Work Text:
All I want is all your grace
All it takes, my leap of faith
I'm coming home to you
Oh, I'm coming home to you
Matapos ang pagdiriwang nila ng anibersaryo ay masayang-masaya ang kambal na umuwi sa kanilang tahanan makalipas pa ang ilang araw.
Excited ang dalawa na sinalubong si Donghyuck habang hila-hila ni Maiki at Haechi ang kanilang Tito Yongie.
"Langga ko!"
"Papa Langga, I missed you!"
Hindi magkamayaw ang kambal kung paano magpapaunahan na makarating sa bisig ni Donghyuck, they looked like excited puppies na nagpapaligsahan para sa atensyon niya.
Tumawa lang siya ngayon at pasimpleng nilingon si Mark na nakabusangot dahil hindi man lang ito binigyan ng atensyon ng kanilang mga anak.
"Nandito si Tatay, oh! Bakit naman hindi yata ako na-miss ng babies ko?!"
"Hindi nga po Tatay!" Hagikgik ni Haechi dahilan para lalong magmaktol ang pabebe niyang mister. "Sorry po, Tatay. Langga first like what you always teach us!"
"Si Papa langga po ang sobra-sobrang miss! Very big miss na miss and love."
Minsan ay hindi makapaniwala si Donghyuck na ganitong klase ng kaligayahan ang matitikman niya sa kabila ng lahat.
"Wow, ang sarap namang maging big miss na miss and love ng baby boys ko. Nag-behave ba kayo kay Mommy 'La?"
Nagsimula nang magbida ang kambal ng mga kwento nila at ang tahimik na bahay noong nakaraan ay napuno muli ng ingay at saya. Tuluyan nang nawala sa eksena ang mister niya dahil siya na ang pinag-aagawa ni Maiki at Haehae ngayon.
"Ouch!" Drama ni Mark na lumapit na sa kanila nakisiksik sa yakap. "Hurt naman si Tatay, hindi ako miss ng mga mahal ko."
Narinig nila ang pagtawa ni Taeyong na naghahanda na rin sa pag-alis dahil talagang drinop-off lang nito ang mga pamangkin nito.
"Sabi ko kina Maiki at Hae, bati lang sila ni Mark kapag nagkwento na 'tong si bunso ng love story niyong dalawa."
Tumungo si Donghyuck at nakita ang maloko at pilyong ngiti ng kambal niya. Talaga nga namang manang-manga ng kapilyuhan sa pinagmanahan.
"Kuya naman," reklamo ni Mark. "Kita mong ayoko na naalala 'yon kasi ilang beses akong pinaiyak ng Donghyuck ko!"
Doon na tinukso-tukso ng kambal ang kanyang asawa at saglit na lumayo si Donghyuck para ihatid si Taeyong papalabas.
"Pwede ka naman mag-stay dito, Kuya. Dito ka na mag-dinner at gagayak lang ako ng iluluto."
"Nako, susunduin ko pa si 'My sa mga amiga niya. She sends her regards at dalasan mo raw ang pagpapahiram sa mga apo niya para magka-baby na."
Napatawa na lang si Donghyuck sa bayaw na nahawa na rin kina Maiki at Haechi na puro baby ang laman ng isip.
"Pati kamo si Mark, isasama ko na sa pahiram sa kakulitan nilang tatlo!"
Pagbalik sa loob ay namataan ni Donghyuck ang mag-ama niyang nakapahiga na sa kanilang sofa bed at tutok na tutok ang kambal sa ibinubulong ni Mark sa mga ito.
"Kinukwento na ba ni Tatay 'Gang kung paano niya ako iniyakan dati?"
Tumili si Maiki at naglulukso sa sofa bed. "Hindi pa po, Papa Langga. But Tatay here keeps mentioning na very pretty daw po ikaw noong college kayo!"
"Yes, langga!" Ayaw magpatalo na sabi ni Haechi. "Tatay 'Gang said na you made him cry soooo many times, totoo po ba 'yon Papa? Marami raw po may crush sa ‘yo? Wow!"
Ngumiti si Donghyuck bago pinisil ang pisngi ng dalawang bata. "Behave muna kayo at maupo nang maayos. Kukuha lang ako ng snacks then magkukwento si Tatay sa inyo."
Sinamaan siya ng tingin ng asawa at tinaasan lang niya ito ng kilay. "Ide-deny mo ba, Mark Lee? Na patay na patay ka sa akin dati pa? Kinahihiya mo ba 'yon ha?!"
Kumamot lang si Mark sa batok bago ngumuso sa kanya. "Hay sabi ko nga, ako na naman talo sa inyong tatlo. Oo na, palangging ko. Deads na deads na. Hanggang ngayon naman, Hyuck. Wala nagbago."
"Hmp! Ewan ko sa ‘yo, bolero! Simulan mo na, mahaba-habang hapon 'to."
~
Wala namang ibang gusto si Mark noon sa buhay kundi makapag-kolehiyo nang matiwasay, maging maayos ang mga grado niya sa university, at makapagtapos ng pag-aaral.
Kahit hindi with flying colors basta enough para makapag-provide siya sa pamilya dahil sa dami rin ng problema nila noon.
Palagi siyang may sinusundang routine, may mga bagay na nakasanayang gawin kaya buo ang loob niyang wala sa isip ang love life na kinasasabikan ng karamihan.
Hanggang sa makita niya ang kaisa-isang taong dahilan para mawasak lahat ng rules na naka-program sa isipan niya.
Sa porma iyon ng isang lalaki na may matamis na ngiti, malambing na tawa, tila liwanag ng araw sa lahat ngunit nuknukan ng sungit pagdating sa kanya.
"Pang-ilang buntong-hininga mo na 'yan, boy! Bakit ba parang sasayad na 'yang nguso mo sa lupa?!"
Napakamot si Mark sa batok at umiling ngunit hindi nakaligtas kay Dejun ang lahat lalo na nang nakawan niya muli ang isang lalaki sa malayo na patawa-tawa sa PE class nila.
"Hulaan ko, type mo 'yang magandang kaibigan ni Sungchan ano?"
Tinitigan lang ni Mark si Donghyuck na bantay sarado ng tropa nitong si Sungchan kaya hindi siya makalapit at mas lalong walang magawa dahil torpe siya.
"Kainis, 'tol," himutok niya. "'Di ako makaporma ang sungit sa akin. Lalapit lang ako, makaiwas kala mo naman mabaho ako."
"Maasim ka raw, pare. Saka patangkad ka pa nang kaunti para may laban ka kay Sungchan."
"Tangina mo, Dejun!"
Tinawanan lang siya ng kaibigan habang hinihintay nilang matapos ang practical para ma-dismiss na ang klase nila.
Eksakto namang pinagmamasdan niya si Donghyuck nang magtama ang mata nila ngunit agad na natunaw ang ngiti ni Mark nang irapan siya ng lalaki.
Nang ma-dismiss na ang klase nila ay mabilis niyang hinabol si Donghyuck na hindi man lang siya tinapunan ng tingin.
"Donghy—"
Agad naputol ang sasabihin ni Mark nang saglit itong huminto at umismid sa kanya. "Hindi ko ibibigay number ko, okay?! Mark Lee, managinip ka muna ng gising pero hindi mo ako madadaan sa pambobola mo!"
"Hyuck, teka lang naman!" Hangos ni Mark at sinabayan ang nagmamadaling lakad ng lalaki. "Hindi naman ako mangungulit, gusto ko lang makipagkaibigan!"
Sa totoo lang ay hindi naman niya dapat habul-habulin nang ganito si Donghyuck but there's this certain pull, na tila ba nasa loob siya ng magnetismo ng lalaki. And Mark is really drawn to him.
"Mark ano bang hindi mo ma-gets sa ayoko? Kabe-break ko lang sa ex ko so kung gusto mo akong laruin, pass ako riyan, okay?! Maghanap ka ng iba!"
Napangiwi si Mark nang muli siyang irapan ni Donghyuck at tinabig ang mga kamay niya. Minata na rin siya ni Sungchan and this time ay hindi na niya hinabol pa ang lalaki at pinanood ang papalayong likod nito sa kanya.
"Aww, so Papa you don't like Tatay at first?! Is he really asim dati pa?"
Tumawa si Donghyuck sa nagniningning na mata ni Haechi at sa hindi mapigil na hagikgik ni Maiki habang sasayad na sa sahig ang nguso ni Mark.
Nakisiksik siya sa sofa bed at lumusot sa braso ng kanyang asawa habang nasa paanan nila ang kambal na enjoy na enjoy ngayon sa pagngata ng brownies na gawa niya.
"Yes, Haehae," sagot ni Donghyuck sa bata. "Ayaw ko kay Tatay 'Gang dati kasi hindi ko siya type noon. Napakakulit sobra, manang-mana kayo sa Tatay niyo."
Kinabig ni Mark ang ulo niya bago hinalik-halikan ang leeg ni Donghyuck at saka doon umingit.
"Totoo ba talaga, Langga ko?" Paawa nitong tanong. "'Di mo talaga ako gusto kahit kaunti man lang dati?"
"'Di ba after ng ex ko ayaw ko na mag-jowa noong college at nasabi ko naman, hindi talaga kita bet kaya ayaw kitang pansinin."
Tinitigan sila ni Maiki at ikiniling ang ulo. "So ano po nagustuhan mo kay Tatay? Kasi now love mo na siya kaya kami nandito ni Haechi, ‘di ba Langga?"
Kunwa'y nag-isip pa si Donghyuck dahilan para lalong magngitngit si Mark na siyang tinawanan ng dalawa nilang anak.
"Is Tatay really iyakin po, Langga?"
"Teka-teka! Bakit ba pinagtutulungan niyo akong tatlo, ha?!"
Kinurot niya ang pisngi ni Mark dahil mukhang kawawa na ang kanyang mister at saka humalik sa labi nito. Pumikit ang kambal at humagikgik.
"Ihhh! Nagki-kiss! Gawa na po kayo baby three?"
Sumasakit na ang ulo ni Donghyuck sa kakulitan ng pamilya niya kaya siniko niya si Mark at saka ito nagpatuloy…
~
Totoo naman ang tukso ng blockmates ni Mark sa kanya, masyado siyang persistent kaya siguradong nayayamot na si Donghyuck sa kanya.
Santo na nga raw siya kung ituturing sa habang pasensya maging pati sa pagmamahal niya sa lalaki.
All his love, adoration, and devotion is for Donghyuck alone.
Oo at ilang beses na siyang ni-reject ng lalaki ngunit paniwala si Mark na oras at tiyaga lang bago tuluyang magtiwala ang lalaki sa kanya.
Hindi rin mabibilang kung ilang ulit na siyang napapaluha ni Donghyuck dahil kahit na nasasaktan siya paminsan-minsan ay wala siyang karapatan. Ginusto niya ito kaya it's on him.
Donghyuck only offered him friendship ngunit makulit ang puso niyang umaasa pa rin dito.
"Ano, soplak ka na naman?"
Binatukan niya si Hendery na nakatabi sa kanya habang nakatingin na naman siya sa puwesto ni Donghyuck na kasa-kasama si Sungchan ngayon.
May progress naman siya nang sumunod na taon dahil ine-entertain na nga siya ni Donghyuck at masasabing magkaibigan na sila pero palagi pa ring may kulang.
"Hinihintay ko pa rin, mga 'tol. Wala eh," buntong-hininga ni Mark. "Mahal ko talaga."
Palaging sinasabi ng mga tao na marami namang iba riyan na mas nakahihigit kay Donghyuck pero ewan ba niya, tinamaan talaga si Mark sa lalaki.
Unang kita pa lamang niya kay Donghyuck sa mainit na Teresa ay naniwala na siya sa love at first sight.
Hanggang sa dininig ng langit ang panalangin at naging blockmates silang dalawa, sablay nga lamang dahil sa pangit nitong karanasanan sa ex ngunit kahit ano pang sabihin ng iba ay paghihirapan niyang makuha ang matamis na oo ng lalaki.
Marami pang iba?
Tanginang iba kung di rin si Donghyuck ang mamahalin ni Mark sa dulo ng linya.
"Minsan iniisip ko bakit ang tiyaga-tiyaga mo sa akin? Ilang beses na kitang binasted, Kie," tahimik na sabi ni Donghyuck habang magkahawak-kamay sila sa ilalim ng lamesa at kumakain ng late dinner sa Jollibee. "Hindi mo naman kailangang gawin 'to, pwede namang dumiretso na tayong uwi."
"Okay lang naman sa akin, Hyuck," kabadong wika ni Mark. "Hindi ka naman abala sa akin. I like what I'm doing. Corny man pero you deserved to be cherished."
Hyuck just hums in response. Tahimik na sila muli habang kumakain at hindi mabitawan ni Mark ang kamay ng lalaki. He's so smitten na para bang sasabog ang dibdib niya.
Ganitong hinahayaan lang siya ni Donghyuck na maparamdam dito ang di maunawaang damdamin ay tila siya hibang at baliw.
Lagpas isang taon na rin siyang nanliligaw at sinusuyo-suyo si Donghyuck. Hindi naman siya nagmamadali ngunit tila ba kay bilis ng oras sa tuwing kasama niya ito.
Wari bang kulang pa rin ang bawat sandali at wala namang karapatan si Mark na magdamot pero gusto niyang angkinin ang sinisinta.
"Huwag mo nga akong tingnan," ingit ni Donghyuck na namumula ang pisngi. "Kie! Ano ba 'yan, nakakahiya!"
"Ganda-ganda mo, alam mo ba 'yon? Gustong-gusto kita, Hyuck ko."
Nagbabara ang lalamunan ni Mark sa sari-saring emosyon. He's gambling everything, buong puso niya ang taya sa sugal na hindi niya alam kung may kahihinatnan ba.
All he knows ay in love siya kay Donghyuck. Mahal niya ito, plain and simple.
"Hindi mo naman kailangang sumagot, sorry," tarantang sabi niya. "Ayoko na mailang ka kaso 'di ko rin naman mapigilan 'tong feelings ko."
"Pero bakit ako, Mark? Ang tagal-tagal kong emotionally unavailable dahil sa kumag kong ex tapos ang dami naman diyang puwede bakit sa akin ka pa nagki-cling nang ganito?"
Kinuskos niya ang bumbunan ni Donghyuck bago humalik sa nga kamay nito.
"Pwede bang walang rason, Hyuck? Basta naramdaman ko na lang na gusto kita. Sabi nila Dejun, love at first sight ako sa 'yo pero katagalan, hindi ko na rin malaman kung anong pinakarason," bulong ni Mark. "Wala, mahal talaga kita. Di ko naman maikakaila."
Gulat na tumitig si Donghyuck sa kanya at gusto na namang maluha ni Mark. Minsan may pagmamahal talagang ico-consume ka ng buong-buo, kulang na lang ay bungkalin mo ang damdamin at isuka ang puso mo para sa kanila.
His overflowing love consumes him in a different but good kind of way. Kung masaktan si Mark e di it's on him at wala naman siyang magagawa. Siguro ay masaya na lang din siya na capable pala siyang magmahal nang ganito.
"O bakit gulat ka?" Nakangiti niyang tanong ni Mark dito. Masakit ang dibdib at the same time ay maligaya ang kanyang puso. "You're lovable, Donghyuck. Can't you see? Napakaraming nababaliw sa 'yo. Ako lang talaga ang may lakas ng loob."
Ngumuso lang sa kanya ang katabi at pabiro siyang siniko. "Napaka-bolero mo! Nakakainis ka, ano ba 'yang mga sinasabi mo!"
"Again, hindi mo naman kailangan sagutin at hindi rin naman ako nagmamadali unless buo na ang loob mo. You know na maghihintay ako, 'di ba? Kahit ilang beses mo pa akong basted-in."
"E paano kung ayoko talaga? Paano kung friendship lang mabibigay ko sa 'yo?"
Ah.
Of course. Ready naman doon si Mark.
He's always been ready about this ngunit may kirot sa tuwing iniisip na maaaring hindi talaga maibalik ni Donghyuck ang damdamin niya.
"E di okay," hinga ni Mark. "Iiyak lang ako pero hindi ko naman ipipilit. Maybe kuntento na lang ako sa kung anong kaya mong ibigay. Mabubuhay naman siguro ako?"
"Paka-OA nito!"
"Totoo naman kasi, Hyuck. Ano bang gusto mong isagot ko, e sa ganito talaga ako simula nang mahalin kita? So just let me love you hanggang sa maubos na lang lahat."
Binitawan saglit ni Mark ang kamay ng lalaki bago inilagay ang balat ng manok at ilapit ang cup ng sundae sa puwesto nito.
"Kumain na tayo, baka makagalitan ka pa kung mas ma-late kitang mahatid sa inyo."
Maya-maya pa'y hinigit ni Donghyuck ang kamay niya at kumapit doon. Tila kabado ang tingin nito sa kanya.
"Paano kung ayaw kong maubos ang pagmamahal mo sa akin, Mark?"
Bulong lang 'yon subalit bawat salita'y dahan-dahang dumaloy sa buong pagkatao ni Mark.
"Paano kung ayoko nang maghintay ka? At ayoko na ring umiyak ka pa?"
Lumunok si Mark, tila kay hirap huminga habang nag-iinit ang sulok ng mata niya. May nakaguhit na malambing na ngiti sa labi ni Donghyuck habang di masukat ang emosyong kalakip ng tingin nito.
"H-Hyuck…"
"What I'm saying is nagbunga na 'yung kakulitan mo. Hindi naman kasama sa schedule ko na isipin ka pero wala, ang tiyaga mo. Congrats sa 'yo, mahal na rin kita."
Hindi na alam ni Mark kung anong nangyari, basta bumunghalit na lang siya ng iyak at mabilis na nadama ang langit nang makulong siya sa bisig ng taong matagal na niyang sinisinta.
"Sinasagot mo na ako?" Maiyak-iyak pa rin niyang tanong.
Tinawanan siya ni Donghyuck bago kinupkop ang kanyang mukha at saka pinahid ang luha sa pisngi. "Oo nga! Congrats, Mark Lee, may jowa ka na."
~
"Waah! So harot naman po, Tatay Gang!" Tukso ni Maiki. "Iyakin ka po pala! It's the langga effect po, ‘di ba? Tinuro niyo po ‘yon sa amin kaya super love namin si Papa Hyuck.”
Lumabi si Donghyuck at medyo namasa ang mata. Simula naman nang sagutin niya si Mark noong kolehiyo sila ay naging tapat ito sa pangakong siya lamang at walang iba.
Hanggang sa kinasal at nagkaroon sila ng pamilya ay hindi matutumbasan ng kahit ano ang ligayang nadarama ng kanyang puso.
Bawat araw ay nabubusog si Donghyuck ng pagmamahal at lumalaking mababait at responsable ang kambal nila. Dangan nga lang minsan ay napakakulit ng mga ‘to gawa ng bardagulan kasama ni Mark pero wala na siyang ibang mahihiling pa.
“Right after that day po, Langga, love mo na rin po always si Tatay?”
Mabilis na tumango si Donghyuck at paglingon sa asawa ay nakita niya ang malambing nitong titig sa kanya.
“I love you,” bigkas ni Mark, kahit walang tinig ay kabisado niya ang hulma ng labi nito.
Kabisado ang salitang hindi pagsasawaang marinig nang paulit-ulit sa taong labis-labis ang pagmamahal kay Donghyuck at sa kanilang pamilya.
“Oo naman,” naiiyak niyang tugon. “Mahal ko always si Tatay kahit na pasaway kayong tatlo. Mahal ko kayo palagi kasi you make my heart happy.”
Maya-maya pa ay suminghot na si Haechi at sumunod na rin si Maiki.
“You make our hearts happy rin po, Papa Hyuck,” bulong ni Haehae. “Ano ba ‘yan! Nagka-cry na rin po kami tuloy! Si Tatay ‘Gang po talaga may kasalanan!”
“Ako na naman?!” Reklamo ni Mark habang yakap-yakap na siya nito at inaamoy-amoy ang leeg niya habang humahaplos sa braso. “It's okay to cry basta dahil lang masaya kayo. We will do our best para happy always ang family natin, okay?”
Ibinukas ni Donghyuck ang bisig at agad na pumasok ang kanyang kambal na unti-unti nang lumalaki’t tumatanda.
“Super love ko po kayo ni Tatay,” bulong ni Maiki at dinampian niya ng halik ang bumbunan ng anak.
“Me too! I love you both so much po Papa and Tatay and baby in the future!”
Saglit pa silang naglambingan at nagkuwentuhan ng kung anu-anong mga bagay bago napagdesisyunan na magligpit na at imisin ang kalat sa living room.
Balik na sa normal dahil tapos na ang kanilang mala-fairytale na weekend anniversary.
“No more kulitan with each other, okay? Pag sinabi ni Tatay na sleep na, sleep na kayo. Naintindihan ba ako ng mga babies ko?”
Malawak ang ngiti ng dalawa habang matindi pa rin kung lambing-lambingin siya ng mga anak na alam niya kung bakit.
Para sa baby number 3.
“Yes po, Papa langga! Kiss kiss na po para mag-story time na si Tatay. Goodnight po!”
Binigyan naman ni Donghyuck ng tatlong halik ang kambal, sa magkabilang pisngi at sa noo tanda raw ng I love you na mga pauso ng asawa niyang loko-loko.
~
Nauna na si Donghyuck sa kuwarto at hinayaan na si Mark ang magpatulog sa dalawang bata dahil toka nito ngayong buong isang linggo ang sleep schedule ng kambal.
Looking back, lahat ng nakaraan nila ay hindi nila kailanman ginawang multo at pinangakong hindi mararanasan ng kanilang mga anak ang bubog ng mga kahapon nila.
Donghyuck was really loved not only as a partner and lover but also as a parent. Sa bawat sulyap niya sa pamilya ay alam niyang malayo na ang narating nila ni Mark.
Marami pang pagdadaanan ngunit siguradong hindi niya ito hahayaang mag-isa o maligaw sa landas na tinatahak nila.
Nang makatapos siyang mag-ayos ng sarili ay naghanda na rin si Donghyuck sa pagtulog ay saka pumasok si Mark na tila nakapaghilamos na rin.
Mabilis itong sumampa sa kama at saka yumapos sa kanya nang mahigpit.
“Ikaw ang lambing-lambing mo ngayon, anong nakain?” Pabirong tanong niya sa asawa. “Kung ano-anong sinasabi tuloy ng mga anak natin, nagmamana na rin sa ka-corny-han mo!”
“‘Ba, dapat lang!” Mayabang na sagot ni Mark. “Saka naglalambing lang e, dapat bang may okasyon ‘yon?! Tinuturo ko lang na dapat palagi ka nilang mahal. Lahat ng pangako ko, tinutupad ko lang naman po. You deserve to be cherished, pangga ko.”
While Donghyuck was raised in a loving home, madalas noong kabataan ay hindi niya ‘yon naramdaman gawa ng maaga rin namang pinaramdam na hindi siya paborito ng mundo.
Maagang namulat sa responsibilidad kaya nga bawat sugat at kagustuhan na mahalin ay nakabaon noon sa puso.
When Mark met him during college ay tinatago niya sa pagmamatigas ang nais ng damdamin na subukan ulit na magmahal. He's so emotionally unavailable that time yet he craves and craves for love na alam niyang kukunin din sa kanya.
Ngunit ngayon, dekada na ang binilang kasabay ng paglaki ng kanilang mga anak ay naroroon pa rin ang pag-ibig na pinagdasal niyang huwag sanang kuhanin sa kanya.
“Mahal kita, ‘Ga pati na rin ang kambal natin. Emotional ko lang kanina kasi tumatanda na tayo lahat pero nandito ka pa rin, ‘yung mga anak natin. Posible palang may hindi magbago kahit umiikot ang mundo, ano?”
Tinitigan siya ni Mark kagaya noong una itong magtapat sa kanya, kagaya noong sagutin niya ito, kagaya noong magpakasal sila.
Mahal na mahal pa rin.
“Pasensya ka na sa mga bata, ha? Talagang gusto ko lang na lumaki silang ginagalang tayo at minamahal lalo ka na.”
Humikbi si Donghyuck ay mabilis na tinapalan ni Mark ng halik ang labi niya. Padampi’t padaplis ngunit naroroon ang init.
Malambing ang haplos subalit bawat landasin ng daliri’y tila apoy sa kanilang balat.
Mula sa pagkakaupo ay mabilis siyang inihiga ni Mark at dumagan sa ibabaw niya. Malambing ang tingin sa kabila ng pagnanasa, hindi magkandatuto ang labi ngunit tila ba walang nagmamadali sa kanila.
Sa kanila ang gabing ito maging pati na rin sa damdaming umaapaw sa puso na tanging pagniniig at pagtikim sa kasuluk-sulukang bahagi ng katawan lamang ang sagot.
Nahubad ang bawat saplot habang marahan ang bugso ng kamay na hindi bumitaw sa isa't isa. Kinain ang bawat daing, sinipsip ang balat, nagmapa ang init ng dila sa katawan ni Donghyuck.
“U-Usap lang eh,” bulong niya habang marahan ang sagad ni Mark sa loob niya. Nakabaon sa sikip at init na para bang gustong manirahan ng tigas nito sa kanya. “Mag-uusap lang dapat, Kie. May pasok pa mga bata.”
“You didn't say no, bilis mo ring dumakma. Anong gagawin ko? It feels like you're begging for a baby? Gusto na ba ng baby ko ng bagong anak?”
Umungol si Donghyuck nang sunod-sunod ang kalay ni Mark sa kalooban niya itinukod niya ang siko, niluwagan ang hita bago inikot ang binti sa balakang ng asawa.
“Gusto ko,” paos niyang bulong bago sinipsip ang tainga ng asawa at saka kumagat sa balikat nito. “M-Mark..”
“L-Langga ko,” hingal nito. “Totohanin na ba natin ‘to?”
Hindi na alam ni Donghyuck ang mga nangyari basta ang tanging alam niya ay bida siya sa eksena at tanging siya lang ang sinamba ni Mark sa magdamag nila sa kama.
~
The baby number 3 talks are getting more evident at tinanggap ni Donghyuck na kung pagkakalooban sila ng supling ay nakahanda siyang muli na tanggapin iyon.
Sabi nga niya, may struggles pa rin ngunit mas maalwan na ang buhay para sa kanila ngayon. Gusto na rin nila ni Mark na pagbigyan ang kambal na panay ang ngitingit sa kanila.
“Paano pag nagka-baby, e di hindi na si Haechi ang baby boy? May bunso na love love na si Papa?”
Ngumuso si Haehae ngunit mabilis ding ngumiti. “Then, I'll be the best Kuya in the world po! Kami ni Maiki!”
“Yes po, Papa! We'll fight the bad guys for our bunso baby but only if magkakaroon po.”
Mark has proven him right again na kung ready na silang dalawa ay mukhang mas ready na ang kambal nila.
At hindi rin naman nagtagal ang paghihintay nila.
~
Nakumpirma ang hinala ng buong pamilya nang magbakasyon sila sa Boracay for the holidays.
Hindi man magsalita, alam ni Donghyuck na oras na para ipagtapat sa dalawang bata ang desisyon nila ni Mark na magkaroon ng panibagong supling.
Katatapos lamang nilang mag-lunch at mukhang kabado ang kambal habang nakatitig sa kanya.
“Papa Hyuck?” mahinang tawag ni Maiki. “Sabi ni Tatay Gang you have a surprise for us? Will you tell us na po ba?”
“Is it good news po, Langga?”
Puno ng kinang ang mata ni Haechi habang parehong nasa kanya ang pokus ng dalawang bata. Naroroon ang kaba ni Donghyuck dahil panibagong milestone ito ng pamilya nila.
Si Mark naman sa kanyang tabi ay tahimik lang na nakakapit sa hita niya at marahan ang haplos doon.
“Take your time,” bulong nito bago humalik sa leeg niya. “The kids will understand, matagal na nilang gusto ‘yan.”
Lumunok si Donghyuck bago hinawakan ang kamay ng kambal. “‘Di ba sabi niyo, gusto niyo ng baby number 3? Ready na ba kayong maging Kuya Haechi at Kuya Maiki?”
Tila sumabog sa ligaya ang puso niya nang makita ang pamimilog ng mata ng kanyang mga anak. Gulat na gulat at wari bang hindi makapaniwala sa mga naririnig.
“We're going to have a baby na talaga, Papa Langga?!” Excited na tanong ni Maiki. “I want a baby sister po!”
“Yes po, Papa and Tatay!” Segunda ni Haechi. “Kahit ano po si baby we are going to love them a lot like how Tatay loves us!”
“Pero sana kamukha ko na!” Pang-aasar ni Mark dahilan para magngitngit sina Maiki at Haechi.
“Nooooo! Just Papa Langga, tatay is maasim!”
Tumawa lang si Donghyuck dahil ayaw na ayaw pa rin ni Maiki na sinasabing kamukha ito ni Mark. Ewan ba niya sa kanyang mag-ama at ang kalokohan ng mga ito gayong para namang pinagbiyak na bunga ang dalawa.
Sumiksik si Haechi sa kanyang tabi bago yumakap habang nagtatalo pa rin ang mga pasaway sa isang gilid. Bumungisngis ito at kitang-kita ni Donghyuck ang sarili sa anak.
His baby bunso na malapit nang maging kuya.
“Relax lang po si Haehae sa tabi mo, langga,” mahinang sabi ng anak bago matunog na humalik sa pisngi niya. “Kasi ikaw kamukha ko po super right? And super love rin!”
Tumango siya at malambing na ngumiti. “Super love ko ang baby bunso na ‘yan syempre pati na rin sina ‘Gang and Maiki.”
Agad din silang nagambal nang magdadabog si Maiki papalapit sa kanila at si Mark na nakatawa lang habang enjoy na enjoy asarin ang anak.
“Sama ako sa love! Huwag love si Tatay Mark asim! Papa oh, inaaway po ako!”
Pinandilatan lang niya ang asawa na tila maamong tupa na ngayon. “Mark Lee, awat na kay Maiki. Lagi na lang nag-aaway e magkamukha naman kayo.”
“Palangga ko naman. Binibiro lang naman, sungit-sungit naman ng mga palangging ko na ‘yan. Love na love ko kayo marami. One big happy family na tayo.”
Huminga nang malalim si Donghyuck at nilunok ang bara sa kanyang lalamunan. Ito ang tanging hiling niya, ang nag-iisang yaman na alam niyang hinding-hindi mawawala sa kanya.
“We labyu the most, our langga.”
Because Donghyuck knows he is always loved by his growing family.
~
Bonus:
Kinakabahan si Mark habang nakatitig sa assignment ng kambal na naka-print sa bond paper at kitang-kita sa design at sulat kung sinong may gawa niyon.
Haechi has the artistic side, mas maayos ang handwriting, magaling mag-drawing, mas creative at namana na nga nito lahat kay Donghyuck.
Well, mukhang ganoon din si Maiki ngunit borgswa nga yatang matuturing ang anak dahil lahat ng kapilyuhan nito ay nakuha sa kanya.
Parang naiintindihan na tuloy ni Mark kung bakit masakit ang ulo ng kanyang Mama noong bata pa siya.
“‘Nak naman, saan mo naman nakuha ‘tong mga sagot mo?” Pakamot-kamot na tanong ni Mark kay Maiki. “Pangalan ng kapatid? Nasa chan pa. Malalagot tayo kay Langga nito.”
Nagkatitigan ang dalawang bata at may gana pa ang mga ito na humagikgik habang namomroblema si Mark na ipakita kay Donghyuck ang gawa ng kambal.
“Isa ka pa Haehae,” natatawang sabi niya. “Paboritong lugar? Henna Beach Resort talaga?”
“Eh kasi po doon nalaman about kay princess baby girl! That's my favorite place. Take us there again, Tatay ko!”
Ganito ba talaga sila kapasaway na tatlo sa mata ni Donghyuck? Diyos ko. Kaya rin siguro bugnot ang asawa habang hinihintay ang nalalapit na pagsilang ng baby number three nila.
At sa wakas. It's a baby girl na!
Pero balik sa assignment ng mga bata na hindi alam ni Mark kung maiiyak ba siya o tatanggapin na lang na borgswa nga talaga ang mga anak nila.
Pinag-iisipan pa nila ang gagawin ngunit bumulaga ang butihing asawa na kauuwi lamang at isang buntong paper bag ang bitbit.
“Ang dami naming pinamili ni Sungchan, miss na raw niya ang mga inaanak niya. Dalaw daw siya kapag makaluwag-luwag siya sa work.”
“We miss ninong so much po, may gift po ba siya sa amin?” Bibong tanong ni Haehae at mabilis na kinalkal ng kambal ang bag na naglalaman ng pasalubong.
Umismid naman si Mark sa asawa dahil kahit goods na sila ni Sungchan ay nangangasim pa rin siya madalas. Ito ang tinik sa lalamunan niya noong akala niya’y wala na siyang pag-asa kay Donghyuck.
“Nag-iinarte na naman ang baby damulag na ‘yan? Selos pa rin kay Channie e pamilyado na rin ‘yung tao?”
Tawang-tawa ang asawa kay Mark at kung ito ang buhay niya hanggang sa maubos ang hangin sa kanyang sistema, he'd gladly be the reason sa bawat ngiti nito.
Kahit magmukha siyang sira ulo sa harap nito kung kapalit naman ay ligaya ni Donghyuck at ng pamilya, nariyan si Mark para tumbasan ang pagmamahal na dulot ng liwanag ng kanilang tahanan.
“Ikaw naman nag-iisa kong langga,” suyo ng kanyang palangga. “Nagpapalambing pa. Saan na nga ‘yung assignment na sinasabi ng kambal kanina? Tingin ako ng grades? Maiki, Haehae come here na?”
Ngumiwi si Mark bago iniabot kay Donghyuck ang papel at sumenyas ang kambal na tila hinihiwa ang leeg ng mga ito tanda na lagot silang tatlo.
Yikes.
It's over.
Patay sila kay Donghyuck.
Umusog si Mark at lumapit sa kambal, nakahawak ang dalawa sa tig-isa niyang kamay. Sabay-sabay nilang pinanood ang pagpapalit-palit ng emosyon sa mata ng kanilang palangga.
“Papa Langga will be a dragon na,” malakas na bulong ni Maiki at tinitigan sila ni Donghyuck.
“Pretty fire breathing dragon langga,” sagot ni Haehae. “B-But scary too!”
“Kayong tatlo! May isang minuto kayo para magpaliwanag! Mark Lee, ano itong tinuturo mo sa mga baby ko?! Nawala lang ako ng ilang oras!”
“Patay na…”
Lumunok si Mark at dahan-dahan silang umatras.
“Pagbilang kong tatlo, tatakbo tayo okay? One, two, three.. Takbo na Hae at Maiki!”
“Ah!!! Papa dragon langga!”
Ito ang kanilang magulo’t maingay ngunit mas puno na ng kaligayahan at ingay ang kanilang lumalaking pamilya.
Nadadagdagan man ng edad sa pagpapalit ng taon, sigurado si Mark na hinding-hindi magbabago ang pagmamahal nila kay Donghyuck.
He nurtured their family at ang siyang dahilan kung bakit alam ni Mark na kahit kailan ay hindi siya maliligaw sa daang tinatahak nilang mag-asawa.
Si Donghyuck ang nag-iisang star nila kahit hindi pasko.
And they will love him forever kasama ang panibagong sanggol na kukumpleto lalo sa kanilang pagmamahalan.
They love Donghyuck Langga Lee the most, ang nag-iisa nilang palangga. Nakatatak na ‘yon sa kanilang isipan at puso.
At hinding-hindi na ‘yon magbabago.
You are my most vivid
You are my most vivid dream
####
