Actions

Work Header

pauses, then says, "you're my bestfriend."

Summary:

Kung tatanungin si Donghyuck kung ano ang paborito niyang linya sa pelikula, malamang ang isasagot niya ay ang linya ni Bujoy sa 'Labs Kita... Okey ka lang?'

 

Pero kung tatanungin naman siya kung sinong karakter sa pelikula ang malapit sa puso niya, ang isasagot niya ay walang iba kundi si Carson.

 

Bakit?

 

Parehong nainlove sa bestfriend e at pareho ring one-sided ang feelings. Ang kaibahan lang nila, si Carson nakagraduate na, si Donghyuck umaasa pa.

Chapter Text

 

 

"Huy! makatitig naman 'to! matutunaw yan" pang-aasar ni Donghyuck sa kaibigan niyang si Mark.

 

 

"Tss. Loko ka talaga" Mark smirks at him. Inirapan lamang siya ni Donghyuck bilang tugon.

 

 

"Kailan ka ba kasi aamin diyan kay Mina? Sige baka maunahan ka. Balita ko maraming nagkakagusto diyan na mga STEM students ah" ani Donghyuck habang kinakain ang hawak niyang ice cream. Tinitigan lang siya nang masama ni Mark.

 

 

"O, bakit? totoo naman ah!" depensa pa ni Donghyuck.

 

 

"Ang dumi mo kumain." pagbabago ni Mark ng usapan sabay kuha ng panyo sa kanyang bulsa. Pinunasan niya ang gilid ng labi ni Donghyuck pati ang ilong nito na hindi niya napansin na nalagyan na din pala ng ice cream.

 

 

Pigil-hininga si Donghyuck habang tahimik na pinupunasan ni Mark ang iba pang parte ng mukha ni Donghyuck na nalagyan ng ice cream. Bumibilis na din ang tibok ng puso nito dahil sa lapit nilang dalawa.




 

Matagal nang gusto ni Donghyuck si Mark. Simula pa noong Grade 6 sila at hanggang ngayon na grade 12 na sila pero hindi magawang umamin ni Donghyuck dahil:

1.) duwag siya,

2.) mag bestfriend sila, at

3.) may ibang gusto si Mark.

 

 

Those are the 3 reasons that holding him back.

 

Kinukumbinsi na nga lang niya ang sarili niya na mawawala din tong nararamdaman niya sa kaibigan pero habang tumatagal lalo lang siyang nababaon sa pagkagusto niya kay Mark. Lumalala. Lumalalim. Hindi na makaahon si Donghyuck.





 

 

 

 

 

 

They were in Grade 11 when Donghyuck asked Mark kung sinong crush niya. He was curious dahil aksidente niyang nabasa ang letter sa desk ni Mark noong nagreview silang dalawa sa bahay nila Mark. The letter was obviously written by Mark, judging his bestfriend's handwriting, it's very obvious but it doesn't have a recipient on it which oozes curiousity on Donghyuck. Masakit man sa kanya, pinilit niyang alamin kung para kanino ba ang letter. 



 

 

"Dali na Maaaark, imposible namang wala kang crush! Nakita ko kaya yung letter sa desk mo. Ikaw ha, para kanino yun?" pang-aasar ni Donghyuck kahit deep inside nasasaktan na siya. Nanlaki ang mata ni Mark dahil sa sinabi ng kaibigan.



"Binasa mo?" tanong ni Mark na may bahid ng kaba sa tono niya.



"Teka, correction lang ah. Nabasa ko, hindi ko binasa. Magkaiba yun." Katwiran ni Donghyuck. "So ano, sino nga? Para kanino yung letter?" Donghyuck asked while smiling.

 

Ang galing magpanggap.



Mark remains silent. He was staring at Donghyuck like he wants to communicate with him using their eyes. Donghyuck blinks and averts his gaze. He clears his throat to ease the sudden awkwardness covering them. Donghyuck is now pouting because Mark is taking too long to answer.



"Ikaw ha, nagsisikreto ka na ngayon sa'kin. Akala ko ba bestfriends tayo?" Donghyuck said, still pouting. Tila nahila naman sa reyalidad si Mark saka siya tipid na ngumiti sa nakababata.



"Okay sige ganito nalang, bigyan mo ako ng clue!" Donghyuck said, still persistent to know his bestfriend's crush.



Napailing nalang si Mark sa kaibigan.

 

 

"Okay..." The older said. "Bibigyan kita ng clue." Mark seriously said as he stares directly at Donghyuck's eyes.



 

"Mabait siya." Mark started. "Magaling makisama at napapatawa niya ako tuwing magkasama kami." He continues. Donghyuck's heart races as he waits for Mark's next words.



"May maganda siyang ngiti na gustong-gusto kong masilayan palagi. I think we match each other so well kasi nagkakasundo kami sa lahat ng bagay." Mark smiled genuinely. 



Donghyuck tried to conceal his feelings kahit gusto na niyang maluha sa harap ni Mark. Masakit pala talaga kapag harap-harapan mong narinig mula mismo sa taong gusto mo habang inilalarawan nila ang taong gusto nila.



 

With all the clue that Mark gives, Donghyuck mentally narrows down the list of possible girls na eksakto sa description ni Mark.



Ilang sandali pa, he came up with someone that matches Mark's description.



Kang Mina. 



The smart girl from their section and also, their vice president. She's kind and pretty. Magaling din makisama and she definitely makes Mark laugh. They match each other so well kasi parehong matalino at part of the officers sa classroom. They were also both active members of their campus paper. Mark as the EIC, and Mina as a News Writer.



'Ano ba namang laban ko diyan?' Donghyuck thought.






 

 

 

"Matutunaw na yang ice cream mo." sambit ni Mark na nakapagpabalik sa huwisyo ni Donghyuck. Natawa lamang si Mark dahil halatang nagulat ang nakababata.

 

 

Matagal pala siyang walang imik at nakatitig lang sa kaibigan. 

 

 

Hyuck clears his throat and continue savoring his ice cream. Nang tumingin ulit siya kay Mark, nakita niya ito na nakatitig na naman kay Mina habang may multong ngiti sa kanyang labi.



 

Mapait na ngumiti si Donghyuck sa kanyang sarili.

 

 

Talo na naman.




 

 

 

 

🌻🌻🌻

 

 

 

 

 

"Ang tagal naman matapos. Gutom na ako" bulong ni Donghyuck sa katabing si Mark.

 

 

Nandito sila ngayon sa pang huling subject nila sa umaga, ang Media and Information Literacy, at kanina pa naiinis si Donghyuck dahil ang tagal matapos. Magl-lunch na kasi at gutom na gutom na siya.

 

 

"Anong oras pa lang, tumigil ka nga" natatawang saway ni Mark.

 

 

Umirap lang si Donghyuck at kahit yamot na yamot na, pinilit niya na lang makinig sa discussion. Mahirap na, lagi pa namang may pa-activity si Mrs. Santos every after discussion.

 

 

Donghyuck checked his wrist watch. 11:20 palang.

 

 

May 40 minutes pa...

 

 

Bumuntong hininga si Donghyuck at pinilit ang sarili na makinig kahit puro pagkain na ang nasa utak niya ngayon.

 

 

Sinulyapan siya ni Mark. "Kaya mo pa?" bulong sa kanya ng kaibigan.

 

 

"Hindi na, pero kakayanin ko" sagot naman ni Donghyuck. Natawa lamang si Mark at nag focus na sila sa klase.



 

 

 

 

"Since we still have enough time, answer this activity." saad ni Mrs. Santos.

 

 

"Sabi ko na nga ba e!" mahinang reklamo ni Donghyuck.

 

 

"Parang di ka pa nasanay" sambit naman ni Mark sabay mahinang natawa dahil hindi na maipinta ang itsura ni Donghyuck ngayon.



"This activity is by pair by the way, so, you can choose your pair within this class. You can have your lunch once you're done." pahabol pa ni Mrs. Santos.

 

 

"Tayo nalang mag pair Mark! Tapusin na natin to agad para makakain na ako." deklara ni Donghyuck.

 

 

"Sure, hyuck. I was about to ask you naman, nauna ka lang." sagot naman ni Mark. 

 

 

Uminit ang pisngi ni Donghyuck sa narinig at sigurado siyang namumula ang pisngi niya ngayon. 

 

 

Tangina mahahalata ako!

 

 

Agad namang yumuko si Donghyuck at nagkunwaring may hinahanap sa pencil case niya pero ang totoo, gusto niya lang itago ang namumula niyang pisngi.




 

"Hoy Donghyuck!" biglang may tumabi sa kanya sa katabi niyang bakanteng upuan.

 

Agad namang napunta ang atensyon ni Donghyuck dito. "Hoy ka din Huang! Anong kailangan mo?" tanong niya rito.

 

"Wala pa akong ka-pair. Absent kasi si Jeno e" saad nito.

 

 

Si Jeno ang naka pwesto sa bakanteng upuan sa tabi ni Donghyuck kaso wala ang binata dahil may sakit ito. Si Jeno at Renjun din ang laging magkapartner kapag may activity na need ng ka-pair. Kaya ngayong absent si Jeno, walang kasamang gagawa si Renjun.

 

 

"Kawawa ka naman, may partner na kasi ako e" sagot naman ni Donghyuck at nilingon si Mark na nagsisimula nang magsulat sa papel nila.

 

 

"Hanapan mo nga ako, nakakahiya kasing magtanong e. Mukhang lahat sila may pair na—" naputol ang sasabihin ni Renjun nang may nagsalita. Sabay namang lumingon sina Donghyuck at Renjun sa pinagmulan ng boses.

 

 

"Excuse me, Mark? May ka-pair ka na ba sa activity?" nahihiyang tanong ni Mina. Mukhang nagulat naman si Mark kaya hindi siya nakasagot agad.

 

 

"Wala kasi si Hazel ngayon, busy sa org" nahihiya niyang sambit.

 

 

May naisip namang plano si Donghyuck. 'You'll thank me for this, Mark' he thought. Kahit labag 'to sa loob ko.

 

 

"Uhm, actually Donghyuck and I—" hindi na natuloy ni Mark ang sasabihin dahil inunahan na siya ni Donghyuck.

 

 

"He  doesn't have a partner yet, Mina. Kayong dalawa na lang mag-pair! Right, Mark?" siniko ni Donghyuck si Mark na ngayon ay naguguluhan na nakatingin sa kanya.

 

 

"Really?" Mina exclaims excitedly. "Ay, wait pala, e sinong partner mo?" pahabol niyang tanong.

 

 

Nablanko ang utak ni Donghyuck dahil hindi niya alam ang isasagot niya ngunit bigla niyang naalala si Renjun na nagpapatulong magpahanap ng partner niya kanina.

 

 

"Si Renjun!" Donghyuck answers without thinking. Nataranta siyang tumayo at kinuha ang mga gamit niya.

 

 

"Ha? Akala ko ba—" hindi na natuloy ang sasabihin ni Renjun dahil hinila na siya ni Donghyuck palayo kila Mark.

 

 

"Hyuck!" pagtawag ni Mark pero nagkunwari nalang itong walang narinig. Nang makapwesto na sila ni Renjun malayo kina Mark at Mina, saka pa lang nya pinakawalan ang buntong-hiningang kanina niya pa pinipigilan.

 

 

"Sus. I know what you're doing. Playing cupid, huh?" Renjun teases.

 

 

"Shut up, Renj. Gawin nalang natin 'tong activity dahil kanina ko pa gustong mag lunch." Donghyuck said dismissively. Hindi na din nagsalita si Renjun at nag focus nalang sila sa activity.