Work Text:
There is a commotion across the street— May babaeng naabutan na manganganak sa loob ng isang jeep. Nakadagdag ‘yon sa traffic. If it was just any ordinary day, Chanyeol would be patient. Hindi rin naman siya mapapagalitan sa kompanya kung ma-late siya ng konti as he is the CEO in training.
Ang problema, hindi siya don papunta and seeing how people in that jeepney panics, mas lalo siyang nakaramdam ng kaba.
Ganoon din kaya ang nangyayari sa loob ng delivery room ng hospital kung saan siya papunta ngayon?
Humigpit ang hawak niya sa manibela. His phone rings again. Nakalagay ‘yon sa phone holder na nakahang sa dashboard.
Seeing Jongdae’s name appear on the screen, he answers the call.
“Nasaan ka na ba? Papunta ka na?”
“Oo.” Ang sagot niya. He’s trying to overtake pero nahihirapan siyang makasingit dahil masikip ang daanan. Isa pa, it would be a violation. Kahit emergency, hindi naman niya kasama ang pasyente. “Malapit na ako. How about him? Ano ng nangyayari d’yan?”
“Relax. Kung dumating ka dito, mas matatakot ‘yon pag nakitang kinakabahan ka din. Kakapasok lang ni Kyungsoo at hindi niya pababayaan ang mag-ama mo.” Jongdae assures him. Alam naman niya ‘yon, na matapang ang asawa niya, na magaling na OB-GYN si Kyungsoo, but he still can’t help to be anxious.
Ang sabi nga ng matatanda, buhay ang nakataya sa panganganak. Ni hindi niya alam kung kakayanin ba niyang makita ang asawa sa ganoong sitwasyon mamaya, na nahihirapan pero alam din niyang kailangan ay naroon siya, na kailangan siya nito.
Halo-halo na ang nararamdaman niya. Kaba, takot, at inis dahil hindi pa rin siya nakakalagpas sa traffic.
“Didiretso agad ako d’yan sa delivery room.”
“Sige, nandito na rin ang parents niyo and Ate Yoora.”
Binaba na ni Jongdae ang tawag. Hindi naman na niya inabala pang tingnan ang cellphone niyang may messages from his secretary at nagpatuloy sa pagmamaneho. When finally ay nakalagpas siya sa siksikan at lumuwag na ang daanan, pinaharurot na niya ang sasakyan.
Wala siya dapat sayanging oras dahil sa bawat segundong lumilipas ay nahihirapan ang asawa niya.
Mariin niyang tinapakan ang gasolina. Malapit-lapit na ang ospital. Kanina noong tumawag si Jongdae’t sinabing manganganak na si Baekhyun, walang pag-aalinlangan niyang iniwan ang trabaho niya. Kahit meetings, hindi na niya inalala. Ang secretary na niya ang bahala sa mga ron.
Wala naman kasing ibang mas importante bukod sa pamilya niya.
Nang makarating sa ospital, agad siyang bumaba sa paradahan at nagtatakbo papasok.
Naitext na ni Jongdae sa kanya ang daan papuntang delivery room, kung sakali raw na hindi niya pa alam, pero naturo na rin sa kanya ‘yon ng asawa niya noon. Madalas ba naman siyang naroon sa tuwing hinihintay ito para sabay silang umuwi.
His husband is a doctor kasi, a surgeon. Na-tour na siya nito ron at kilala na rin ng iba sa mga nurses and other staff.
“Chanyeol!” Ang tawag sa kanya ng ina nang makarating siya sa hallway kung nasaan ang delivery room. Humahangos siyang lumapit sa mga ito.
“Si Baekhyun?!” Kaagad na tanong niya.
“Nasa loob pa.” Ang father-in-law na niya ang sumagot.
Hindi niya sigurado kung basta na lang ba siyang papasok. Of course, hindi pwede dahil sanitized and disinfected ang buong lugar sa loob. Mabuti na lang at may lumabas na nurse upang bigyan siya ng PPE at i-accompany siya sa loob. Nang dumating kasi siya ay tumawag si Jongdae sa loob para sunduin na nga siya dahil kanina pa hinihintay sa loob.
Mabilis niya ‘yon sinuot at sumama sa nurse papasok ng delivery room and there, he sees Baekhyun lying in a delivery bed. Maraming equipment sa loob at nakaswero rin ito. Agad niyang nilapitan ang asawa na may malay at hinawakan ang free hand.
“You’re here.” Baekhyun says in a weak and low voice.
He nods and caresses the latter’s face. “I’m sorry, I’m a bit late.”
Bago pa man makasagot si Baekhyun ay nagsalita na ang kaibigan at doctor nito.
“No, you’re not late.” Kyungsoo looks at them with a genuine smile on his face. “You’re just in time for your family, Chanyeol.” Tapos ay inangat nito ang isang baby na puno ng dugo at inabot sa nurse.
Pigil hininga silang lahat na naghintay hanggang sa binalot ang buong kwarto ng iyak ng isang sanggol.
Sabay nakahinga nang maluwag sina Chanyeol at Baekhyun. Kyungsoo looks at the lovely couple and says, “Congratulations.”
Tumango si Chanyeol at saka tiningnan si Baekhyun. Yumuko siya, at kasabay ng pagdampi ng mga labi niya sa noo nito ay ang pagtulo ng luha niya.
“Thank you for being safe.”
Dahil nanghihina, dala na rin ng anesthesia na tinurok, hindi na nagawa pa ni Baekhyun sumagot ngunit ngumiti ito hanggang sa nakatulog.
“We’re gonna close him up. Gusto mo na bang maghintay sa labas, kasi dadalhin na rin si baby sa nursery pagkatapos linisin or do you want to stay with him?” Kyungsoo asks, pertaining to Baekhyun when he says him.
“I’ll stay with him.” Ang sagot ni Chanyeol habang hindi binibitawan ang kamay nito.
Kyungsoo nods and proceeds to close Baekhyun’s abdominal wall. Ni isang sulyap, hindi ginawa ni Chanyeol. Kahit pa may anesthesia, pakiramdam niya ay masasaktan din siya kapag nakita niya ang ginagawa kay Baekhyun kaya sa maamong mukha siya nito nagfocus.
Tulad ng sinabi niya sa kaibigan ng asawa, hanggang sa matapos ay naroon siya at lumabas na lamang nang sabihin na ililipat na si Baekhyun sa VIP room.
Paglabas niya, sinalubong siya ng panganay sa kanilang magkakapatid na si Yoora. Tulad ng sinabi ni Jongdae, kanina pa ito naroon.
“Congratulations to the new Daddy Park.” Ang sabi nito sa kanya kasabay ng isang yakap.
He hugs his sister back at naging sunod-sunod na ang congratulations na narinig niya, even from the nurses na napapadaan lang na nakakakilala sa kanya as Doctor Baekhyun B. Park’s husband.
Nakatanggap naman siya ng isang tapik sa balikat mula kay Jongdae.
“Thank you.” Ang sabi niya rito, hindi lang dahil Jongdae congratulated him but also for taking care of his husband sa tuwing hindi niya nagagawa dahil nasa trabaho siya. The latter’s also a medical doctor. A pediatrician, kaya hindi na rin sila nag-isip pa ni Baekhyun dahil ito na ang magiging doctor ng anak nila once nailabas na ang baby.
“Thank you also.” Ang sabi ni Jongdae na nagpakunot sa noo niya. Ngumiti ito. “For giving my best friend everything he deserves.”
When Baekhyun finally wakes up, he’s no longer inside the delivery room. Mas payapa at maliwanag na ang kwartong kinaroroonan niya. Though nakakarinig siya ng tawanan at mahihinang kwentuhan, mas ayos ‘yon para sa kanya kaysa sa kabang nairaos niya kaninang umaga.
Nanlalabo man ang paningin niya, he knows he’s already inside the VIP room. Ayaw niya nga sana roon pero ano bang laban niya sa dalawang doctor niyang kaibigan, pamilya niya, at syempre ang asawa niya? Bukod sa mga ito, the hospital director also insisted. After all, isa siya pinakamagaling na surgeon. Hindi lang sa ospital nila kundi sa bansa. He’s a topnotcher ba naman sa lahat ng licensure exam na tinake niya magmula noong makagraduate ng college.
Pinagmasdan niya ang maliwanag na ceiling at hinayaan ang mga mata na mag-adjust pero agad ding natabunan ang liwanag na ‘yon nang biglang bumungad ang gwapong mukha ng asawa niya sa taas niya. Nakaupo ito sa tabi ng kama niya kanina lang at talagang hindi siya iniwanan. Nang mapansing gising na siya, tumayo si Chanyeol to check him.
“You’re awake.” Naagaw nito ang pansin ng mga kasama nila sa kwarto, still their parents and Yoora. Kaaalis-alis lang ni Jongdae ng oras na ‘yon dahil may rounds pa ito at outpatients na rin habang si Kyungsoo naman ay may inaasikaso pa.
Mabilis naglapitan ang matatanda at pinalibutan siya. He smiles at everyone. Oh, that sweet one. Doon nakuha si Chanyeol, eh.
“Ayos ka na ba? Kamusta ang pakiramdam mo?” Nag-aalalang tanong ng mama niya na sinundan agad ng ina ni Chanyeol.
“Do you need anything? May masakit ba?”
“Matulog ka pa.” Ang sabi naman ng papa niya. “Kailangan mong magpalakas.”
“Magpahinga ka.” Dagdag pa ni Mr. Park.
Nagkatinginan sila ni Chanyeol na nasa tabi pa rin niya at sabay silang natawa. Kagigising lang niya, pinapatulog na naman siya.
“Don’t worry po. I am okay.” Ang sabi niya. Hindi pa kasi gaanong sumasakit ang tahi niya dahil may epekto pa rin ang anesthesia, though humina na.
“Are you sure?” This time, si Yoora naman ang nagtanong.
“Yes, ate. Relax lang kayo.” Ang sagot niya at saka tinanong na ang kanina pa gustong malaman. “The baby? Where’s our baby?”
As if on cue, hindi pa nasasabi ni Chanyeol na nasa nursery pa ito at hindi pa dinadala sa kwarto ay bumukas ang pinto. Pumasok ang isang nurse na pinauna ni Kyungsoo, dahil buhat nito ang isang sanggol, habang hawak ang pinto upang hindi sumara.
“Baby boy Park is here.”
Sabik na sabik na lumingon ang lahat upang matingnan ang natutulog na sanggol. Lumapit ang nurse sa higaan ni Baekhyun. They gave way at hiniga ang bata sa tabi niya.
Isasara naman dapat ni Kyungsoo ang pintuan nang may humila ‘non mula sa labas.
“Nasaan ang pamangkin namin?!”
Sabay-sabay nilang tiningnan ang bagong dating at agaw na eksena na sina Dohyun at Joohyuk na mag bestfriend, both are also the youngest of the Byun and Park.
“Shh!” Saway sa kanila ni Yoora at parang mga batang napagalitan ang dalawa na nagdahan-dahan sa pagpasok habang ang mga kamay ay nasa strap ng backpack na suot. Pareho silang galing ng school, they’re currently in third year college.
Natawa at nailing na lang si Kyungsoo sabay baling mula sa kaibigan na kagigising lang at pagod pa dahil bagong panganak.
“How are you feeling?” Ang tanong nito sa kanya.
Inalis saglit ni Baekhyun ang tingin sa anak na katabi. Halos walang paglagyan ang saya na nararamdaman niya.
Nine months of waiting. Finally, their baby is here. He can now hold him, hug him, kiss him, sing lullabies for him.
Parang kailan lang.
“I am good, I think?” Natawa siya sa naging sagot siya. “Hindi ko alam, actually. Ang hirap pala maging pasyente. Now I understand kung bakit ganito lang sumagot ang mga patients ko after surgery. Nakakapanghina at lutang ang anesthesia.”
“Still, perks of having a surgeon patient. Hindi na kailangan ng matinding explanation because you already know the basics and generals.”
He nods. Muling nagsalita si Kyungsoo. “So, I guess maiwan ko muna kayo with baby. Jongdae says he must be fed. Mamaya kukunin siya ulit ng nurse.”
“Okay.” Ang sagot niya habang inaayos ang suot na mittens ng anak. Baka kasi nilalamig ito. Then, he looks at one of his best friends. “Thank you.”
“My pleasure, Mr. Park.” Kyungsoo winks at him bago nagpaalam sa kanilang lahat, nagmano pa ito sa mga magulang nila bago lumabas.
Nang makaalis ang doctor at nurse, muling pinagkaguluhan si Baby Park at sa pangunguna na ‘yon ng mga bunso ng dalawang pamilya.
“Kuya, pabuhat naman ako.” Akmang hahawakan na ni Joohyuk ang sanggol nang paluin ni Chanyeol ang kamay nito. “Aray ko, bakit?!”
“Anong pabuhat? Galing ka ng school, ang dumi mo! At marunong ka ba ha?”
“Marunong ako, ‘no! At nag-alcohol na ako ng kamay.” Ang sabi nito ngunit umiling pa rin si Chanyeol.
“Hindi. Marumi ‘yang damit mo. Ayoko. Maligo ka muna.”
“Eh wala akong dalang extra!”
“Edi pag naiuwi na siya, dalawin mo sa bahay namin at doon mo buhatin. Ngayon, hindi pwede.”
“Ang strikto naman.” Nagkakamot sa ulong sabi nito na nagpatawa kay Dohyun, Baekhyun’s only brother.
“Tawa ka d’yan? Pareho lang tayong galing school. Hindi mo rin mabubuhat.” Ang sabi ni Joohyuk na nagpatigil sa kaibigan. Akmang magpapaalam palang ito kay Baekhyun nang ang mismong ina na nito ang pumigil.
“Hindi, Dohyun. Narinig mo ang Kuya Chanyeol mo kay Joohyuk. Ganun ka rin.” Hindi na ito nakapagsalita at napanguso na lang.
Bigo ang mag best friend. Baekhyun then laughs na pinaangat kay Chanyeol ang higaan para makaupo naman siya, buhat niya ngayon ang anak na tulog na tulog pa rin.
“Ang strict ng daddy at mga lola’t lolo mo, baby. Mukhang hindi na kailangan magsalita ni papa.” He says na para bang naiintindihan siya ng sanggol na kausap. Naupo naman si Chanyeol sa tabi niya at pareho nilang tinitigan ang maamong anghel na nasa bisig niya.
“Kamukha-kamukha ko…” Ang sabi ni Yoora na agad kinontra ni Joohyuk.
“Anong ikaw? Ako kaya, ate!”
“Hindi kayo, ‘no! Byun na Byun kaya ang itsura.” Singit ni Dohyun at nagtalo na nga lahat pati na rin ang mga lolo’t lola.
“Hay nako.” Pag–awat ni Chanyeol. “Para walang away, si Baekhyun ang kamukha.”
“Si Baekhyun?” Tiningnan ni Mr. Park si Chanyeol. “Akala ko ba sabi mo sakin gusto mo ikaw ang maging kamukha ng anak mo?”
Dahil doon, tiningnan ni Chanyeol ang asawa na gaya ng lahat at hinihintay ang magiging sagot niya. Tinitigan niya ito sa mga mata at pakiramdam ni Baekhyun ay natutunaw siya lalo pa nang buksan ni Chanyeol ang bibig upang magsalita.
“It doesn’t matter to me anymore kung sino saming dalawa ang kamukha ni baby. Regardless, he is a wondrous gift to us and the fruit of our love.”
Tila may dumaang anghel at kung hindi pa nangantyaw sina Joohyuk at Dohyun, baka ilang minuto na ang lumipas ay tahimik pa rin silang lahat.
Napayuko si Baekhyun. Hindi naman na siya buntis pero bakit emosyonal pa rin siya? Pinilit niyang tumawa habang pinupunasan ang luha niya.
Alam ni Chanyeol na nabigla siya sa narinig kaya hindi na siya nito pinilit pa’t hinayaan na. Mabuti na lang din at nabaling na muli sa baby ang atensyon ng lahat.
Kinagabihan, umuwi na muna ang mga kasama nila. Sila na lang dalawa sa kwarto dahil kinuha na muna ulit ng nurse si Baby Park kaninang hapon.
Pahiga na muli si Baekhyun dahil napagod siya sa buong araw. Dumating din kasi ang mga kaibigan ni Chanyeol kanina na sina Sehun at Jongin upang dumalaw. Nagdinner sila ng sabay-sabay at ngayon ay nakaramdam na siya ng antok.
“Ikaw? Hindi ka ba uuwi?” Ang tanong niya sa asawa nang maging komportable siya sa kama.
Inaayos nito ang mga dinalang bulaklak, prutas, at iba pang pagkain para sa kanya. “Bakit naman kita iiwan dito mag-isa?”
Nag-isip si Baekhyun ng isasagot. Kasi hindi na ako buntis. “Kasi kaya ko naman mag-isa at para maayos ka rin makapagpahinga. Sasakit lang ang leeg mo d’yan sa couch.”
Chanyeol turns to look at him. Nakatalikod kasi ito sa kanya kanina habang inaayos ang maliit nilang cabinet at ref.
“Baek, walang wala ‘yon sa pinagdaanan mo. Hindi lang ngayong araw kundi pati na rin sa buong siyam na buwan.” Naglakad ito palapit sa kanya at naupo muli sa tabi ng kama niya. Pinanood niya lang si Chanyeol. “Stop worrying about me and focus on yourself. I know you’re a doctor but can you be a patient for now? Kahit hanggang sa gumaling ka lang. Hayaan mong alagaan kita.”
Hindi siya sumagot kaya kinuha ni Chanyeol ang kamay niya’t nagtanong. Kilala na talaga siya nito. “Something’s bothering you. Ano ‘yon? You can tell me. I am your husband.”
He still can’t find the right words to say kaya ito na mismo ang nagsabi. Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang tapang ni Chanyeol pero mabuti na rin ‘yon dahil kung naduduwag din ito tulad niya, ano ng mangyayari sa kanilang dalawa?
“Is this about what I said kanina?”
Napayuko siya. Nahihiya siyang makaharap si Chanyeol kaya nilaro na lang niya ang mga daliri nito na kanina’y hawak ang kamay niya bago tumango.
Wala siyang narinig na kahit ano mula rito matapos ‘non kaya akala niya ay napikon na si Chanyeol sa kanya dahil pakiramdam niya ang arte-arte niya hanggang sa nagsalita ito.
“Hey, look at me.”
Dahil sa lambing ng boses nito, ingat na ingat na para bang konting lakas ay mababasag siya, sumunod siya sa sinabi nito at mas bumilis ang tibok ng puso niya nang magsalubong ang mga mata nila.
“Are you doubting? Hindi ka ba naniniwala o masyado kang nabigla? You can be honest with me, Baek. Maiintindihan ko kahit ano pa ‘yan.”
Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya. “Pwede ba ako ulit maupo?” He asks after a while.
Chanyeol nods at inalalayan siya at saka muling tinaasan ang sandalan niya. Nilagyan pa nito ng unan sa likuran niya.
Nang maging ayos ang posisyon niya, sinagot na niya ang tanong nito.
“Hindi ka ba…” Umiling siya. “Hindi mo ba sinabi ‘yon dahil lang nandyan sila?”
“Sila?” Kumunot ang noo ni Chanyeol. “You mean our family?”
Nahihiya siyang tumango.
Chanyeol heaves a sigh before shaking his head no. “Baek, no. Why? Am I wrong?” There’s pain in Chanyeol’s eyes nang sabihin nito ‘yon.
“Ako lang ba ang may narealize sa loob ng ilang buwan nating pagsasama sa loob iisang bubong at kahit bago pa ang kasal? I know, our baby’s already there prior to the wedding and he’s the main reason kung bakit natin piniling gawin ‘yon but seeing you everyday, sleeping beside you every night, waking up next to you every morning… I couldn’t help but to love you, Baekhyun. It’s not a sense of responsibility. I realised I was doing everything out of love. I fell for my husband.”
Tulad kanina, muling namuo ang luha sa mga mata niya. Ngunit sa dinami-rami ng sinabi ni Chanyeol, nangibabaw ang naging tanong nito sa isip niya.
Is Chanyeol wrong? Or is he right all along?
Seven months ago. At the Byun’s residence.
Silence engulfed the dining room of the Byun’s household after Chanyeol finally told their parents the very reason why he and Baekhyun scheduled a sudden dinner.
Kanina lang ay halos hindi sila makasingit. Kumpleto kasi sila bilang sinabi ni Chanyeol na bawal ang absent, even their siblings. Naging mini gathering and reunion ang gabing ‘yon ng panandalian. Hindi rin nagtagal dahil nga hindi na nakatiis si Chanyeol at sinabi na ang dapat malaman ng pamilya nila.
“We’re getting married.”
Ang mama niya ang unang nagsalita. “Married? You and Baekhyun?”
He nods. Inasahan na nila ang ganoong reaksyon. Sobrang biglaan. Isa pa, hindi naman sila. Sa katunayan, kahit sila ay hindi inaasahan na hahantong sila sa ganoong sitwasyon. ‘Yung magpapakasal.
Wedding— Isn’t it a celebration and the beginning of lifetime commitment whereas wedding day is deemed as one of the greatest days of a couple’s life. ‘Yun ang sabi sa libro, pinakikita sa mga palabas, at pinaniwalaan ng maraming matatanda. Pero ngayon, napatunayan nilang it doesn’t always work that way.
“Bakit masyadong biglaan?” Naguguluhan ding tanong ng ina ni Baekhyun. “Kayo na pala.” Ang sabi pa nito sa huli. “Ni wala man lang kaming narinig ng papa mo mula sayo. We get that you’re already in the right age pero ‘yung sabihin mo man lang, Baekhyun.”
Hindi naman nito alam kung paano sasabihin. Eh, hindi naman kasi naging sila ni Chanyeol. Diretso pakasal.
“How did it happen?” Mr. Park asks. “The engagement.”
Nagkatinginan silang dalawa. “Wala pong ganung nangyari.” Si Chanyeol na ang sumagot na mas nagpabigla sa mga kasama nila.
“Ano ‘yon, kuya?” Hyoseop asks. ‘Yung sumunod kay Chanyeol sa magkakapatid. “You’re friends until you turned mid 30s and are still both single, so you decided to settle down? Ganun ba?”
Umiling siya. Nananatiling tahimik si Baekhyun. Hindi sa hindi nito kayang sagutin ang bawat tanong na binabato sa kanila. Wala lang talaga ito sa mood which is normal in his condition.
“No.” Ang sabi ni Chanyeol. Tiningnan niya si Baekhyun, nagpapaalam. Tumango ito. After all, ‘yun naman talaga ang dahilan kung bakit nila pinatawag ang pamilya nila ngayon. Dahil nga may sasabihin sila at hindi ‘yon natatapos sa kasal lang.
Huminga siya nang malalim bago tingnan ang mga magulang nila.
“Baekhyun’s pregnant.”
Kung nakakabigla para sa lahat na magpapakasal sila, mas kagulat-gulat na buntis si Baekhyun. Not like it’s impossible. It is at nasa tamang edad na ito. Tulad lang kanina, no one has seen it coming. Wala kasing nababanggit si Baekhyun, maski si Chanyeol, tungkol sa relasyon nilang dalawa.
Kahit naman sila, sa totoo lang. After all, it was supposed to be only a one night thing.
They've known each other since forever. Their moms are best friends, kaya sila napalapit sa isa’t-isa. Noong mga bata pa. Things got awkward habang lumalaki sila at nakikilala ang mga sarili nila. They attended the same school together until before college, pero sadyang hindi sila napabilang sa iisang circle of friends.
They grew apart. The only high school memory they had with each other was the prom. Pinilit talaga ng mga nanay nila na gawin nilang date ang isa’t-isa. Since parehong wala namang natitipuhan, pumayag na sila thinking na kaya nilang panagutan. Natapos naman nila nang maayos. ‘Yun nga lang, sobrang nakakailang.
Their moms wanted them to end up with each other kaya when they pursued different majors and fields, naging imposible ang lahat ng pinag-usapan at gustong mangyari ng mga ito sana. Of course, hindi naman sila pinilit at hinayaan sila ng mga ito kaya ang marinig ngayon na ikakasal na sila’t magkakapamilya ay hindi kapani-paniwala pero hindi ibig sabihin na hindi na masaya ang mga ito para sa kanila.
They are happy. Sobra.
“How did it happen?” Mama Byun asks.
“Ma, talaga bang aalamin mo pa ‘yan?”
Baekhyun’s question made everyone laugh, except Chanyeol. Hindi sa hindi nito naintindihan. Ayaw lang na maramdaman ni Baekhyun ang mapahiya.
“Hindi ‘yung kung paano niyo ginawa ang apo ko!” Ang sabi nito. “What I want to know is how long have you two been dating. Ni wala man lang kaming kaalam-alam, at paano bang walang engagement?”
“The answer to your last question po, tita, is related kung bakit wala kayong alam kung gaano na kami katagal.” Si Chanyeol na ang sumagot. Napag-usapan na nila ‘yon dalawa and they doesn’t want to lie na nagkagustuhan sila kasi hindi naman.
Engagement? Totoong walang ganoong nangyari. The night Baekhyun found out about his pregnancy, he immediately told Chanyeol. He knows the latter is responsible and gentleman kaya hindi siya nag-alinlangan. At first, ang plano lang naman sa isip niya ay co-parenting. Kung financial, walang problema but he doesn’t know how to be a parent. Isa pa, may karapatan si Chanyeol malaman. Hindi naman siya close-minded and it’s not as if they have a past para itago niya. There’s no reason to do it talaga.
Kaya lang noong gabing din ‘yon, inaya siya ni Chanyeol ng kasal. Hanggang ngayon ay hindi niya makalimutan ang eksaktong mga salitang sinabi nito.
“I want to take care of you and our baby.”
With much sincerity and dedication, sinong hindi bibigay sa ganoon? If he has someone in his life, paniguradong hindi pero kasi wala. Kaya wala ring problema at kung sakali, hindi rin naman siya mabubuntis ni Chanyeol. Why do it with someone else if you’re committed, ‘di ba?
Matino siyang tao, pati na rin si Chanyeol. Kaya nga pananagutan nilang dalawa ang batang dinadala niya.
“What do you mean?” Ang ama na mismo nito ang nagtanong dahil naguluhan sa narinig.
Chanyeol then looks at him again. Tumango siya bilang nanghihingi ito ng permiso kung sasabihin ba ang totoo. “It just happened.” Ang sagot ng huli. “The pregnancy was unplanned. Baekhyun and I, we’re not in a relationship. As I said, it just happened.”
He nods, agreeing. It just happened. A subtle way to tell their parents they had a one night stand.
That was two months ago, noong reunion ng high school batch nila. Too much stress and alcohol, they’re both adults, wala namang masama.
Hindi nakapagsalita ang matatanda. Ate Yoora grins.
“So… when’s the wedding?” Ang tanong nito, saving the awkward atmosphere.
“Oo nga! Para matawagan na namin ang mga kakilala natin. Your Tita Minda’s daughter, naalala mo? She’s from NYC. Magaling na event coordinator ‘yon. Pwede natin siyang kunin. The guests, doctors and business tycoons must be present. I want it to be the grandest wedding of the year!” Mabilis na sabi ni Mrs. Park, wala ni isa sa kanilang nakapigil.
Baekhyun heaves a sigh and looks at Chanyeol to ask for help. Isa rin ‘yon sa mga bagay na napag-usapan at napagkasunduan nila prior to informing their family.
“Baekhyun and I have talked about it, ma.” Panimula ni Chanyeol. “And we want it simple and intimate. Only family, friends, and closest relatives.”
Their parents look at Baekhyun pagkatapos sabihin ni Chanyeol ‘yon. Tumango siya sa mga ito. Parang mga nadismaya pero hindi na pinilit ang gustong mangyari.
After all, kasal nila ‘yon. Sila ang masusunod. Sinabi lang nila para informed ang pamilya nila.
Hindi na nila pinatagal pa ang mga bagay-bagay pagkatapos ng gabing ‘yon. Sinimulan na nila agad ang pagpaplano sa kasal.
Hindi nila kinuha ang wedding organizer na sinasabi ng mom ni Chanyeol kaya nagtatampo man, wala itong nagawa.
Jongin, one of Chanyeol’s best friends, has an older sister and she manages an event organizing business. Doon sila lumapit at nagustuhan naman ni Baekhyun ang mga diniscuss sa kanila.
Although busy, they both have no choice but to be hands-on sa pagpaplano. Nahati ang schedule nila, pero doble ang hirap na nararanasan ni Chanyeol para kay Baekhyun. Nasa kalagitnaan na kasi ng first trimester ang huli. He’s now on stage where he experiences morning sickness. Mabuti na nga lang at mayroon siyang kaibigang OB-GYN. Alagang-alaga siya ni Kyungsoo.
There are times pa nga na instead umuwi na after rounds or outpatient appointments, tatambay pa ito sa opisina niya. Babantayan kung nakainom na ba siya ng vitamins niya, ng gatas, kung sinusunod ba niya ang tamang diet para sa kanya, and the likes.
Ang hindi niya alam, bukod sa syempre kaibigan at doctor niya si Kyungsoo, may parte rin sa pagbabantay na ‘yon si Chanyeol. Hindi naman sa wala itong tiwala na baka hindi niya sabihin ang lahat pero ayon sa huli, mas mabuting sa doktor niya mismo didiretso. Aware naman kasi si Chanyeol na may pagkapasaway siya lalo na’t iba man ang specialty, nasa same field pa rin sila.
Pwedeng-pwede niyang sabihin na alam niya ang ginagawa niya’t hindi kailangan ng guidance ni Chanyeol. Not that he’s harsh, nor rude. Dumadalas lang ang pabago-bago ng mood, lalo na ang pagiging mainisin o iritable, which is normal sa mga buntis na gaya niya.
“Ba’t nandito ka pa? May rounds ka pa or wala pa ang sundo?” Jongdae asks pagpasok na pagpasok nito sa opisina niya. 4 PM na kasi. Usually, dati, hindi siya inaabot ng gabi. Unless may surgery, scheduled or emergency.
“The latter.” Tipid na sagot niya. Halos puro outpatient lang naman kasi siya ngayon magmula nang malaman ang tungkol sa pagbubuntis niya. Hindi siya binibigyan ng surgeries for now. Hindi kasi advisable for pregnant people as it would put them at risk if exposed to several hazards.
“Grabe, wala pang kasal pero kung umasta kayo mag-asawang mag-asawa na. Sigurado bang no feelings involved?” Ang sabi ng kaibigan niya habang nagtitimpla ng kape. Hindi na siya inalok. Pwede naman siya mag-coffee, in limited amount, pero sabi ni Kyungsoo iwasan na lang niya talaga.
“Sigurado.” Confident naman niyang sagot. “We’re doing this only for the baby.”
“Only for the baby…” Hinalo ni Jongdae ang kape sabay upo sa mini couch hindi kalayuan sa desk niya. “You can co-parent without getting married. Sinong niloko niyo?”
“Both our families are known, lalo ‘yung kanila. We are just protecting the baby. We want him or her to be legitimate.”
Sa lahat naman ng sasabihin, palagi siyang may sagot. Kaya ang hirap hulihin, eh. ‘Yun ang sabi ni Jongdae kay Kyungsoo. Nagkibit balikat lang ito.
“If you say so.”
Si Jongdae na rin ang nag-iba ng topic, nagkukwento about his patients nang may marinig silang isang katok sa pintuan at kasunod ‘non ay ang pagbukas nito.
Napangiti si Jongdae nang makita kung sino ang dumating na para bang siya ang susunduin. Mas naexcite pa kaysa sa buntis.
“Hi.” Chanyeol greets him habang papasok. Sinara nito ang pinto at dumiretso sa harap ni Baekhyun. “Are you done? Let’s go?”
Sabay silang tumayo ni Jongdae. “Magpapaalam na rin ako, I guess.”
“Ayaw mong sumabay na?” Polite na tanong ni Chanyeol. Umiling si Jongdae.
“Thank you, pero may dala akong car. Hayaan mo next time hindi ako magdadala at sasabay ako sa inyong dalawa. Paranas naman ng may sundo kahit ‘yung sa kaibigan ko lang.” Pagbibiro nito bago tuluyang nagpaalam sa kanilang dalawa dala ang kape.
Natawa lang si Chanyeol hanggang sa makalabas si Jongdae. Kinuha nito ang bag niyang nakapatong sa desk.
“Kanina ka pa ba naghihintay?” Chanyeol asks habang palabas sila. Hindi na niya inabala pang agawin dito ang bag niya. Bukod sa pagod na siya, mabilis kasi siyang makaramdam ng pagod ngayon dahil sa kondisyon niya, hindi rin naman papayag si Chanyeol.
“Hindi naman.” Ang sagot niya. Papunta silang main exit. Hindi na kasi nagpark si Chanyeol sa basement dahil hindi naman magtatagal doon. “Medyo katatapos ko lang din, dumating lang si Jongdae. Eh ikaw?” Tiningnan niya ito. The both of them are trying their best to work things out. Kaysa naman sobrang awkward pa rin nila pag naikasal na at nagsama na sa iisang bubong, ‘di ba? Isa pa, Chanyeol makes it easier for him. Mabait talaga ito. Minsan na ngang tinanong nila Jongdae kung bakit hindi niya ito nagustuhan kahit noon pa, knowing na mabait talaga si Chanyeol at syempre ang malaking bonus na looks. Ang sabi naman niya, sadyang hindi niya lang naramdaman. Hindi naman din kasi sila nagkakasama noon unless may dinner na sinet ang pamilya nila.
“Ang aga mo yata ngayon. Don’t tell me nag-undertime ka para lang sunduin ako. You don’t have to do that, Chanyeol. Alam kong marami kang responsibilidad at naiintindihan ko ‘yon.” Ang dagdag pa niya.
Nakarating na sila sa harap ng sasakyan. Chanyeol opened the car door for him. Ito na rin ang nagsara ng pinto bago umikot papuntang driver’s seat.
Chanyeol started the car engine pero hindi pa muna sila umandar agad. Tiningnan siya nito, hinintay niya ang sasabihin.
“I can leave the company whenever I want. Hindi rin ako gaanong pinepressure ni dad since he knows my priority.”
“The company.” Ang sabi niya ngunit umiling si Chanyeol.
Magkaharap pa rin sila, tinama nito ang akala niya. “You and our baby. Above all else, Baekhyun.”
Heto na naman. Bakit nga ulit siya pumayag magpakasal? ‘Yan! Dahil sa mga paganyan ni Chanyeol. Hindi tuloy niya alam kung sadyang magaling lang itong magsalita kaya kuhang-kuha siya o kasi dahil ramdam niyang totoo ang mga ‘yon.
Chanyeol makes sure he sees the effort and feels the words through actions. Alagang-alaga nga siya nito.
Since wala naman siyang masabi, ano bang laban niya ron? Iniba na lang niya ang usapan.
“Nagugutom ako.” Umiwas siya ng tingin.
Chanyeol laughs at pinaandar na ang sasakyan. “Where do you want to eat?”
“Hm.” Nag-isip siya. Ano nga bang gustong kainin ng little Byun-Park sa loob ng tiyan niya? “I want seafood paella.”
“Paella?”
Tumango siya at muling tiningnan si Chanyeol. “Pero ayoko ‘yung galing sa restaurant. Nauumay ako sa amoy.” He even scrunches his nose. Kung wala lang sila sa highway, baka kinurot na ni Chanyeol ang pisngi niya sa sobrang cute. “What if you cook for baby?” Then he smiles. ‘Yung ngiting alam niyang hindi matatanggihan.
Nakaramdam naman ng kakaiba sa dibdib si Chanyeol. Parang mabigat noong una pero kalauna’y gumagaan. Parang sila, unti-unting nagiging komportable sa presensya ng isa’t-isa.
“Then we have to go to the groceries kasi wala akong stock at home. Will you be okay? ‘Di ba gutom ka na?”
“Don’t worry about me. Hindi pa naman gaano. I can wait for the paella, so yeah.” Tumango siya. “Let’s go.”
Dumiretso sila sa S&R ngunit hindi lang ‘yung gagamitin para sa gabing ‘yon ang pinamili nila. Ang daming pinaglalagay ni Baekhyun sa cart. Halos naging taga-tulak na lang nga si Chanyeol.
Ang buong akala nga ng huli ay para kay Baekhyun ang mga ‘yon since the two of them are both not living with their families, may condo unit si Baekhyun samantalang maliit na bahay naman ang kay Chanyeol na planong ibenta once makalipat na sila sa bahay nila pagkatapos ng kasal, hanggang sa punahin niya ang laman ng cart.
“Di ba sabi ni Kyungsoo iwasan mo ang mag kape? Bakit kumuha ka tapos ang laki pa?”
Nahinto si Baekhyun sa pagpili ng bread sa shelf. He looks at Chanyeol. “Hindi na nga ako nagkakape.” Tapos ay dumako ang paningin sa cart. “Those are not for me.”
“Edi kanino?” Chanyeol asks. “For tito and tita?”
He shakes his head at umirap pa na parang sinasabing duh. “Sayo.”
“Sakin?”
“Yeah.” Ang sabi niya. “I’m doing this para alam na alam ko na ang gagawin pag nakasal na tayo. Tama naman ‘yung mga kinuha ko, ‘di ba? Or may ayaw ka?”
Halos hindi makapagsalita si Chanyeol. It may be a small thing pero nabigla kasi siya at hindi ‘yon basta maliit para sa kanya, to hear those things from Baekhyun at ‘yung effort nito. Yumuko siya upang tingnan ang mga laman ng cart at oo nga, ngayong sinabi ni Baekhyun, halos puro gusto niya ang mga nakalagay roon. ‘Yung mga madalas niyang kuhain during his monthly shop. Mag-isa lang naman kasi siya at palaging wala kaya isang beses sa isang buwan lang siya kung maggrocery. Minsan nga ay sumosobra pa ang stock niya.
“You’re right… Most of these are my favorites.”
Tiningnan niya si Baekhyun. Nakangiti ito. “I’ve been to your place. Two times na.” The first time was during the night na nabuo ang baby nila. Pangalawa ay nang malaman mula rito na magkakaanak na nga sila. Pinuntahan kasi siya ni Baekhyun that time.
“And you saw my kitchen?”
Baekhyun nods. “The first time. I was planning to prepare breakfast sana pero nahiya ako.” Pag-amin nito at natawa pa nga. Ganoon ba talaga pag buntis? Dumadaldal? Tumatapang? “Kaya umalis na lang ako without saying anything. O ayan ha? Now you know hindi ako dali-daling umalis habang natutulog ka. I just thought it’s unnecessary.”
Napangiti siya sa narinig. Gets niya, naiintindihan niya. Sino nga ba namang ka-one night stand ang maghahanda pa ng almusal? As if honeymoon ‘yon.
“So ano… nakapili ka na ba ng bread?”
Doon lang naalala ni Baekhyun na kukuha nga pala siya. “Wait!” He says.
Once done, dumiretso na rin sila ng cashier para magbayad.
“Lahat ba ‘to para sa bahay? Hindi ka kumuha ng sayo?” Chanyeol asks habang nilalabas ang debit card.
Naghihintay lang si Baekhyun sa gilid. “You’re going to cook for us tonight.”
“And what about the following days?”
“I am almost always at the hospital, pwede ako magpadeliver if I stay in the condo, or ‘di kaya…” Kinagat nito ang pang-ibabang labi. Para bang biglang nahiya sa gustong sabihin kaya si Chanyeol na ang nagtuloy.
“Go to my house?” Baekhyun didn’t answer. Chanyeol smiles. “Just tell me what you’re craving. I will do my best to cook it for you. Meron namang youtube. I can watch tutorials.”
Napangiti si Baekhyun dahil don. Lumapit pa ito sa kanya at saka mahinang sinabing, “Noted.”
Nang matapos ipack ang mga binili nila na si Chanyeol ang nagbayad ngunit si Baekhyun ang mga namili, dumiretso na sila ng kotse.
“Aren’t you hungry? You sure kaya mong hintayin ang paella? Matagal-tagal ‘to.”
“I put some snacks in the cart kanina. Those are gonna cover baby and I’s hunger until you’re done cooking.”
“Sige, basta pag nagutom ka, sabihin mo lang.”
“Hm.” Tumango siya’t sumandal na. Nangangalay ang likod niya. Soon, it’s going to be more difficult.
Mabuti na lang at hindi sila natraffic. Pagdating na pagdating sa bahay, hinanda na agad ni Chanyeol ang mga lulutuin habang nasa living room naman si Baekhyun, rewatching his favorite K-drama sa netflix while eating S&R’s blueberry muffin.
“You sure you’re okay there, Baek?” Ang tanong ni Chanyeol from the kitchen. Rinig kung nasaan si Baekhyun dahil maliit lang naman ang bahay.
It’s a one-storey house. Good for someone who’s living alone, perfect for someone like Chanyeol who was a bachelor. Soon, he’s going to leave that house to live with his family.
“Yes, I am!” Sigaw nito pabalik habang kumakain pa rin at nakataas ang dalawang paa. Sinakop na ang buong couch dahil parang nangangalay raw ang buong katawan. ‘Yun ang sabi kay Chanyeol kanina kaya pinagpahinga na muna nito.
“You can sleep there while waiting. Gisingin na lang kita once done.”
“Alright. Don’t worry about me. I am very comfortable here.”
Napangiti si Chanyeol sa naging sagot nito at nagpatuloy na sa ginagawa. His seafood paella can’t fail. Hindi lang isa ang naghihintay at nagke-crave sa dish niya, kundi dalawa.
As that thought comes into his mind, he can’t help but to also imagine their little Byun-Park soon running around the kitchen while he’s making dinner and waiting for Baekhyun to arrive after performing surgeries.
It took Chanyeol a while to perfect the seafood paella. At around 8 PM, tinawag na niya si Baekhyun from the living room na kanina’y saglit na tumambay sa kitchen matapos magsawa kakanood. Pinanood lang siya nito habang nakaupo sa high chair ng bar at nakapangalumbaba. Kinamusta na rin ang mga nangyayari sa kompanya nila.
After niyang lagyan ng utensils ang side of table nito, lumabas siya ng kusina dahil baka hindi siya narinig. Pumunta siyang living room where Baekhyun is and there he sees the latter sleeping on the couch.
He sighs. Napagod talaga ito. Bukod sa kaninang umaga pa nasa ospital, meeting patients and attending conferences, nagpunta pa silang grocery, hindi nakapagtatakang nakatulog na si Baekhyun kakahintay.
Nangiti siya. Nakapatong kasi sa tiyan nito ang lagayan ng muffin na nabawasan ng dalawa. Dahan-dahan niya ‘yon kinuha at pinatong sa center table saka lumuhod sa harapan nito upang gisingin.
Ayaw na nga niya sana pero paano ang paella? Baka magalit pa si Baekhyun pag sinabi niyang hindi niya ginising dahil halatang pagod na ito.
Saglit niya munang pinagmasdan. Baekhyun’s 35 pero sobrang soft pa rin ng features. It’s as if he’s just half his age.
Inangat niya ang kamay. Aayusin niya sana ang buhok nito nang magising at sa pagdilat ay nagkatinginan sila.
“Is it already morning?” Ang tanong nito at naupo. Inalalayan niya, syempre. Sinagot na rin niya ang tanong nito.
“Not yet. Wala ka pa yatang isang oras nakakatulog. Dinner’s ready. Gusto mo na bang kumain?”
Doon naalala ni Baekhyun kung bakit nga ba siya nasa bahay ngayon ni Chanyeol. Naalimpungatan kasi siya saglit.
“Yeah.” Tumayo siya. Muli siyang inalalayan ni Chanyeol. “I am okay.” Ang sabi niya rito habang papunta sila ng kusina.
Nang makarating don, pinaghila siya ni Chanyeol ng upuan bago lagyan ang plato niya.
“Maupo ka muna kaya. Sabayan mo akong kumain.” Ang sabi niya rito, nakatayo pa din kasi.
Chanyeol chuckles at sinunod ang sinabi niya. “Go, tikman mo na.”
“This better be good, or else…” Walang naidugtong si Baekhyun.
“Or else ano?” Ang tanong naman niya.
“Last ko na ‘tong magpapaluto sayo?” Patanong na sabi niya na nakapagtawa kay Chanyeol. “That’s not so scary.” He’s the one who says. “Prefer mo pa ‘yon.”
“Hindi ‘no!” Agad nitong sabi tapos biglang sumeryoso. He looks at Baekhyun na parang matutunaw dahil sa sunod niyang sinabi. “I want this, that I am cooking for the two of you. Serving you, Baek, is the least I can do to share this difficult time with you.”
To avoid being awkward, ngumiti na lang si Baekhyun tapos ay tinikman na ang nilagay ni Chanyeol sa plate niya at hindi siya nagkamali na dito nirequest ang cravings niya.
“Kaninong recipe ‘to? I love this!”
“Really?” Chanyeol asks. “Sinabayan ko ng panonood sa youtube at nagtanong din ako kay ma kanina, pero hindi lahat ng sinabi niya ginaya ko. I added spices that I think would be good and perfect for the dish.”
“I don’t know kung ano ‘yon but this one’s really good.” Kumain pa siya ulit. Tuwang-tuwa si Chanyeol na pinapanood siyang nagustuhan ang luto nito. “Hindi kaya dapat naging chef ka na lang instead of becoming CEO?”
“Bakit? Mukha ba akong hindi mapagkakatiwalaan sa business?”
“Hm…” Umakto si Baekhyun na nag-iisip. “Parang?”
Bumagsak ang balikat niya. “Baek!”
The latter laughs. Marunong na talagang mang-asar. “I was just kidding. Seryoso, ang sarap nito. Pwede ba mag-uwi?”
“I cooked it for you, so yes. Basta don’t sleep right after eating.”
Baekhyun nods, nagfocus na ito sa pagkain. “Yes, doc.” Ang sabi niya pagkatapos uminom ng tubig.
Natawa na lang si Chanyeol. It’s obvious that his fiancé is being sarcastic.
It took them a while to finish dinner dahil nagkukwentuhan sila habang kumakain. Baekhyun was telling Chanyeol stories about his patients at kung ano-anong struggles ang kinakaharap nila sa araw-araw lalo na kapag nasa operating room.
“That’s why I salute doctors. You are tasked to make life saving decisions. Paano niyo nagagawa ‘yon? Ang galing lang.”
Baekhyun smiles. Madalas niyang marinig ang bagay na ‘yon. From patients, students, children, or even read on articles, social media, and television. But to hear it from Chanyeol, para bang bigla siyang nahiya.
“Kaya nga it took us years at kahit may license na, still nag-aaral pa din kami. Habangbuhay na ‘yon kasi hindi madali. Hindi naman namin matututunan ang mga bagay na ‘yon ng basta lang.”
“And that is more reason to applaud you. Imagine dedicating your whole life to study so you can save patients. That’s amazing.”
Dahil sa sinabing ‘yon, biglang naalala ni Chanyeol ‘yung araw na napag-usapan din nila ‘yon ng mga kaibigan niyang sina Sehun at Jongin. Halos parehong-pareho ang lumabas sa bibig niya ngunit hindi siya nakasagot nang balikan siya ng tanong ng huli.
“Doctors are amazing, I agree. Pero look at you, pare. Parang hindi naman doctors in general ang pinupuri mo.” Natatawa pang sabi nito at hindi na nagpaligoy-ligoy pa. “It’s Baekhyun, right? Talaga bang impressed ka sa mga doktor o kaya grabe kung purihin mo sila kasi ‘yun ang trabaho ng mapapangasawa mo?”
Hindi niya alam ang sasabihin kay Jongin noong araw na ‘yon but having dinner and casual conversation with Baekhyun right now, alam na niya kung bakit wala siyang nasabi.
He hadn't figured out the answer back then.
Hinatid niya si Baekhyun noong gabing ‘yon. Gusto nga niya sanang sabihin na pwede naman itong magstay pero mukhang wala pa sila sa ganoong stage at iniisip niya rin na maiilang ito kaya hindi na niya ginawa.
Maganda rin naman ang kinalabasan because after that night, para bang naging door ‘yon upang mas makilala nila ang isa’t-isa.
Lumilipas ang mga araw, mas napapalapit ang kasal nila. Kahit may kanya-kanyang buhay at trabaho, naglalaan talaga sila ng oras upang kahit hindi engrande tulad ng gusto ng pamilya nila, maging maayos at maganda pa rin.
Naging parte ng routine nila ang pagsundo ni Chanyeol kay Baekhyun sa ospital, minsan kapag hindi pa ito tapos sa appointments ay mauuna na si Chanyeol sa opisina ng huli upang doon maghintay at maaabutan na lang na kung hindi nagbabasa ay tulog.
Na-tour na rin si Chanyeol don dahil minsan ay sunod nang sunod kay Baekhyun habang may kinakausap na nurse and speaking of nurse, kilalang-kilala na si Chanyeol ng karamihan sa mga ‘yon pati na rin ng clerks and residents.
Mabait naman kasi si Baekhyun, very approachable kaya hindi naiilang ang mga estudyante at juniors nito na nagtatanong pa nga kung ano ba niya si Chanyeol. Tanging ngiti lang naman palagi ang sinasagot hanggang sa isang beses ay may nagtanong habang kasama niya si Jongdae.
Ayun, nalaman tuloy ng lahat. Hindi niya ito napigilan. Sa lakas ba naman ng boses nito at proud talagang sinabing, “Fiancé niya ‘yon kaya sulitin niyo na ang pagtawag sa kanya ng Dr. Byun kasi magiging Park na siya next month.”
That was last week at ibig sabihin ay mayroon na lang tatlong linggo bago ang kasal.
“Let’s have lunch.” Ang sabi ni Kyungsoo pagpasok sa opisina ni Baekhyun. Kanina pa naroon si Jongdae. The two of them decided to meet there para ayain ang buntis who flashes an apologetic smile nang marinig ‘yon.
“Bakit? May outpatient ka ng ganitong oras?” Jongdae is the one who asks.
Umiling siya. “Susunduin ako ni Chanyeol.”
“Na naman?” Pabagsak na naupo si Kyungsoo sa couch sa tabi ng kumakain ng chips na si Jongdae. “Alam mo konti na lang iisipin ko ng kayo talaga, eh. Ayaw niyo lang sabihin sa amin.” Pag-irap nito.
“Why would I keep it a secret?” Ang sagot niya. “We have a schedule with the catering services today. Food tasting.”
“Edi sakto! That’s free food. Sama kami.” Jongdae kids na sineryoso ni Kyungsoo kaya nakatanggap ito ng siko.
“Date na rin nila ‘yon! Ang dami mong pera. Ang hilig mo sa free.”
“Kaya wala kang jowa, eh. Masyado kang serious.”
“Ay bakit? ‘Di ba dapat naman talaga?”
Minsan talaga kung magbangayan ang dalawang ‘to ay parang kaedaran lang ang mga intern. Tumayo na siya at tinanggal ang coat na suot.
“You’re going already?”
“He’s there na sa lobby. When he gets here, pasabi nag-CR lang ako.”
“Okay.” Kyungsoo says at lumabas na siya upang pumuntang comfort room to pee.
Pagbalik niya, naroon na nga si Chanyeol na iniinterview ng mga kaibigan niya. Tumahimik ang mga ito nang makita siya.
Lumapit si Chanyeol sa kanya ng may ngiti sa labi. “Tara na?”
Tumango siya’t hinayaan itong buhatin ang bag niya. Lumalaki na ang tiyan niya. Soon enough, mas bibigat ang pakiramdam niya.
He looks at his friends. “Mauna na kami.”
“Okay. Ingat kayo, lovebirds.” Binulong lang ni Jongdae ‘yung huling salita pero hindi pa rin nakaligtas sa pandinig niya.
If Chanyeol’s not there, hindi niya palalagpasin. Inignore niya na lang at lumabas na sila. Kumaway pa ito sa dalawa na iniwanan na nila sa opisina niya at dumiretso na silang basement parking. Ani kasi ni Chanyeol, puno raw sa harap ngayon. Halos lagi naman. Madalang silang makakuha ng pwesto ron at dahil madalas naman siyang hatid sundo ni Chanyeol, doon na lang niya ito pinapaparada sa reserved parking space for him kasi hindi na siya nagdadala ng sasakyan.
Nang pareho silang makasakay ng kotse, nagtanong na siya. Nagiging chismoso yata talaga pag buntis. Kanina pa siya curious kaya hindi na niya pinigilan pa ang sarili. “Ano ‘yung sinabi nila sayo kanina?”
“Kanina?” Ang tanong naman ni Chanyeol habang nagmamaneho.
“Kanina sa office ko. Tumigil lang kayo kasi dumating ako.”
“Ah.” Nangiti si Chanyeol. Kumunot naman ang noo niya kasi hindi niya maintindihan. May nakakatawa ba? “Wala ‘yon. Huwag mo nang isipin.” Ang sagot nito but contrary to what he heard, hanggang sa makarating sila sa venue ng food tasting at kahit nang maihatid siya nito pagkatapos, hindi pa rin nawawala sa isip niya.
Hindi nga niya maexplain kung bakit pero nawala talaga siya sa mood. ‘Yung masaya sanang food tasting, kasi matagal na siyang excited doon, ay naging awkward. Biglang isang tanong, isang sagot siya kay Chanyeol. Hindi rin kumikibo kahit ang daming sinasabi nito sa sasakyan on the way to his condo. Para tuluyang makaiwas ay sinabi niya ritong inaantok siya’t matutulog pero nakahalata ito kaya nang maihatid siya sa labas ng unit niya ay hindi na napigilang magtanong.
“Baek, may nagawa ba ako?”
Hindi siya agad nakasagot ‘non. Was he being too obvious? Harsh? Bigla siyang tinamaan ng guilt dahil baka sumama na rin ang loob ni Chanyeol dahil hindi siya nagsasalita kanina kahit ang dami nitong sinasabi. Napansin niya ring tumahimik ito kanina kalaunan nang mapansing hindi siya interesado sa mga naririnig.
Well, hindi sa hindi. Nangibabaw lang talaga sa kanya ang inis.
Yumuko siya. Will he lie? Anong mangyayari kung ganoon ang gagawin niya?
Bumuntong hininga siya. “Wala, I’m sorry. I’m just upset.”
“Upset? About what?” Nag-aalalang tanong ni Chanyeol. “Pwede mong sabihin sakin kung komportable ka, pero huwag mong pilitin ang sarili mo. I am not pressuring you, Baek. I am concerned and worried.”
Mas bumagsak pa ang balikat niya. See? That’s the reason why he can never hate Chanyeol. Kahit noon pa.
Kung sobrang honest nito sa kanya, siguro deserve din naman ni Chanyeol malaman ang totoo niyang nararamdaman kahit gaano man kaliit o laki ng isang bagay.
“You have a secret with my friends.” Yumuko siya dahil parang maiiyak pa yata siya. The hell? “Eh ba’t ganon? Ako ‘yung kaibigan nila, hindi naman ikaw. Tapos ikaw naman, ako ‘yung fiancé mo, hiindi naman sila. Kaya bakit hindi ko pwedeng malaman ‘yung pinag-usapan niyo kanina? Nasa opisina ko pa kayo.”
Chanyeol’s not sure kung hindi niya ba nahahalata but he sounds like a child just now. Sobra ‘yung pagtatampo at selos.
“Hey, Baek. Look at me.” Inangat ni Chanyeol ang baba niya. Sumunod siya ngunit umiwas din ng tingin.
Ang gwapo ng tatay ng anak niya! Nanghihina yata ang tuhod niya.
“I’m sorry if you feel that we’re hiding something from you. Akala ko lang kasi hindi siya ganun kaimportante kaya ganun ‘yung sinabi ko kanina. I was stupid not to realize early that it would be meaningful for you, lalo na those words came from your friends.”
“Eh ano ba ‘yon?”
Huminga nang malalim si Chanyeol tapos ay hinawakan ang magkabila niyang balikat. Sa wakas ay tiningnan niya na muli ito at nagsalubong ang mga mata nila.
“Pinaalala lang nila sakin na huwag kang pababayaan, lalo na kapag kinasal na tayo. Kayo ni baby, na lagi daw dapat kayong dalawa ang priority ko.” Sabi ni Chanyeol. “Hindi ako sigurado kung naipaparamdam ko ba sayo but I am doing my best to take care of you, to do everything for you, and be my number one priority. Sinabi ko lang din sa kanila na pagtiwalaan nila ako kasi hinding-hindi ko pababayaan ng anak natin. ‘Di ba sinabi ko na sayo, the two of you above everything else. Ayokong walang gagawin habang ikaw nahihirapan kasi dinadala mo siya. We’re partners and soon, the three of us are going to be a team. Hindi matatapos ang pag-aalaga at care ko sayo kapag naipanganak mo na siya kasi magiging asawa mo na ako. Doon tayo nagsimula, palagi na ‘yon.”
Tuluyang naiyak si Baekhyun sa narinig. Hindi siya emosyonal na tao pero dala na rin ng pregnancy hormones at malambing na boses ni Chanyeol, talagang tutulo ang luha niya.
Nataranta naman ang huli.
“Oh, bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo? Manganganak ka na? Tara!”
Nakatanggap ito ng palo sa dibdib mula sa kanya. “21 weeks palang ang anak mo! At walang masakit sakin. Kasalanan mo kung bakit ako umiiyak.” Ang sabi niya sabay punas ng luha.
“Ano na namang nagawa ko?” Ang tanong ni Chanyeol. Inirapan niya ito.
“You’re too sweet. Bawal ‘yan sa mga buntis. Baka madiagnose pa ako as having gestational diabetes. Isusumbong kita kay Kyungsoo!”
Hindi napigilan ni Chanyeol matawa. Ngumuso lang siya’t pinilit pa ring magtaray.
“I’m sorry po.” Ngumiti si Chanyeol. “Forgiven na ba?”
“Wala naman akong magagawa. Tatay ka ng anak ko. I can’t hate you forever.”
“Edi thank you kay baby kasi dahil sa kanya, hindi matitiis ni papa si daddy.”
Mas lumambot pa ang puso ni Baekhyun dahil doon. To be called papa by Chanyeol while speaking on behalf of their baby.
“Ewan ko sayo. Umuwi ka na nga.” Mahina niya pa itong tinulak palayo para itago ang kilig na nararamdaman.
“Pasok ka na muna.”
“Para naman akong mawawala.”
“Basta pumasok ka na. Saka ako aalis pag nakapasok ka na.”
Alam ni Baekhyun na wala na siyang magagawa kaya tumalikod na siya upang buksan ang unit niya. Pumasok na siya at hinarap ulit si Chanyeol.
“Sige na.”
“Pasok na nga sabi ko. Isara mo na ang pinto.”
Napailing siya sa kakulitan ni Chanyeol. “Sige, bahala ka nga.” Pilit niyang ginawang naiinis ang boses niya kahit hindi naman ‘yon ang nararamdaman niya.
“Bye, babies. I’ll see you tomorrow.” Ang sabi nito na agad binawi. “Ay, later pala.”
“Pupunta ka pa?”
“No, we facetime before going to bed, ‘di ba?” Chanyeol smiles at him bago niya sinara ang pinto pero bago pa ito tuluyang makalayo ay muli niyang binuksan at may pahabol siyang bilin.
“Text me when you get home. Ingat ka.”
Mabilis na lumipas ang tatlong linggo at isang araw pagkagising nila ay ikakasal na sila. Everyone was emotional sa pangunguna ng mga ina nila.
Ang sabi nga ng mga ito sa isa’t-isa, who would’ve thought they’d end up as in-laws? Dati akala nila imposible. Umabot pa sa puntong naisip nilang ipilit sa isa’t-isa ang dalawa pero hindi nila ginawa dahil alam nilang hindi magiging masaya roon sina Chanyeol at Baekhyun.
Ngunit mapaglaro talaga ang mundo. Sa dalawa mismo nanggaling ang desisyon at ilang oras na lamang ay mapapalitan na ang apelyido ni Baekhyun.
“Kabado ka?” Ang tanong ni Mrs. Byun sa anak. Malaki na ang tiyan ni Baekhyun kaya mas alagang-alaga siya ngayon ng lahat.
Tumango siya. “Will I be a good husband to Chanyeol, ma? A good father to our baby? Ano sa tingin mo?”
“You grew up in a decent family, Baekhyun. Alam ko ring responsable ka, kaya ka nga nandyan sa kinalalagyan mo ngayon, ‘di ba? If your patients trust their lives on you, then why would you doubt yourself? Alam kong malaki ang kaibahan ng pag-aalaga ng mga pasyente sa pag-aalaga ng magandang samahan ng pamilya at mag-asawa pero kailangan mong maniwala sa sarili mo. Trust is the foundation. Hindi lang din naman sayo nakasalalay ‘yon, sa inyong dalawa ni Chanyeol.” Naupo ito sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya. “Naaalala mo ba ang tanong mo sakin bago ka pumasok sa kolehiyo? You were only 16 at that time.”
His mother smiles. Pinanonood lang sila ng ama niya. “Kinakabahan ka ‘non. Ang sabi mo, mama, sa tingin mo ba kaya ko? Will I be able to survive pre med school?” Tumango siya. Natatandaan niya ‘yon. ‘Yun ang mga eksaktong salitang sinabi niya. Hindi siya makapaniwala na hindi pa rin nakakalimutan ng mama niya. “Tapos ang sabi ko sayo—”
Siya ang nagtuloy ng sinasabi nito. “Kung gusto mo naman talaga ang isang bagay, maayos mong magagawa. There will be times na mapapagod ka at hindi ring maiiwasang mararamdaman mong gusto mo ng sumuko pero palagi mong isipin at alalahanin kung bakit mo ginustong pasukin ang bagay na ‘yan. Hindi mo namamalayang malayo na pala ang narating mo. Kailangan mo lang balikan at tingnan ang pinanggalingan mo.”
Mrs. Byun smiles proudly at him. “And look at you now. Hindi lang premed ang nasurvive mo. You’re now a surgeon. ‘Yung dating tinuturuan na ngayon ang nagtuturo at dahil ‘yon naniwala ka sa sarili’t kakayahan mo.”
Hindi na siya nagsalita at yumakap na lang dito. His mother hugs him back.
“Thank you, mama. Ikaw ang unang naniwala sakin kaya nandito ako ngayon.”
Pinunasan nito ang luha niya nang bumitaw sila. “At ayan din dapat ang una mong ipaparamdam sa anak mo. Never be the reason for his discouragement. A parent’s words have a big impact on a child’s growth and confidence.”
Tumango siya. His mother is his best teacher. “Guide me, ha?”
“Ako and your papa, together with your tito and tita na magiging mga magulang mo na rin mamaya, nandito lang kami para sa inyo ni Chanyeol.” Tumayo na ito nang tawagin na sila ng organizer. “Ano? Let’s go? Huwag ka nang umiyak at baka umatras pa si Chanyeol.”
“Ma!”
Mrs. Byun chuckles. Nilapitan na rin sila ng tatay niya’t sabay sabay na silang tatlo naglakad palabas habang nakahawak siya sa braso ng mga ito.
Nang makababa, pinatayo na siya sa dulo ng aisle. It’s a garden wedding ngunit hindi pa siya nakikita ng mga guest pati na rin ng mapapangasawa niya. May harang na cloth na dahan-dahang nagbukas.
Chanyeol’s there, smiling while waiting for him in front.
He walks down the aisle without breaking their eye contact. As he gets closer to the man he is about to marry, he knows they may not have felt the love yet, it’s there deep in their heart.
It’s not late yet. This is where their journey begins.
Present time. At the hospital.
All the while Baekhyun was recalling the beginning of their story, he figured out the answer to Chanyeol’s question.
He shakes his head, eyes brim with tears. “No, you’re not wrong.” He says with a low voice but is enough for Chanyeol to hear.
Ngumiti ito at pinagsandal ang mga noo nila pareho.
“What could’ve happened if we didn’t meet that night?”
That night. He can still clearly remember how Chanyeol touched and kissed him. He slept with Chanyeol as an act of desire but whenever they’re doing it after marriage, though without confirmation, he knows it’s not just sex— It’s making love.
“I don’t believe in words and quotations I read on the internet but maybe some of them are definitely true.”
“What do you mean?”
He smiles and brings his hand to Chanyeol’s face to caress it. The latter leans into the touch. “We always avoided each other before that even friendship was impossible, but look where we are now, who I am now.” He looks at his hand that is still on his husband’s cheek. Their wedding ring. “Love finds its way.”
Nagkatitigan sila. Chanyeol's eyes speak a thousand words.
Mas lumapit ito sa kanya, making sure their bodies won’t be pressed together dahil masasaktan siya. Katatahi pa lang ng tiyan niya. Lagot ito kay Kyungsoo.
He then closes his eyes. Maglalapat na sana ang mga labi nila, as they’re going to share their first kiss as in love married couple. Well, matagal na pero ngayon lang sila nakapagconfess. Kaya lang naudlot nang may kumatok.
Sabay silang napatingin sa pintuan na bumukas. Pumasok ang isang nurse dala ang baby nila.
“Doctor Jongdae Kim allowed him to sleep with you po.” Ang sabi nito at hindi man nakakuha ng halik, masaya pa rin si Chanyeol.
It’s gonna be their first night together as a family.
He taps the space beside him. Tumayo na si Chanyeol mula sa pagkakaupo sa bed at kinuha mula sa nurse ang anak nila.
“Thank you.”
The nurse smiles at him. “Maiwan ko na po kayo. Kukuhain ko po siya bukas ng umaga after breakfast. Ang sabi pa po ni Dr. Doh ay baka idischarge na kayo bukas if there is no complications upon observation.”
“Alright, thank you.”
Pagkatapos ‘non ay lumabas na ang nurse at muling naupo si Chanyeol sa tabi niya but this time, may buhat na itong baby.
Sumandal siya sa balikat nito saka inayos ang mittens na suot ng baby. “Parang mas kamukha mo naman, unlike sa sinabi mo kanina.” Ang sabi niya habang pinagmamasdan ang anak.
Chanyeol glances at him, nakangiti ito nang nakakaloko. “Edi maganda para gugustuhin mo ng kamukha mo. Iisa pa tayo.”
“Kung hindi mo lang buhat si Yuan, kinurot na kita.”
Natawa si Chanyeol hanggang sa narealize ang sinabi niya. “Yuan?” Umayos ito ng upo upang matingnan siya.
Tumango siya. “Yuan Brielle B. Park. Maganda ‘di ba?”
Inulit ni Chanyeol ang pagbigkas sa pangalan tapos ay ngumiti kay Baekhyun. “Maganda. I like it.”
“Then let’s give him that name.” Ang sabi nito at yumuko upang kausapin ang anak. “Welcome to the real world, Yuan Brielle. I am your daddy, ‘yung laging nangungulit at kinakausap ka tuwing gabi noong nasa tiyan ka pa ni papa.”
Natawa si Baekhyun dahil don. Totoo ‘yon. Every night before they sleep, Chanyeol will talk to the baby in his tummy at madalas ay sisipa naman ito bilang response. Masakit, pero mas natutuwa siya kasi responsive ang anak nila. Paborito nito ang marinig ang boses ni Chanyeol, parang siya lang.
“I love you, Yuan.” Ang sabi ni Chanyeol na ginawa niya rin tapos ay pareho nila itong hinalikan sa kamay. Masyado pa kasing sensitive ang skin ng baby kaya nagkasundo silang hindi na muna hahalikan sa mukha, lalo na ng ibang tao. Makukulit pa naman ang mga kapatid nila pero will they go against their Kuya Chanyeol’s rules? Takot lang nila.
Nang mahimbing na ang tulog ng sanggol, hiniga na ito ni Chanyeol sa tabi ni Baekhyun. Nahiga na rin siya.
“Will you really be okay on the couch?”
“Yeah. Hindi rin naman ako makakatulog talaga nang mahimbing. Babantayan ko pa ang mga baby ko.”
Baekhyun wants Chanyeol to be comfortable pero hindi na nagprotest. “I’m gonna treat you to an out of the country trip once I recover. You deserve it for taking care of us since day one.”
“So, second honeymoon?”
Inirapan niya ito. “Kasama si Yuan, honeymoon ka d’yan.”
Chanyeol chuckles tapos ay inayos na ang kumot niya.
“Let’s talk about it soon. For now, focus on healing your wounds. Hindi ko naman kayo inalagaan para sa kapalit, eh. I did it because I love you.” Ang sabi nito tapos ay yumuko upang sa wakas ay halikan siya sa labi.
May katagalan ‘yon. He lets out a sigh of relief nang matapos before finally saying, “Thank you. I love you, too.”
