Chapter Text
Haechan likes seeing people be in love and get married.
He likes attending weddings. Natutuwa ang puso niya tuwing nakakasaksi ng isang kasal ng dalawang taong nagmamahalan.
Gustong-gusto niyang nakakanood ng mga taong maluha-luhang naglalakad sa gitna ng simbahan habang sa dulo ay may isa ring maluha-luhang naghihintay sa kanila na makakasama nila panghabang-buhay. Gusto rin niyang pinapakinggan ang mga salitang binibitawan ng mga kinakasal, kung paano nila ipangako ang pangmatagalan na pagsasama sa isa’t isa. Pinakapaborito niyang sandali ay ang paghahalikan ng mga bagong kasal, halik na puno ng pangako at pagmamahal, tanda ng panibagong simula sa mga buhay nila.
‘Gusto ko rin niyan.’ ‘Yan ang laging sinasabi ni Haechan tuwing dumadalo siya ng isang kasal. Gusto rin niyang maranasan lahat ng iyon balang araw at maikasal sa taong mahal niya.
Pero sa kasamaang palad, hindi na ata iyon mangyayari.
Kasalukuyan siyang nakaupo ngayon katabi ang isang lalaking ngayon lang niya nakita, pareho silang nananahimik habang pinapakinggan mag-usap-usap ang kanilang mga pamilya.
Haechan is getting married.
Yun ang sabi, yun ang narinig niya. Kailangan daw niyang ikasal. Kanino siya ikakasal? Dito sa katabi niya na ni paboritong kulay nito ay hindi niya alam.
But you are supposed to get married to someone you love, right? Pero bakit siya, hindi man lang niya kilala ang taong makakasama niya sa pagtanda?
Mark Lee, huh? Ngayon niya lang nalaman at narinig ang pangalan na ‘yan… at siya raw ang pakakasalan ni Haechan.
Ngayon lang din ata ang una nilang pagkikita dahil hindi naman pamilyar ang mukha ni Mark sa kanya. Pero hindi siya sigurado, baka nagkita na pala sila noon sa mga party’ng dinaluhan ng kanilang pamilya at sadyang wala lang talagang lugar si Mark sa buhay niya noon para tandaan pa ang pangalan at mukha nito.
“The target date of the wedding is next year,” sabi ng ama ni Haechan at tinapunan silang dalawa ng tingin. Sobrang kaswal lang ng tono nito na para bang hindi nito anak ang ikakasal. “We are not in a rush, so both of you still have enough time to get closer before the wedding.”
Tahimik lang si Haechan at pinaglalaruan ang pagkain na nasa plato niya, nawalan na siya ng gana kanina pa. Hindi na nga niya malunok ang kinakain niya dahil sa mga pangyayari.
Hindi niya alam kung anong nararamdaman niya ngayon, hindi pa nagsi-sink in sa kanya na ikakasal na siya. Hindi niya rin alam kung ano bang nararamdaman nitong katabi niya dahil ayaw niya naman ‘tong tapunan ng tingin at hindi pa rin talaga sila nakakapag-usap nang maayos.
Hindi niya alam kung pareho silang ngayong gabi lang din nalaman na ikakasal na pala sila sa isa’t isa. Oo, ngayon lang nalaman ni Haechan, sinabi pa ng magulang niya na dinner lang daw with a close friend ang pupuntahan ng pamilya nila. Dinner nga pero sa kalagitnaan pala ng dinner na ‘yon ay sasabihin na lang bigla na ikakasal na siya.
Galing sa isang mayamang pamilya si Haechan, their family is one the richest families in Asia. They are known to have the biggest malls in the country. But aside from that, they also own some hotels and other businesses around the world.
Kaya hindi na bago sa kanya ang konsepto ng ‘arranged marriage’, may mga iilang kakilala siya na pinasok din sa ganong setup. Uso ata talaga sa mga mayayaman ang magpakasal sa hindi naman nila mahal dahil pati nga ang magulang niya e produkto rin ng ganong setup.
Kaya naman sa una pa lang ay inaasahan na niyang may isa sa kanilang apat na magkakapatid ang ikakasal din sa ganoong paraan, sa isang pilit at hindi nila ginustong kasal. Pero bilang pangatlo sa magkakapatid, akala ni Haechan ay hindi siya ang pipilitin na ipakasal sa ibang tao.
Hindi na kasi pwede ang kuya niya dahil kasal na ito. Ganun din ang nangyari, he got married because of money and business. But he got lucky dahil sa longtime girlfriend niya pa rin siya naikasal, family friend kasi ang mga ‘to at business partner din ng magulang nila.
Ang ate niya naman ang naging susunod na option, siya talaga dapat ang nandito sa pwesto niya ngayon. Ang ate niya kasi ang laging ipinapakilala sa mga anak ng mga kaibigan ng magulang nila. So everyone expected it to be her.
Kaedad din nito si Mark, they are both 28 while Haechan is 23. So it’s just more fitting for her sister to marry Mark.
But her sister seems to have other plans. Sinuway nito ang magulang nila at nagpakasal ito nitong nakaraang buwan sa nobyo nito nang patago. Dahil doon, lahat ng plano ng magulang nila ay nawasak.
Kaya eto ngayon si Haechan, siya naman ang napagdiskitahan ng magulang niya.
Haechan heard that Mark’s family owns the biggest real estate developer company in Asia and knowing their family owns malls and hotels, that’s definitely the reason why they are getting married, their marriage will help both of their families’ businesses.
Haechan will gladly help his parents naman in managing their company if that’s what they want but just not this way. Hindi niya alam kung kaya niyang ikasal sa taong hindi niya naman mahal.
Hindi ba kaya ng magulang nila ni Mark na maging business partners na lang without them getting married? Is marriage really required here?
“Talk to each other after dinner—”
The table went silent when they suddenly heard a sound from someone’s phone.
At nang tumayo si Mark mula sa pagkakaupo ay lahat sila napatingin rito. “Sorry, I’ll just answer this call. I’ll be back.” sabi nito at naglakad na palayo.
Spoiler: Hindi na bumalik si Mark.
Iyon na rin ang huling kita ni Haechan kay Mark and it’s been three weeks since they were told that they are getting married.
Ngayong araw, nakatitig lang si Haechan sa kisame ng kwarto niya at nag-iisip-isip muna. He doesn’t know what to do again, sinabihan kasi siya last week na kailangan daw nilang dalawa ni Mark na tumira sa iisang bahay, para raw mas mapadali ang pagkilala nila sa isa’t isa.
Haechan wanted to protest when they told him about that because is forcing them to get engaged not enough? Kailangan pa talaga nilang tumira nang magkasama?
Pero bilang isang mabuting anak si Haechan na hindi kayang humindi at i-disappoint ang magulang, all he can do is purse his lips and nod.
Sa totoo lang, hanggang ngayon ay wala pa ring pumapasok na kahit ano sa utak niya patungkol sa mga nangyari nitong mga nakaraang linggo. Hindi pa rin siya makapaniwala na he just graduated a few months ago and now, in the blink of an eye, he’s engaged then getting married next year?!
Pagkatapos ng dinner noong nakaraan ay inabutan siya ng magulang niya ng isang singsing, engagement ring daw nila ni Mark. Maganda naman ang disenyo nito pero kahit ilang beses niyang tingnan ang singsing na suot niya ngayon, everything still feels surreal. Maybe it’s because he doesn’t feel any connection or sparks with the person wearing the other ring.
Everything about this engagement feels fake and forced… In fact, they are actually forced.
Again, he doesn’t even know anything about Mark. Nasabihan sila na mag-usap pagkatapos ng dinner pero hindi na nga nakabalik si Mark dahil may biglaang nangyari daw sa opisina nito.
So he went home that day engaged but didn’t even get to know a damn thing about his fiancé.
But after that day, he did try to find some few things about Mark, though. Actually, his cousin and his friend did it for him and wala siyang choice but to listen.
He remembered getting bored with all the things they found out.
“You don’t even know his Instagram?!” tanong ni Doyoung.
They are currently looking for some information about Mark. Sa totoo lang ay hindi siya kasama dahil mas gusto niyang pagtuonan ng pansin ang librong binabasa niya. But of course, his cousin Doyoung and his best friend Renjun won’t let him live kaya eto sila ngayon.
But so far, the things they found out about Mark are not jaw dropping information. Mga articles lang tungkol sa mga achievements nito in handling their family business like him being the youngest billionaire in the country when he was 21 or him being the youngest na ganito, ganyan. May mga iilang pictures naman si Mark sa internet but most of it is just him attending conferences or events while wearing a suit and if not, nakaputing long sleeve ito, it’s like his uniform already.
They didn’t see anything personal like Mark’s dating life or just anything na masasabi ni Haechan na kilala niya si Mark bukod sa pagiging businessman. Walang ganon, it’s all about that… It’s all about the reason why they are getting married, business, kaya hindi makuha ang interes ni Haechan.
“I never asked about it…” mahinang sagot niya sa pinsan niya habang nakatingin pa rin sa librong binabasa. “I mean, I never had the chance.” dagdag niya at nagkibit-balikat.
“And you didn’t even try to type his name sa any social sites?” tanong naman ng kaibigan niyang si Renjun. “Hindi ba talaga siya familiar sayo? He’s sometimes the hot topic kasi nga he’s not even in his 30s yet pero he already achieved a lot of things and he’s also good looking,” Renjun looked at him while emphasizing the words ‘good looking’.
“Does his fiancé think he’s good looking?” tanong pa nito sabay tutok ng isang imaginary microphone sa bibig niya. Hindi niya sinagot ang kaibigan at iniwas na lang ang tingin, he would be lying if he says no. Gwapo naman talaga si Mark at wala namang masama kung aminin niya ‘yon sa sarili niya. Him admitting Mark is handsome doesn’t mean anything naman.
“I always hear people wishing pa na maikasal daw sana sila kay Mark.” Renjun added. Haechan shook his head, gusto niyang matawa kasi siya ‘tong hindi hiniling na maikasal kay Mark pero siya pa ‘tong napunta sa sitwasyon na ‘yon.
Pero yeah, wala talaga siyang matandaan na Mark Lee sa mga in-attend-an niyang party. Most of the time din kasi e hindi siya umaalis sa table nila tuwing may mga ganap na ganon, hindi siya sumasama sa mga kapatid niya when they socialize and make some connections to other people. Mahiyaing tao din kasi si Haechan.
“There’s so many Mark sa mundo kaya I didn’t bother to search him up.” sabi niya na lang. Totoo naman, for sure maraming Mark na lalabas kapag sinubukan niya itong hanapin. Tsaka para saan pa? Kahit naman mahanap niya ang account ni Mark e wala namang mababago at tuloy na tuloy pa rin ang kasal nila.
“This is him, diba? His username is ‘marklee’,” sabi naman ng pinsan niya sabay pakita sa isang account.
Walang nagawa si Haechan kundi tingnan ‘yon at napa- huh? na lang siya dahil verified yung account pero puro mga kung ano-anong professional shit lang ang naka-post doon pero at the same time, mukha naman ni Mark ang nasa profile picture.
“Ay wait, business account niya ata ‘to?” They tried to scroll further more pero puro ganon lang, mga buildings or some landscape pictures lang with motivational quotes and their company tagline as the caption.
“Let’s try to find his personal account na lang. I can ask around… or you can just text him and ask.” sabi ni Renjun sabay tingin sa kanya.
Nagtataka niyang tiningnan ang kaibigan. “Huh?! Why would I do that? Hindi ko naman need Instagram niya, kayo lang ang naghahanap.” sabi niya sabay nguso. May number siya ni Mark, binigay ng nanay niya pero bakit niya naman ito ite-text just to ask for his Instagram account?! “We are not even close!”
“And that’s literally the point? Para nga maging close kayo?”
“Wait, Anthony ba second name niya?” biglang sabi ni Doyoung, mukhang hindi pa tapos sa paghahanap ng account ni Mark. “Or is it just Mark Lee? May ‘markanthony’ kasi rito tapos walang profile pic pero ang name niya sa bio ay Mark Anthony Lee.”
Nagkibit-balikat lang si Haechan. Wala talaga siyang alam kay Mark kaya hindi siya makasagot sa mga tanong ng mga kaibigan niya. It’s kinda making him sad though because he’s going to marry a complete stranger. Unti-unti na talagang nawawasak sa mismong harapan niya lahat ng mga wedding dreams niya.
Okay, maybe may oras pa sila to get to know each other and sure, sige, Haechan would give that time a chance. Pero paano si Mark, paano kung hindi ito makisama? Maiintindihan naman niya kung ganon dahil panigurado he’s also just doing all of these because of his parents tapos bibigyan pa ito ng panibagong responsibilidad na kilalanin siya?
“Huh?” biglang nagsalita si Renjun. “What about ‘ onyourmark’? Wala ring profile picture but he’s mutuals with my cousin, si Kuya Heng? Same age din sila and you know, business shit.”
“Ah, hindi ko alam,” frustrated na sabi ni Haechan at napahilamos na lang sa mukha niya. “But onyourmark? Not that it's funny pero I don’t think he’s the type to make an account with a username like that, mukha siyang serious na tao.”
Tinawanan siya ng mga kasama niya and said he’s too judgmental. He’s not! The whole time their family is having a dinner, ang konti lang ng mga sinasabi ni Mark. Sobrang seryoso pa nito, hindi niya nga rin ata narinig na tumuwa si Mark. But to be fair, wala rin naman talagang nakakatawa sa mga nangyari noong gabing ‘yon.
“Malay mo naman he also knows how to have some fun kahit he’s a busy person!”
“I don’t know… I just only met him once.”
And that’s how they spent their weekends last week.
Wala talaga silang nakuhang matinong impormasyon tungkol kay Mark. Ayaw namang magtanong ni Haechan sa magulang niya dahil baka wala rin alam ang mga ‘to, baka kung ano lang din ang nakita nila Haechan sa internet e yun din ang sasabihin nila.
Because just like him, they probably also don’t know Mark on a deeper level.
Hindi alam ni Haechan kung matatawa ba siya, malulungkot o ano dahil doon. Hindi ba dapat kinikilatis muna ng magulang ang pakakasalan ng anak nila? His parents probably didn’t do that. Nalaman lang siguro ng mga ‘to na mayaman at may business ang pamilya nila Mark at umoo na agad ang mga ‘to.
Kaya eto siya ngayon, gusto na lang niya iumpog ang ulo niya dahil in any minute ay susunduin na siya, titira na siya kasama ang taong pangalan lang ang tanging nalalaman niya tungkol rito.
Hindi niya nga alam kung sino ang susundo sa kanya ngayon e. Sinabi ng magulang niya na si Mark daw pero malamang sa malamang ay baka ipinasa lang nito sa ibang tao ang responsibilidad na ‘yon, lunes pa naman ngayon at paniguradong nasa opisina ito. Haechan thinks that he is not that important to Mark’s life para iwanan nito ang kanyang trabaho para sa kanya.
Naputol naman ang pag-iisip ni Haechan dahil sa tuloy-tuloy na katok sa pinto ng kwarto niya.
Agad naman siyang tumayo para pagbuksan iyon. Bumungad sa kanya ang isang matandang babae, isa ‘to sa mga matagal na nilang kasama sa bahay. “Mama Doris?” tawag niya.
“Baba ka na raw doon, nak. Naayos mo na ba mga gamit mo? Pinatawag ko na si Robert para matulungan ka sa pagbubuhat.” sabi ng nakatatanda at hinawakan siya sa magkabilang pisngi. “Hay nako, isa-isa niyo na akong iniiwan dito. Kami na lang niyan ni Haezel dito.”
Haechan pouted. “Eh?! Para naman akong mag-aasawa niyan e!”
Natawa naman ang nakatatanda. “Aba anak, mag-aasawa ka naman na talaga.” sabi pa nito.
Mas lalong humaba ang nguso ni Haechan nang maalala na naman ang sitwasyon niya habang ang nakatatandang babae naman ay marahang ginulo lang ang buhok niya at tumawa. “Oh siya, tara na at bumaba ka na—”
Natigil ito sa pagsasalita nang makarinig sila ng yabag ng mga paa. Tiningnan nila kung sino ‘yon, si Robert lang pala, driver nila Haechan na mukhang kukunin na ang mga gamit niya. Naisip ni Haechan na baka si Kuya Robert na lang din siguro ang maghahatid sa kanya.
Pero nagulat naman bigla si Haechan nang makita kung sino ang nakasunod sa likod ng driver nila.
Mark? Anong ginagawa nito rito?
“Good afternoon po.” sabi ni Mark at nakipagkamay pa sa nakatatandang babae. Gustong matawa bigla ni Haechan dahil akala ata nito e nasa isang business meeting pa siya.
Pero mukhang galing talaga ito ng opisina dahil sa suot nito because just like the pictures his friends showed to him, Mark is also wearing a white long sleeve polo today. Or maybe that is also his casual fit? Haechan doesn’t know.
But still, he kinda felt bad dahil baka napilitan si Mark sa pagsundo sa kanya. Actually, no, sigurado siyang napilitan ito dahil paniguradong may isa sa magulang nila ang nag-utos na sunduin siya. Maybe Mark is just like Haechan, hirap ding humindi sa magulang.
“Uh…” When it was his turn to be greeted by Mark, hindi nila alam ang gagawin. Hindi nila alam kung kakamayan din ba nila ang isa’t isa o mag-beso.
Hanggang sa nauwi na lang ang pagbabatian nila sa isang simpleng hi at hello at hindi rin mawawala ang mga alanganin nilang ngiti sa isa’t isa.
Habang sa gilid nila ay rinig ang mahinang hagikgik ng mga kasama nila at pasimpleng ngisi ng mga ‘to.
Hindi na alam ni Haechan ang gagawin pagkatapos non kaya napapasok na lang ulit siya sa loob ng kwarto niya nang wala sa oras. Kinuha na lang din niya ang mga gamit niya kahit sinabihan na siyang wag magbuhat, wala lang, para lang mabawasan ang pagkailang niya.
Bababa na nga sana siya nang bigla siyang pigilan ni Mark, hinawakan nito ang gamit na bitbit niya. Nagtama tuloy ang mga kamay nila at nabigla na lang si Haechan nang maramdaman niyang parang nakuryente siya dahil sa nangyari. Napabitaw tuloy siya sa pagkakahawak niya sa mga dala niya.
“Sorry…” sabi ni Mark na mukhang nagulat din.
Tipid lang na tumango si Haechan at kukunin na sana niya ulit ang mga nahulog niyang gamit kaso naunahan na siya ni Mark. “Ako na.”
“Thank you…” tipid na sabi ni Haechan. Wala na siyang masabi kaya pasimple na lang siyang naglakad palabas ng kwarto niya.
Oh god, it’s so awkward!
Pagkatapos nilang kunin ang mga gamit ni Haechan at mailagay ang mga ito sa dalang kotse ni Mark, agad na rin silang nagpaalam para umalis. Hindi na sila nakapagpaalam sa mga magulang at kapatid ni Haechan dahil wala naman ang mga ‘to, mga busy sa kumpanya at ang bunso nila ay paniguradong nasa eskwelahan. Kaya ang ending ay nagpaalam na lang ang dalawa sa mga kasama nila Haechan sa bahay.
Pagkapasok nila sa kotse ni Mark ay tahimik lang sila at walang sumubok na magsalita. Gusto na ngang magpatugtog ni Haechan ng kanta para sana mabawasan ang mabigat na hangin na nakapaligid sa kanilang dalawa pero at the same time, nahihiya rin siya kay Mark dahil hindi naman siya sigurado kung parehas ba sila ng music taste. So he decided to just stare at the window until they can get to their destination.
Destination… Nakakatawa, hindi man lang niya matawag na ‘home’ yung titirhan nila.
Then suddenly, Haechan snapped out of his thoughts nang marinig niya ang pagtikhim ni Mark. Nilingon niya ‘to at nakitang nakatingin din si Mark sa kanya pero agad din niyang nakita ang pag-iwas nito ng tingin.
“Do you want…” Mark cleared his throat again, still looking away from Haechan. “To play some music? Baka you are getting bored already.”
And just like Mark, hindi rin siya makatingin ng deretso sa mata nito. “Ah, wait…” nahihiyang sagot ni Haechan.
Agad niyang kinuha ang phone niya at muntik pa ‘tong dumulas sa mga kamay niya sa sobrang kaba. Sa totoo lang, hindi rin niya alam bakit siya kinakabahan.
Nang maihanda na niya ang cellphone at ang sarili niya, agad na niya ‘tong kinonekta sa kotse ni Mark. Napatigil pa siya nang konti para pasadahan ng tingin ang mga devices na nakakonekta sa kotse ng nakatatanda.
jaemin, Jenoooo, kendrick lamark, mama mo bluetooth, ashley jane, wynona…
“Those are my friends and cousins’ devices.”
Agad na nilingon ni Haechan si Mark nang marinig ang sinabi. “Huh?”
Mark shook his head and said, “Ah, nothing...”
Hindi na lang ito pinansin ni Haechan at tinuloy ang ginagawa.
Ano ba magandang ipatugtog na both of them can enjoy? Haechan can’t choose from any of his playlists dahil hindi naman niya alam anong hilig ni Mark. Mahilig kaya ito sa mga R&B songs? OPM na lang kaya ang ipatugtog niya?
In the end, he just settled for a playlist that he first saw when he searched for ‘car rides playlist’ on his music app. Mukha rin namang okay lang kay Mark dahil wala siyang narinig na reklamo mula rito.
“Sorry pala…” Haechan suddenly said. Nakita niya ang pagkunot ng noo ni Mark nang tingnan niya ‘to. “You didn’t have to pick me up, you probably have things to do. But still, thank you.”
Pinaglalaruan lang ni Haechan ang mga daliri niya habang nagsasalita. Sa totoo lang, kanina pa ‘yon bumabagabag sa isipin niya, sana hindi na-hassle si Mark sa pagsundo sa kanya.
Hindi naman porket ikakasal sila, Mark will do things for him already. Alam naman niyang napilitan lang din ang nakatatanda sa setup nila.
“Ah, no, it’s fine,” Alam na ni Haechan ang kasunod niyan, ‘…Utos kasi ng parents natin.’ Sus, narinig na niya ‘yan. “…I didn’t go to the company because I know we are moving in today.”
See— What? Namali ata ng rinig ni Haechan o talagang binago na ang script ngayon? O baka naman nagsisinungaling lang ito para hindi ma-guilty si Haechan? For sure it’s like that, right?
Kaya tumango-tango na lang si Haechan at pinagpatuloy ang pagtitingin ng mga kung ano-ano sa labas ng bintana.
It was all silent again after that. Buti na lang talaga nagpatugtog si Haechan dahil hanggang makarating sila sa pupuntahan nila ay ganon lang ang senaryo nila sa loob ng sasakyan.
When Haechan was busy fixing his things before going out of the car, he almost jumped when the door on his side suddenly opened. Nagulat siya nang makita si Mark at pinagbuksan siya nito ng pinto.
Tipid lang na ngumiti si Mark sa kanya at inalalayan siya sa pagbaba. “Thank you.” ‘Yan na lang ang sinabi niya rito at inayos ang sarili.
When Haechan got a full view of the house, he couldn't help but to appreciate it. The house is actually nice, sakto lang for them. It’s a two-storey house and has a parking space that can fit four big cars. May maliit na garden pa sa harapan ng bahay at swimming pool naman sa likod.
Haechan can already see the future, him being a plantito and probably talking to some plants dahil mukha namang wala silang balak mag-usap nitong makakasama niya sa bahay.
Tapos pagpasok naman nila sa loob e parang mas lumaki tingnan ang bahay. Pero sila lang din naman kasing dalawa ang titira sa bahay na ‘to so it will really feel big.
The house has four bedrooms and Haechan mentally cheered and rejoiced because of that. Ang saya niya kasi mukhang may sarili siyang kwarto at hindi niya kailangan maki-share ng space kay Mark.
But his mood immediately shifted when they checked all the bedrooms.
Yung unang kwarto, masters bedroom siya. Gandang-ganda si Haechan sa interior ng kwarto, iniisip na niya kung paano niya mapapapayag si Mark na siya na lang doon. May sarili itong CR at walk-in closet tapos may balcony pa na kita sa baba yung swimming pool ng bahay kaya naman gusto talaga doon ni Haechan.
Yung pangalawa at pangatlo naman ay sari-sarili nilang office. Thankful naman si Haechan dahil naisipan ng magulang nila na bigyan sila ng tig-isang working space. Si Mark din mukhang natuwa dahil medyo nagtagal ‘to sa pagtitingin.
And lastly, yung pang-apat na kwarto. Dito lumukot ang mukha ni Haechan. He is assuming na this is the guest room at ang plano niya sana ay gawin na lang itong kwarto ng isa sa kanila. But of course, their parents are smarter than them. Ang liit ng room, ang kasya lang rito ay single bed at maliit na cabinet, pang-guest lang talaga. Bukod pa ron, ginawa rin itong lagayan ng mga ibang gamit dahil ang daming kahon na nakakalat doon. Ginawa itong parang bodega kahit alam naman nilang may separate space somewhere around the house for those things!
“Oh…” See? Mukhang si Mark ay nagulat din. “I’ll just…”
Nilingon ni Haechan si Mark dahil bigla na lang ito tumigil sa pagsasalita, nakita naman niya ito na mukhang nag-iisip ng solusyon.
“You can stay in the masters bedroom, sa office ko na lang muna ako,” sabi ni Mark. Kumunot naman ang noo ni Haechan dahil their office rooms are too small to have a bed inside. “I’ll call someone na lang tomorrow to have this room cleaned.”
“You’ll sleep in your office?” hindi maiwasang tanong ni Haechan.
“I won’t sleep,” sagot naman ni Mark at tipid na ngumiti. “I mean, I have some works to do the whole night—”
Mark got interrupted by a sudden ring from his phone. Agad nitong kinuha ang phone niya at nakitang may tumatawag. “I’ll just answer this call… I’ll be back.”
Spoiler again: Hindi na ito nakabalik.
Hindi rin naman namalayan ni Haechan dahil naging abala siya sa pag-aayos ng mga gamit niya. Nilagay na rin muna niya ang mga maleta ni Mark sa masters bedroom para hindi ito nakakalat sa hallway at dahil hindi pa nga naaayos yung isang kwarto.
Haechan feels bad kasi ang liit talaga nung kwarto na yun and paniguradong hindi kasya lahat ng mga gamit ni Mark doon. Sigurado siyang sinadya ng magulang nila ‘yon para magsama talaga sila iisang kwarto.
Pwede naman, okay lang naman kay Haechan. Actually, ewan niya. Ang awkward din naman kasi kung magtatabi sila, hindi naman sila close. Ah basta, next time na lang niya iisipan ng solusyon ‘yan.
Pinagkaabalahan na lang niya ang pag-aayos ng mga gamit niya hanggang sa bigla na lang kumalam ang sikmura niya. Tumingin siya agad sa orasan at nagulat nang makitang alas otso na ng gabi, kanina pa pala siya nag-aayos ng gamit.
Kaya agad siyang bumaba para kumain pero agad din niyang naalala na wala na nga pala siya sa kanila at kailangan na niyang magluto ng pagkain niya… nila pala dahil hindi lang siya ang nasa bahay na ‘to. Doon lang din niya naalala si Mark, naisip tuloy niya kung anong gusto nitong kainin? O kung marunong ba ito magluto?
Haechan usually doesn’t cook dahil may nagluluto nga ng mga pagkain sa kanila. Hindi siya ganon ka-confident sa cooking skills niya but he used to live alone when he was still in college, natuto siyang magluto para sa sarili niya hanggang sa nakahiligan na niya itong gawin.
But he never tried to cook for other people since again, there’s always food at their house or when he is with his friends, they usually choose to eat outside, so his cooking skill is a hidden skill. Si Mark pa lang ang una niyang paglulutuan and he won’t lie, he’s a bit nervous…
Kumakain kaya ito ng gulay? Paano pala kung may allergy ito, sa seafoods kaya meron? May sinusundan ba itong diet?
Gusto na namang iumpog ni Haechan ang ulo niya sa lamesa kasi hindi niya alam, wala na naman siyang alam.
This ‘marrying a complete stranger’ shit got him going crazy.
Kakasimula pa lang nitong setup nila ni Mark pero para na siyang mababaliw. Para siyang nangangapa sa dilim!
Hindi na talaga niya alam! Hindi na lang niya masyadong inisip at nagluto na lang siya. Sinigang ang napili niyang lutuin dahil gusto naman ng karamihan ang ulam na ‘yon. Kung ayaw ni Mark sa sinigang? May mga canned foods naman sa cabinet.
But okay, he would feel kinda sad if hindi magustuhan ni Mark ang luto niya kasi nga ito ang beses na magluluto siya para sa ibang tao.
So he decided to do his best. Buti na lang kumpleto na ang mga gamit nila rito sa bahay, may mga groceries na rin. They just really have to put their personal belongings and okay na. It is really a nice house—the design and interiors are good, the location is good, everything is good.
Haechan feels like he would appreciate this house more if he’s going to live here with someone he actually loves.
He sighed and shook his head. Wala na rin namang point kaya dapat simulan na siguro niyang kalimutan lahat ng pangarap niya tungkol sa gusto niyang kasal.
“Kainis naman…” bigla niyang sabi habang inaayos ang mga kakailanganin sa pagluluto.
But if he’s going to be honest with himself, he’s actually afraid of what’s going to happen. Sa totoo lang ay umiyak talaga siya pagkatapos nung gabing nalaman niyang ikakasal siya, halo-halong emosyon ang naramdaman niya nung gabi ‘yon at isa na ron ang takot.
Because at the back of his head, iniisip din niya kung anong mangyayari sa kanila ni Mark bukas at sa mga susunod pang bukas.
Hindi niya maiwasang isipin dahil hindi porket nakatira sila ni Mark sa iisang bubong at binigyan sila ng oras para kilalanin ang isa’t isa e magiging maayos na ang kalalabasan ng lahat. Walang may alam kung sa kung anong mangyayari sa mga susunod na araw at buwan na magsasama sila sa bahay na ‘to, walang may alam na kung kahit pagkakaibigan man lang e mabubuo ba nila. Paano pala kung hindi sila naging magkasundo ni Mark bago ang kasal nila?
And that’s making Haechan really frustrated. Everything about this setup is making him feel stupid because he doesn’t know a damn thing that is going to happen.
He also thinks about the question his friends asked him the other day that he left unanswered, na paano kung mahulog daw ang loob ng isa sa kanila?
Haechan is going to be honest, he never fell in love before. Maybe crushes and some unrequited feelings he had during high school and college, pero ‘yon lang and it’s ever that deep to be considered as love.
At ‘yan ang isa sa dahilan kung bakit nalulungkot siya sa biglaang pagkakakaroon niya ng mapapangasawa, he never fully had the chance to love someone and be loved in return tapos biglaan na lang siya ipapasok sa isang relasyon na hindi niya ginusto, na walang kasiguraduhan kung magiging maayos ang dulo nito.
Hindi man lang siya naligawan nang maayos, hindi rin niya naranasan matanong ng ‘will you marry me?’. Siya pa nga nagsuot ng engagement ring niya sa sarili niya e.
No, he’s not blaming Mark for this dahil alam naman niyang napilitan lang din ito but Haechan is definitely blaming his parents for this dahil sila naman ang may pakana nito.
Sana man lang talaga ay naranasan muna niyang magmahal bago siya nakulong sa isang relasyong hindi niya ginusto at walang kasiguraduhan.
But again, there’s no point thinking about all those things anymore, wala naman na siyang magagawa.
Kaya nilibang niya ang sarili niya para hindi siya mag-isip at kumain na lang.
Pagkatapos niya ron ay agad niyang nilagay sa sink ang mga pinagkainan niya. Hindi na muna niya nilagay sa ref ang niluto niya dahil baka gustong kumain ni Mark. Tapos kumuha siya ng ice cream sa ref at nanood muna, mamaya na lang niya huhugasan ang mga pinagkainan niya.
Hanggang sa hindi niya na namalayan at nakatulog na pala siya habang nanonood dahil sa sobrang pagod sa pag-aayos kanina.
Natulog lang si Haechan nang ilang oras hanggang sa magising siya dahil sa ingay.
Nag-inat muna siya ng katawan pero nagulat siya nang makita niyang may kumot na siya. Hindi niya maalala kung kumuha ba siya ng unan at kumot bago manood ng TV o kinumutan siya ni Mark? The last is a bit impossible kaya yung una na lang ang pinaniwalaan niya.
Agad din siyang dumeretso sa kusina para linisin na sana yung mga ginamit niya kanina pero nagulat siya dahil nakahugas na lahat ng plato at malinis na ang buong kusina.
Naalala niya bigla yung niluto niya kaya dali-dali siyang pumunta sa lutuan para tingnan kung nabawasan ba ito… at hindi na nga niya napigilan ang kanyang mga ngiti nang makitang konti na lang ang natira. Mukhang naisipan pa siyang tirhan ni Mark.
Pero napanguso naman siya nang may maisip… Sabay pulot sa isang papel na nasa counter na akala niya kalat kaya agad niya ‘tong tinapon sa basurahan.
“He didn’t even say thank you!” Haechan said, sulking a little bit.
