Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationships:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2026-05-07
Completed:
2026-05-07
Words:
7,382
Chapters:
4/4
Comments:
9
Kudos:
22
Bookmarks:
3
Hits:
444

Bromance Gone Wrong

Summary:

a hiphopplaya festival after-party where ohyul and ryul was pulled in by their CEO to experience what's it's like to live their life to the fullest

Notes:

alam nyo na kung bakit yan ang prompt 😝😝 2yulz nation pakabusog po kayo 😁

ps. not beta-read so excuses sa mga grammatical errors hehe

Chapter Text

[kim ryul's POV]

 

ayos! massive hit na naman kami nito sa mga shotties. nitong mga nakaraang buwan, halos lahat ng mga festival na ginanapan namin ay puros first time namin gampanan. napaka-fulfilling sa pakiramdam, at sobrang natutuwa ako everytime na nakikita namin ang bunga ng mga napagpaguran namin simula nong nagtetraining pa lang kami.

magmula sa votings, followers sa SNS namin, pati bilang ng mga nakikinig ng mga kanta namin sa lahat ng streaming platforms; lahat ng iyon ay malaking achievement na para sa amin.

syempre hindi mangyayari ang lahat ng mga yan kung hindi dahil sa astig naming CEO—si boss Jay Park.

hindi naman sa pagiging mahambog pero proud din ako sa sarili namin bilang isang grupo. lalo na kay ohyul, ang napakasweet at napaka-thoughtful naming leader.

katatapos lang namin sa hiphopplaya festival kanina, at lahat ng staff ay may mga kanya-kanyang ginagawa. nasa gilid lang ako ng backstage ngayon, pinapanood ang lahat na gumalaw. nakaplano na talaga sana ang manager namin na iuwi na kami sa dorm kaso itong si big boss, kinausap sya para sabihin na sina Louis at Woojin na lang muna ang maunang umuwi.

habang kaming dalawa ni Ohyul, naiwan dito kasama ang extended family ng MoVi.

ang saya, dahil ilan sa mga ito ay nakatrabaho ko na sa isang kanta. sobrang laki ng respeto ko sa kanila dahil sila ang isa sa dahilan bakit ako nagkaroon ng interes sa hiphop. nakikita ko ngayon sila na nakikipag-kamay at fist bump sa CEO namin, at casual na tango at apir lang din ang ginagawa ko sa tuwing babatihin din nila kami.

habang busy ang CEO namin sa pagkumusta sa mga nakasa namin sa stage, hinila naman ako saglit ni Ohyul sa gilid saka bumulong sa akin.

"Ryul, sa tingin mo tama bang nagpa-iwan tayo rito kasama si DPN at yung mga dati nyang katrabaho?"

kinakabahan 'to at nahihiya. sabagay, maski nga rin ako ay kinakabahan at nahihiya pero hindi ko lang pinapahalata. chill lang kumbaga.

tumango lang ako sa kanya saka tinapik nang marahan ang kaliwang pisngi niya. kita kong nainis siya sa ginawa ko pero natawa lang ako dahil ang lakas talaga ng pagka-tsundere nito.

"ano ka ba. okay lang 'yan. masasanay ka rin in the long run. at kung nahihiya ka man, tawagin mo lang ako at pupuntahan kita kaagad." seryoso ko namang tugon sa kanya.

nag-aalinlangan pa rin ang mukha niyang napatingin sa akin. nakahawak lang din siya ngayon sa manggas ng leather jacket niya. halatang kinakabahan nga.

inakbayan ko lang sya saka hinila palapit sa akin. ramdam ko naman kung paano siya nabigla saglit sa ginawa ko dahil pinaulanan ako nito ng kurot sa gilid ng tiyan ko. natatawa-tawa lang akong umiiwas sa mga atake nya.

"BOYS! tara na."

napalingon naman kaming pareho ni Ohyul sa pinanggalingan ng sigaw. si DPN lang pala. kahit kailan talaga napaka-tuso rin minsan ng CEO namin.

nakasunod lang kami sa kanila na naglalakad na ngayon papunta sa garahe, kung saan naka-park ang mga sasakyan ng kumpanya. nasa unahan ko si Ohyul, at kitang-kita ko paano niya inayos ang tindig at postura niya bago makihalubilo. medyo naging blangko rin ang expression niya sa mukha, pero kahit na ganon yung nasa panlabas na itsura niya ay alam kong sa ilalim non ay sobrang kaba ang nararamdaman niya.

kaya tinapik ko siya sa balikat para bigyan ng senyales na sa gilid siya ng bintana umupo at ako naman sa tabi niya. tumango lang siya sa akin bilang tugon.

nasa loob na kami ngayon ng van at nasa pinakalikod kami. habang busy ang CEO namin at ang ibang mga artists na nag-uusap at nagbibiruan, kaming dalawa naman ni Ohyul sa likod ay nakasandal lang sa backseat at hindi umiimik. hindi rin naman kami kinukulit nong iba dahil naramdaman yata nilang wala muna kaming social battery ngayon at kailangan mag-recharge muna.

nakatingin lang din naman si Ohyul sa may bintana habang umaandar ang van. pinapanood nito yung mga ilaw sa siyudad, pati na rin ang mga puno na nadadaanan namin. bahagya kong ihinarap ang sarili ko sakanya at naramdaman naman niya yon kaya napalingon siya sa akin.

"bakit?"

ngumuso lang ako nang kaunti para iparamdam sa kanya na gusto ko lang naman ng atensyon nya. nilalaro-laro nya ngayon yung mga daliri niya kaya ang ginawa ko, hinablot ko yon mula sa kanya at hinawakan siya ng mahigpit. tinignan lang nya ang mga kamay namin saka nya inayos ang sarili niya sa pagkakasandal.

unti-unting nawawala ang tensyon sa mga balikat niya, at bumabalik na rin sa normal ang paghinga niya. nakatingin na lang din siya nang diretso sa unahan, samantalang ako naka-side pa rin sa direksyon nya at pinapanood lang ang mga emosyon na dumadaan sa mukha niya.

effective yata tong distraction na ginawa ko dahil kalaunan ay napapikit na lang sya ng mga mata niya habang hawak-hawak ko pa rin ang mga kamay niya. trenta minutos lang siguro ang inabot bago kami nakarating sa hotel na paggaganapan ng after-party, at mukhang nakaidlip nang bahagya si Ohyul sa buong durasyon ng 30 minutes na yon. kaya dahan-dahan ko siyang ginising at nagising din naman siya kaagad dahil light sleeper lang din naman tong si Ohyul.

isa-isa nang nagsilabasan ang mga kasama sa after-party, at dahil pareho kami ni Ohyul na nasa pinakalikod ng van, kami ang nahuli sa paglabas. mabuti nga at hinintay pa rin kami ng boss namin saka umakbay pareho sa amin

"you all did a good job. malas niyo nga lang dahil kayong dalawa lang ang mas matanda sa grupo niyo. pero huwag kayo mag-alala, nagpaprepare ako ng light drinks lang para sainyong dalawa, at syempre para na rin sa mga gusto lang uminom ng something light ngayon."

ngumiti lang si Ohyul sa sinabi ng boss namin. alam kong na-touch ito sa ginawa ng boss namin, at hindi ko rin naman idedeny na ganon din ang naramdaman ko. natuwa naman ako na sobrang caring sa amin ni boss Jay, kaya tama lang din na pinapakita namin sa kanya pabalik ang mga aral at actions na binahagi niya sa amin sa pamamagitan ng performance at craft namin.

"o, siya. hintayin ko kayong dalawa sa loob. mukhang kailangan niyo munang magpahangin dahil alam kong hindi kayo gaanong nakikihalubilo sa mga ganito."

pagtapos sabihin ni DPN non ay umalis na siya sa pagkakaakbay sa amin. tumango lang kami sa kanya bilang pagtugon.

ngayon, nakapamulsa lang si Ohyul habang nililibot nito ang mga mata niya na nakatingala sa kalangitan. hindi ko alam kung anong meron sa kanya at kung anong magnet ang meron siya dahil walang araw na hindi ko nahuhuli ang sarili ko na nakatingin lang lagi sa kanya. alam kong aware siya roon, pero hindi ko maintindihan kung bakit parang wala lang sa kaniya.

gusto ko sana siyang tanungin kung bakit minsan ngumingiti lang siya sa akin sa tuwing nagsasalubong ang mga mata namin, pero hinayaan ko na lang muna. mukha pa naman siyang nag-eenjoy na ngayon dahil nakita kong umaliwalas na nang bahagya ang mukha niya.

"𝘯𝘢𝘱𝘢𝘬𝘢𝘨𝘢𝘯𝘥𝘢."

bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil hindi ko namalayan na nasabi ko pala siya nang malakas. napatingin kasi siya sa akin e. tapos tinaasan ako ng kilay.

"i mean, ng kalangitan ngayon. daming stars." pahabol ko. mabilis lang akong tumalikod sa kanya dahil hindi siya umiimik. ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klaseng kaba. at ramdam ko rin yung pagtitig na ginagawa nya sa akin ngayon kahit na nakatalikod na ako sa kanya.

grabe. ito ba yung sinasabi nilang dapat nag-iisip muna bago magsalita? hahaha.

"ano na kim ryul, hindi pa rin ba tayo papasok sa loob? nilalamig na ako rito oh."

nabalik din naman ako kaagad sa reyalidad nong marinig ko siyang nagsalita.

oo nga pala. may after-party nga pala kaming dapat attendan. baka mamaya nagtataka na ang mga kasama namin kung bakit nasa labas pa rin kaming pareho, kaya sinenyasan ko na lang siya na pumanhik na kami pataas. sumunod din naman siya kaagad sa akin.

habang naglalakad kami, nilalaro-laro ko lang ang loob ng pisngi ko ngayon para mabawasan ang kaba. nasa elevator na kami ngayon at tinext ko lang si big boss kung anong floor yung event. nagreply din naman kaagad si boss Jay at binahagi ko rin naman kaagad yon kay Ohyul.

"event center 11326 daw, floor number 36." sambit ko. tumango lang si Ohyul sa akin saka pinindot ang number 36.

nong naramdaman kong umaandar na ang elevator, nahuli ko na lang ulit ang sarili ko na kaharap si Ohyul.

"excited ka na ba?"

 

.

.