Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2022-12-23
Words:
2,412
Chapters:
1/1
Comments:
4
Kudos:
46
Bookmarks:
2
Hits:
252

What if I told you that I've fallen?

Summary:

Hindi pwedeng masira ang winning streak ni Doyoung sa kanilang company year-end parties. Kaya naman handa siyang gawin ang lahat para hindi umuwing luhaan this year.

Kung saan kinailangan ng year-end party, salad, at isang round ng bring me para humabol ang plot twist ng taon ni Doyoung.

Notes:

Unang ambag sa ncity ficdom and barangay #jaedo! Written on a whim because jaedo is that gift that keeps on giving. Unbeta-ed and unedited sorry!

Advanced Merry Christmas everyone!

Title from: Fallen - Lola Amour

Work Text:

Kasalukuyang pinapanood ni Doyoung si Xiaojun na tanggapin ang napanalunan nitong Hanabishi electric fan sa pag sayaw nila ng random dance. Ngayon kasi ginaganap ang taunang company christmas party nila sa isang resort sa Batangas. Gusto niya sana maging masaya para sa mga 'to ngunit kanina pa rin siya naiinis dahil hindi siya maaring umuwi ng wala man lang napapanulan. Kilala pa naman siyang competitive. Parang halos lahat ng ka-table niya, which is yung mga ka-department niya lang din naman, ay may kaniya-kanyang kahon na nakatago sa ilalim ng lamesa nila. Mukha nang may pangkabuhayan showcase na yung department nila sa dami.

 

“Huy yung mukha mo, paskong-pasko pang petsa de peligro” Sita ni Yuta, isa sa mga ka-team niya.

Liningon ni Jungwoo ang nakabusangot na mukha ng kanyang bestfriend at tumawa “Ikaw kasi ayaw mo pa sumali sa random dance”

 

At ipahiya ang sarili niya sa harap ng office happy crush niya? No way…

 

Umirap si Doyoung at humalukipkip “Ok lang, di naman yung Asahi na Wooden Fan yung prize”

“Gusto mo sayo nalang ‘tong Air fryer? May ganito naman na ‘ko sa condo ko” Pagaalok ni Jaehyun, isa ding assistant manager tulad ni Doyoung, sa napanalunan niya sa raffle kanina.

Tinignan niya si Jaehyun at ang air fryer nito. Buti pa to, umupo at huminga lang sa kanya na lumalapit yung mga blessings. Lord, anak mo rin naman ako, sa isip-isip ni Doyoung.

“Hindi na, napanalunan mo na yan eh” Sagot niya at ngumiti. Ang dami na nga niyang utang dito dahil lagi siya nitong tinutulungan, dadagdagan pa ba niya?

Nagkibit balikat lamang si Jaehyun at bumalik sa pagkakasandal sa upuan “Okay”

“G na g ka sa mga appliance tuwing Christmas party, kala mo naman hindi siya assistant manager” kumento ni Johnny “Tignan mo si Jae chill lang”

“Pag tagapagmana at anak ng chairman walang opinyon”

Humawak si Johnny sa dibdib niya “Sakit mo na Dons”

“Taray mo naman, ikaw na nga nag uwi ng 60 inch TV last year” Sabat ni Taeil

“Exactly.” Sagot lamang ni Doyoung. May plan B at C na nga siya kung paano nila iuuwi ni Taeyong sa apartment nila kapag nanalo ang isa sa kanila nung Dyson vacuum dahil mukhang ito ang grand prize sa raffle this year. “Hoy Yong, defend me. Kala mo di ka nakikinabang sa mga napapanalunan natin?”

 

Totoo naman, isa lamang ang TV sa mga napanalunan niya sa tinagal niya rito sa kanilang kumpanya. Ang mga gamit nila ni Taeyong sa kanilang apartment na Nespresso, casserole set, kitchen knife set, at kahit yung washing machine (na hirap silang iwui mula sa party nila dalawang taon na ang nakalipas) ay mula sa kanilang mga nakalipas na Christmas party.

 

Ngumuso si Taeyong “Oo na salamat sa kumpanya natin sa pag sponsor. Hot mo naman bestie, porket walang nagbigay sayo ng sweater nung December 3 eh-ARAY!”

Kinurot ni Doyoung ang tagiliran nito “Daming alam, magsama kayo ni Johnny!”

“Talaga!” Sagot nito at lumingkis sa braso ng binata.

 

 

Nagpatuloy ang program sa iba’t-ibang palaro na hinanda ng HR department nila. The games ranged from relay games, kahoot, to musical chairs. After each game, may mga performance breaks naman ng mga empleyadong magvovolunteer o di kaya naman yung mga maivovolunteer ng kanilang mga kaibigan sa karaoke. Game naman siya kasama nila Jungwoo at Jaehyun na kumanta ng Christmas medley para mamasko sa table ng kanilang mga boss (which did not disappoint in his opinion). Masaya naman si Doyoung dahil nanalo din siya ng 5k worth gift certificate sa isang department store, hindi malaking kahon pero pwede na.

 

Habang na nagjajamming sila Mark at mga tropa nito sa karaoke ng Incomplete, matiwasay lamang si Doyoung na kumakain ng mga handa sa catering ng resort. Deserve niya naman daw yun sa mga paghihirap na dinanas niya bilang alipin ng kapitalismo sa loob ng isang taon. Pinasadahan niya ang kanyang mga kasamahan sa mesa. Lumipat sandali si Haechan sa table para mamasko kay Taeil, naglalampungan si Taeyong at Johnny habang kumakain ng carbonara. Walang namang bago. Sinulyapan niya ang gawi sa kaniyang kanan, maya’t-maya ay may lumalapit kay Jaehyun mula sa ibang department para magpapicture at mag abot ng regalo. Sana all.

 

“Nakakain na ba ang lahat?!?” Pambubulabog ni Baekhyun, isa sa mga HR managers at ang kasalukuyang emcee ng party sa kanila

 

Humiyaw ang lahat ng empleyado, nangingibabaw ang boses mula sa table nila Kun. Dali daling bumalik sila Jungwoo mula sa nag iihaw ng barbecue.

 

“Nakapag-Sharon na ba ang lahat?!?!”

“YESSSS” Malakas na sagot ng lahat at tumawa

“Nako huli kayo, noted kayo sa HR” pabirong pananakot ni Baekhyun.

Natawa si Doyoung nung nakita niyang sinisilid ni Haechan sa dalang bag ni Mark yung platter ng pichi-pichi.

 

Nagulat siya nang may maglapag ng salad sa harap niya kaya niligon niya ito at nakita si Jaehyun.

 

Doyoung mouthed a small ‘thank you’ to the younger. Sa totoo lang kanina pa niya talaga gusto kumuha ng salad ngunit napaka haba pa ng pila dito

‘You’re welcome’ he mouthed back and smiled.

 

“Good good, so everyone can participate, ang last game natin ay… Bring me!” Everyone cheered. “Malaki naman kayo, hindi ko na to ieexplain”

“Basic” Kumento ni Yuta habang sumsubo ng salad.

“Basic ka dyan wala ka ngang bag o gamit na dala” sibat ni Johnny

 

Kung ano-ano ang pinapadala ng host sa sa kanila. Aquaflask, taong nakasuot nang striped Uniqlo na polo shirt (napaka specific! thank you kay Jaemin at Jeno na nag twinning pa ng OOTD), neon green na sintas ng sapatos, at iba pa. At si Doyoung? He knew he was being competitive, he brought almost half of the items Baekhyun was asking for. In his defense, the best part was actually the prizes. In fairness, malaki ang budget ng party nila ngayon ha. Deserved. Nanalo pa nga si Ten ng libreng staycation sa isang sikat na hotel sa Manila nung nakapagdala ito ng hibla ng buhok na color pink mula kay Haechan ('Sorry boss! Matinding pangangailangan lang').

 

“Akala niyo yun na 'yon? Papunta palang tayo sa exciting na part” Pambibitin ng host sa kanila. “Last one for the major prize…

 

.....isang iPhone 14 Pro Max 1TB Fully Paid!”

 

Napasinghap si Doyoung. He knew that he had to get this one, by hook or by crook. Kahit naman may posisyon siya sa kanilang kumpanya ay isa pa rin siyang karaniwang empleyado ng kapitalismo. “Itabi niyo ako na to” at umayos ng upo

 

“Bring me..." Lahat ay nakaabang lamang sa kung anong bagay ang babanggitin ni Baekhyun. "Yung crush mo na nandito sa party!”

 

Ayun lang, ang lahat ay natigilan. Majority was hesitating if they will grab the chance. "Yung legit ha!" he added.

Nagtutulukan si Doyoung at ang mga kaibigan nito kung sino sa kanila ang magigig alay ngayong gabi. Unfortunately for him, siya nanaman ang napagtripan ng mga ito.

 

“Oh Doyoung akala ko ba ikaw na to?” Pang-uudyok ni Jungwoo.

“Ayoko na pala, si Yuta nalang” Sagot nito at sumandal sa upuan.

Nagtaas kilay si Yuta at sumipsip sa wine “Bakit ako? Sorry loyal ako sa android”

“Oh, ayaw eh, android user siya. Dali ikaw na! Alam kong gusto mo ng bagong phone!”

 

Lord bigyan niyo ako ng sign.

 

 

"Ano? Wala? Sige bibigyan ko kayo ng 10 seconds o i-wheel of names ko nalang 'to"

 

 

Sige po, mga konting pilit pa...

 

"Ayaw niyo talaga? Chance niyo din umamin sa mga crush niyo. Malay niyo humabol pa kayo sa pasko"

 

Panandalian niyang pinagmasdan ang kanilang table. Napansin niyang may nawawala sa kanila. Patagong inilibot niya ang kaniyang panigin para hanapin ito at hindi naman siya nabigo.

He spotted Jaehyun sa may tabi ng tech booth na walang ka alam-alam sa pina-plano niya.

 

Lord, eto na ba yung sign?

 

Hahaba na talaga listahan ng utang niya sa binata.

Hindi alam ni Doyoung kung saan niya nakukuha ang lakas ng loob niya tuwing siya ay nasa mga party. Konting gatong lang ng kanyang mga kaibigan ay game na agad siya. Isa pa, pinalaking laban-laban lang at hindi bumabawi si Doyoung ni Mama Kim.

 

Ah, bahala na. Sorry Jae, babalatuhan nalang kita sa prize.

 

Madaling tumayo si Doyoung at lumapit sa tech booth at hinawakan ang palapulsuhan ni Jaehyun. Hatak-hatak niya ito hanggang makarating sila sa harapan. Isang malaking ngiti mula sa host ang sumalubong sa kanilang dalawa.

 

Tanging malakas na ‘AYIEEE!!!’ ‘BAKA SHIP KO YAN’ hiyawan ang narinig nila mula sa mga audience at isang malakas na ‘DONS ANG GANDA MO!’ ang nangingibabaw (si Taeyong yun).

 

Natawa si Baekhyun “Naks, iba talaga ang crush ng bayan. Ganyan din kami nagsimula ng Loey ko eh” kinikilig na kumento nito at kumindat sa gawi ng executive’s table.

 

Namula si Doyoung “Kuya naman!” protesta nito at binitawan niya ang pagkakahawak sa pulsuhan ni Jaehyun na para itong nakakapaso. Bukod sa pinagpala, pogi typings, mabango, magaling at mabait, may sense of humor din ito na bentang-benta kay Doyoung.

 

“Biro lang to naman" mapangasar na ngiti ni Baekhyun "Congratulations Doyoung, eto ang bagong iPhone 14 Pro Max 1TB Fully Paid mo at yung crush mo, si Jaehyun”

 

Madaling nagpasalamat si Doyoung sa premyo at bumalik sa kanyang upuan ng hindi matignan ang binata. Pinalaking confident si Doyoung, ngunit sa mga panahon na yon ay hiyang-hiya na siya dahil ramdam niya pa rin ang mga mapangasar at kinkilig na tingin ng mga ka-opisina.

Ngunit ang hindi niya napansin ay pulang-pula din ang tenga ni Jaehyun.

 

 

Sa pagtatapos ng program at awarding, kasalukuyang nag bibigay ng closing remarks ang COO nila na si Sir Junmyeon.

Patagong luminga si Doyoung kay Jaehyun na kanina pa niya iniiwasan.

Nagulat siya nang makita na nakatingin na pala ito sa kanya at ngumiti nang magtama ang kanilang mga mata.

 

Ayan napapala mo, gaga ka talaga minsan, Doyoung!

 

⋆꙳•̩̩͙❅*̩̩͙‧͙ ‧͙*̩̩͙❆ ͙͛ ˚₊⋆

 

Pabalik na sana sila sa kaniya-kaniyang kwarto matapos ang party. Nauuna si Doyoung na maglakad kasama sila Jungwoo at Taeyong dahil gusto na niyang magtago kanina pa matapos ang bring me incident.

 

“Gagi nakakhiya talaga kay Jae! Napaka enabler niyo kasi!” Litanya ni Doyoung habang naglalakad at hinahampas ang sariling noo.

“Luh? Kami pa nasisi kami ba nag buhat sa pwet mo papunta sa stage? Naglakad ka kaya mag-isa dun”

Hindi niya ito pinansin “omg wala na kong mukhang maiharap sa kanya bukas! Kailangan ko na ata umuwi”

“Doy-”

“Ito na ba yung kabayaran sa pagiging competitive at materialistic ko HUHU sorry na”

“Psst-”

“What if magpalipat ako ng department next week? May opening kaya?”

“Beh-”

“Mga napapala ko talaga sa kagagawan ko para sa iPhone!”

“Ayaw mo ba? Akin nalang?”

“Syempre gusto-” Dito lamang natigilan si Doyoung dahil sa malalim na boses at lumigon sa kaniyang likod. Tumambad sa kaniya ang mukha ng fresh na fresh pa rin na isang Jung Jaehyun.

“Speaking of, lugi ako dun ah, dapat may parte ako dun kanina sa prize” Pagbibiro pa nito sa kanya.

 

‘Bat di niyo ko pinigilan?!’ pabulong na sambit ni Doyoung.

‘Te kanina pa namin sinusubukan, ayaw mo lang mag paawat’

“Pwede ko ba mahiram saglit si Doyoung? Icclaim ko lang din sana yung prize ko”

“Sure, go ahead. Kahit wag mo na muna ibalik ngayong gabi. Malaki na kayo.” Sagot ni Taeyong na halatang nagpipigil ng tawa.

‘Fighting!’ Senyas ng mga ito sa kanya. Sinamaan niya ng tingin ang mga traydor niyang kaibigan bago sumunod kay Jaehyun.

 

Siya naman ngayon ang hatak-hatak nito patungo sa may pool area. Umupo sila sa isang bench and they were engulfed in silence at tanging tunog ng kuliglig at malayong tawanan ng ibang kaopisina mula sa hallway ang naririnig nila.

 

“Bakit ang layo mo naman?” Biro ni Jaehyun at ngumiti, umusog ito ng upo palapit “Para namang others, ako lang ‘to”

“Eh, sa nahihiya nga ako” Pagtatakip ni Doyoung sa kaniyang mukha “Jae, I’m sorry sa pagkaladkad ko sayo kanina”

Jaehyun frowned “Why are you saying sorry?” this isn’t how he expected their conversation would go, “Naunahan mo nga lang ako.”

 

Now Doyoung feels more bad, it probably means that Jaehyun was actually planning to bring someone, right? Oo nga naman, sa gwapo at bango ba naman nito malamang may crush din ‘tong na gusto niyang isama kanina sa harap. Iniisip palang iyon ni Doyoung ay nagseselos na siya, kaso sino ba naman siya diba?

 

“Hala sorry talaga sayo at sa crush mo. Naagawan pa ata tuloy kita ng iPhone” Doyoung spoke the last part with a small voice. To be honest, sobrang ready na si Doyoung ma-friendship over ni Jaehyun sa dami ng atraso niya dito.

“Ah yun ba,” Jaehyun scratched the back of his ear ”Maliit na bagay” Jaehyun paused and tat bumuntong hininga “Pero kailangan mo ko panagutan, Doie ang daya mo eh masyado kang mabilis.”

“Panagutan?” Doyoung asked, “Sorry na nga, yung parte mo ba sa prize? Paano tayo mag 50-50 dito gusto mo ba yung charger at box?”

Tumawa si Jaehyun ng malakas “Sira hindi yun, ibang prize gusto kong iclaim ngayon”

“Ah, eh ano pala?”

“Nakakatanggal ka talaga ng angas Doie” Jaehyun who was already smiling shook his head out of amusement “What I meant was, panagutan mo yung feelings ko sayo Doyoung. Kasi crush mo pala ako...... eh gusto kita. ” he chuckled.

 

Gusto…

 

Gusto niya daw-

 

HUH???

 

“Oh, wow ang ganda ko” ang tanging nasabi ni Doyoung.

“Totoo” Hinawi ni Jaehyun ang bangs na nakaharang sa mata ni Doyoung and looked at him fondly “Tingin mo bakit ako buntot nang buntot sayo nung bagong lipat ko dito sa inyo?”

“Aba malay ko sa trip mo” pakipot na sagot ni Doyoung.

“Kasi nga na love at first sight nga ata ako noon sayo, Doie” Jaehyun pouted

 

Shet, gusto talaga siya ng crush niya?!

 

“Weh, sure ka na dyan?” Namumulang sambit ni Doyoung

 

Nagningning ang mga mata at lumawak lalo ang ngiti ni Jaehyun, mas lalong lumalim ang dimples nito. “Mas sigurado pa sa sigurado, ikaw na yan eh” 

 

 

 

Hindi niya alam kung anong nararamdaman niya sa panahon na yun. Basta ang alam niya ay masaya siya. The next thing he did is to jump at Jaehyun and engulfed him to a tight hug. He buried his head on the other's neck. 

 

"Tama ka na Jung, ganito ka pala magpakilig!"

 

Tumawa si Jaehyun at binalik ng mas mahigpit ang yakap "Masanay ka na, babe"

 

Wala na atang papantay sa paskong ito dahil higit pa sa kahit anong raffle ang maiuuwi niya at iuuwi siya ngayong Christmas party.

 

Hindi naman siya mayayakap ng Dyson vacuum na yan tuwing gabi.

 

Stay winning Doyoung Kim!