Chapter Text
"oh jeno, shot!"
"mark, gago lasing na 'yang dalawa." suway ni yuta kay mark.
"haaah?" si jaemin. "hindi pa ako lasing uy!"
tumango-tango naman si jeno sabay turo kay jaemin sa tabi nito. nakasandal ang siko ni jaemin sa lamesa at ang baba sa kamao, habang si jeno naman ay nakaupo ng tuwid, para kunware ay hindi siya nahihilo at okay pa, pero halata naman sa pulang mukha at namumungay na mata nito na lasing na.
“hindi pa siya lasing." jeno vouching for jaemin.
"oo, ikaw lasing na."
"hindi pa din lasing si jeno uy!" si jaemin at tinuro si yuta. "ikaw ang lasing! wah! lasing!"
humagalpak sa tawa si mark, aliw na aliw sa nangyayari. "mark, pakyu, ayusin mo 'yang dalawa."
"ayos naman sila, ah!" halaklak ni mark at nag thumbs up pa kina jaemin kaya nag thumbs up pabalik si jaemin sakaniya.
"mark, tama na 'yan. ikaw hahatid sa dalawang 'yan talaga." ani doyoung na kakapasok lang kasabay si johnny, mukhang galing silang yosi.
"tangina." johnny mutters as he sees how messed up his friends are.
bagsak na si taeyong sa tabi ni jaehyun. si yuta naman, hindi pa bagsak pero halatang lasing dahil pagewang-gewang na ang paglakad na kailangan pa siyang tulungan ni doyoung. si mark na konti lang ang ininom kasi pinasa lahat kina jaemin at jeno, pero may saltik naman sa utak.
"gago, doy. iuwi na natin 'tong mga 'to." ani johnny kay doyoung.
"sabay ako!" jeno raises his hand pero agad namang napasapo sa ulo nang maramdaman ang hilo. si jaemin sa tabi niya ay nakatulog na.
"sige, ako na kay jeno.... at taeyong?" he looks at jaehyun na tumango naman sakaniya.
"nakainom din ako, kay mark na kami ni jaemin para diretso sa amin." saad ni jaehyun at binaling muli ang nobyo. magkapatid sina jaehyun at jaemin, kaya din nagkakilala sina jaehyun at taeyong dahil sa mga nakababata nilang kapatid na magkaibigan simula highschool.
"hala gago? hatid ko sina jaemin at kuya jae?"
"oo, ikaw naglasing d'yan. panindigan mo." pagalit pa na sambit ni yuta dito. "pasalamat ka inako ni johnny si jeno!" bahagyang sinampal ni doyoung si yuta sa pisngi para mapatigil ito sa pagsasalita. sumimangot nalang si yuta at humilig kay doyoung.
kaniya-kaniya silang alalay sa mga lasing na. si mark kay jaemin, doyoung kay yuta, si johnny kay jeno, at si jaehyun kay taeyong. hinatid muna ni jaehyun si taeyong sa kotse ni johnny. pahirapan pang pagpapaalam ang nangyari dahil ayaw kumawala ni taeyong. habang si jeno naman ay mahimbing na ang tulog sa passenger's seat ni johnny.
"ingat kayo bro," tinapik ni jaehyun ang bubong ng kotse ni johnny bago ito umandar paalis.
mahimbing ang tulog ng magkapatid kaya nabalot lang ng katahimikan ang buong byahe. for johnny, it was a long ride. para siyang walang kasama kasi walang nagsasalita dahil nga tulog ang mga ito kaya nakaramdam siya ng medyo pagkaantok at pagkabagot. gusto niya ding magpatugtog pero baka magising ang dalawa.
it took him half an hour bago sila nakarating sa bahay ng mga Lee. nagising agad si taeyong nang maramdaman ang paghinto ng kotse. dire-diretso itong lumabas ng kotse na ikinataranta ni johnny.
"huy, teka— gago yong—" wala na nagawa si johnny nang sinara nito ang pinto ng backseat. to his surprise, maayos itong naglakad papasok ng gate nila kahit na napasandal ito saglit sa gate nung binubukas niya.
napailing-iling nalang si johnny at binaling ang atensyon kay jeno, dito alam niyang mahihirapan siya. hindi pa nalasing si jeno dahil hindi naman siya hinahayaan na malasing ni taeyong. ngayon lang kasi mas naunang nalasing si taeyong kaya hindi niya nabantayan ang kapatid. idagdag pa si mark na tinutulungan na malasing si jeno kasi nga gustong maranasan ni jeno yung feeling na lasing.
johnny stares at his friend's brother for awhile. his face looks peaceful at bahagya pang nakaawang ang mga labi. iniisip niya kung paano ito ipapasok sa loob ng bahay. pahirapan kaya mag-alaga sa lasing na jeno? mukha namang hindi kasi kanina nung pauwi sila ay siya lang ang naglakad papunta ng kotse, nakabantay lang si johnny sakaniya in case na matumba o ano.
"je," tinapik ni johnny ang hita nito at niyugyog. "jeno, gising na."
ilang beses niyang sinubukang gisingin ang nakakabata pero hindi ito natinag kaya naisip niya na bubuhatin nalang niya ito. aambang lalabas na sana siya ng sasakyan nang marinig niya ang ungot nito.
"je, gising na, teka."
"uy, si sir," bungad na sabi sakaniya nito.
"sir?" nagtatakang saad ni johnny kay jeno habang inaalis ang seatbelt.
"sir! student mo 'ko, 'di ba? nung internship. congrats pala, sir! gagraduate ka na rin!" bahagyang nakapikit pa din ang mga mata nito habang nakangiti at natulala sandali si johnny.
ngayon niya lang natitigan ng ganito kalapit si jeno sa tagal nilang magkakilala. magkakilala, take note, kilala lang. hindi sila close. iniiwasan kasi ni jeno si johnny at hindi naman alam ni johnny ang dahilan pero hindi na siya nagtanong. baka ganon lang talaga si jeno, baka nahihiya lang siya. pero close siya kay doyoung at mark, lalo na kay jaehyun. si yuta, hindi niya masabing close kasi kaya namang makisama talaga ni yuta kahit kanino. minsan ay inaasar ni yuta si jeno pag tumatambay sila sa bahay nina taeyong. at hindi 'yon kayang gawin ni johnny. kahit pa nung naging naging student teacher siya nito, wala. jeno really acted like he's just his student-teacher.
"bakit, sir? may dumi sa mukha ko? hala, sumuka ba ako?"
napailing si johnny. why is he thinking about that? ano naman kung iniiwasan siya ni jeno noon tas ngayong lasing ito, dinadaldal siya?
"wala... ayos ka d'yan, lalabas ako."
"hala, 'wag!" natigilan si johnny nang maramdaman ang hawak nito sa braso niya.
"bakit?"
"usap muna tayo, sir! catch up!" hagikgik ni jeno at hinila pa lalo ang braso nito. hindi nagpatinag si johnny sa hila kaya nangungusong binitawan iyon ni jeno at sumandal nalang sa inuupuan niya, pero nakaharap na ang katawan sa kasama.
"we'll talk about what, jeno lee?" i mean, buong buhay nilang magkakilala, hindi sila nagkaroon ng maayos na conversation, puro short exchange lang, kaya ano pang pag-uusapan nila? catch up? ano'ng hahabulin?
"grabe ka naman! full name! galit ka ba sa'kin?"
"no," johnny sighs. "je, i need to get you inside the house."
"i can get myself inside our house, sir." jeno nonchalantly said. "anyway! may girlfriend ka po?"
"po?"
napairap si jeno dahil hindi man lang nito pinansin ang tanong niya kaya inulit niya nga."may girlfriend ka?"
johnny blinks, doon lang naprocess ng utak niya ang tanong ni jeno. may girlfriend ba raw siya? ano bang kalokohan ni jeno ito?
"no... i don't do girlfriends." tugon niya para matahimik na si jeno. but that's what he thought.
"eh? bakit? like you don't do girlfriends because ayaw mo magkakajowa? or.. boyfriend?"
"boyfriend, je.."
"oh oh! so, do you have a boyfriend?" jeno gasps. bigla itong umupo ng tuwid, na tila ba may ikwekwento si johnny na interesadong-interesado siya, pero agad ding napansadal balik sa upuan dahil sa pagkahilo.
bumuntong hininga si johnny nang mapagtanto na hindi nga siya titigilan ni jeno. he'll just see where this talk goes. besides, ngayon lang din sila nagkaroon ng conversation na maayos. baka pala bukas, close na sila at hindi na siya iiwasan ni jeno.
"wala, je."
jeno clapped his hands delightfully, "buti naman!"
nagtatakang tiningnan siya ni johnny at medyo naoffend pa. ano'ng buti naman pinagsasabi nitong batang 'to? buti naman wala siyang boyfriend?! o may irereto ba itong babae sakaniya? i mean, he could try dating girls, but he still prefers boys!
"i volunteer!" jeno exclaims.
"huh? volunteer?"
"your boyfriend: me!" jeno smiles and scrunches his nose.
johnny almost muttered how cute he is not until marealize ang sinabi nito. "gago," natatawang umiling si johnny rito. "lasing ka na nga. ipapasok na kita. wait lang." naisip niya na ipasok na si jeno bago pa ito may masabi na ipagsisihan niya kinabukasan. umungot si jeno at pinigilan muli si johnny.
"no, wait lang! 'wag muna! may cctv sa labas ng gate namin kasi."
"ano naman kung may cctv sa labas ng gate niyo?"
"secret!" hagikgik ni jeno at hinila muli ang braso ni johnny. sa ngayon ay hindi alam ni johnny ano'ng pumasok sa isip niya at nagpatianod. pero nagulat siya nang binitawan siya agad ni jeno, "sorry! lasing ako. no touching."
umawang ang labi ni johnny. he's amused at this point. okay? so ganito malasing si jeno? damn.
halos suntukin niya ang sarili nang mapaisip na ang swerte niya dahil siya ang unang tao na masasabing unang nagbantay kay jeno na lasing. tangina, kung ano-ano nanaman iniisip niya. ang weird niya!
"mamaya na po. nahihilo pa kasi ako. ayoko na tulungan mo 'ko, buhatin, o ano. mamaya! lalakad ako mag-isa papasok."
"alright." tango ni johnny.
"si kuya taeyong, siya lang po pumasok? o kasama natin si kuya jaehyun?"
"siya lang."
"o 'di ba! i'm like my kuya! i don't want anyone to help me. kahit friend. except nalang if boyfriend ko. hehe, joke!"
hindi mapigilan ni johnny na matawa rito okay, he's cute alright. hinayaan niya nalang ito at naghintay kagaya ng gusto. mamaya daw, pag mawala na ang hilo niya. he reclined his seat at medyo ibinaba iyon para mapasandal siya.
"antok ka na po? hala, sorry!"
"'di, pahinga lang, it's fine. just sober up para maisip mo ano’ng pinagsasabi mo." natatawang saad nito.
"para ka namang hindi nalasing!" maktol niya. "i know what i'm saying! bakit pag lasing ka, nagsisinungaling ka ba? 'di ba, sabi nila, totoo daw mga sinasabi ng mga lasing kasi 'yun 'yong feeling na parang free sila gawin lahat, wala na silang hiya. kaya minsan napapaconfess sila o nasasabi nila yung mga matagal na nilang tinatago.."
hindi na sumagot si johnny. but he knows what he meant. pero hindi pa din niya kayang paniwalaan 'tong kapatid ng kaibigan niya. he's just... a child. although 19 years old na ito at mag first year college na sa pasukan, mas bata pa din ito sa kaniya. 5 years ang agwat nila.
"sir! may sasabihin ako. uhm... confession alert? hehe."
johnny hummed, waiting for jeno to continue his words, thinking na the 'confession' was just nonsense and it won't affect him that much pero nagulat nalang siya nang magsalita muli ang nakababata.
"i always have the urge to kiss you."
hindi nakapagsalita si johnny at gulat na bumaling kay jeno. naabutan niyang nakasandal ang gilid ng ulo nito sa headrest, at nakaharap sa kanya, pero nakapikit ang mata.
no, shit.
"i always feel that everytime... i see you. gusto kita ikiss. pero ayoko naman na magkiss without consent! ayoko din naman mag ask ng consent sa'yo. weird kaya! that's why iniiwasan kita. ayoko maweird ka sa'kin kasi bigla nalang akong lalapit sa'yo sabay hingi ng kiss? ew! that's not me!"
his breath hitched when jeno opened his eyes, at saktong nagkatinginan sila. nagulat si jeno at agad umiwas ng tingin sabay pikit ng mga mata. he also covered johnny's eyesight with his hands.
"fuck, wait. don't look at me. look away! ikikiss kita!"
"jeno, what the hell..." hindi makapaniwala niyang anas.
"i'm sorry. did i go too far? sorry!"
umiling lang si johnny, which is useless dahil hindi naman nakatingin sakaniya si jeno, which is a shame din because he want to look at his eyes, like the way their eyes met kanina. para siyang kinuryente and, fuck him, was it also an urge to kiss him?
"sorry, kuya! shit, galit ka? did i weird you out? promise, hindi kita ikikiss. basta look away! shit, i should shut up."
"kuya? where's the sir now, je?"
johnny wants to smack himself, really.
"no! you should shut up din!"
and fuck, this kid's too adorable for him.
umayos ng upo si johnny at tinukod ang kamay sa may handbrake para mapahilig palapit kay jeno.
"je... can i see your face?"
"bawal!"
"why?"
"i will kiss you, you don't want that!"
"ask for consent, then."
natigilan si jeno, mukhang napaisip isip. bumaba ang mga kamay nito na nakaharang sa eyesight ni johnny pero nakaiwas pa din ng tingin. suddenly, his hands fly to his mouth, "ayoko. i'm drunk."
"okay." johnny chuckles. "can i still see your face? can you look at me?"
jeno didn't answer so johnny realizes na nag-iisip pa din ito sa kung ano'ng gagawin. pero hindi siya pinilit ni johnny, naghintay lang ito na gumalaw ang nakababata o lumingon man, or kahit ano man na gustong gawin nito. he notices that jeno's too rational even when he's drunk kaya kampante siyang hindi siya nito hahalikan.
mamaya ay unti-unting lumingon si jeno sakaniya. johnny almost laughed kasi parang sa mga horror movies iyon na gawa. napansin naman iyon ni jeno kaya kumunot ang noo nito.
"why are you laughing? iniisip mo bang joke ako?"
"no, baby." halaklak ni johnny, the pet name swiftly comes out from his mouth that he didn't even realize it himself. nagulat si jeno doon at natigilan, at hindi pa din iyon napansin ni johnny.
"you shut up sabi. please! ikikiss kita!"
tinakpan din ni johnny ang bibig niya.
"ask."
"now? you'll let me? no, 'wag!"
"whenever you want, je."
johnny is enjoying their eye contact now. he's contented with just that especially na lasing nga si jeno. the kid's just babbling things, and he'll see pa kung ano'ng magiging reaksyon nitong batang 'to kinabukasan paggising niya, sa nangyayari ngayon.
"ask if you're sober. tomorrow. or whenever you like, basta sober." he's testing waters right now. this feels so wrong yet he wanted it so bad. his heart throbbed with anticipation sa mangyayari kapag hindi na lasing si jeno at maalala niya ito..
his heart will throb even more thinking that this, whatever they have right now, will be the reason of something else. and his heart will also throb badly kapag magpapatuloy sa pag-iwas ang binata sakaniya kagaya ng dati.
nanatiling nakatitig sila sa isa't isa. para silang tanga na nakatakip ang bibig ng kamay at tila nagstastaring contest pa. hindi nila alam kung ilang oras silang nakaganon hanggang sa tumunog ang alarm ng phone ni jeno.
"shit! 5 na?" pinatay ni jeno ang alarm. it's a daily alarm for him to wake up nung may klase pa, never niya din naman iyong pinatay.
"hilo pa, je?"
jeno shakes his head, "no na... i think i'm sober na but i don't want to take risks yet. bukas or later... basta! sabi mo, ha?"
"bahala ka." kibit-balikat ni johnny.
jeno squints his eyes at him. "you don't believe me, huh.."
natawa si johnny. "bahala ka, je... sige na, umaga na."
"uhm...." jeno pursed his lips as his gaze went down to johnny's hand na nakatukod padin sa may handbrake.
"ano?"
"nevermind." jeno sighs and opens the door behind him. "i'll ask you talaga, ha!"
"whatever you say, jeno." pinanood niya ang pagpasok ni jeno sa loob ng gate nila at naghintay pa ng ilang seconds bago nag drive paalis.
god, he feels so restless and well-rested at the same time.
