Actions

Work Header

yakap sa dilim

Summary:

It's just a normal day, normal life sa buhay mag-asawa nila ni Donghyuck. Petty fights, makukulit na anak, munting lambingan.

Dahil pagkatapos ng mga pagsubok ay siya namang pagdating ng masayang pagkakataon sa buhay nila.

Pero nagising na lang si Mark isang araw na nakatingin sa kanyang kahating-puso at hindi maipaliwanag ang paru-parong lumalangoy sa sikmura dahil kay Donghyuck.

o kung saan malapit na anniversary nilang mag-asawa. Tila ba crush na crush na naman ni Mark ang kanyang Langga na si Donghyuck at para siyang college boy na hiyang-hiya rito. May tampuhan na naman?! Chaos ensues.. At! Hindi pa rin tumigil ang kambal sa paghingi ng baby sa kanila.

Hay buhay nga naman, puno ng sorpresa.

Notes:

me: hindi na muna ulit magsusulat
also me: posts another fic

it's been almost uhhh a month *kamot ulo* need to close out the series soon. just two more installment and we're done with the langga series. TBH sobrang attached ko here kaya pino-prolong ko pa HAHAHAHAHAH. kaunti na lang at tapos na 'to (real)

thank you as always to my rosey and pishbol for giving initial thoughts. i know i've said i'll stop writing na kasi some ppl use it against me pero lmao, writing keeps me afloat and the reason i'm alive ay dahil nagsusulat ako. di nga lang kagaya ng dati but at least.. i'm still here wahaha. so if ppl are pressed over silly fics that's on you :)

also big thanks to my other friends, to mx bee and mx mango for being the fuel to my brainrots na iba haha.

i really love writing soft and tender fics with openly malambing haechan soooo magsawa kayo kunin at tanggapin ang labyu langga part 3 alay na itu.

thank you na agad if you'll give this fic a chance :") ♡

please enjoy my little familee ^^ ♡

edited: 07/17/2025 - it was last night when i opened ohmahaemy again after god knows how long and found a bunch of dms there. people still remembered me alam niyo yun, i searched my username in twt and saw i missed you kagehinabokeh postings but one of my fave readers have nothing but kind words. di na ako nagsusulat for mahae hell, i don't even wanna do this pero huhu naalala daw niya ako bcs of zild and ivos reunion song last night huhu seriously nakaka-touch lang like how can someone like me and my silly fics that i bullshit most of the time, offer you comfort? T___T it means so much to me. i'll put this out of the pandora's archive box along w kyusi series bcs these are their comfort fics daw.

i had to think it overnight actually ready na ako kagabi kasi it still floors me to be loved. i'll leave this here but pls don't... just don't do anything that will disturb my peace and friends na nag-e-enjoy pa rin sa mahae. :) enjoy the ride i guess and well thank you for being here :> hope you had a good time.

republishing this as a lot of people told me that they found comfort in my fics esp this series. i have no plans for others na.

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

Totoo ang sabi ng ilan.

 

Better days will come at liliwanag din lahat. 

 

Hindi naman palaging maulan at mabagyo dahil mapapagod ang langit na lumuha at matutuyo ang lupa sa init ng araw na yumayakap sa kanila.

 

Parang buhay mag-asawa nila ni Donghyuck. 

 

Si Donghyuck ang kanilang araw at liwanag, ang araw-araw ng kanilang buhay dahilan kung bakit mainit ang mga umaga at ligtas sila sa yakap ng isa’t isa. Si Donghyuck kasing-init ng langit ang pagmamahal sa kanila ng mga bata. Si Donghyuck na bawat bukas ng pamilya nila.

Ayaw lang batiin ni Mark pero weeks and months after ng kanilang masinsinang pag-uusap ay naging smooth sailing na ang kanilang pagsasama. Natuto na siyang sumandal at huwag matakot, natutong kasama na niya ito at hindi sila pababayaang maligaw.

 

Isa pa ay binibiro pa siya ng mga kaibigan na sex deprived lang sila kaya ganoon. Baka nga kasama na sa aspeto 'yon dahil wala na silang oras sa isa't isa ngunit ngayon ay napupunan na ang mga kakulangan nila sa isa’t isa.

At kagaya ng inaasahan, naging daan ang mumunting pagsubok para tumibay silang dalawa ni Donghyuck hindi lang bilang partners kundi bilang mga indibidwal na tao at bilang mga magulang. 

 

They learned how to balance everything kahit hindi pa gano'n ka-pulido, ang mahalaga ay may oras sila sa isa't isa lalo na sa mga bata.

Aaminin ni Mark na hindi naman palaging may ganitong pagkakataon para sa kanila. Hindi na sila pwedeng magpa-tweetums dahil lumalaki ang mga bata at mas nangangailangan ng atensyon nila.

Mabuti na lang at maunawain ang mga anak. Buhay ang ulo para umintindi sa sitwasyon. They're smart for their age pero hindi naman puwedeng sanayin na dapat ay mag-adjust ang mga munting anak nila sa nangyayari.

 

Kaya nga ngayon, Mark still works hard to spoil his family dahil gusto niyang bumawi sa lahat ng kakulangan nitong mga nakaraan.

 

"Mahal ako na ulit mag-drive pauwi," bulong niya kay Donghyuck bago kinuha ang susi rito.

Buhat niya si Haechi na tila pagod na pagod gawa ng get together kasama ang college friends and batchmates. Ang ilan doon ay may pamilya't anak na rin kagaya ng sa kanila.

Inayos ni Mark ang mga anak sa passenger seat dahil knockout ang dalawa sa pagiging bibo at malikot kanina lamang. Panay pakitang gilas sa mga kaklase nila noon kaya ubos ang energy ng kambal.

 

"Ayaw mo bang magpahinga? Short drive lang naman, kaya ko na siguro. Huwag ka na mag-alala."

Nang ma-settle niya ang ayos ni Maiki at Haechi sa likod ay saglit siyang yumakap kay Donghyuck at humalik sa kamay nito.

 

"Ang ganda mo," kabado niyang sabi. "Tama nga sila sa loob kanina, paano raw kita napapayag magpakasal sa akin."

Namula si Donghyuck at mahina siyang tinampal sa balikat. "Napaka-bolero mo! Kung ginagawa mo 'yan para sa baby na hinihingi nila Maiki, utang na loob 'Gang, tigilan niyo nang tatlo 'yan!"

Ngumuso si Mark bago humalik sa labi ng asawa at hinaplos-haplos ang malambot na pisngi nito. "Totoo naman kasi, ganda-ganda ng langga ko. Pang-world peace ang cheeks. Ang bait pa, tapos mahal na mahal ko."

Sinabit ng lalaking kaharap ang braso sa balikat niya bago kinuskos ang ilong nila sa isa't isa. "Sweet talker mo! Malamang dapat mahal mo kundi iiwan kita!"

 

Tuwang-tuwa lang si Mark kapag sinusungit-sungitan siya ng pinakamamahal. Para siyang nahihibang lately dahil tila ba lalong gumaganda si Donghyuck sa paningin niya.

Nabubuhay ang mga paru-paro sa sikmura sa tuwing nakatitig ang asawa sa kanya. Para siyang teenager na hindi mapangalanan ang nadarama rito.

Tila tanga na kahit asawa na niya si Donghyuck ay nauutal at nato-torpe siya rito.

 

"Teka nga lang! Dini-distract mo na ako rito ha. Ako na ba mag-drive or ikaw na? 'Di ka pa pagod?"

Umiling si Mark at nilambing-lambing pa sandali si Donghyuck. Happiness looks good sa kanyang langga. Humahaba na rin ang buhok nito at lalong lumalambing ang hitsura.

 

"Nasabi ko na bang mahal kita?" Mahinang tanong niya bago hinapit ang baywang ng asawa papalapit at hinagkan ang talukap ng mata. "I love you, langga ko."

 

Namula naman si Donghyuck bago siya pinanggigilan ng kurot sa pisngi. "Kanina mo pa binibida sa reunion kung gaano mo ako kamahal. Kaya I love you rin, 'gang ko. Ano bang nakain mo ha? May kasalanan ka ba't napaka-sweet mo?!"

Lumunok lang si Mark at yumakap dito nang mahigpit. It's like college all over again sa nararamdaman niya. Ganitong-ganito rin lahat noong una silang magkakilala ni Donghyuck.

 

Nang makita niya ang mga dating kaibigan ay para bang bumalik sa kanya ang kahibangan noong kolehiyo sila at kung paano siya bumuntot kay Donghyuck para lang mapansin siya.

Kung paano siya sungit-sungitan at iwasan siya noon. 

 

Baka nga love at first sight iyon ngunit hindi niya aaminin sa asawa dahil may bala na naman ito para tuksuhin siya.

 

Oo na, oo na. Si Mark na ang patay na patay kay Donghyuck mula pa man noong una. Sino ba namang hindi gayong halos kalahati ng department nito sampu ng iba pa sa campus ay nahuhumaling sa asawa niya?

 

"Bawal ba akong maglambing? Ano ba magagawa ko e ang gwapo ng asawa ko? Kung nakita mo mga single kanina sa loob nakatingin lang habang nakikigulo ka sa videoke. Nako!" Yamot niyang reklamo bago siya tawanan ni Donghyuck.

See, ito ang buhay ni Mark ngayon. Pinangako niya sa sarili na pipilitin niyang palaging maging masaya ang asawa pati na ang kanilang mga anak.

 

"Napakaseloso! Kasal na ako sa 'yo, may kambal na tayo e di pabayaan mo silang tumingin. Mainggit sila lahat!"

 

Ngumuso lang siya sa lalaki habang pigil ang ngiti. Madalas ay gustong iyabang ni Mark lahat. "Kiss mo na lang ako para tumahimik na ta's uuwi na tayo kasi 'yung dalawa knockout na sa loob."

 

Malambing siyang hinalikan ni Donghyuck sa may parking lot habang papalubog ang araw sa langit. Naghahalo ang liwanag at gabi, dumadampi ang malamig na hangin ngunit mainit ang buong puso sa lasa ng mga labing magkahugpong pa rin.

 

"I love you, langga," bulong ni Mark bago kinagat ang ilong ng asawa. "Mahal kita nang marami."

"Mahal din kita, langga. Tara na?"

 

~

 

Tuloy pa rin ang buhay nilang pamilya. Pinakatamang desisyon talaga ni Mark na mangakong hindi na mauulit ang nangyari noong nagdaang buwan. They found the perfect recipe para sa oras nila sa mga bata at pati na rin sa kanila ng asawa.

 

Bawat araw rin ay nadadagdagan lang ang pagmamahal niya kay Donghyuck.

 

Hindi niya tuloy alam kung normal ba itong nararamdaman dahil ilang araw na siyang nahihiya at naiilang kapag nakatingin ang asawa. Kasalukuyang naka-work from home pa rin si Mark at ganoon din si Donghyuck dahil maayos din ang kondisyon ng shop nito ngayon.

 

"Yiiee, si tatay always nakatingin kay langga," tukso ni Haechi nang mag-iwas siya ng tingin sa lalaking nagluluto sa kusina. "Para po ikaw may crush sa kanya Tatay!"

Nagulat si Mark sa sinabi ng anak at tinitigan ang dalawa na nagbubulungan habang humahagikgik. "Saan niyo nakuha 'yang crush crush na 'yan! Mga baby pa kayo!"

"Oo nga po baby po kami ni Haechi," bulong ni Maiki. "Pero baby mo rin po si Papa Langga, 'di ba? Ayiee! Si Tatay namin, nikikilig ngayon!"

 

Mas lalong namula si Mark at hinayaan na kilitiin siya ng dalawang anak ngayon sa rubber mat nila sa sala. Pinagtulungan pa siyang i-wrestling sapagkat ang bilis niyang mamula gawa ng nararamdaman sa asawa.

 

Donghyuck looked really pretty these days, not that he isn't noon pero ngayon ay mas malala ang tama ni Mark. Humahaba kasi ang buhok ng asawa at tila ba lagi siyang iniimbitahang halikan ang pisngi nito.

 

Mas masaya at maaliwalas ang mukha ni Donghyuck marahil ay dahil almost everything ay smooth sailing mula sa pamilya hanggang sa mga trabaho nila. Ginagawa niya ang lahat upang hindi na ito malungkot pa.

 

Donghyuck feels like warmth and home lalo na't kita niya kung paano nito asikasuhin ang pamilya nila. Mark's chest blooms with so much love and fondness sa tuwing minamahal sila ng butihing kabiyak.

 

"Maiki, Haehae, masobrahan naman 'yong pangbabardagol niyo kay Tatay ha. Baka magkasakitan! Ayaw kong may iiyak sa inyo mamaya." Saway nito sa kanila. "Huwag masyadong malikot."

 

"It's okay po, Langga!" Pilyong hiyaw ni Haechi. "Si tatay po kasi crush ka raw po!"

Mukha namang hindi iyon narinig ni Donghyuck gawa ng tili ni Maiki at ng ingay sa kusina.

"Hey, stop na," natatawa niyang pigil sa mga anak na tuwang-tuwang i-wrestling at sabunutan ang nanghahaba na ring buhok ni Mark. "Don't tell Papa kasi baka tawanan lang niya ako at asarin."

 

Kiniling ni Maiki ang ulo sa kanya at tumitig. "Crush mo po si Papa kahit love mo rin po siya? Is that how love works, Tatay? You really love love love Papa Hyuck so much?"

 

Lumunok siya bumuntong-hininga, minsan talaga ay napapaisip si Mark sa nilalaman ng utak ng kambal. It makes him want to write an essay kung gaano niya kamahal ang asawa maging ang mga anak nila.

 

"Yes po, I really love love love Papa Hyuck so much and kayo rin, mahal kayo ni Tatay nang marami."

"What's the size of your love, Tatay? 'Gang Is it big like the world po?" Inosenteng tanong ni Haechi at para bang sinuntok si Mark sa sikmura.

 

Gaano nga ba niya kamahal ang asawa?

He loves him loudly sa pagitan ng katahimikan ng isipan nito at mahal niya rin si Donghyuck sa kapayapaan kapag puno ng ingay ang kanilang magulong mundo.

 

Pero nasusukat nga ba ang pagmamahal ng isang tao?

 

Hindi niya iyon masagot nang maayos.

 

"Mahal ko si Papa Langga enough to give him the world," matapat na wika ni Mark habang taimtim na nakikinig ang dalawang bata sa kanya. "The size of Tatay's love is immeasurable kasi bukod kay Langga, ibinigay kayong dalawa sa amin. Kaya my love para sa inyo ay palaging malaki kasi kayong three nila Papa ang dahilan bakit puno ang puso ko. My love for the three of you keeps on growing."

 

"Like a flower, Tatay?" Puno ng kuryosidad ang tinig ni Maiki. "Love grows like a big flower?"

 

Siguro nga ang mga puso nila ni Donghyuck ang bulaklak at dahil sa pagmamahalang ito ay lumaki nang lumaki ang pag-ibig na nilalaman ng puso niya.

Lumago iyon dahil sa pag-aalaga ng asawa. His heart will never be enough to house the love he has para sa tatlong rason niya—para sa tatlong taong pinakamahalaga na sa kanya ngayon.

 

Minsan ay hindi niya alam na kaya niyang maglabas ng ganitong klase ng pagmamahal but Donghyuck made it so easy kahit mahirap ang buhay pamilya. 

 

"Yes like a flower," nakangiting sagot ni Mark. "And Papa Langga is the sun, he's also the water, and we're living sa garden ng love niya."

Ngumuso si Haechi. "I love Papa and Tatay so much. I wanna be a flower. I want to live and love sa garden ni Papa forever! I love how Langga loves us, Tatay!"

Humagikgik si Maiki at pilyo siyang tinitigan. Pakiramdam tuloy ni Mark ay kaharap niya ang batang siya sa pagiging maloko (in a good way) ng anak niya. "Flower po si Papa kasi sabi mo po pretty siya lagi. I love Papa and Tatay too, like Haehae. Sana always pong happy si Langga para mas maraming love to bloom and baby. "

 

Naurong ang luha ni Mark at napailing dahil hanggang ngayon ay ayaw tumigil ng dalawang bata sa kahihingi ng kapatid sa kanila.

Ultimately the last decision belongs to Donghyuck pa rin, kung anong gusto nito ay magiging masaya pa rin siya.

 

What more could Mark ask for gayong unti-unti at dahan-dahan nang nagiging maayos ang pamilya nila?

 

Wala na kundi kaligayahan at walang humpay na pagmamahal.

 

"Anong meeting niyo riyan at hindi kasali si Papa Langga, ha? Pinagod niyo ako magluto tapos biglang quiet pagdating ko rito?!"

"Just about how much we love you so much, Papa!" Nakabungisngis na sagot ni Haechi at agad iyong sinegundahan ni Maiki.

Humiyaw pa ang kambal nang ipatong ni Donghyuck ang umuusok na noodles sa center table at may bitbit pa itong brownies na kasama.

 

Naupo ang lalaki sa tabi ni Mark at parang tanga na naman ang puso niyang kumakabog-kabog ngayon.5m

"Grabeng pagod ni Langga, wala ba akong kiss sa mga baby ko?"

Pinanood lang ni Mark na dambahin ni Maiki at Haechi si Donghyuck at paulanan ng halik ang mukha nito. 

 

He feels accomplished dahil iyon ang turo niya sa mga anak, ang lagi-laging mahalin ang nag-iisang langga nila.

 

Ilang saglit pa ay lumingon ang asawa sa kanya bago nagtaas ng kilay habang nakanguso sa kanya. "Sa palangga ko ba, walang kiss na galing?"

Natunaw ang puso niya dahil halos manginig na siya sa tindi ng nararamdaman ng dibdib. Baliw na baliw na si Mark sapagkat napakaganda ng asawa niya ngayon.

Lalong lumalambing ang hitsura nito ngayon kaya kiming ngumiti si Mark bago humalik sa pisngi at sa ilong ni Donghyuck.

 

"I love you," nahihiya niyang bulong bago sininghot ang leeg nito. "Love kita, langga ko."

 

"Harot mo, Mark Lee! Crush mo ako ano?"



Hay, paano nga ba niya itatanggi iyon?

 

~

 

Nagpatuloy ang super top secret nilang tatlong mag-aama tungkol sa pagkakaroon ni Mark ng crush virus sa asawa niya. Palagi siyang bina-blackmail ng mga anak na mag-baby kundi ay ipagtatapat ng dalawa ang feelings niya kay Donghyuck.

 

It's so stupid kung tutuusin, bakit siya mahihiya gayong walong taon na silang kasal pero parang hibang pa rin na hindi siya makatingin sa pinakamamahal?!

 

Nanlalambot siya habang nagmamaneho patungo sa bakeshop nito para daanan ang kape at box ng pastries na request ng boss ni Mark sa opisina.

 

Dapat ay sanay na siya, dapat ay hindi ganito but Mark acts like a lovesick puppy all the damn time lalo na ngayong binabaliw siya ng asawa.

 

He's sure aware na si Donghyuck na para siyang umiiwas ngunit hindi niya mapigil, tila ba siya natutunaw sa tuwing magtatagpo ang mata nilang mag-asawa. Pulang-pula sa tuwing hahalikan siya nito at panay lamang ang lukso ng dibdib gawa ng umaapaw niyang feelings sa lalaki.

 

Nang ibukas niya ang pinto ay dali-dali siyang sinalubong ni Donghyuck. Nakangiti ito sa kanya at mabilis na yumapos sa baywang ni Mark.

 

"Good morning, pangga ko," malambing nitong bati bago humalik sa leeg niya. "Anong bibilhin ng asawa ko? Kukunin mo ba 'yung dadalhin mo sa office?"

 

Kiming ngumiti si Mark at namula nang makita ang fond na tingin sa kanila ng mga matatandang naglalagi sa shop ng asawa niya.

 

Can't blame them kung nahumaling ang mga ito sa charm ni Donghyuck. Kaya nga noong reunion ay kung anu-anong mga tanong ang ibinabato sa kanya tungkol sa sikreto ng pagsasama nila pero ngayon ay ito na ang sagot.

 

In love na in love pa rin siya sa asawa. 

 

Nadadagdagan ang taon ng pagsasama nila kasabay ng pagdoble, triple at higit pa ng pagmamahal niya rito.

 

"M-Morning, langga ko," bulong niyang bati bago pinisil ang balakang nito. "Y-Yes, kunin ko na. Para maaga ako makauwi after ng meeting. Nahatid ko na rin ang mga bata."

 

Ilang saglit pa siyang yinapos ni Donghyuck bago inayos ang kurbata't ngumiti nang matamis sa kanya.



Nanlalagkit si Mark nang makalabas ng shop at kipkip niya ang dibdib na hindi mahinto ang makulit na tibok ngunit maya-maya ay humahangos na lumabas si Donghyuck sa kanya.

 

"Mark Lee!" Nakangusong bulyaw ng asawa. "May nakalimutan ka! Lagi na lang!"

 

Akma pa siyang magsasalita ngunit mabilis na kinupkop ni Donghyuck ang pisngi at tatlong ulit na humalik sa labi niya. 'Yon bang matunog at inanod na ang isip ni Mark nang matikman niya ang lasa ng ngiti at ligaya sa pagitan ng halik ng kanyang asawa.

 

Muntik nang mahulog ang paper bag na bitbit niya at itong cute niyang si Donghyuck ay walang ideya sa dinudulot nitong kabaliwan sa puso ni Mark.

 

"Hyuck, dahan-dahan naman," nahihiya niyang saway rito ngunit walang kagat ng kahit anong reklamo ang tinig ni Mark. "Alam na alam kahinaan ko."

 

Tumawa ang lalaki na para bang wala lang lahat at umisang halik pa sa pisngi niya. Inayos ni Donghyuck ang buhok at saka pinahid ang pawis sa kanyang noo.

 

"Ingat sa pag-drive, 'gang. I love you."

 

Nakapanlalambot ang ngiti nito at mababaliw na talaga si Mark.



Hindi na niya kaya.



Crush na crush niya talaga ang asawa.



~



Ilang araw pang iniwasan ni Mark ang damdamin ngunit kailangan din niyang harapin iyon dahil mukhang nagtatampo na naman si Donghyuck. Ilang araw na lang ay anniversary na nila ng asawa kaya hindi pwedeng ganito siya.

 

Napansin din niyang mukhang hindi na rin ito makatiis dahil ipasusundo nito ang kambal sa pamilya ni Mark.

 

"May baby sister po ba kami after ng vacation with Tito Yongie and Mommy La?" Mapang-asar na tanong ni Haechi na ginatungan din ni Maiki.

 

"Hindi naman po kayo nag-aaway ni Langga, di ba?"

 

Umiling si Mark at hinaplos ang noo ng dalawa bata. "Hindi naman po, mga baby ko. Uusap lang din kami ni Papa Langga and Tatay will make sure he is happy."

 

"Yiiee, si Tatay crush pa rin si langga!"

 

Pinisil niya ang pisngi ni Maiki at niyakap ang dalawa. "Crush and love ni Tatay palagi. Kaya will it be okay na mag-talk kami ni Papa Hyuck?"

 

"Basta po may baby kahit one million days vacation kay Mommy La okay lang po!"

 

Ano pa nga bang laban ni Mark sa kambal niya?

 

Wala.



Nag-order si Mark ng paborito nilang pagkain pag-alis ng dalawang bata. Tahimik lang si Donghyuck sa sofa habang pinagsisilbihan niya ito pagkasundo sa dalawang bata.

 

Naroon ang takot sa kabila ng kabang nararamdaman niya. Ayaw niyang ma-misunderstand ni Donghyuck itong kahibangan niya rito.

 

Baka lumaki na naman lahat at ayaw na ni Mark na pagdaanan ang mabigat nilang pagtatalo noon.

 

Tumabi siya rito enough para lalo siyang kabahan pero at the same time ay para mabaliw ang puso at maloko lang dito.

 

"Crush kita," matapat na pag-amin ni Mark habang nag-iinit ang mga pisngi. "Langga ko, crush na crush kita pero mahal na mahal pati."

 

"Ha?" Gulat na sambit ng asawa. "Gang? Anong sinasabi mo? Wala ka bang iba?!"

 

"Hyuck naman," pagod niyang reklamo rito. "Posible bang magkaroon ng iba eh crush na crush nga kita?"

 

Lumabi si Donghyuck at gusto ni Mark na matunaw na lang at mag-evaporate dahil dito.

 

Donghyuck is everything. He's pretty, he's cute, he's so lovely at lahat-lahat ng hilingin mo sa potential partner ay na kay Donghyuck na lahat.

 

How did he manage to get this lucky?



Hindi rin niya alam.



"Crush lang? Di mo na ako mahal?"

 

"Mahal na mahal kita," amin ni Mark dito. "Syempre mahal kita, asawa ko. Pero ano, c-crush din kita. Hindi ako makatingin sa 'yo kasi baka mamatay ako."

 

Umusog papalapit si Donghyuck at malakas ma tumawa. "Anong sabi mo? 'Di ko marinig."

 

Nanginginig ang hanging nakaipit sa dibdib ni Mark lalo't amoy na amoy ang bango ng asawa habang sinasadya nitong sumiksik sa puwesto niya. Tinutukso-tukso pa siya nito, bagay na hindi nakatutulong sa puso niya. "Hyuck, ang lapit mo. Hindi ako makahinga, hindi ko na kaya."

 

Wala nang espasyo sa pagitan nila ni Donghyuck at alam ni Mark na pulang-pula na ang pisngi niya, umiikot ang sikmura habang damang-dama ang mainit na titig ng lalaki. "Crush mo ako, 'Gang?"

 

Mahina niya itong siniko at napakahilamos siya sa mukha habang panay halakhak itong mayabang niyang asawa. "Oo nga! Crush na crush nga kita, mahal din sobra. Mababaliw ako sa 'yo."

 

Para siyang hirap na hirap na di maamin ang feelings. Ganito rin sila noong unang nagkakilala ni Donghyuck at i-reto siya ng tropa rito noong college sila.

 

"Hmm. Kaya ka umiiwas kasi crush mo ako. Tingin nga sa akin, pangga ko," suyo nito. "Ilang linggo ka nang ganyan ha. May mali ba sa akin?"

 

Matigas na umiling si Mark bago pinagsawa ang matang nangulila sa buong mukha ng asawa niya. Hinawakan niya ang kamay nito patungo sa pusong mabilis ang kabog. "Ganda-ganda mo, Langga. Hindi ko mapaliwanag. Ang aliwalas ng mukha mo, ang lambing-lambing lalo ng hitsura mo. Gusto kita alagaan lalo. Gusto kita mahalin."

 

Doon na namula si Donghyuck at pinalo siya sa braso. "Kakainis 'to! Pakilig ka masyado ngayon."

 

Humalik si Mark sa pisngi ng asawa. "Sorry, hindi ko alam paano sasabihin. Kulit pati ng kambal, lagi akong tinutukso. Bina-blackmail pa ako na magsusumbong sila sa iyo kung di raw bibigyan ng baby."

 

Matamis na ngumiti si Donghyuck bago siya kinurot sa pisngi. "Nagtampo pa ako for nothing! Nagseselos ako kasi di mo ako tinititigan, tapos iki-kiss mo ako lagi sa cheeks lang! Ano ako, baby?!"

 

Marahang hinila ni Mark ang asawa patungo sa kandungan niya. "Mhmm. Baby ko rin palagi. Pwede bang humalik sa crush ko na 'yan?"

 

Inirapan siya ng asawa at aliw na aliw siya rito. Naroroon pa rin ang masarap na tibok ng kanyang puso pati na ang mga parung-paro tila permanente na sa kanyang sikmura ngayong hawak ni Mark ang buong mundo sa mga palad niya.

 

"Kung sa pisngi lang din, huwag na!"

 

Malambing siyang tumawa at hinaplos ang buong mukha ni Donghyuck. "Na-miss kita, Langga. Mahal kita. Hahalikan kita kahit saan mo gusto."

 

At doon niya siniil ng halik ang labi ng asawa. Mabagal iyon, masidhi na wari bang binabawi ang oras at panahon na naglayo sila.

 

Malikot ang mga kamay at hindi rin nagmamadali ngunit bawat daanan ng daliri ay tila apoy na nagngangalit sa puso ni Mark.

 

Hindi alam kung bakit mas malalim ang hulog ng damdamin o sadyang sumambulat lang kung gaano niya kamahal si Donghyuck.

 

"Gusto mo ba?" Tila kabadong tanong nito nang maglayo ang mga labi nila. 

 

Magaang umikot kamay niya sa baywang nito at maingat ang bawat haplos sa balat doon. "Ano 'yon, langga ko?"

 

"Gusto mo bang..bigyan natin ng kasunod 'yung kambal? Iniisip ko lang kasi malaki naman na sina Hae at Maiki. Pagbibigyan na ba natin?"

 

Nanlaki ang mata ni Mark at namuo ang luha roon. "Gusto ko kung anong gusto mo. Uunahin ko lagi 'yung comfort mo. Otherwise, wala namang magbabago. You and the twins are more than enough sa akin. I want you to be healthy and safe, langga. Ikaw ang pinakamahalaga sa buhay ko."

 

Ngumuso si Donghyuck at humalik sa talukap ng mata niya. "Mahal kita and mas masaya ako ngayon. Mas masaya tayo ngayon, pansin mo ba? Subukan natin para sa mga bata? Kaya pa naman yata."

 

Tumango si Mark at taas-baba ang kamay niya sa tagiliran ng asawa. "Whatever you want, Hyuck ko. I'm doing better, di ba? We're doing better na mabalanse 'yung tayo bilang mag-asawa at 'yung tao bilang magulang."

 

"Sabi ko naman sa 'yo, 'Gang. Hindi ko hahayaan na maligaw tayo. I just need your time and love hindi lang sa mga bata kundi para na rin sa akin."

 

Siyam na taon.

 

Siyam na taon na sila kinabukasan and he's thankful to the higher being up there sa pagbibigay sa kanya kay Donghyuck pati na sa kambal nila. 

 

Mark learned it the hard way, kung kaya niyang maiwasan ay talagang gagawin niya ang lahat para hindi na maulit ang masasakit na nangyari noong nakaraan sa pamilya.

 

"Mahal na mahal kita, Hyuck ko. Palagi ko namang nasasabi sa 'yo, 'di ba? Palagi ko kayong mahal," emosyonal na bulong ni Mark. "Nine years, langga. Sana mas mahaba pa tayong magsama. Habambuhay?"

 

"Habambuhay, 'Gang ko. I love you."

 

"I love you nang mas marami pa, langga."



~

 

Everything was bliss when they woke up. 'Yon lang ang gusto ni Donghyuck paminsan-minsan, iyon bang may oras din silang dalawa ni Mark sa isa't isa sa kabila ng obligasyon nila sa mga anak.

 

Inaantok pa rin siya ngunit mabilis na bumangon para maghanda ng almusal sa kanilang dalawa ni Mark. Anniversaries are meant to be celebrated pero para sa kanila ay sapat na ang katahimikan ng buong mundo sa loob ng isang araw. 

 

Espesyal pa rin naman iyon pagdating sa kanila ngunit tapos na ang enggrandeng pagdririwang, bagkus ay mas gusto ni Donghyuck na nakalabalumbon lang sila sa kama habang pinanood ang paboritong pelikula at mag-usap ng mga plano nila sa buhay.

 

Nasa gitna siya ng pag-aayos ng dining area nang maramdaman niya ang mainit na bisig ni Mark sa likuran niya. “Good morning, langga ko. Happy Anniversary sa ating dalawa. May gusto ka bang gawin, pagupit tayong buhok o kaya masahe o dito lang sa bahay?”

 

“Happy Anniversary rin, Tatay ‘Gang. Kain na tayo.” Ngumisi siya nang nakakaloko. “Saka na ako papagupit para lalong crush mo ako.”

 

Sumimangot naman si Mark at pakagat na humalik sa pisngi niya. “Kahit ano namang gawin mo, baliw ako sa ‘yo. Hihinga ka palang umiikot na mundo ko. Araw-araw kitang gusto at mahal kita palagi. Hindi ko alam kung dahil ba mas nakakasama kita pero posible pala na paulit-ulit akong mahulog.”

 

“Sasaluhin naman kita lagi,” malambing na tugon ni Donghyuck sa asawa. “Mahal din kita at aba dapat lang ano! Ako na ‘to, Mark. Marami kang ka-kompetensya tulad ng mga anak mo!”

 

“Yabang-yabang ng mahal ko. Cheeks pangkapayapaan kaya ‘tong pisngi mo. Kiss ko na lang ulit para hindi masyadong masungit ngayong anniversary natin.”

 

“Tigil-tigilan mo ako, Mark Lee! Sinasabi ko sa ‘yo, walang baby-baby! Masyado mong sinasakyan trip ng mga anak mo.”

 

Tinaas-baba nito ang kilay sa kanya bago tumawa at saka iniupo siya nang maayos sa dining chair. “E di ako na lang sakyan mo.”

 

“Ewan ko sa ‘yo! Bastos ka!”



Some days are made of these, iyon bang kakulitan at lambingang hindi nagbabago pati na ang pagmamahal na hindi maglalaho. Sa dami ng mga alaalang bumabalik, baka nga tama ang ilang barkada nila noong kolehiyo. Paano nga ba napasagot ni Mark Lee ang pihikan niyang puso noon?

 

Sa dami ng differences nila, paano nga ba sila nagkasundo and ultimately ending up to be partners for life?



“Anong iniisip ng langga ko?” Tanong ni Mark habang tahimik silang kumakain ngayon ng almusal. Nakaangkla ang binti sa isa’t isa.

 

“Tayo. Naisip ko lang, paano mo nga ba ako napasagot noon e ayoko sa ‘yo kasi ubod ka nang pamuwisit dati. Lakas mampikon. Style mo pa bulok! Kaya tuloy bumabalik sa 'yo pang-aasar ng mga bata!"

 

Pinanggigilan ng asawa ang pisngi ni Donghyuck at kiniliti siya sa tagiliran. “Nadaan lang sa tiyaga saka naka-helmet ka by Mark Lee kaya asawa na kita ngayon. Kuwento natin next time sa dalawang bata pagbalik nila?”

 

Ngumiti si Donghyuck bilang sagot saka umusog papalapit kay Mark at sumandal sa balikat nito. “Thank you for making me happy, ‘gang ko. Sa loob ng halos thirteen years nating pagsasama, ako na yata pinakamasaya palagi. Thank you dahil may kambal tayong makukulit. I could not ask for more.”

 

“Shh, langga. Ako ang mas masaya. Alam kong alam mo naman ‘yung mga buhay natin bago tayo magsama at magpakasal,” taimtim na bulong ni Mark. “I’m blessed kasi totoong may rason na ako para maging masaya. Thank you for coming into my life, Hyuck. Bawal nang umalis. Tali ka na sa akin habambuhay.”

 

Siguro nga itong kuwentong ito ay hindi pa magtatapos sa anibersaryo nila. Sigurado siyang kukulitin sila ng dalawang anak sa mga  nangyari ngayong araw kaya mas mabuting maghanda na sila sa kakulitan ng kambal.



“Kahit hanggang kailan mo gusto, pangga ko. Mahal kita araw-araw.”

 

“Mahal din kita, Donghyuck ko. Araw-araw, palagi.” Hinalikan siya ni Mark sa labi. “Ligpit lang ako tapos bed and yakap na lang?”

 

Bumungisngis siya rito. “Ligpit and ligo tapos bed and yakap saka kiss buong araw! Kailangan mong bumawi sa pagtatago mo kasi crush mo ako. Asawa mo na ako, Mark Lee! Baka nakakalimutan mo lang.”

 

“Hindi na nga uulitin,” kakamot-kamot pa sa batok nitong tugon sa kanya. “Maupo ka lang diyan, kamahalan ko. Ako nang bahala rito tapos mag-order na lang tayo ng food mamaya. Masahe ba kita tapos shave mo ako?”

 

Tumango lang siya bago napagdesisyunang asarin lalo ang asawa. “‘Ga, paabot naman ng phone ko. Check mo nga if may message ang mga anak natin.”

 

Nang mahawakan ni Mark ang telepono at buksan iyon ay kita niya ang pamumula nito nang mapansin ang bagong lockscreen niya. Muntik pa nitong malaglag ang cellphone at halos pigil-pigil niya ang sariling tawanan ito.

 

May upperhand naman talaga siya sa sitwasyon dahil hindi nakakalimot si Mark na ipaalam kung gaano siya nito kamahal at kung gaano pa rin ito kalalim sa relasyon nila.



Nilingon siya ng asawa kaya kumindat pa si Donghyuck at dahan-dahang tumayo dahil sigurado siyang panggigilan siya nito.

 

“Kawawa naman ‘yung may crush sa akin, ganito lang pala ang katapat. Pakiligin ko pa lalo.”

 

Hindi na nagkaroon pa ng tsansa si Donghyuck na tumakbo dahil mabilis siyang binuhat ni Mark papunta sa banyo. 

 

“Langga! Ikaw kamo, lahat na lang! Lahat ng kahinaan ko ginamit mo na sa akin!”

 

“Wala eh, gano’n talaga pag patay na patay sa akin. Kawawa naman ang Mark ko, may crush pa rin sa asawa niya."

 

“Ang yabang-yabang naman ng Donghyuck na asawa ko. Palibhasa mahal na mahal ko siya.”

 

Humalik siya sa ilong nito at saka humigpit ang kapit sa asawa. “Syempre! Mayabang na kung mayabang e ako lang naman minahal mo ng ganito, ‘di ba? Kaya dapat lang!”

 

Lumambing ang mata ni Mark at humalik sa noo niya. “Kung alam mo lang, Hyuck. Ikaw lang naman simula pa noon hanggang ngayon kayo lang ng mga anak ko mahal mo.”



To love and to be loved like this? Wala na siyang iba pang mahihiling.



“Oo na, huwag nang mag-isip ng kung ano, pangga ko. Hindi naman na kita ba-basted-in ulit,” namumulang asar niya rito. “Ang daming daldal niyan, tama na ‘yan! Kiss na lang para makabawi na.”

 

“Kiss lang?”

 

“Hindi lang ‘yon, napaka-insatiable kala ko kagabi hindi ako pinagod! Halika na at baka magbago pa isip ko!”

 

“Love you, langga ko!”



Napuno ng hiyawan at tawanan buong araw. Umiikot ang mundo ni Donghyuck sa ligaya at walang hanggang contentment sa puso niya. Ang dami-dami pa nilang pagdadaanan ngunit siguradong kung constant ang komunikasyon nila at balanse ang buhay kasama ang mga anak, kahit ano pang bagyo ay kaya nilang malagpasan.



Dahil sila ni Mark ang matatag na haligi ng kanilang munting tahanan at ang dalawang anak ang siyang ilaw na gagabay palagi sa daan. Basta’t laging mahigpit ang mga kamay na handang hawakan ang isa’t isa, alam ni Donghyuck na kakayanin nila lahat.





Kasama na sana sa susunod ang isa pang baby na hinihingi ng mag-aama niya.




Sa ngayon? Kalilimutan muna nila ang lahat, lalasapin ang panahong sila lamang dalawa at bukas na lang muli haharapin ang mundo nang magkasama.






Mga problema'y iyong malilimutan

Habang tayo'y magkayakap sa dilim








Extra:



Pang-ilang buntong-hininga na ni Haechi iyon at di maiwasan ni Taeyong na mag-alala sa pamangkin habang si Maiki naman ay prente lang na nakaupo sa sofa at kumakain ng popcorn.

 

“Ang bunsoy, may dinadamdam ba? Kanina pa sad ‘yan?”

 

Ngumuso lang ito at nangalumbaba na animo’y marami nang pinagdadaanan sa buhay. He can’t help but smile fondly dahil alam na niya kung bakit baliw na baliw ang kapatid niya sa buhay pamilya. Haechi is the spitting image of Donghyuck at sigurado naman si Taeyong kung gaano kamahal ni Mark ang asawa.

 

“Tito Yongie,” ngitngit nito. “Want ko po talaga ng baby sister tapos kamukha ni Langga. I miss them na po Tito!”

 

Tumawa lang si Taeyong dahil mukhang malabo pa ang baby bunso nila Mark. “Haehae, hayaan mo muna sina Langga at Tatay mo sa kanilang pag-uusap. Baka wala pang baby kasi si Tatay mo nababaliw kay Papa Langga mo, ‘di ba? Hindi makakausad ‘yon.”

 

Umingos si Haechi bilang sagot. “Always kilig naman ‘yon si Tatay Mark po! Para siyang mas shy pa kaysa sa amin ni Maiki! Red po ‘yung face niya kasi maganda raw po si Papa Langga! Gano’n ba ‘yon, Tito Yongie? Kahit love mo na like mo pa rin? Is that how Tatay is kay Langga before?”

 

Mukhang naging curious na rin si Maiki kaya lumapit ito sa kanila. “Oo nga po, Tito! Si Tatay kilig po siya kay Langga pero super top secret lang po kasi magagalit siya sa amin. Ayaw po niya isabi kay Papa Hyuck! Hmp.”

 

“Ganito na lang, super top secret din natin pero kulitin niyo si Tatay Mark kung ilang beses siya na-basted ni Hyuck dati,” nakangising bulong ni Taeyong sa dalawa. “Pagkahatid namin tomorrow, ask niyo sila ng love story nila.”

 

Nagningning naman ang mata ng kambal at nagpapalakpak ang mga ito habang napapailing na lang si Taeyong. Saksi siya sa love story ng kapatid pati na ni Donghyuck kaya nga ngayong kaharap niya ang mga pamangking bunga ng pagmamahal na walang maliw ay natatawa siya.

 

Tila ba kaharap niya ang mga batang si Mark at Donghyuck na manang-mana sa magulang nito. 

 

“Thank you, Tito! Aasarin na po namin ulit si Tatay para wrestling game sino mas love ni Langga sa amin!” 

 

“Nyenyenye! Ako ang love ni Langga at Gang kasi kamukha ako ni Papa Hyuck! Loser kayo lahat!”

 

“Haechi, bawiin mo! No! Kamukha ko rin si Papa,” hiyaw ni Maiki. “Love love rin ako! ‘Di ba si Tatay lang aasar natin bakit pati ako kasali?!”



“Tama na ang away, call natin si Langga at ‘Gang then greet niyo sila for their anniversary?”



Mabilis namang sumunod ang dalawang bata at naupo na para bang di nagtalo kanina lamang.




Hay buhay nga naman. Iba ang hatid na suwerte at pagpapala na sana ay palaging manatili sa pamilya nila lalo na kina Donghyuck, Mark at sa mga pamangkin niya.





This is bliss.




####



Notes:

cookies to everyone who reached this far :") share your thoughts, comments, violent reactions, i will appreciate it!! see you sa dalawa pang installment

fic promo post if you're interested. chikahin niyo ako anytime kahit ia ako madalas my inbox and dms are open :)

Series this work belongs to: