagay ang cold compress para mabawasan ang sakit. Bumalik siya saakin at inabutan ako ng tubig, may nilapag din sa kama ko pero hindi napansin kung ano dahil sa sakit ng ulo.

 

''Drink this water first.''

Hindi ko kinuha ang binibigay niya at tumingin lang sa malayo.

He sighed. ''Iinumin mo 'to o isasaksak ko sa bibig mo?''

''Gago.'' Sagot ko at mabilisan na kinuha bago ubusin ang laman.

 

Natahimik kami ng ilang minuto bago siya muling magsalita.

''Are you free tomorrow? Palitan ko na lang yung salamin mong nasira.''

''Wag na, ako na.'' Tangi kong sagot at umiling.

 

Lumapit siya sa akin at pinantayan ang mukha ko.

''Ilan to?''

He raised two...

three fingers?

 

''Wag mo nga akong inaasar! Umalis ka na nga!''

And because of that, he laughed.

 

Tanginang mukha. Kahit hindi ko makita ng malinaw, gusto ko na agad suntukin.

 

''Bulag!'' Pang-aasar niya dahilan para suntukin ko siya sa dibdib.

''Yabang mo talaga noh? Ikaw na nga nakasakit, ikaw pa mayabang.''

He laughed again.

Masama kong tinignan si Jaehyun kahit wala akong makita kundi 'yung hugis ng mukha niya at matingkad niyang yellow jersey.

Alam ko lang tinititigan niya ako ng may pagtawa-tawa pa rin.

 

''You're pretty up close pala noh? Very.''

 

''Huh?'' Naguguluhan kong tugon.

Anong sinasabi ng gago? Teka, tama ba ako nang pagkakarinig?

 

''Wala. Sabi ko ang pangit mo kapag may tissue sa loob ng ilong!''

Putangina.

I raised my middle finger and showed it to him.

Tumayo na siya agad sa kinauupuan.

 

''Anyway, you're welcome. Dito ka lang ah, tapusin ko lang tryouts namin tapos ihahatid kita kung saang lungga ka man nakatira.''

Kumunot ang noo ko at inayos ang sarili sa maliit na kama para makasandal.

''No thanks. I can go home by myself.''

Tangina. Wala pala akong dalang gamit, hindi ko pa ma-text tropa ko para magpasundo kung sakali.

Looks like I need to go back sa room to get my things.

''Ako na bahala sa gamit mo. Hintayin mo ako rito.''

''Wag na nga diba? Ako na!''

 

Rinig ko pa ang mga bulong niya pero hindi ko maintindihan so my eyebrows continued to crease.

''Tigas ng ulo.''

 

Umalis siya sa harapan ko dahilan para makahinga ako ng maayos.

''Maam, wag niyo po hayaan umalis si Jungwoo, he's my responsibility for today's incident.''

''Sure, Jaehyun. Ako na bahala.''

''Thank you po.''

 

I could only roll my eyes in frustration and pressed the cold compress above my nose.

 

Lumabas na siya ng clinic kaya naiwan akong mag-isa. Ang tanging nagawa ko lang ay titigan ang salamin kong basag…

at pagkain.. na nasa tabi ng salamin ko. Mukhang ito 'yung kinuha ni Jaehyun sa tabi ng lamesita.

 

''Biscuit?'' Bulong ko.

Sakto. Gutom na talaga ako.

Kukunin ko na sana yung biscuit kaso may nakapa pa akong papel sa tabi ng salamin.

 

Di ko makita!

Maliit lang naman, parang tinupi.

Binuksan ko... halos ilapit ko na sa mukha ko para lang mabasa..

 

 

''I re a l.. y so ry. C n I da e y u as m way of ap l gy?''

 

Ha?

Hindi ko mabasa ng maayos! Super blurry!

Notes:

''I re a l.. y so ry. C n I da e y u as m way of ap l gy?''

[I'm really sorry. Can I date you as my way of apology?]

I've decided to repost my one-shot fic of jaewoo here. Thank you for reading!