Chapter Text
“Lagot ka na naman kay coach niyan.” Yuta Nakamoto, jersey number 26, Shooting Guard of Gilas Pilipinas, half-jokingly yanked a very hungover Sol Choi as the latter entered the basketball court. Si tanga, gulong gulo pa ‘yung buhok, halatang walang ligo, at nahatak lang ng handler niya palabas ng condo.
Yuta and Sol used to be the dumb and dumber of the national team. Kahit sa kanya-kanya nilang PBA teams— Sol from San Miguel Beermen and Yuta from Brgy. Ginebra —the two were the pain among the sister companies’ PR and coaching teams. Kung hindi nadadawit sa kung anu-anong cheating scandal, hindi mabilang na “allegation” sa paggamit ng party drugs (kapag off-season!--- in their lackluster defense), at napakaraming heated bugbugan in and out of court. Kulang nalang pati si Coach Tim Cone muntik na masuntok ni Yuta noon. Muntik na din siyang ma-blacklist sa industriya. Simula no'n, si Sol nalang ang natirang resident kupal ng Gilas. Hindi niya malaman kung anong pananakot ‘yung ginawa ng management ng Ginebra kay Yuta kasi simula noon, wala na siyang ibang makasamang maghunting ng chics at magchongke when the going gets rough.
“Tangina mo ‘wag mo kong kausapin talk shit ka na namang hayop ka.” Sagot ni Sol habang sinasalaksak sa locker and punong-puno niyang bag. Kung anong laman ng bag niya? Edi ‘yung mga damit na suot-suot niya kagabi. Sa sobrang pagmamadali sa kanya ni Irene, ang kanyang designated handler slash manager slash babaeng never na mapapasakanya, ni hindi na siya nakapag-toothbrush man lang. Buti nalang may extra jersey siya sa sasakyan.
Pagkatapos maghilamos at mabilisang pagsipilyo, agad na napansin ni Sol ‘yung sunod-sunod na pagilaw ng cellphone niya.
Chelsea Calling…
Chelsea Tan is Sol Choi’s longtime girlfriend. Naging sila noong college palang si Sol sa San Sebastian. Okay naman sana sila. Smooth sailing. Chill lang. Ang kaso nung madraft si Sol sa PBA, ginawa namang opportunity ‘yun ni Chelsea na stepping stone para sa kanyang Social Media career at life-long dream na maging sugar baby.
Wala namang problema, ang kaso lang eh sa pagusad ng career ni Sol, kulang nalang siya na din ang bumuhay sa pamilya ni Chelsea at sa hindi nauubos na luho nito. Sol bili mo ako nito, Sol need ni mama ng ganito, Sol sabi ni dad…
Putangina.
Hindi naman siya madamot. Sobra-sobra naman ‘yung kung anong meron siya ngayon. Kaso eh kung ‘yung sarili niya ngang pamilya hindi naman siya hinihingan ng sustento. Iba pa ‘yun sa bahay na napilitan siyang ipagawa dahil pinapirma siya ng kontrata ni Chelsea one drunken (and high as shit) night. “Para ‘din naman ‘to sa future family natin.” Makikipaghiwalay na sana si Sol sa kanya kundi ba naman sinapian na naman siya ng kabaliwan at inannounce sa YouTube channel niya na “engaged” na daw silang dalawa. May pa-luha pang nalalaman at may pinagmalaki pang singsing na hindi niya malaman san pinulot ng babae. Bago pa niya makausap si Chelsea, nagka-field day na ‘yung media. Laman na silang dalawa ng hindi mabilang na tabloid at articles. Nauna pa siyang mapatawag ng management bago pa niya madeny ‘yung issue. At kung hindi ba naman siya pinaglalaruan ng universe, huwag na daw ideny dahil kalat na.
Nagka-fiancee pa nga ng walang kamalay-malay. Puta.
Being a PBA player comes with a handsome price. Not to mention ‘yung counteroffer ng San Miguel sa kanya ng annual income na 350 million pesos nung malaman na inoofferan siya ng Talk N Text ng 150 Million trade offer. Partida, pangalawang taon pa lang niya sa PBA. Kung tutuusin, rookie pa siya. Pero sino ba naman siya para tumanggi ‘di ba? Eh kung may kaya naman talaga siyang patunayan. Baka Sol Choi lang naman ‘to—2022 Commissioner’s and Governor’s Cup Rookie of the Year and Finals MVP.
Pero mukhang totoo nga ang sabi-sabi na money fucks everything up . Dahil habang bumibigat ang laman ng bulsa ni Sol, lalo ‘ding humahangin ang ulo niya at bumibigat ang tite niya. Feeling ata niya eh kaya niya nang gawin lahat. Pwede nang ikama lahat. Biro nga ni Yuta eh ang MVP stands for Major Very Pulpol .
“Choi,” Pagtawag sa kanya ni Taecyong, assistant coach ng Gilas, habang palabas siya papunta ng court para sana’y simulan na ang pag-iinat. There’s no better way to get rid of hangover ‘din naman kundi ang magpapawis at iexcrete ang mga dumi sa katawan niya. Kung anong dumi man ‘yun, mabuti pang huwag niyo nang alamin.
“Oi.”
“Management pulled you out for today’s training. Meeting daw kayo sa 21st floor.”
Yuta let out a long, teasing whistle. The twenty-first floor is never a good news for anyone in the team. Mapa-player o coaching staff man ‘yan. Andon kasi ‘yung mga meeting rooms. At walang magandang dulot ‘yung mga meeting sa 21st floor. Laging bad news.
Ang huling napatapon doon eh nung muntik nang sapakin ni Yuta si Coach Tim. Hindi malaman ni Sol kung sinilya elektrika ba nila ‘don si Yuta o tinakot na ipapakulong. Pagtapos kasi nung “meeting” nila na ‘yun at pagkabalik ni gago galing sa one week suspension niya eh hindi na siya mahila ni Sol sa mga escapade nila. Konti nalang ‘din maiisip na ni Sol na malapit na siyang maging kambing na diabetic dahil sa kakanguya niya ng bubble gum sa tuwing may maglalabas ng yosi o vape. Bagong buhay na nga ata.
“Gago, ano na namang ginawa mo?” Pagharang sa kanya ni Jaebeom, jersey number 07, Point Guard and Team Captain ng Gilas Pilipinas. Teammate niya ‘din si Kuya JB sa San Miguel kaya kuhang kuha lagi ni Cheol ‘yung pikon nito. Cheol shrugged then toed off his basketball shoes and slipped into his Yeezys again. Tangina naman, ‘di nauubos problema.
A glaring Irene welcomed him as he stepped out of the gym where the team practices every single day for the Asian Games. Next week na ang lipad nila pa- Hangzou, China. Hindi makalkal ni Sol sa utak niya kung ano ‘yung pwedeng dahilan ng pagtawag sa kanya ng Management. Taena, they have bigger problems to solve—’yung online petition na palitan si Coach Chot to Coach Tim, ‘yung sudden decision ng mga younger players to sit this Games out dahil kailangan nang lumipad pa-Japan… ang dami. Hindi naman siguro ‘yung pag-inom niya kagabi ‘diba? Lumang tugtugin na ‘yun kung tutuusin. Maingat naman si Sol kapag in-season. Inom lang, pramis. Lagi niyang sabi kay Irene.
“Ano na namang ginawa mo? Bakit hindi ko ‘to alam? ‘Di ba sabi ko sa’yo kapag may katangahan ka sakin ka unang magsabi?!” Dire-diretsong sabi ni Manager Bae, “They don’t pay me enough for this shit, you know?”
Natawa nalang si Sol, “‘Wag ka na magselos, I, ikaw naman una kong sasabihan. Wala akong ginawa pramis. Or wala akong maalala basta good boy ako kagabi.”
Irene just flicked her middle finger at him. Wala na ‘ding silbi kung kukuda na naman siya dahil sa ilang taon niyang nagtatrabaho as his handler, hindi naman ‘to ‘yung worse na nagawa ni Sol so far. Kumbaga, mas magugulat ka pa kung magpupunta ‘yan ng training ng hindi lasing. Ganon siya kalala.
“Sabi naman sa’yo, I, kapag naging tayo, magbabago na ako.” Asar ni Cheol sabay akbay sa kanya. Agad naman siyang siniko nito, “Tanga ka talaga, bading nga ako. Saka kung straight man ako, never akong papatol sa mga tulad mo.”
“Ouch ha! Hinahalikan mo si Seul gamit ‘yang bibig na ‘yan?” Cheol feigned being offended, “Saka anong mga tulad ko?!”
“Mga tulad mong pulpol.”
Before he knew it, Sol is now sitting at the far edge of the long meeting table in his stupid ass beanie, hoodie, jersey shorts, and Yeezy slides while being surrounded by people in pristine and crisp suits. Lakas maka-OP ha. Mukhang siya lang ‘yung mabaho dito.
Lahat ng who’s who sa franchise ng PBA andito ngayon. Si Sir Manny Pangilinan, si Commissioner Willie Marcial… hayup, kahit sina Coach Tim at Coach Jorge andito. Konti maniniwala na si Cheol na may dalawang option lang sa kahihinatnan ng meeting na ‘to: 1.) Tatanggalin na siya sa liga, or 2.) Ibebenta siya bilang sugar baby ng isang mayamang shareholder o sponsor ng franchise.
Hindi naman na bago ‘yung balitang pini-pimp out talaga ‘yung players sa mga sponsors. Ang huling balita niya pa nga inalok ‘yung teammate niyang si Mark Tuan kaso mas straight pa sa ruler ‘yun kaya napilitan magpa-shotgun wedding sa Calaruega, Batangas si gago. Napaisip tuloy si Cheol… okay lang ‘din naman siguro sa kanya. Open bisexual naman siya kaya mapa-lalaki o babae eh papatulan niya talaga. Kahit sino nalang siguro maliban kay Chelsea na walang dinulot sa kanya kundi sakit ng ulo at maxed out na credit card. Speaking of the devil nga naman, bigla agad siyang naka-receive ng text alert galing sa banko niya na may PHP 324,910.69 siyang nacredit galing Dior Solaire branch. Alas-otso palang ng umaga pero ‘yung pikon niya kay Chelsea pwede na pang-hanggang next cut-off ng credit card.
“Mr. Choi, are you even listening?” Tanong ng babaeng nasa harapan na kumpleto aparatos pa with PowerPoint presentation at laser pointer. Very thesis defense ang atake. Doon lang natauhan si Sol na kanina pa inaatake ng pagiging kupal, “Nakikinig po ako.” He answered unseriously. Napaka talaga. Doon niya lang ‘din napansin na may maliit na cup sa harap niya.
“You need to pee in the cup daw.” Bulong ni Irene pagtapos siya nitong sikuhin ng patago sabay turo sa clear cup na nasa kabilang gulo ng mesa. Nalintikan na. Putanginang nalintikan na.
Napansin din siguro nila halos maubos ‘yung dugo sa mukha ni Sol.
“Is there something that you’re hiding from us, Mr. Choi? In-season ngayon, alam mo naman ‘yung terms ng kontrata mo, correct?” One of the members of the board of commissioners asked.
Ay, puta.
NALINTIKAN NA NGA.
“I drank last night.” Pag-amin nito, trying to subdue the fact that he uses recreational drugs once in a while. Pero promise, good boy ako kagabi, he thought to himself.
“We both know that alcohol is not the reason for this test.”
For the first time in his life, kinabahan si Sol. Chill lang siya nung kala niya hindi siya makakagraduate ng college dahil ang ambag niya lang sa thesis group niya ay pa-print, pa-bind, at overcooked na pansit canton. Chill lang siya nung first PBA draft niya. Chill lang siya sa una niyang sabak sa Governor’s Cup during his first playing year. He’s Sol Choi, everything he wanted lands on his lap on a golden platter. Siguro kaya din sobrang chill siya sa buhay dahil alam niyang magaling siya sa mga ginagawa niya.
Yabang at pogi ang lagi niyang ambag.
At dahil wala naman siyang magagawa, umihi nalang din siya and hoped for the best. He’s still in the process of wracking his brain, trying to remember when was the last time he took a hitch of weed. Last week ba? Nagpaparty si Johnny ‘di ba? Pero uminom lang ako non—
“Huy!” Sol fell out of his trance when he felt Irene’s nudge again , “Tangina mo naman, makinig ka nga!” mahinang bulong nito.
“Ano daw sabi?”
“Next agenda daw.”
“Tangina, ‘di pa tapos?!” Maktol nito. Positive, gagawin na nga ata talaga siyang sugar baby ng mga bossing. Okay na ‘din, extra income , isip nito.
The lady with the PowerPoint looked at him intently, “Like we said, Mr. Choi’s image has been heavily tainted for a few months now. Every Twitter and Google search connects him with everything that ruins the name of the team. And in our case now, the country, since he’s a part of the national team.”
“So tatanggalin niyo na po ba ako sa Gilas?” Hindi niya mapigilang tanong, halatang pikon na, “Pwede niyo naman nang sabihin para matapos na hindi ‘yung ang dami-dami pang satsat.”
Bago pa man siya masuntok ni Irene sa ilalim ng mesa, agad din siyang sinagot ni Mr. Pangilinan, “We will not let you off the hook that easily, Mr. Choi. Besides, kahit naman sakit ka sa ulo, you’re still one of our most profitable members.”
Edi lumaki na naman ulo niya niyan.
“Fine?”
“We have more money than what you have, that’s for sure,”
More agitated than ever, Sol rolls his eyes, “Edi ano nga?”
“Umayos ka nga.” Irene scolded.
Mr. Pangilinan gestured at his secretary standing by the door. A few second later, the double doors opened to a very familiar face that Sol has definitely seen before.
“Sol, meet your new boyfriend, Jade Yoon.”
Ah.
Nalintikan na nga.
