Chapter Text
First day of school. Sabay sabay na pumasok sila Gyu, Seok at Hao. Magkakaklase sila since first year. Simula nun naging close sila kaya hanggang third year magkakasama sila. Magkakasama sila ni Seok sa apartment. Lumipat si Gyu sa apartment ni Seok last year dahil dalawa yung kwarto sa apartment ni Seok. Kasama naman ni Hao si Jun.
"Buti na lang regular pa din tayo." Sabi ni Seok. 26 units sila sa first sem at magkakaklase sila sa lahat ng subject.
Naglalakad sila papunta sa room ng first period nila.
"Sabay sabay daw tayong maglunch or dinner mamaya sabi ni Jun." Hao informed them.
Jun and Hao are boyfriends. Kaibigan din nila yung mga kaibigan nito.
"Sure. Message na lang natin sila mamaya sa gc." Sagot ni Seok.
"Yup. Btw, may mga bagong teacher daw sa Nursing." Kwento ni Minghao. Kaibigan nila Jun yung isang teacher nila. Si Sir Cheol.
Cheol and Wonu are boyfriends. Nagkakilala sila nung freshman si Wonu. Student pa lang din sila Cheol nang magkakilala sila. Dalawang taon nang graduate si Cheol at dalawang taon na din itong nagtuturo. The are very lowkey dahil nga teacher si Cheol sa university.
"Buti naman. Para naman may bago dito sa school." Sabi ni Mingyu. Okay naman sa kanya lahat ng teachers nya. Pasado naman sya sa lahat ng subject.
"Saan kaya tauo magcocommunity this sem?" Hao wondered.
"Can we bring my car?" Mingyu asked. RK si Mingyu. Parehong doctor yung mga magulang nya but he's not the typical nepo kid. Hindi din sya nag aral sa mga "Ivy League" sa Pilipinas. Hindi sya pinilit ng mga magulang nya na magdoktor. Gusto nya talaga.
"Gagi, dating gawi, di pwede dahil may shuttle yung school. Yun yung gagamitin natin" Saway ni Seok.
Pagpasok nila ng classroom they chose to sit at the far back dahil matangkad si Mingyu. Dinatnan nilang nagkwekwentuhan yung mga kaklase nila, unang araw ng semester kaya most of them ay nakikipag catch up sa mga kaklase nila.
At exactly 7am, pumasok yung teacher nila. He's wearing an all white uniform at may dala itong libro at white board marker. Agad na nagsibalik sa upuan yung mga kaklase nila.
"Bago." Rinig nyang bulong ng isang kaklase niya.
"Good morning." Bati ng instructor.
"Good morning, sir!" The students said in chorus.
"My name is Yoon Jeonghan. I'll be your CHN 2 instructor. I graduated 2 years ago. Siguro nakikita nyo ako nung first year pa lang kayo. Nagtrabaho ako sa hospital after I graduated and I'm currently doing my masters." Pagpapakilala ng instructor nila.
"Bago ko simulang idiscuss yung syllabus, pakilala muna kayo. Let's start at the back." Sabi ni Jeonghan.
Napahawak si Mingyu sa batok nya dahil nakaturo si Jeonghan sa direksyon nya.
Tumayo sya pero sinabihan sya ni Jeonghan na kahit di na sila tumayo kaya umupo ulit ito.
Gwapong gwapo sa kanyang uniform. Nagpakilala si Mingyu.
"Hi, I'm Mingyu Kim." Maikling pakilala niya. His classmates squeled dahil ang igsi ng sinabi nya.
One of his classmates said "alam na namin yan" kasi naman sila sila din yung magkakaklase since first year.
"Si sir di pa alam. Saka kilala nyo naman na ako." Sagot ni Mingyu bahagyang nakangiti.
"Are you related to the Dr. Kims of SVT Hospital?" Jeonghan asked.
"No, sir." He said flatly.
Nagkatinginan sina Hao at Seok. Sila lang yung nakakaalam na parents ni Mingyu ung mga yun.
"Oh okay. Next."
"Hi po. I'm Seokmin Lee. Member po ako ng glee club ng school."
"Oh that's nice."
"Sample! Sample!" Sigaw ng mga kaklase nila.
"Punta na lang kayo sa acquaintance party." Sagot nya dahil they will perform in the said party.
"Next." -Jeonghan
"Hi, I'm Minghao Xu. Pero Hao na lang po."
"Sir Han na lang din itawag nyo sa akin. Nakakatanda kapag buo kong pangalan." The instructor said smiling.
'Fuck! Ang ganda ng ngiti.' Mingyu cursed in his head.
Isa isang nagpakilala yung iba nilang kaklase. Jeonghan thanked them for introducing themselves. Nagsimula itong idiscuss yung syllabus. They will meet for 3hours once a week for lecture on Mondays from 7-10am and Saturday for their RLE.
"Ididismiss ko kayo nang maaga since first day pa lang naman. Do you have any questions?" Jeonghan asked. He noticed that his tall student at the back is staring at him kanina pa. It's not making him uncomfortable naman kasi baka nakikinig lang talaga ito but there's something na hindi nya mafigure out.
It's only 8:30 at yung susunod nilang klase ay mamaya pang 1 kaya they decided to message sa gc nila and see the availability ng friends nila sa higher year.
Future RNs gc
Seok: Hello! tapos na klase namin. 1 pa yung susunod.
Won: Di ako pumasok. First day pa lang naman.
Hao: Lagot ka kay kuya Cheol.
Won: Hahaha di yan.
Gyu: Kuya Won, tanong mo nga kay Kuya Cheol kung kaklase nya dati si Sir Jeonghan.
Jihoon: Ah si Jeonghan.
Soon: Bakit?
Hao: Crush ni Mingyu.
Jun: Naku po. Teacher-Student na naman. Hahaha
Won: In our defense, kami na bago nya maisipang magturo. 1 year na lang naman ako saka di ko sya teacher ngayong 4th year.
Seok: Daming sinabi ni Kuya Won. Hahaha
Jihoon: Gyu, crush mo si Jeonghan?
Gyu: Oo, kuya. Ganda eh.
Jun: Di ba sila ni Sir Joshua?
Seok: Joshua? Yung maternal ang tinuturo?
Jun: Oo.
Gyu: Nu ba yan. Taken naman na pala.
Won: Hindi daw sila sabi ng jowa ko.
Hao: Bilis sa chismis, kuya Won.
Jun: Saan na kayo nyan, mahal?
Hao: May klase ba kayo?
Won: Dito na lang kayo sa apartment ko. Magsasaing ako. Dala na lang kayo ng ulam. Walang maluluto dito. Di pa ako nakapamili.
Seok: Sige, kuya. Magdadala kami.
Jihoon: Una na kayo kay Won. Antay lang namin magdismiss tong si Sir JB.
Hao: Sige, kuya. Mahal, see you.
Gyu: Respeto naman sa mga single.
Won: Kayo na lang kasi ni Seok.
Gyu: Eww!
Seok: Eww!
Soon: Hahahahha
Seok: Baby, punta kami kila kuya Won. 1 pa next klase namin.
???: Ingat, baby. Did you eat breakfast?
Seok: Hindi pa. Pero dun kami kay kuya Won kakain. Ikaw?
???: Oh okay. Kumain na ako.
Seok: Good.
???: I miss you.
Seok: I miss you too, baby.
???: I'll see you tonight?
Seok: Pag natakasan ko si Gyu😂
???: Let me know.
Seok: I will.
???: I love you, baby.
Seok: I love you too.😘
"Sino na naman yang katext mo? Laki ng ngiti mo." Sabi ni Gyu kay Seok.
"Wala. May nakita lang akong meme."
"Meme pa nga." Natatawang sabi ni Hao.
"Jollibee?" Mingyu asked his 2 friends.
Sabay na sumagot ng "No" yung dalawa.
"Kila mamu na lang tayo." Sabi Hao.
Mamu yung tawag nila sa may ari nung malapit na karinderya sa school nila kung saan sila madalas kumain. Hindi naman sya maarte sa pagkain and he cooks too. Siguro dahil parang default na yung Jollibee kaya nasabi nya ung Jollibee.
"Tatlo pong sisig. Apat po sa tortang talong. " Mingyu ordered.
"Bakit ang dami?" Tanong ni mamu.
"Ititake out po namin." Sagot nya.
"Pabili po ng pitong longganisa." Si Hao.
"Padagdag po. Tag tatlong order po sa menudo at pork steak." Sabi ni Seok.
"Kanin?" Tanong ni mamu.
"Hindi na po. Nagluto po si kuya Won." Sagot ni Seok.
Kilala na sila dun kasi dun sila madalas kumain or magtake out ng ulam.
"Hala, ang dami nating order." Natatawang sabi ni Hao.
"Okay lang yan. Kumain ulit tayo mamaya bago tayo pumasok." Sabi ni Seok.
"Anong subject natin mamaya?" Mingyu asked.
"Maternal." -Seok
"Sinong teacher?" -Hao
"TBA daw." -Seok
"Ilan kayong kakain?" Mamu asked.
"Seven po." Mingyu replied.
"Ayan, may free na saging kayo." sabi ni Mamu saka inabot yung order nila.
They thanked mamu bago sila umalis dala yung mga pinamili nila.
Malapit lang yung apartment ni Won saka may sasakyan si Mingyu kaya mabilis silang nakarating.
Pinagbuksan naman agad sila ni Won.
Dumiretso si Gyu sa kusina ni Won para ayusin yung mga pinamili nila. Naupo naman sina Hao at Seok sa sofa ni Won. At home sila sa apartment ni Won.
"Papasok ka mamaya, kuya?" Hao asked.
"Oo papasok ako mamaya. Sasabay ako sa inyo. Luto na yung kanin, una na ba tayong kumain?" Sagot ni Won.
"Antayin na natin sila Jun, kuya." Sagot ni Hao.
Busy na ulit si Seok sa phone nya kaya nakikinig lang sya sa kwentuhan ng mga kasama.
"Mingyu, crush mo si Jeonghan?" Won asked.
"Oo, kuya." Mingyu smiled. There's no point denying naman.
"Pwede naman yun diba?" Pahabol nya.
"Crush lang naman. Pwedeng pwede." Sagot ni Won.
"Naku, mukhang may balak syang ipursue." Hao commented.
"Kaya mo bang maging discreet gaya namin ni Cheol?" Won asked looking at Mingyu intently.
"Idk, hindi ko din alam kung ipupursue ko. Pero tangina kasi, ang ganda ni Jeonghan."
Napaangat ng tingin si Seok na busy sa kanyang cellphone. He looked at Mingyu na may halong judgement.
"What?" Mingyu asked.
"Wala." Sagot ni Seok at yumuko ulit sa cellphone nya. He wanted to say na "Jeonghan talaga? Walang sir?" but he chose not to say it.
"Si Seok kuya mukhang may tinatago." Sumbong ni Mingyu. Yup, Mingyu may stand 6 feet 2 pero may tendency syang maging pinaka baby sa grupo.
"Ano namang tinatago ko?" Seok clapped back.
"Kita mo, kuya. Ang defensive." Natatawang sabi ni Gyu.
"Oo nga, Seok. Sino yang lagi mong katext?" Hao asked.
"Wala. It's either I'm on Twitter or Instagram. Nagtitingin lang ako ng update about EXO." Depensa nya.
May narinig silang kumatok and Won got the door. Dumating na yung ibang friends nila.
"Hi, mahal." Bati ni Jun saka tumabi kay Hao.
"Kain na tayo?" Aya ni Won.
Di sila kasya lahat sa mesa ni Won kaya kumain yung iba sa may sala pero di naman malayo yung sala sa kusina.
Si Mingyu ung naging topic nila.
"Kabatch ni Cheol si sir Jeonghan." Kwento ni Won. Nakikita nya dating kasa kasama ni Cheol si Jeonghan at yung isa pang teacher na si Joshua.
"Kilala mo talaga sila, kuya?" Mingyu asked.
"Oo, nakakasama ko sila minsan gawa ni Cheol."
"Liligawan mo?" Jihoon asked.
"Hindi muna, kuya."
"Muna?" Sabay sabay nilang tanong.
"Yeah. Next year siguro."
"Naku, Mingyu! Hindi lang crush yan." Jun said habang kumukuha ng ulam sa dining table.
"Dati ko pa syang nakikita, kuya. Tapos ayun nga grumaduate na pala tapos di ko na ulit nakita." Kwento ni mingyu.
"Eh di lunes na favourite mong araw?" Soon asked.
Ngumiti si Mingyu na parang kinikilig. Tinamaan talaga sya sa bago nilang teacher.
