Actions

Work Header

Where I Found You

Summary:

Lahat tayo ay may hinahanap at gusto makamtan sa buhay. Kaniya-kaniyang mga kagustuhan, hiling, at bulong sa mga bulalakaw. Minsan nakukuha natin ito, madalas inilalayo ng mundo mula dito. Pero swerte si Ni-ki dahil nahanap niya ito sa nobyong si Sunghoon. Ilalayo ba siya ng mundo mula kay Sunghoon o hindi na dahil 'di niya naman na ito papakawalan pa?

Notes:

-angst and fluff (medyo not for the light hearted)
-first work so bear with me, please
-medyo confusing at the start? your questions might get answered later on
-not beta read yet

enjoy crying!

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

Sabi nila kapag na-coma ka raw humihiwalay daw yung kaluluwa mo sa katawan mo, pero hindi naman ata nila nabanggit kung saan ba ito napupunta, ‘di ba?






Palubog na ang araw pero nandito pa rin si Ni-ki sa may dalampasigan. Nakatayo, nakalubog ang mga paa sa buhangin. Ang bawat hampas ng tubig sa dalampasigan ay tumatama sa kaniyang paa. 

 

Ang ganda ng view. The sky smiles upon him, showing him its beauty while bidding farewell. 

 

Kulay orange na may halong red ang kalangitan, ang tubig ay dark na dark naman. Favorite niya panoorin ang sunset dito dahil ang comforting nito para sa kaniya. 

 

Ang katahimikan sa lugar, ang peace na dala nito ay napakasarap sa pakiramdam. Hindi ba’t ‘yon din ang gusto nating lahat? Kapayapaan. 

 

Riki! Anong ginagawa mo diyan? Okay ka lang?” wika ng isang binata. 

 

Si Sunghoon ito, nakangiting naghihintay ng tugon niya. Saying he’s so handsome is an understatement because he’s so fucking gorgeous right now. 

 

Ang liwanag ng araw na kumakapit sa balat niya, ang silver blonde gray na buhok nito, ang mga braso nito na litaw dahil sleveless ang suot nito. He’s making Ni-ki fall into him deeper every second they’re together.

 

Riki, ano na? Ikaw na taya naghihintay parin ito ng sagot niya.

 

Akmang lalapitan na sana siya ni Sunghoon ngunit bigla siyang tumakbo papunta rito para tayain ito. Dahil doon ay nagsimula na naman silang maghabulan nang mahabulan na para bang mga bata.

 

Ang saya-saya nila habang naghahabulan. Litaw na litaw ang magandang ngiti ni Sunghoon habang naglalaro sila. At naghabulan sila roon hanggang inabot sila ng pagkagat ng dilim.





Nakaupo sila ngayon dito sa may dalampasigan, pinapanood ang dagat na para bang movie ito. Gabi na at matatanaw mo na ang buwan mula sa may dalampasigan. Kakaiba ang view ng dagat kapag gabi na. Halos wala kang masyadong makita pero ang ganda pa rin. Kanina pa sila nagkukuwentuhan habang pinagmamasdan ito.

 

“Tapos akala mo may watermelon na tutubo sa tiyan mo after malunok ‘yung seed ng watermelon,” sabi ni Ni-ki.

 

“Then, paiyak ka na kasi iniisip mo what if bigla ka na lang maging watermelon sa susunod,” dugtong ni Sunghoon. 

 

Tawa sila nang tawa ngayon. Nakakatuwa nga naman isipin ang mga ganitong bagay na naiisp mo habang bata ka palang. Kung puwede lang ay bumalik na lang sa pagiging bata kasi mas masaya noong puro laro lang ang iniintindi mo. Walang problema, walang sama ng loob, walang pighati. 

 

“Aminin mo, gano’n rin naisip mo nung bata ka pa lang,” Natatawa pa ring sabi ni Sunghoon kay Ni-ki. Natawa na naman si Ni-ki.

 

“Sana pwede na lang bumalik sa pagiging bata ‘no?”

Sunghoon sighs, “Sana nga eh,” biglang nalungkot ang ekspresyon nito. “Pero parang ayaw ko rin bumalik sa pagkabata,” pagpapatuloy nito.

BIglang nagbago ang atmosphere ng lugar. Kanina masaya at puno ng tawa, pero biglang naging malungkot dahil sa sinabi ni Sunghoon. Nagbaling ng tingin muli si Sunghoon sa kalangitan at tsaka nagsalita.

 

“Noong maliit pa lang ako, gusto nila sunod-sunuran ako sa kanila. Kailangan lahat sundin ko kahit ‘di ko gusto,” He’s talking about his childhood. If you’ll ask Ni-ki, masasabi niya na they had the same kind of feeling noon pero different situations. Different circumstances, but the same pain.

 

“Pero ‘di rin naman ako sumusunod siyempre. Kaya nga ni-label ako noon na ‘black sheep’ eh,” Sunghoon doesn’t open up about his past always kaya sobrang surprised si Ni-ki to the point na wala siyang masabi. 

 

All he can think of is how brave Sunghoon is dahil hindi ito sumuko at ipinaglaban ang gusto niya sa buhay. His parents wanted him to be a doctor dahil nandoon daw ang pera at maiaahon daw nila ang family niya sa kahirapan dahil baon din sila sa utang dahil sa pagpapaaral sa kanilang magkakapatid. He is so brave dahil hindi niya pinakawalan ang dreams niya. Something Ni-ki can’t do. 

 

“Matigas nga ulo ko kaya hindi ako nag-doctor. Nag-arts ako. Since ‘di naman ako susuportahan nila mama and ‘di rin naman nila kaya, nag-working student ako.” 

 

Tumahimik ang paligid. Ang bigat sa pakiramdam ng mga kwento ni Sunghoon. Hindi niya napansin na may mga luha palang tumutulo sa mga mata niya. Bigla niyang niyakap si Sunghoon nang sobrang higpit.  Wala siyang salitang sinambit, pero alam niya na sapat na ‘yung yakap para iparating kay Sunghoon ang gusto niya sabihin dito.


“Hoon naman eh. Usapan natin is buto ng pakwan. Bakit ka nagpapaiyak?” wika ni Ni-ki. May mga luha pa rin sa mga mata niya. Sunghoon hugs him naman this time, pero he hugs back as well naman. Sunghoons hugs always are always tight, but comforting. It’s tights, comforting, consoling. Ni-ki doesn’t know what kind of word will describe it but it really feels good. 

 

“Ikaw ‘tong nagsimula about sa childhood eh.” They both smile and watch the night sky again.

 

Most times it’s Ni-ki who is being comforted by Sunghoon, pero si Sunghoon naman ang cino-comfort niya ngayon. Even though he looks like a strong person, it doens’t mean na hindi siya nanghihina. Even Superman has a weakness. Kahit na masungit, mataray, and irritable si Sunghoon minsan, they’re still each other’s comfort, each other’s shoulder to cry on. 

 

They met here, they loved each other here. Ni-ki found comfort, love, assurance, and happiness here in his arms. Hindi na alam ni Ni-ki ang gaagwin kung mawawala si Sunghoon sa buhay niya.





 

Kinabukasan ay nahanap na lang ni Ni-ki ang kaniyang sarili na nababalot ng buhangin. Kanina pa sila naglalaro sa may dalampasigan. 

 

Kung tatayo si Ni-ki ngayon ay panigurado n’ya na ang daming buhangin ang malalaglag mula sa damit n’ya. Mataas pa ang araw at ang tubig ay asul na asul. Tuwang-tuwa sila ni Sunghoon na subukang gumawa ng snowman gamit ang buhangin. 

 

Tumawa sila nang makita nila na nabigo na naman sila na gumawa ng kanilang snowman o kung tutuusin ay dapat tawagin na sandman dahil gawa ito sa sand.

 

“Pang-ilang beses na ba natin nire-re-build ‘to?” wika ni Ni-ki habang patuloy pa ring tumatawa. 

 

“Ang gulo-gulo mo kasi eh,” naiiritang sabi ni Sunghoon. Nag-eye roll pa ito at saka tumawa. Nakangiti nilang sinimulan na namang i-build ang kanilang sandman. 

 

Matapos ang maraming pag-ulit na ay natapos na nila itong gawin. Pababa na ang araw nang matapos sila sa paggawa ng sandman nila. Sand castle naman ang ginagawa nila ngayon.

“Hoon.” Tawag ni Ni-ki kay Sunghoon. 

 

Malapit na bumaba ang araw ngayon. Ang tagal pala nilang paulit-ulit na ginawa iyong sandman nila.

“May ibibigay ako sayo. Close your eyes muna.” 

 

Bakas ang pagtataka sa mukha nito at nagaalinlangang sumunod ito sa sabi ni Ni-ki.

“Wag mo bubuksan hangga’t di pa okay, ha.” Dagdag ni Ni-ki. Sunghoon hums as a response.

Dahan-dahang isinuot ni Ni-ki sa pulsuhan ng kaniyang nobyo ang regalo. Isa itong bracelet nagawa sa iba’t ibang maliliit na seashell. May isang mukhang junonia seashell na maliit sa gitna. 

 

Nang buksan ni Sunghoon ang kaniyang mata ay biglang napangiti ito. Kitang-kita ang tuwa sa mga mata nito. Di mapigilan ni Ni-ki na mapangiti dahil dito. 

 

Para bang tumatalon tuloy ang puso ni Ni-ki sa tuwa dahil sa nararamdaman niya. Makita lang na nakangiti ang binata ay sapat na upang mabuo ang araw nya. 

 

Ngunit biglang nag-pout si Sunghoon. Mukha itong galit. Hindi niya ba nagustuhan ‘yung regalo ko? Tanong ni Ni-ki sa sarili.

“Ano ba yan naunahan mo naman ako. May gift din sana ako sa’yo eh,” Naiinis nitong sinabi. Naka-pout pa rin siya.

Napangiti na lang si Ni-ki nang marinig ang sinabi ng kaniyang kasintahan. Ang cute cute nito. Tinattanong niya si Sunghoon kung ano ba ang regalo nito para sa kaniya pero hindi ito sumasagot. 

 

Bigla na lang sabi nito na isara niya rin muna ang mata niya para fair daw. Ginawa nya naman ito at nang buksan niya ang mga ito ay para bang nagbibiro ang tadhana. Bracelet din ito. Katulad rin ito ng gawa ni Ni-ki pero hindi pareparehas ang laki ng mga seashells. Ang-cute .

“Look, hindi s’ya kasing ganda noong gawa mo, pero I tried naman. Okay lang din naman if hindi mo nagu—”

Hindi na natapos ni Sunghoon ang sasabihin niya dahil bigla siyang niyakap ni Ni-ki. Isang mahigpit, malambing, at nakakakilig na yakap. Hindi na bago para sa kanilang dalawa ang ganito bagay. Isang beses nga, sabi ni Sunghoon sa kaniya na favorite daw nito ang hugs niya dahil warm and welcoming ang hugs niya. The feeling is mutual naman pala.

 

Pagkatapos ng ilang mga segundo ay sinabi ni Ni-ki kay Sunghoon na nagustuhan niya naman daw ito kaya huwag daw siya mag-alala. Natuwa naman si Sunghoon dahil sa sinabi ng kaniyang nobyo. 






Gabi na naman at kapag titingnan mo ang kalangitan ay litaw na litaw ang buwan. Ang lalaki tingnan ng mga bituin. Kanina pa sila nagkukuwentuhan habang nakaupo sa may dalampasigan. 

 

Nakatukod sa buhangin ang mga braso ni Sunghoon habang nakaupo, natatamaan ng bawat hampas ng tubig. Magkapatong ang kanilang mga kamay ngunit nakakabit ang mga daliri nila sa kamay ng isa’t-isa. 

 

Nakasuot rin sa kamay nila na ‘yon ang mga bracelets na gawa nila para sa isa’t-isa. Hindi mapigilan ni Ni-ki na ngumiti kapag nakikita n’ya ang kanilang mga kamay. Sigurado rin s’ya na ganun din si Sunghoon.

 

“Tama naman ako, ah?  Nauna naman talaga ‘yung chicken kaysa sa itlog,” pagpupumilit ni Ni-ki. Umiling naman si Sunghoon.

“Edi saan nagmula yung chicken na ‘yon if hindi egg ang nauna?” napaisip tuloy si Ni-ki dahil sa sinabi ni Sunghoon.

Nagtatalo pa rin sila kung ang manok ba o ang itlog ang nauna. Mayamaya ay tumawa na lang sila dahil imposible nga naman na may manalo sa kanilang debate kanina. Kung saan-saan napupunta ang usapan nila pero masayang masaya silang dalawa. Corny man minsan ang mga jokes ni Sunghoon pero hindi niya alam pero tawang-tawa siya kapag siya ang nagjo-joke. Kapag nakikita niyang satisfied si sunghoon dahil ay tumatalon rin sa tuwa ang kaniyang puso. Makita lang ang binata na masaya ay nagpapasaya na rin sa kaniya.

“Riki,” tawag ni Sunghoon sa kaniya. Tumingin siya kay Sunghoon, naghihintay ng sagot .

“Let’s stay here forever, huh?” wika ni Sunghoon. Tumango naman si Ni-ki.

Lumapit si Sunghoon kay Ni-ki upang kalungin ito sa kaniyang mga bisig. Lumapit rin naman si Ni-ki nang makita nya na akmang yayakapin siya nito. 

 

Magkahawak pa rin ang kanilang mga kamay. Para bang naka-glue na ito dahil wala atang pagkakataon na hindi magkahawak ang mga ito. Hinihimas-himas ni Ni-ki ang knuckles ni Sunghoon. 

 

Nakaupo pa rin sila sa may dalampasigan. Madilim pa rin ang paligid at walang ilaw o ano man na magbibigay liwanag bukod sa ginawa nilang campfire kanina upang hindi sila lamigin.

‘We’ll stay here forever,” tugon ni Ni-ki. “We will,” dugtong pa niya. 

 

Magkayakap pa rin sila hanggang ngayon. Mahina na iyung apoy ng campfire nila. Magkahawak pa rin ang kanilang mga kamay at patuloy pa rin silang nakatingin sa kawalan. Ninanamnam ang katahimikan at kapayapaan ng kanilang paligid. 

 

Bigla na lang may narinig si Ni-ki na tunog. Ang lakas ng ring sa tenga n’ya at para bang mabibingi na s’ya. Hindi alam ni Ni-ki ang gagawin niya dahil ang sakit nito sa tenga. Sinubukan ni Ni-ki na takpan ang kaniyang mga tenga ngunit walang nangyari. 



Hindi nya namalayang nakatingin na pala si Sunghoon sa kaniya, sinusubukang alamin kung ano ba ang nangyayari. Mukhang nag-aalala ito at may sinsasabi siya kay Ni-ki ngunit hindi niya ito marinig dahil sa sa lakas ng tinnitus niya.

“Riki!” tawag ng isang pamilyar na boses sa kaniya. Malakas pa rin ang naririnig niyang ring. Ang huling nasilyan niya ay ang nag-aalalang mukha ni Sunghoon bago biglang naging black ang lahat.





Pagmulat ni Ni-ki ng kaniyang mga mata ay nasa kwarto niya siya ng kaniyang apartment. Ano? Apartment? Napanaginipan niya na naman mga memories nila ni Sunghoon. That’s why he hates sleeping. Ang saya na dala ng mga alaala nila ni Sunghoon ay napakatamis, ngunit ang dalang impyerno ng realidad sa kaniya tuwing umaga ay ganun din kasakit.

Ilang buwan na ang makaraan mula nang magising siya sa kaniyang coma. Gawa-gawa lang ba ng isip ni Ni-ki ang lahat? Hindi niya na rin alam. Andaming tanong na hindi masagot-sagot. Agam-agam na hindi mawala-wala.

Para maiwasan ang ganitong pangyayari ay hindi na lang siya natutulog. Ni ayaw niya na ngang isara ang kaniyang mga mata dahil dito, pero di ata nadaan sa kape ‘yung antok niya kagabi. Antagal nang ganito ng lahat ngunit hindi pa rin ata siya sanay sa tuwing nangyayari ito.

Di naman ganon kalaki ang kaniyang apartment pero sapat na ‘to para sa kaniya dahil mag-isa lang naman siyang nakatira rito. Light shade ng lavender ang color ng walls, tulad ng amoy ni Sunghoon. Yellow ang bedsheets niya, yellow ang favorite color ni Sunghoon. Everything reminds him of Sunghoon. Ang buong isinisigaw ng kaniyang utak ay puro Sunghoon, Sunghoon, Sunghoon.

Mayamaya pa ay bumangon na siya at iniligpit ang kaniyang hinigaan. Isang araw na puro sama ng loob na naman , sabi ni Ni-ki sa loob-loob niya.





Madilim na ang buong paligid, ang tanging makikita mo na lang sa labas ay puro sasakyan na dumadaan ang ilaw ng mga ito. Gabi na naman. Ni-ki’s dilemma starts again.

Nakaupo siya ngayon sa mesa niya, nagbubuhos ng maligamgam na tubig sa mug niya, nag-titimpla ng kape. 

 

Naalala niya noong nagising siya, nang malaman ng mga magulang niya na gising na siya ay agad siyang pinagalitan ng kaniyang mga ito. Blabbering about how much of a disappointment he is. They disowned him, too. Wala na daw siyang ginawang tama kaya oras na daw para matuto siya.

Kaya siya na-coma dahil sinubukan niyang lunurin ang kaniyang sarili. Akala niya matatpos na roon ang lahat ngunit mali ang akala niya.

Humigop siya ng kaunti sa kaniyang tinimplang kape. Dinadalangin ng kaniyang puso na sana huwag siya makatulog dahil di niya na ata kaya pa kung mapapanaginipan niya na naman ang lahat.

Hindi niya namalayan na naubos na niya pala ‘yung kape. Pagtapos ng isa na namang nakakapagod na araw ay hindi niya magawang makatulog manlang. Saying he’s tired is an understatement for what he’s feeling right now.

 

Ang sakit ng ulo niya, ang sakit ng likod niya. In short, ang sama ng pakiramdam niya. Gusto niya na talaga matulog, pero may choice ba siya?

 

Nandoon pa rin siya sa mesa, nakalapat ang braso sa mesa at ipinapatong ang ulo niya doon. Nakatagilid ang ulo niya, nakatuon ang mata sa kuwarto niya. 

 

May mga luha na tumutulo mula sa mga mata niya. Umiiyak siya, umiiyak na naman. Inaantok na siguro talaga siya dahil may nakikita siyang nakatayo sa gilid. Si Sunghoon ito. Si Sunghoon .

“Hoon?” Hindi makapaniwalang tawag nito sa nakikita niya sa harap niya. Nginitian siya nito.

“Hoon,” Muli niyang tawag sa binata. Tuloy-tuloy na ang mga luha niya ngayon. Miss na miss niya ang binata.

“Tahan na.” Wika ni Sunghoon na mas ikinaiyak ni Ni-ki. Sinong mag aakala na makikita niya ulit si Sunghoon? Miss na miss na miss niya na ito.

“Shhh” Sabi ni Sunghoon habang tinatapik ang kaniyang likod. Patuloy pa rin ang kaniyang pag-iyak at pinatatahan pa rin siya ni Sunghoon. 

 

Tahimik ang paligid. Tahimik lang siyang pinapatahan ni Sunghoon sa may mesa. 

 

Hinihimas-himas ang kaniyang likod at akap-akap siya nito. Na-miss ni Ni-ki ang presence niya, hugs niya, words niya, lahat-lahat ng meron kay Sunghoon.

“Riki, you look so tired.” Pinupunasan ni Sunghoon ang mata ni Ni-ki. “Natutulog ka pa ba?” There’s a concerned look on his face. He’s always concerned for Ni-ki. 

 

Kaya hindi niya masisi ang sarili niya kung bakit hindi niya makalimutan ang mga memories nila ni Sunghoon dahil lagi siyang tinatrato nito ng may ingat. Para bang isa siyang isang mamahaling gem na pakaingat-ingatan ni Sunghoon. 

 

Walang ibang tao ang nakapagpadama sa kaniya ng ganoong pakiramdam maliban kay Sunghoon. At nagagawa nitong iparamdam sa kaniya ‘yon sa bawat segundo na magkasama sila. 

 

“Love, halika rito. Rest, please?” Wika ni Sunghoon habang itinatayo si Ni-ki at dinadala siya sa kama niya.

Ngayon lang ata naramdaman ni Ni-ki ulit ‘yung ganitong klaseng comfort. The feeling isn’t foreign but something he really missed a lot. Para bang nabura lahat ng presence ni Sunghoon ang lahat ng sakit at pagod na nararamdaman niya. Masungit man si Sunghoon, ibang-iba naman ito kapag kailangan niya ng comfort. 

 

Nakahiga siya higaan niya ngayon, nakapatong ang ulo sa hita ni Sunghoon. Si Sunghoon naman ay nakaupo lang sa kama ngayon, nakasandal ang likod sa headboard ng kama ni Ni-ki. 

Kapag kasama niya si Sunghoon para bang wala na siyang pakialam sa lahat. Nakatuon lamang ang pansin niya kay Sunghoon at kay Sunghoon lamang.  

 

Ang sarap sa pakiramdam na makita at makasama niya uli si Sunghoon. Napawi lahat ng sakit na dala ng mga gabing wala siyang tulog at kahit pagod na pagod siya.






Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya at ngayon lang siya nagising. Tanghali na at mataas na ang araw, ngunit parang may kulang. Nakahiga na lang siya sa isang unan niya. Walang Sunghoon sa tabi niya. Wala si Sunghoon . Panaginip lang ba ang lahat?

 

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa realization. Ang sakit. Ang sakit sakit. Ang kirot ng kaniyang puso, ang dami-dami na namang tanong sa loob utak niya. Di niya namalayan na umiiyak na naman pala siya. 

 

Ilang minuto siyang umiiyak sa may higaan niya. Hanggang ngayon ay umaalingaw-ngaw pa rin sa kuwarto ang kaniyang mga hikbi. Hindi niya na alam kung ano ang gagawin niya. Ang daya ng mundo sabi niya sa isip niya. At mayamaya pa ay umiiyak na naman siya. Sana nga naidadaan na lang sa pag-iyak lahat ng sakit na nararamdaman niya. 

 

Matapos ang ilan pang mga sandali ay natapos na rin siya sa pag-iyak. Napagdesisyonan niya na lumabas dahil ilang araw na siyang nasa apartment niya lang. 






Hindi niya alam kung paano siya nadala ng mga paa niya sa lugar na ito. Basta ay nahanap niya na lang ang kaniyang sarili na nandito sa may dagat.

Palubog na ang araw ngayon, tanghali na kasi siya nagising kanina. Nakatayo siya sa may dulo ng dalampasigan, nababalot ng buhangin ang kaniyang mga paa. Nakatingin lang siya sa kawalan, nagiisip-isip. Orange na may halong pink ‘yung sky, nagmumukhang dark na lavender tuloy yung tubig. Naalala niya tuloy si Sunghoon. Kung titingnan ng mabuti ‘yung lugar parang familiar ang lahat. It feels like deja vu .

The last time he watched the sunrise was when he and Sunghoon played tag sa may dalampasigan. He was so happy, and Sunghoon was so happy. They were so happy. Para bang panaginip lang ang lahat, kaso literal ata? 

 

Ang welcoming ng simoy ng hangin dito. Para bang alam ng dagat ang dinadamdam ni Ni-ki at yinayakap siya ng amoy nito. Ang warm tingnan ng kalangitan. It seems like the place is trying to comfort him. Mas gusto niya ang makulimlim kaysa tirik na tirik ang araw, pero iba ang lahat sa pagkakataon na ito. How ironic. 

 

Hindi niya na kaya, ayaw niya na. Huminga siya ng malalim. Handa na siya. Dahan-dahan siyang lumalakad papunta sa tubig ng dagat. Paunti-unting yinayakap ng tubig-alat ang kaniyang katawan.

 

That place was the embodiment of what he truly wanted: a peaceful life, a happy life, a life filled with contentment. And he found that there, in that place. He had everything he could ask for right where he found him.

 

Malamig ang tubig at basa na rin ang kaniyang damit. Patuloy pa rin siya sa paglakad papunta sa tubig. Lagpas na sa ulo niya ang tubig, Dahan-dahan na siyang linalamon ng tubig. Masakit pero hindi niya na ito pinapansin.

“Riki!” Tawag ng isang boses sa kaniya. Boses ni Sunghoon ito. Kasabay ng paglaho ng araw ay ang paglaho ng kaniyang malay..






Totoo nga ang sabi nila, humihiwalay nga sa katawan natin ang kaluluwa natin kapag tayo’y na-coma. Napupunta ito sa isang lugar kung saan makakamit natin ang pinakainaasam ng ating mga puso. 

 

This time, ang dalawang kaluluwa na may iisang inaasam ay nagkrus ang mga landas sa pinakahindi inaasahang pagkakataon at nahanap nila ang inaasam nila sa piling ng isa’t isa. ito ang kapayapaan. Hindi ba’t iyon naman ang gusto nating lahat?

Notes:

hope you enjoyed crying, eme. thank you for reading :)