Actions

Work Header

Kapistahan

Summary:

ColAiah oneshot!

Umuwi ang pamilya Arceta sa baryo upang dumalo sa kapistahan ng kanilang patron.

Doon ay nakilala ni Aiah ang ka-edad niyang si Colet.

Work Text:

Madaling araw na at ginising na ni Misis Arceta ang kanyang mga anak.

"Aiah! Sheena! Stacey! Gumising na kayo!" Sigaw ng kanilang nanay na inaalog alog ang tres marias na natutulog.

"Maaa, ang aga aga naman, inaantok pa kami." Reklamo ng bunsong si Sheena.

"Kailangan na nating bumyahe at ayokong matagalan ang pagdating natin sa bahay ng Lolo niyo." Pagdadahilan naman ng nanay.

Noong sinubukan ni Sheena na matulog ulit ay doon na tumaas ulit ang boses ng kanilang nanay.

"Isa! Dalawa!" Hindi na umabot ng tatlo ang sigaw ng nanay nila nang nagmamadaling bumangon na ang magkakapatid na babae.

"Good morning, Mommyyyy!" Masayang pagbati ng panganay na si Aiah sa kanyang nanay sabay pagbigay ng yakap.

"Sali akooo!" Masayang pagsabi ni Stacey at yumakap na rin sa kanilang nanay na unti-unti nang nawawalan ng galit sa tatlo niyang mga anak.

"1, 2, 3, juuuump!" Sambit ni Sheena na talagang nagbabalak na tumalon at mag landing sa kanyang mga kapatid at ina.

"Sheen Mae!" Pag-saway ng kanilang nanay kay Sheen bago pa ito tumalon at silang apat ay matumba.

Nagtawanan nalang ang magkakapatid at ang kanilang nanay ay napa-iling nalang sa kalokohan ng kanyang mga anak.

- - -

Mapayapa naman ang byahe ng pamilya Arceta papunta sa baryo ng kanilang Lolo at Lola.

Ito ang dahilan kung bakit nga gusto ng nanay nila na bumyahe nang maaga.

- - -

Nakarating na rin ang pamilya Arceta sa baryo pagkalipas ng ilang oras ng pagmamaneho ng kanilang Tatay.

Lumabas agad ang kanilang Lolo at Lola upang salubungin sila papalabas ng sasakyan.

"Lolo! Lola!" Masayang pag-sigaw ng magkakapatid nang makalabas na sila ng sasakyan.

Nagyakapan sila sa isa't isa at nagkamustahan.

- - -

Kumain ng maayos na agahan ang pamilya nila dahila konti lang ang laman ng tiyan nila dulot ng maagang pagbyahe.

"Naku! Ang tatangkad na at lalong gumanda ang mga apo ko!" Wika ng Lola nila habang silay kumakain.

"Salamat po, Lolaaa!" Sagot naman ni Aiah.

"Baka may manghihingi ng selpon number nyo ha? May mga binata pa namang inimbita ang Lolo niyo." Pang-asar ni Lola.

"Ho? Bakit naman po may mga bisitang lalaki si Lolo?" Tanong ni Sheena.

"Eh, kasi itong Lolo niyo, sumabak na sa pagiging coach sa basketball team ng purok namin." Pagdahilan ni Lola.

"Wow, Lo! Ang galing niyo naman po!" Papuri ni Stacey sa kanyang Lolo na siya ang paborito.

"Aba, siyempre, di niyo naabutan kagalingan ko sa baskteball noong binata pa ako. Kaya nga nabaliw Lola niyo sa akin, eh!" Pagbibiro naman ng Lolo nila.

"Heh! Ikaw kaya yung lapit nang lapit sa akin!" Hindi rin nagpatalo ang kanilang Lola.

Nagtawanan ulit sila at tingin ng bawat isa ay magiging masaya at maganda ang araw nila sa kapistahan ng baryo.

- - -

Malapit nang sumapit ang tanghalian at ilang oras na ring nagtutulungan ang pamilya sa paghahanda ng ipapakain nila sa mga bisita.

Nang nag alas-dose na ay nagsidatingan na ang mga bisita sa bahay ng kanilang Lolo at Lola.

Totoo nga ang sinabi ni Lola at mayroon ngang mga binatang bisita at bago sila nagkausap ay nagdasal muna si Lola para panalanginan ang mga pagkain nila.

Noong kumakain na ang basketball team ng kanilang Lolo sa isang mahabang lamesa ay dinala ang tres marias ng kanilang Lolo para ipakilala.

"Mga iho, mga apo ko pala: si Aiah, Stacey, at Sheena. Galing sila ng Maynila." Wika ni Lolo.

Tumango naman ang mga lalaki at ngumiti. Silang lahat ay mababait kung tingnan at maayo ang suot. Kaya naman hindi rin na-ilang ang tatlong magkakapatid na babae.

Ngumiti rin sila at tumango.

Maliban sa mga lalaki ay mayroon ding mga babaeng kumakain sa parehong lamesa at tila magkakilala sila lahat.

Nagsalita uli si Lolo, "Sila naman ang tini-train ko sa banda. Si Mikha, Gwen, at Colet."

Tumango rin ang tatlong mga babae na kumakain.

Nag ngiti-an sila sa isa't isa maliban nalang kay Colet na medyo hindi masyadong ngumingiti. Silang tatlo naman hindi masyadong pala-ngiti pero si Colet yung mas nakaka-ilang makatinginan. Ito ang iniisip ni Aiah nang mapansin ang Colet.

"Lo! Ang dami nyo naman pong talent!" Sabi ni Sheena na ikinatuwa naman ng Lolo nila.

"Pinagpala lang ng Diyos, iha. Oh, sige, kumain na kayo."

- - -

Pagkatapos kumain ng mga kabataan ay nagsimula na silang makipag-usap sa isa't isa. Madaling makipag sundo sa mga alaga ng Lolo nila maliban nalang kay Gwen, Mikha, at Colet dahil hindi sila madaldal at hindi rin mga ma-loko. Lalong lalo na si Colet. Napapaisip na naman si Aiah kung paano niya makikilala si Colet. Hindi na siya magsisinungaling at aaminin niyang mayroong kakaiba sa babae na na-iintriga siya at gusto niya itong kaibiganin.

Oo, na. Maganda si Colet at nagugustohan ko ang pagdala niya sa kanyang sarili. Pag-amin ni Aiah sa kanyang sarili.

Sumuko na si Aiah na kausapin si Colet at nagulat siya nang kumanta ito sa videoke.

"Ikaw na ang may sabi... Na ako'y mahal mo rin..." Pasimulang pagkanta ni Colet na siya namang sinigawan ng mga kabataan na nagpupulong sa sala ng kanilang Coach.

Shit, ang ganda ng boses, nakakabading lalo. Sabi ni Aiah sa kanyang sarili.

"Ateee! Nagiging girl crush ko si Colet!" Bulong sa kanya ni Sheena na kinikilig sa kanyang tabi.

"Pssst, hoy, tumigil ka diyan, bata ka pa." Pag-saway naman ni Aiah sa bunsong kapatid.

- - -

Lumabas muna si Aiah para magpahangin at siyay nakasandal sa puno.

Noong lumingon siya para tingnan ang bahay ng kaniyang Lolo at Lola ay nagulat siya nang makitang naglalakad sa kanyang direksyon si Colet. Naramdaman niyang bumibilis ang tibok ng kanyang puso.

Ibinaling niya ang kanyang tinign at pinagmasdan nalang ang malawak na bukid.

"Aiah." Sambit ng babaeng bigla nalang siyang sinundan.

"Uy, hi! Colet, diba?" Pag-bati ni Aiah na nagpapanggap na okay lang siya.

Tumango si Colet at tinabihan si Aiah sa pagkasandal sa puno.

"Ba't ka narito?" Tanong ni Aiah para naman hindi nakakailang ang tahimik.

"Gusto ko hingin ang number mo." Sagot ni Colet sa kanya na sinalubong naman ang kanyang titig.

"Ano?! Seryoso ka?" Gulat na pag-tanong ni Aiah.

"Seryoso." Simpleng sagot ni Colet.

"Ha? Bakit ako?" Namumula na si Aiah at pinipigilan lang niya ang kanyang kilig.

"Bakit hindi?" Paglaban ni Colet.

Naiinis si Aiah sa mga tinginan at mga ngiti ni Colet kaya tinigil na niya ang pagtitig sa kausap.

"Hali ka." Rinig ni Aiah na sambit ni Colet bago nito kunin ang kamay niya at dinala siya sa kabilang puno.

"Apakan mo mga kamay ko tas i-angat mo sarili mo para maka akyat ka." Utos ni Colet.

"Ano bang trip mo? Ayoko nga." Reklamo ni Aiah.

"Sige na. Hawakan mo mga balikat ko para maka-angat ka." Seryosong sabi ni Colet kay Aiah.

Hindi na alam ni Aiah kung dulot ba ng lihim niyang pagtingin kay Colet o kung anuman ang pag-sunod niya sa babaeng 'to.

Nang maka-akyat na si Aiah ay sumunod na si Colet. Hindi nahirapan ang babae sa pag-akyat. Sanay na sanay.

Nang nasa taas na si Colet ay napalapit siya sa kinatatayoan ni Aiah kaya nagkalapit ang kanilang mga mukha.

Aatras sana si Aiah nang muntikan na siyang mawalan ng balanse.

Agad namang hinawakan ni Colet ang kanyang beywang para hindi siya mahulog.

Napahawak na rin si Aiah sa balikat ng babae.

"Dahan dahan kase." Pang-aasar ni Colet sa kanya. Malapit pa rin ang mga mukha nila.

"Nakakainis ka. Ikaw na nga tong nagpaakyat sakin." Lumalaban na si Aiah at inirapan niya si Colet.

Tinitigan lang siya ni Colet at kung tatanungin mo siya kung ano ang nararamdaman niya, masasabi niyang hindi nawawala ang kilig niya mula pa noong nakita niyang papunta si Colet sa kanya o maisip niyang sinundan siya nito.

"Kaya kita pinaakyat dahil manonood tayo ng paglubog ng araw." Wika ni Colet.

"Ahhh, okey. Dapat mamangha ako ha." Pang-aasar ni Aiah.

"Kung mamangha ka, bibigyan mo ako ng number mo?" Paghamon naman ni Colet.

"Dahil mapilit ka, pwede." Pang-aasar pa rin ni Aiah.

Natawa nalang si Colet at ginabayan ang katawan ni Aiah na tumalikod sa kanya para abangan ang paglubog ng araw.

Lalo lang kinilig si Aiah sa mga galawan ni Colet at abot tenga na ang ngiti niya na hindi nakikita ni Colet.

Hindi rin nag tagal ay nakikita na nila na lumulubog ang araw. Maraming kulay ang nasa himpapawid noon hanggang sa ang langit ay naging kulay kahel at dilaw.

Habang nakahawak ang isang braso ni Colet sa beywang ni Aiah at ang isa niyang kamay naman ay mahigpit na nakahawak sa puno upang di sila mahulog ay tumitindi rin ang pangarap ni Aiah na maging sila.

"143." Biglang sambit ni Aiah.

"Huh?" Pagkalitong tanong ni Colet.

"Yun ang number ko." Sagot ni Aiah.

"143? Ahhh! Love mo na agad ako?" Pagka-gulat ni Colet na may kasamang tawa.

"I like you palang!" Pag-saway naman niya sabay kurot sa braso ng babaeng nakayap sa kanya.

"Uuuuy, crush niya 'ko!" Pang-aasar ni Colet.

"Nakakinis ka talaga!" Sabi naman ni Aiah.

Tiningnan ni Colet si Aiah nang malapitan at sinabihan ito na,

"Huwag muna ta'yong umuwi." sabay pagkuha sa kanang kamay ni Aiah at hinalikan ang mga buko ng kanyang mga daliri.

Napahinga nalang si Aiah nang malalim at sumandal sa babaeng hindi niya inasahang magugustohan din siya.