Work Text:
Travelling from Manila to Bacolod was a tiring trip after a long long day. Baekhyun was straight from work. As a branch manager ng isang kilalang bank sa bansa, hindi naging madali na iwanan niya ang trabaho niya— Nope, he is not resigning. At least not yet. Kailangan pa niyang mabawi ang lahat ng gastos. Actually, hindi lang siya. Dalawa sila.
A day before the biggest event of his life, saka lang siya talaga nakaschedule for a leave. Pero syempre, ayos na ang mga gamit niya. Matagal na. Pinaghandaan niya ito ‘no. Again, hindi lang siya. Dalawa sila.
A smile flashes on his face nang matanaw na ang villa. With his phone on his hand, he types a text to one special person na pinunta niya sa lugar na ‘yon at siguradong kahit gaano pa siya kapagod ay mawawala pag nakita niya but sadly, hindi sila pwede ngayong gabi.
Sa dami ng mga taong paulit-ulit silang pinaaalalahanan tungkol sa bagay na ‘yon, their families, friends, even workmates, sige na, hindi na talaga. They decided na sundin na lang. Isang gabi lang naman, pagkatapos ‘non ay araw-araw na silang magkasama.
Bumaba na siya sa golf car na sumundo sa kanya sa entrance ng resort. All their families and friends are there na. Siya na nga lang talaga ang kulang.
He thanks the starf who drove him to his villa. Kaunting gamit na lang ang dala niya kasi ang iba ay binitbit na ng mom niya kaninang umaga nang bumyahe ito kasama ang dad niya.
Nang maiwanan siya ng golf car, hindi naman siya takot kasi kahit gabi na ay maliwanag pa rin sa loob ng resorts with all the lights that surround him, pumasok na siya sa room niya.
It’s too big for him bilang mag-isa lang siya ngayong gabi. Mabuti na lang at hindi siya takot. ‘Yung mga kaibigan naman niya, hindi na siya sinamahan at ginulo ngayon. It’s 9 PM, late na for him na kailangan ng magrest para fresh na fresh bukas kahit maagang gigising. Ang naisip naman niya, makatulog kaya siya?
He’s too… excited. Syempre, kabado rin. Mixed emotions but above all, he is happy.
Tomorrow is their much awaited day. Sinong hindi matutuwa? Hindi magiging masaya? Finally, dito na ang hantong nila.
He puts his bag and all the other stuff na dala niya sa couch. He hasn’t received a reply yet, probably still at the party the friends and some co-teachers prepared tonight. Alam niya kasi nagsabi ito sa kanya kanina. A surprise was held pero bago mag-enjoy ay kinwento na muna sa kanya thru text. Cute.
Bago libutin ang buong kwarto, he decided to take a shower first and get changed. He can’t sleep nang hindi naglilinis ng katawan. Hindi rin niya kayang humiga sa kama pag ganun. That for him is unhygienic.
After 20 minutes, lumabas na rin siya. Hindi naman kasi siya ‘yung tipo to spend an hour or almost sa loob ng CR. Of course, except when he is not alone. Now all clean and fresh, he proceeds to his bed. Hindi pa siya agad-agad makakahiga kasi naroon ang ibang gamit niya na hindi niya kasama sa flight niya ngayong gabi. Malamang ay dinaan na ron ng mom niya pagdating nito sa resort kanina.
Inayos niya muna ang mga ‘yon. He’s very organized. Hindi siya makakatulog habang nagkagulo ang mga gamit niya. Hindi lang siya mapapakali.
He sorted everything out. The ones that he’s going to use tomorrow sa mga hindi but will surely be used for the following days that they’re going to stay there. Nakahiwalay na ang mga ‘yon sa separate bags. After that, bumalik na siya ulit sa kama.
Binagsak niya ang sarili niya ron, eyes landed onto the medium sized box placed on top of the bedside table, beside a lamp.
The box is just… a box. Hindi magarbo, walang ka-design design. If just anyone’s going to see it, they will surely think there’s nothing special in it. But since he knows what’s inside, he considers that box a treasure.
Natawa pa nga siya kasi anong ginagawa ng box na ‘yon sa resort? Nauna pa sa kanya. Probably, nadala ng mom niya sa pag-aakalang kakailangain niya ‘yon para bukas. As far as he remembers, naiwanan niya ‘yon katabi ng mga bags niya. Binuksan niya kasi ang cabinet kahapon habang nagrerecheck kung may hindi ba siya nailagay sa bagahe niya. Doon niya nakita ang box na nilabas niya. Titingnan niya sana ang mga laman. Wala lang, masaya lang balikan ang panahon na ‘yon kaya lang may tumawag at napasarap ang kwentuhan nila about their day, about what will happen the day next, and the next, and the next. Hindi na niya ‘yon nabalikan kaya naiwanan niya sa labas ng taguan.
Kinuha niya ‘yon at umayos ng upo. Sumandal siya sa headboard ng kama, placing a white, big, and fluffy pillow on his lap before placing the precious box on top of it.
He smiles, opening the box. The curve on his lips grows wide as he sees what’s inside. Kung kailan niya huling binuksan ‘yon, hindi na niya matandaan kaya natutuwa siyang kahit hindi sinasadya ay nadala ‘yon sa lugar kung saan gaganapin ang tila naging bunga ng mga sulat na nasa loob.
Dahil nga organized siyang tao, hindi basta na lang nilagay ang mga sulat na ‘yon sa loob. It is arranged from the very first to the last.
Kinuha niya ang nasa pinaka ibabaw, feeling all giddy lalo na nang buksan niya ‘yon at mabasa ang nakalagay sa loob. It’s always like that. Ilang taon na, those letters still have the same effect on him. Those letters are magical for him, they remind him of the past, as if they have the power to bring him back to where their love story started.
Cellphone and his fiance’s reply which he has been waiting for long forgotten, he reads the very first letter he received from someone who pursued and courted him the same way he had proposed his love and affection to that person.
The paper’s crumpled. He laughs as he remembers kung paano niya ‘yon inipit sa makapal na libro at plantsahin paulit-ulit gamit ang kamay nang bumalik na ang kilig niya.
It was a rainy Thursday afternoon when their paths crossed again weeks after the nose bleeding and 7/11 incident.
It’s 5 PM. Pagkatapos mag-aral sa isang coffee shop that was only one cross away from the university, Baekhyun fixed his things, put all those inside his bag, and cleared the table.
He’s alone. Hindi niya kasama ang dalawa niyang kaibigan na sina Jongdae at Minseok bilang may mga meeting ito sa orgs where he was not belong. Ayaw niya lang. ‘Di niya trip. At dahil isa pa sa mga ayaw niyang gawin ay ang umuwi nang maaga bilang nababagot siya sa bahay kung saan siguradong ikukulong lang din naman niya ang sarili sa kwarto, he decided to stay and read as advance study for the lectures the next day.
Mabuti pa sa coffee shop, peaceful. Not that maingay sa bahay nila pero doon kasi sa sobrang tahimik dahil madalas ang mga kasambahay lang nila ang kasama niya, tila nakakabingi. Unlike at the coffee shop. Almost everyone there was studying, finishing whatever’s in there on their laptops with a chill jazz music in the background. He didn’t have to put his airpods on to mute everything and avoid being distracted. ‘Di rin tulad pag nasa library with his friends kung saan parang mga bubuyog na walang tigil sa buzzing sound ang mga mahihinang nagkukwentuhan, mga nagpapanggap na mag-aaral para makapasok pero sa totoo ay naroon lang para magpalamig.
Sa kaibigan niya pa lang na si Jongdae, solved na ang tenga niya tapos dadagdagan pa ng mga malapit sa table nila? He couldn’t focus kaya minsan din talaga ay nag-aaya siyang sa ibang lugar sila. Mas nakakagana rin naman kasi kapag iba-iba ang nakikita kaysa ‘yung paulit-ulit at iisang four cornered wall lang.
As he told Minseok in his maarte tone, nakakaumay.
Matapos maiayos ang mga gamit, he rechecked his phone to see if the driver’s there to pick him up na. Nang malapit na kasi siyang matapos magbasa, nagpasundo na siya rito para naman hindi siya masyadong matagal maghintay at hindi rin ito mainip kung maaga siyang magsabi. Fair lang para sa kanilang dalawa.
As much as he valued his time, he knew ganoon din ang mga kasama nila sa bahay at tulad din niya sa pag-aaral, in pleasing his dad, napapagod din ang mga ito. Hindi siya salbahe ‘no. Malayo sa iniisip ng iba.
Nang matanggap ang text ng driver na parating na raw ito sa harap ng coffee shop, bilang bawal din ito magtagal doon dahil it’s along the highway, lumabas na siya. Wala siyang payong na dala dahil noong nagpunta siya ron after lunch, ganun na siya katagal nag-aral sa coffee shop, ay mataas ang tirik ng araw. Hindi niya inasahang uulan pala nang malakas ng hapon na ‘yon.
Mabuti na lang at may silong pa paglabas. Hindi nabasa ang itaas na bahagi ng katawan niya, pero ang tubig na bumabagsak sa sahig ay tumatalsik sa paanan niya.
Pinagsawalang bahala niya ‘yon. Mabuti nga at walang baha. Wala pa. Kakasimula pa lang kasi ng ulan. Siguradong hindi magtatagal kung lumakas pa lalo ay lulubog ang mga paa ng mga taong naroon.
Sinubukan niyang tanawin kung paparating na ba ang kotseng madalas gamitin panundo sa kanya ngunit hindi niya makita. Cars were starting to line up, naiipon na ang mga ito dahil sa nagsisimulang traffic. Kung sabagay, kahit anong oras naman sa lugar na ‘yon, hindi ito nawawala.
He stayed there. Para kung sakaling dumating na ang kotse ay sasakay na lang siya agad, hindi sila makakaabala sa iba.
It was starting to get breezy. Mabuti na lang at hindi niya tinanggal ang hoodie na suot niya. Kaya lang, nagugulo ng malakas na hangin na ‘yon ang malambot niyang buhok.
With his backpack na nakasabit sa dalawang braso niya na nasa likuran niya, he rested both of his hands inside the pockets of his hoodie.
He waited patiently. Mabagal din kasi ang pag-usad ang traffic. Seeing it like that, siguradong gagabihin siya makauwi pero dahil wala namang naghihintay sa kanya as both of his parents were working till late night, hindi na problema sa kanila ang gabihin siya basta ba sa school siya galing, pag-aaral ang totoong dahilan, sinundo ng driver, at wala ng iba.
Muli siyang tumanaw by tiptoeing. May nakita siyang kapareha ng kulay ngunit dahil may kalayuan pa ay hindi niya nagawang matingnan ang plate number kaya hindi siya sigurado ngunit inisip niyang sana nga ay iyon na. Nalihis lang ang paningin niya sa mga sasakyan nang may tumalsik na tubig sa mukha niya.
Pinunasan niya ‘yon at mabilis nilingon ang taong tumabi sa kanya at dahilan kung bakit nabasa siya. Pinagpag kasi nito ang payong na dala.
Hindi man lang nag-iingat!
Mabuti na lang at alam nito na mali ang ginawa. Sabay nilang tiningnan ang isa’t-isa at sana… Sana hindi na lang niya ginawa. Naisip niya.
It was very awkward seeing Chanyeol again. Dati-rati, hirap na hirap siyang hagilapin ito upang masilayan kaya dinadaan niya na lang sa pag-iwan ng mga sulat sa locker. Kung kailan naman iniiwasan na niya, saka pa siya binigyan ng pagkakataon upang makasabay ito.
Mukhang patawid si Chanyeol bilang ilang hakbang lang ang layo nila sa katapat na pedestrian lane pero hindi na niya ‘yon sisiguraduhin pa. Wala na siyang balak, hindi na siya interesado.
Umiwas siya ng tingin, silently praying na please naman dumating na sana ang kotse hanggang sa marinig niyang nagsalita ito.
“ I’m sorry.”
Those two words and the way Chanyeol said it… It reminded him of that night in the convenience store. Ganun na ganun din ang sinabi at pagkakasabi nito. The same night na may huling beses siyang may narinig mula mismo before that rainy day rito pero natanggap? Hindi.
A few days after he insisted for Chanyeol’s bleeding nose to get treated dahil sa pagtatago nito upang pakinggan siyang may kausap sa cellphone after hearing him crying, he received a letter in his locker.
At first glance, he ignored it, thinking it was a paper ripped from his notebook na hindi niya lang matandaan pero dahil lahat ng sinusulat niya ay importante, hindi niya tinapon. Nagmamadali na kasi siya ‘non dahil mahuhuli na siya kaya ang sabi niya hindi niya muna ichecheck, but realizing the way it was folded na parang nakabisa dahil palaging nakikita at wala namang ibang gumagawa ‘non, sa pagkakaalam niya, bukod sa kanya na hindi naman mag-iiwan ng ganoong papel sa sarili niyang locker, binalikan niya at kinuha.
Without expecting anything that it was written for him, kasi habang naglalakad palayo sa locker niya matapos niyang balikan ang sulat, he thought it’s one of his used-to-be precious love letters for Chanyeol na hindi lang niya nabigay, talagang napahinto siya sa paglalakad kahit mahuhuli na siya sa klase niya nang buksan niya ‘yon at makitang hindi sa kanya ang sulat.
First of all, his handwriting is neat and clean. Hindi tulad nitong malapit na sigurong sa typical sulat-kamay ng mga doctor sa reseta. Buti na lang at nagawa pa ring maging readable. Second, bakit naman niya iaaddress sa sarili niya ang sulat? Third, by the way it was folded na siya lang naman ang gumagawa, nakaramdam na siya.
Kinabahan siya.
Ignoring the time, naupo siya sa isang garden bench na malapit. Kung maaga-aga lang o lunchtime, hindi siya makakahanap ng bakanteng ganun pero dahil halos lahat ay nasa klase na at kakaunti na lang ang taong pagala-gala pa tulad niya, nagkaroon siya ng pagkakataon.
Mas pinili niya na rin doon bilang tahimik. Kung sa klase niya ginawa, paniguradong makikibasa ang katabi niyang si Jongdae at kahit hindi magpapahalata ay makikisilip din si Minseok.
Umayos siya ng upo then he read the letter.
Dear Baekhyun,
Alam ko hindi mo ineexpect ang sulat na ito at hindi rin ito magiging sapat para tanggapin mo ang sorry ko, pero makulit ako kaya ginawa ko pa rin dahil gusto kong malaman mo na sincere ako sa paghingi ng tawad sayo at hindi ko ginagawa dahil lang guilty ako.
Oo, naramdaman at nararamdaman ko pa rin ‘yon hanggang ngayon pero ‘yon ay dahil alam kong hindi mo deserve ang ganung tingin sayo o kahit ang danasin ‘yon. I didn’t realize the weight of my words and actions. I am really sorry, Baekhyun. Alam ko hindi ganun kadali but I will wait for the time that you heal.
SYC.
Wala mang nakalagay kung kanino galing, hindi naman na ‘yon kailangan. Wala namang ibang magsosorry sa kanya kundi isang tao lang. May isang concern lang si Baekhyun noong araw na ‘yon na hanggang noong nagkita silang muli sa harapan ng coffee shop habang patuloy na bumabagsak ang ulan ay hindi niya pa rin alam kung paano.
Ang paghulog ng sulat sa locker niya, ang pagkakatupi ng papel. It was a confirmation that Chanyeol knew he’s LB.
Paniguradong doon din nito nakuha ang SYC that meant something. Hindi na lang din siya nag-assume ng kahit na ano noong araw na ‘yon. Kinalimutan niya na nga na mayroon siyang natanggap na ganoon kasabay rin ng pagkalimot niya ng pagtingin niya kay Chanyeol. Kaya lang nagtagpo naman ang mga landas nila.
Nanatili siyang nakaabang sa sundo niyang paparating na. Sigurado na siya noong mga sandaling ‘yon dahil natanaw na niya ang plate. Hindi niya hinarap si Chanyeol at umaktong parang walang narinig. Balak niyang huwag na lang itong pansinin nang may mapadaang mga estudyante rin from another university na malapit lang sa kanila. Nagtatakbuhan ang mga ito upang makasilong. Madulas ang sahig dahil sa talsik ng tubig ulan. Mukhang mababangga pa siya ng isa na hindi nakontrol ang galaw kaya tumabi siya at umatras, dahilan upang matamaan ng likuran niya ang balikat ni Chanyeol.
Hindi niya alam na ganun pala sila kalapit sa isa’t-isa para isang hakbang niya lang ay magdikit ang mga katawan nila.
Dahil sa panic, muntikan din siyang madulas kung hindi lang siya nahawakan ni Chanyeol. Sinalo siya nito sa balikat kaya para siyang inaakbayan.
Mabilis siyang tumayo nang maayos. Ang bilis ng tibok ng puso niya. Nalagpasan na sila ng mga estudyanteng muntik pang makagawa ng disgrasya.
Chanyeol saved him that day at hindi niya ‘yon pwedeng isawalang bahala lang. Tapos ano? Chanyeol would think na ayos na ang lahat dahil quits na sila? Or worse, isipin pa nitong may utang na loob siya. Isa pa, naturuan naman siya ng good manners and right conduct. ‘Di tulad ng iniisip nito sa kanya, kaya kahit iniiwasan niyang gawin ay hinarap niya ito upang sabihing, “Thank you.”
Tumango naman si Chanyeol. That kind of interaction. He waited for that moment. As hopeless romantic as it may sound, he used to imagine things that make him kilig every night before going to sleep, lalo na noong nasa high school pa sila.
He really liked Chanyeol. But he loves himself more. Bakit niya ipipilit ang sarili niya sa taong ayaw at hindi maganda ang tingin sa kanya? He knew he didn’t deserve that. Mabuti na lang din at dahil sa ginawa ni Chanyeol, kahit masakit at naging dahilan din upang mas lumaki ang pagitan sa kanila ng ama niya, natauhan siya.
He deserved someone that would love and accept him for who he is. He’s tired of making an effort to seek validation from others that he wasn’t able to get at home.
Naisip niya, maswerte pa rin siya at nandyan sina Jongdae at Minseok. Oo, kaya lang naman sila naging malapit sa isa’t-isa noong una ay dahil sa mga pinakita niya sa mga ito, mamahaling gamit, maganda at malaking bahay, he even shared homework answers, reviewers, and the likes pero habang tumatagal, nakita niyang hindi ang mga bagay na ‘yon ang habol sa kanya ng mga kaibigan niya. Even without those things, he’d still be their friend kasi siya si Baekhyun. At narealize niya ‘yon lahat ng dahil sa nangyari sa kanila ni Chanyeol.
No matter how hard you try to please other people, if they don’t like you, they won’t.
Magmula rin ‘non, ayaw na niya sa atensyon. ‘Yung Baekhyun Byun na halos ipagsigawan sa lahat sa tuwing may panibago siyang achievement o ‘di kaya ay bagong sapatos, bag, at kung ano-ano pa, naging tahimik na. ‘Yung sa pag-aaral niya, hindi naman ‘yon nawala.
After all, ang sinabi niya nga sa sarili niya, ‘yon na lang ang tanging mayroon siya. Sa pag-aaral na lang niya igugugol ang lahat ng oras niya kasi ‘yon na lang ang natitira sa kanya, doon na lang siya magaling. Kung hindi pa rin, ano na lang ang mangyayari sa kanya? Kung hindi niya mahihigitan o mapapantayan man lang ang ama niya tulad ng gusto nitong mangyari, mas lalo lang nitong ipaparamdam sa kanya na hindi masayang siya ang naging anak.
Mabuti na lang, bukod kay Minseok at Jongdae, nandyan din ang mama niya. Hindi man ito palaging andyan dahil may negosyong kailangang asikasuhin, nagagawa niya pa ring magsabi rito tungkol sa iilang mga bagay. Hindi lang lahat kasi ayaw niya na ring bigyan ng problema pa. Alam niyang sobra na ang stress na dulot ng trabaho, dadagdag pa ba siya?
Isa pa, kung tutuusin, hindi lang din naman tatlong tao ang mayroon siya. There’s Kuya Boy na hindi siya pinababayaang mahirapan magcommute at makisiksik sa maraming tao. There’s Nanay Helen na hindi umalis sa tabi niya magmula noong maliit pa siya. And, Ate Myrna na araw-araw ay hinahandaan siya ng masasarap na pagkain bago siya pumasok at sa gabi bago siya matulog.
Masakit ang ginawa ni Chanyeol, ngunit dahil doon ay natuto siyang makuntento. Mas naappreciate din niya ang mga tao at bagay na mayroon siya. Mas minahal pa niya ang sarili niya dahil nakita na niya ang halaga.
Wala na siyang sinabi pa kay Chanyeol pagkatapos magpasalamat. Sakto rin at huminto na ang kotseng inaantay niya. Without taking a glance at the latter, he ran to the car. Bababa pa nga sana ang driver upang pagbuksan siya’t payungan pero sinuot na lang niya ang hood sa ulo niya at sinabihan itong huwag na para rin mas mabilis na sila.
Nang masakay siya, diretso lang sa daan ang tingin niya ngunit nang magsimula nang umandar, hindi rin niya napigilang lingunin si Chanyeol na nakatayo pa rin kung saan niya iniwan.
Nakasunod ito ng tingin sa sasakyan.
That same night, nang makauwi siya, dumiretso siya sa dining to have dinner. The usual. Wala ang parents niya pero naroon ang mga kasama niya na magmula pa noon ay mga kasabay niya na talagang kumain. Noong una pa nga ay ayaw ng mga ito but he insisted kasi malungkot kumain mag-isa. Isa pa, sila-sila na lang apat ang madalas magkakasama roon kaya pamilya na ang turing niya sa mga ito lalo pa’t ilang taon na silang magkakasama.
Matapos ang hapunan, dumiretso siya ng kwarto. He took a shower. Pagkatapos ‘non, nag-ayos na siya ng bag. He always did that every night para siguradong walang makakalimutan sa susunod na araw.
Sa pagbukas niya ng isang pocket, bumungad sa kanya ang sulat na natanggap niya mula kay Chanyeol.
That letter was a reminder of how stupid he was for being a secret admirer of someone for how many years. Kung one-sided lang naman, walang kaso ‘yon. Kaya lang mas higit pa ron ang pinaramdam ni Chanyeol sa kanya. Oo, alam nitong mali pero kung hindi kaya siya narinig ni Chanyeol na umiiyak habang kausap ang mama niya noong gabing dinala niya ito sa 7/11 dahil dumudugo ang ilong, would Chanyeol still apologize? Would he still feel the guilt? O hindi? Kinailangan ba munang makitang may luha sa mga mata niya upang malaman nitong nasaktan siya?
Nakakainis! Hindi niya tuloy alam kung totoo bang sincere ito o dahil lang sa guilt. Bilang ‘yon ang tumatakbo sa isip niya, hindi niya napigilan ang kamay niya. He took the letter and crumpled it. Ginusto pa nga niyang punitin at itapon yet later that night, he found himself staring at the still crumpled paper on top of his study table while he was seated on his bed.
The second time there was a letter in his locker, hindi agad-agad pagkatapos ng nauna. Marami na ang exams and events na nagdaan. Even the term ay natapos na. Sa totoo lang, he wasn’t expecting anything. Mas nagulat pa nga siya nang muling makatanggap pagkatapos ng ilang buwang lumipas.
It was during the junior’s orientation. Sa wakas ay third year na sila. Pagkatapos ng assembly meeting, nagkayayaan silang tatlong magkakaibigan na pumunta ng mall at doon na kumain ng late lunch. Bilang naroon na rin naman, bumili na muna sila ng mga libro na required that semester sa bookstore. Syempre, hindi naman nila ‘yon bibitbitin pa sa gala nila hanggang sa bahay.
Dumiretso sila ng locker. Still the same one they had before. Magkakalapit sila pero hindi magkakadikit.
He was expecting it to be empty, kasi ganun niya naman talaga ‘yon iniwan kaya talagang nabigla siya nang makitang may papel doon. Ang naisip pa niya ‘non, may naiwang basura until he noticed the fold.
Bukod sa gulat, sobra rin siyang nagtaka kung bakit siya nakatanggap. For the past months, he did his best to completely forget about Chanyeol and his feelings toward the latter.
Tila nga talagang mapagbiro ang panahon dahil noong pasulat-sulat lang siya rito, ang hirap hagilapin ni Chanyeol na minsan talagang gusto niya lang masilayan para naman mas ganahan daw siyang makapag-aral at makasagot nang maayos sa mga exam. Pero noong nagsimula na siyang iwasan ito matapos ang nangyari, madalas niya itong makasalubong.
Sobrang nakakailang lalo pa sa tuwing pareho silang walang kasama. Sa tuwing magtatama ang mga tingin nila, siya ang unang iiwas at aaktong parang hindi kilala ang nakita. Kung sabagay, ‘yon naman kasi ang totoo. Hindi niya kilala si Chanyeol.
Sa ilang beses nangyari ‘yon, sinulit niya ang bakasyong hindi niya ito nakikita at walang naririnig na kahit na ano patungkol dito upang mas maka- move on, hindi lang sa nararamdaman niya kundi pati na rin sa nangyari. Ayaw rin naman niya kasing buong buhay niya ay dadalhin niya ‘yon, lalo pa’t naging ayos naman na sila ng ama niya.
Not really maayos kasi sadyang hindi na niya yata mapapalambot ang puso nito. They never talked about it again. Basta when he maintained being a scholar and in the dean’s list, civil na ulit sila and that’s enough for him. As long as hindi siya nakakarinig na ikinakahiya siya, ayos na ‘yon para sa kanya.
Sa dalawang buwan na ‘yon, napahinga ang isip niya tungkol kay Chanyeol kaya nang muli siyang makatanggap ng sulat galing dito, naisip niyang hindi pa rin siguro ito tapos makonsensya.
Nilagay niya muna ang lahat ng libro sa loob ng locker niya bago kuhain ang sulat. Habang nag-aayos pa sina Jongdae at Minseok, nagpaalam siyang magbabanyo muna at hintayin na lang siya ron. Nagmadali pa nga siya kasi baka sumunod si Jongdae. Nang makarating sa CR, pumasok siya sa isang cubicle at doon binuksan ang papel.
Dear Baekhyun,
This letter was written this morning as you received this. Ngayong orientation day kung late mo na makikita at mababasa. Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit ko ba ‘to sinusulat. Gusto lang kitang kamustahin, kahit na alam ko namang hindi ko makukuha ang sagot.
You’re probably thinking that I am doing this because I am still guilty of what I did last term. Totoo naman ‘yon. But aside from that, I want you to know that I am worried. I know that doing this will keep reminding you of what happened which I don’t know if you’ve already forgotten and I am sorry about that. I don’t know what me, writing to you, will do yet I still can’t let all these thoughts just stay in my mind.
Goodluck sa third year. I know this year will be harder, but I hope you make it through this year unscathed. I wish you all the best.
SYC.
Napaupo siya sa nakatakip na toilet bowl pagkatapos ‘non. Huminga siya nang malalim at naisip na sa ginagawa ni Chanyeol, parang siya naman ‘tong nakakaramdam ng guilt. Dapat ba sumagot siya at sabihing ayos na ang lahat?
Kung tutuusin, pwede niyang gawin para matigil na rin ang ginagawa nito. Kaya lang hindi niya maiwasang isipin na pinagtitripan siya nito, lalo pa’t ginaya pa ang paraan kung paano niya pinahahatid ang sulat noon.
If Chanyeol didn’t find out about him being LB, would the latter still care and be worried of what he might be feeling and thinking?
Baka pakiramdam nito ay natapakan ang pride bilang nawalan ng tagahanga, nawala si LB.
Hindi na niya alam kung tama pa ba ang lahat ng naiisip niya. Basta ang naging desisyon niya noong araw na ‘yon ay muling kalimutan ang sulat. Lumabas siya ng banyo at bumalik sa mga kaibigan niya. Hinihintay na rin sila ni Kuya Boy na ihahatid sila sa isang mall.
Tinago niya ang papel sa bag na dala niya at mineet na lang sina Minseok at Jongdae sa first floor ng building kung asan sila para sabay-sabay ng lumabas.
Tulad ng napag-usapan noong araw na ‘yon, hinatid sila sa mall. Binigyan niya ng pangkain ang driver para kung sakaling magutom ito. Sobra-sobra naman kasi ang allowance niya. Baka kasi matagalan sila. Sinabihan niya ring umuwi na muna kung mainip. Gusto niya sanang sabihing mag-taxi na lang siya para hindi na siya hintayin pero hindi naman siya papayagan. Ilang beses na niyang sinubukan kaya alam na alam na niya ang mangyayari kung sakaling muli siyang magsabi.
Sa Blake’s nila napagdesisyunang kumain. He had truffle cream pasta. Sa gitna ng kwentuhan about how nervous and at the same time excited they are for the term, bitin na bakasyon, and expectations, nakatanggap siya ng tawag from his mother.
If there’s time, his mom really checks on him. Nasa Australia ito para sa isang business trip noong panahon na ‘yon. Sobrang ironic man pero mas may oras pa talaga ito upang tawagan at kamustahin siya sa tuwing nasa ibang bansa. Iba talaga ang kabusy-han kapag nasa Pinas lang.
Nag-excuse siya sa mga kasama niya. Nakaraang linggo pa nang huli niyang makita ang mama niya. His grandparents were also in Australia. They’re the first people that came to his mind when he saw his mom calling. Probably ay pinatawagan siya upang makausap at makamusta rin. Hindi naman siya nagkamali.
He talked with his abuelo and abuela. Medyo napahaba ang usapan dahil ang tagal na rin magmula nang makamusta siya ng mga ito. He was told to visit them sa susunod na bakasyon. Pumayag naman siya at sinabing if time permits, he’d spend the next Christmas there.
Sobra siyang nalibang bilang mabait at malapit din talaga siya sa grandparents niya, kahit his lolo and lola from father side.
Since nasa labas ng restaurant, gumilid siya at sumandal pa sa railings sa bay area. After a while, nagpaalam na rin sila sa isa’t-isa. Magpapahinga na raw ang matatanda at babalik naman siya sa mga kaibigan niya. Tatapusin na rin niya ang pagkain niya.
Binaba na niya ang tawag at pabalik na sanang muli sa loob ng restaurant nang saktong paglingon niya sa kanan, hindi naman siya sinasadya at napatingin lang siya talaga, ay nakita niya si Chanyeol kasama ang kaibigan nitong si Jongin.
Kilala niya ang huli. Ganun naman kasi yata talaga ‘yon? You know who your crush’s closest friend lalo pa kung pare-pareho kayo ng pinanggalingang school or even work. Syempre, laging nakamasid. But in his case, Chanyeol’s not anymore his crush. Still, he remembered Jongin.
Kinabahan siya. ‘Di niya rin alam kung bakit pero nakaramdam siya ng kaba at pagkataranta nang makita na rin siya nito. Mabilis siyang umiwas ng tingin at nagdire-diretso papasok ng restaurant.
He knew that was the right thing to do… until there’s another letter for him which he saw the next time he opened his locker when regular classes began.
Dear Baekhyun,
I saw you last week at a mall. Humarap ka sa kung nasaan ako pero hindi ako sigurado kung nakita mo rin ba ako. Hindi ko rin alam kung bakit sinasabi ko ang bagay na ‘to sayo. You seem fine. I hope you are and that you will stay that way.
Goodluck ulit.
SYC.
Tulad lang ng mga nauna niyang natanggap, he ignored yet kept it. Hindi rin niya alam kung ano bang mayroon sa mga sulat na ‘yon at hindi niya matapon-tapon. Pagkatapos ng araw na ‘yon, wala naman na siyang natanggap at hindi na rin siya umasa pa. Matagal na rin. Tila nanumbalik sa normal ang lahat, parang noong high school lang, noong mga panahong hindi pa niya kilala si Chanyeol. Wala siyang ibang iniintindi kundi ang pagiging estudyante niya… hanggang isang araw nang mapadaan siya sa integrated school. May event at program ang mga bata.
There’s nothing new in his route kasi malapit talaga doon ang building ng unang klase niya ngunit bago siya makarating doon ay nakasalubong niya ang mga grade two students na nagtatakbuhan habang suot ang kani-kanilang costume at papunta sa gym.
Syempre, gumilid siya para hindi siya matamaan at hindi rin makaistorbo. Tahimik siyang naglalakad with his phone on his hand nang may narinig siyang bumagsak at kasunod ‘non ay ang pag-iyak. Naagaw ‘non ang pansin niya kaya naman tumingin siya sa likuran kung saan nanggaling ang ingay at nakita niya ron ang isang batang nadapa.
Pinaligiran ito ng iba pang mga batang nakakita. May mga nag-alala at mayroon ding mga tumawa. Kumunot ang noo niya. Hindi niya nagustuhan ang huling nakita. Mabuti na lang at maaga pa, hindi pa siya late at dahil naawa siya sa bata, nilapitan niya ito.
Nag-excuse siya sa mga bata na pinadaan naman siya.
Isang batang lalaki ang nadapa. He crouched in front of the injured and crying kid at tinulungan itong makatayo. Nakita niya ang sugat sa tuhod nito.
“I have to bring you to the clinic. Can you walk?” Nag-aalalang tanong niya sa bata.
Umiling naman ito habang patuloy sa pag-iyak. Tumango siya’t tinago ang cellphone niya sa bulsa ng pants niya.
First time niya sanang gagawin ‘yon— Ang magbuhat ng bata. Wala siyang experience dahil unang-una, wala naman siyang kapatid. Pangalawa, oo may mga pinsan siyang bata pero hindi niya binubuhat. Nakikipaglaro lang siya kung minsan. Hindi rin naman sila madalas magkita-kita dahil magkakalayo ang mga tinitirhan.
Hindi siya sanay pero gagawin niya para sa bata dahil nakakaawa naman kung iiwanan niya lang doon. Kaya lang may dumating at lumapit din.
‘Yung may ibang lalapit sa ganun sitwasyon, hindi na bago ‘yon pero hindi niya inasahan na si Chanyeol pa ang gagawa ‘non.
Talaga nga namang para siyang pinaglalaruan. Dati-rati ang hirap hagilapin ni Chanyeol. Kung kailan iniiwasan na niya ito at ayaw na sanang masilayan pa, naging madalas naman.
Gaya ng ginawa niya, pumunta rin ito sa harapan ng bata. Tiningnan siya nito. Saglit na saglit lang at nilihis na rin ang tingin matapos sabihing, “Ako na.”
Tumabi naman siya bilang mukhang mas sanay si Chanyeol. Magtatalo pa ba sila sa bagay na ‘yon? Lalo pa’t kailangan na talagang madalas sa clinic ng bata.
Binuhat ito ni Chanyeol at mabilis naglakad papunta sa clinic na nasa first floor lang ng primary school building, malapit-lapit lang. Habang siya naman ay naiwan kasama ang mga tingin niya ay kaklase ng batang nasaktan dahil nag-uusap usap ang mga ito.
Bumuntong hininga siya matapos ‘non at tumayo na ngunit hindi pa rin diretso. Pinatong niya ang dalawang kamay sa magkabila niyang tuhod upang makausap ang mga batang natira kasama niya.
“Kids..” Simula niya. Tiningnan naman siya ng mga ito. “Nakita ko ‘yon kanina ha? ‘Yung iba sa inyo tumatawa pa.” Malumanay ang pagsasalita niya. “You shouldn’t find it funny seeing others suffering. Kung sa inyo mangyari at gawin ‘yon, what would you feel?”
Tumahimik ang mga bata hanggang sa sumagot ang isang babae na ang buhok ay nakapigtail na pagkataas-taas.
“Are you scolding us po, Kuya?”
Natawa siya. Mukha kasing natakot ang mga ito. May ganun pala siyang epekto? Umiling siya at ngumiti sa mga ito, para naman hindi tuluyang matakot sa kanya kasi ayaw niya ‘non.
“No. I have no right. Sinasabi ko lang sa inyo kasi mali ‘yon at kapag teacher pa ang nakakita o makakita sa susunod na ulitin niyo, baka mapagalitan na talaga kayo.” Ang sagot niya rito. “Kaya huwag niyo nang uulitin ha?”
“Opo.” Sabay-sabay naman na sagot ng mga bata.
Mas lalo namang lumapad ang ngiti niya. Ang cucute. “Oh, sige na. Mukhang magsasayaw pa kayo sa gym?”
Nagsitango ang mga ito. Lumapit naman ang isang batang babae sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Napatingin siya rito dahil sa gulat.
“Pwede ka po bang manood ng sayaw namin, Kuya?”
He protruded his lips tapos ay umiling. Sabay-sabay namang bumagsak ang balikat ng mga bata.
“Sorry, may class kasi si kuya eh.”
“Sayang naman po.” Sabi ng iba pa.
“Oo nga, sayang. Pero siguro iuupload naman nila ang video sa Facebook. I’m just going to check it there.”
Muling napangiti ang mga bata. “Sige po! Panoorin mo po ang performance ng Grade II-Hope!”
“Grade II-Hope.” He smiled at everyone. “Sige. Mamaya hahanapin ko. Ano palang mga pangalan niyo?”
“Ako po si Lia!” Agad na sagot ng batang babaeng kumapit sa kamay niya tapos ay nagsunod-sunod na ang ibang mga bata sa pagsabi ng mga pangalan nila.
“Ako po si Migs!”
“I’m Carl!”
“Nate po!”
“James!”
“I’m Stacy Joanna Leigh P. Ang!”
Tiningnan niya ang huling nagsalita. “Ang haba ng pangalan mo. Hindi ba nakakapagod isulat ‘yon sa test paper?”
“Hindi naman po. I am masipag po magsulat.” Ang sagot ng bata.
Muli siyang natawa. Hindi mahaba ang pangalan niya but somehow, that kid reminded him of his younger self. Ganun din kasi siya noong maliit pa siya kapag nagpapakilala sa tuwing may nagtatanong sa kanya. Buong-buo. Minsan may kasama pang edad at kung ano-anong background such as his age, hobbies, favorite TV show, and the likes.
“That’s good. Sige na, si Kuya naman ang magsusulat ah? I have to go to my class.”
“But wait lang po!” Sabay sabay na sabi ng mga ito. “Ikaw po, kuya? Ano pong pangalan niyo?”
Mabilis naman niyang sinagot ang tanong ng mga ito. “Baekhyun. But just call me Kuya Baek pag nakita niyo ako ulit sa susunod ha?”
“Ang cute po ng name niyo po. Just like you.” Ang sabi ni Stacy na nakapagpangiti sa kanya lalo. He chuckled and waved at everyone who waved back at him.
“Bye bye po, Kuya Baek!”
Dumiretso na siya sa klase niya pagkatapos. Kinatanghalian ng araw na ‘yon, nang kukuha siya ng gamit sa locker niya, isang sulat na naman ang bumungad sa kanya pagbukas.
Dear Baekhyun,
Okay na si Gelo, ‘yung batang nasugatan kanina at tinulungan mo. Mababaw lang ang sugat niya at sabi ng nurse ay gagaling din basta lilinisan araw-araw kaya wag ka nang mag-alala.
Mahilig ka pala sa mga bata? Pasensya ka na, hindi ko naman sinasadya. Pagkahatid ko kasi kay Gelo sa clinic, bumalik agad ako sa pinagkuhaan ko sa kanya kaya narinig ko ang usapan niyo ng mga kaibigan niya. Alam mo ako rin, cute na cute sa mga bata, lalo na ‘yung mga madadaldal at masarap kakwentuhan. Parang kayo lang kanina. Sigurado tuwang-tuwa ang mga ‘yon kasi may panibago silang Kuya. ‘Wag ka ring mag-alala kasi kahit si Gelo ay kilala ka na at sabi niya sakin hahanapin ka daw niya kapag kaya na niyang maglakad nang maayos ulit para magpasalamat.
Napahaba na ‘to. Hindi ko rin alam kung bakit sinusulat ko ‘to. Natuwa lang siguro talaga ako sa nakita ko kanina. Pasensya ka na sa kakulitan ko. Sana maging maganda ang araw mo.
SYC.
Normally, Baekhyun would keep the paper right after reading what’s written inside pero ‘yung sulat na ‘yon ni Chanyeol ay matagal niya munang tinitigan bago ito itago matapos basahin. Hindi rin niya napigilang mapangiti at mapailing sa nakita sa dulo.
Halatang ginagaya kasi siya nito. Chanyeol’s trying his best to be mysterious and anonymous by putting SYC in the end pero ‘yung content naman ng sulat ay halatang-halata kung sino ang gumawa.
Sa huli, tinago niya rin ‘yon at nasabi niya sa sarili niyang sa ilang sulat na natanggap niya mula rito, ‘yon ang sulat na binasa niya nang magaan ang loob niya.
Ngunit hindi ‘yon doon natapos.
Makalipas ang araw na ‘yon, sa tuwing bubuksan niya ang locker niya bago ang unang klase niya ay may mga sulat galing kay Chanyeol. Naglalaman ang mga ito ng good morning and good luck messages. Tila nakita niya ang dati niyang sarili sa huli dahil sa mga nababasang sulat galing dito.
Noong una, gaya lang din noong apology letter ang natanggap niya rito, hinayaan niya. Ngunit masyado nang tumagal, hindi rin pumalya ng araw si Chanyeol. Sa isip-isip niya ay tinalo pa ang dedication niya noon. Kung siya isang sulat lang sa isang linggo, si Chanyeol halos inaraw-araw na.
Hindi namalayan ni Baekhyun na ang kapal na pala ng mga sulat na naipon niya galing kay Chanyeol hanggang sa isang gabi ay binuksan niya ang drawer niya kung saan niya nilalagay ang mga ito sa tuwing makakauwi kaya naman isang araw ay talagang inagahan niya ang pagpasok. Dumating siya sa school nang halos wala pang katao-tao bukod sa iilang mga elementary and high school students na walang choice kundi maagang magsigising dahil sa route ng school bus, mga guard, and other staff. Kahit sa mga prof ay nauna pa siya.
He stayed in the lobby near the locker area. He had breakfast there na binili niya sa isang fast food na malapit and did an advance reading for their next lesson on one of his subjects for that day while waiting. He waited, waited, and waited…. Hanggang sa unti-unti nang dumami ang mga tao. Akala nga niya nang sumapit ang 7:30 ay masasayang ang effort niyang gumising ng napakaaga kahit na 10 AM pa naman ang klase niya.
Hindi niya kasi sigurado kung anong oras ba dumadating si Chanyeol o kung mag-iiwan nga ba ito ng sulat noong araw na ‘yon. Sana lang ay dumating na bago pa sumapit ang 10 AM, or else hindi niya ito maaabutan. He didn’t do that for confirmation. Sigurado naman siyang sa huli galing ang mga sulat. Gusto niya lang itong makausap.
Mabuti na lang at hindi pinahihirapan ang mga mababait. Dumating si Chanyeol. Nasilayan niya ito kaya umalis siya sa pwesto niya at nagpunta sa lugar kung saan hindi siya nito makikita pero siya ay tanaw na tanaw ito.
Alam niyang ito ang nag-iiwan ng mga sulat sa locker niya ngunit noong nakita niya mismong ginawa nito gamit ang dalawang mata, nakaramdam pa din siya ng kakaiba sa dibdib niya. Para bang nanikip ‘yon at umikot din ang tiyan niya na tila nakikiliti siya.
He clenched his fist to fight the emotions na hindi niya dapat maramdaman, tapos ay umalis siya sa pwesto niya. Nagmadali siya dahil kailangan niya itong maabutan at halos hindi nakagalaw si Chanyeol sa kinatatayuan nang magtagpo silang dalawa.
Malakas ang kabog ng dibdib at tila gusto na lang tumakbo palayo, nilakasan niya ang loob niya. Hindi na niya magagawang ulitin pa ‘yon. At ano na lang din ang mukhang ihaharap niya kung bigla na lang siya magtatatakbo paalis? ‘Di ba mukha naman siyang tanga kung ganun?
Tiningnan niya sa mga mata si Chanyeol. ‘Yung tinging binibigay niya rito sa tuwing nagkakasalubong din sila noon. ‘Yung tinging hindi nito mahahalata ang totoo niyang nararamdaman. Sa tagal ba naman niya ‘yon tinago at ni minsan ay hindi siya nito pinaghinalaan, kung hindi lang nawala ang sulat niyang panigurado ay nalaglag sa 7/11 kaya nalaman nitong siya si LB, narealize niyang ‘yon ang nangyari nang hindi na niya mahanap ang sulat sa loob ng bag niya, sisiw na lang sa kanya ang hindi magpahalata.
‘Yun ay kung gagana pa din dahil iba na magmula nang malaman ni Chanyeol na siya ang secret admirer nito. Pero hindi pa rin siya nagpatinag. Paninindigan niya ang mga salita niya, lalo na ang mga sinabi ni LB sa sulat.
“Why are you doing this?” Pormal tanong niya rito.
Tila mas nabigla naman si Chanyeol dahil kinausap niya ito. Kahit siya sa totoo lang ay nagulat sa mga ginagawa at iniisip niya, but Chanyeol had to stop.
“For what?” Dagdag pa niya. “To mock me? Play me?” Mahina lang ang boses niya dahil bukod sa may iilang mga tao sa paligid nila, hindi naman din talaga kailangan pang sumigaw o magtaas ng boses. Kalmado lang siya. Even in difficult times, when he’s frustrated, he always aspires to be level-headed. Ayaw niyang may masabi siyang mali at maaaring pagsisihan niya.
“Sabihin mo, Chanyeol.” Ang sabi niya nang hindi ito magsalita. “Bakit mo ‘to ginagawa?”
Mukha naman itong kinabahan. ‘Yon ang nakita niya. Nataranta si Chanyeol. “Baekhyun, no. I’m sorry if that’s how you feel but I never intended to mock or play you.”
Sobrang convincing. Isang sabi lang ni Chanyeol, gusto na niya agad maniwala. But what would that make him? Isang uto-uto? Hindi siya magpapadala. Oo, nagsorry na si Chanyeol sa ginawa nito and his name had also been cleared. Ayos na ‘yon sa kanya. Ang hindi lang niya maintindihan ay kung bakit ginagawa rin nito ang bagay na ginawa niya rin noon para rito. ‘Yon ang hindi niya makuha, eh.
Para saan pa ba kasi? Bakit? Wala siyang ibang nakitang dahilan kundi ang pagiging katawa-tawa para kay Chanyeol. Masyadong nabalot ang sistema niya ng takot na iba na naman ang tingin nito sa kanya na hindi niya naintindihan kung ano ang nais nitong iparating.
Mabuti na lang at nagawang sabihin ni Chanyeol sa kabila ng maingay na kapaligiran at mga taong maaaring makarinig.
“Gusto kita, Baekhyun.”
Ang tagal niyang ginustong marinig ang tatlong salita na ‘yon kahit alam niyang imposible. Sa ilang taong nagdaan, kung kailan wala na talaga ni katiting ng pag-asa sa puso niyang mapapansin siya nito, saka pa nangyari. Pakiramdam ni Baekhyun nabingi siya ng mga oras na ‘yon. Sa tuwing nababasa niya sa libro o napapanood sa telebisyon o sinehan ang ganung klase ng eksena, iniisip niyang exaggerated ang character o ‘di kaya ang sumulat ng kwento. Posible ba talaga ‘yon? ‘Yung wala kang ibang maririnig kundi ang malakas na tibok ng puso mo? At wala ka ng ibang makikita’t mapapansin kundi ang tao lang sa harapan mo?
Akala niya noon, hindi. Pero ginawang posible ni Chanyeol.
Tila nalulunod ang boses ng mga tao sa kapaligiran, lumalabo ang mga ito sa mga mata niya at tanging silang dalawa lang ni Chanyeol ang malinaw.
Gusto niyang sumabay sa agos at magpadala sa nag-uumapaw niyang emosyon ngunit naisip niya ang sarili niya.
Kaya niya ba talaga ang magiging kapalit kung magpapadalos-dalos siya? Paano kung hindi totoo ang sinasabi ni Chanyeol? Kung hindi man nito intensyong paglaruan siya, paano kung nabibigla lang din ito?
Kaya naman umiling siya at sinabing, “Hindi ‘yan totoo.”
Isang kunot sa noo naman ang natanggap niya mula rito. “Baekhyun, alam ko mahirap paniwalaan, pero kaya kong patunayan sayo. If you will only give me a chance.”
Sana kaya niyang sabihing sige at oo, pero hindi. Kaya tinalikuran niya si Chanyeol ngunit bago tuluyang umalis sa harapan nito ay may pahabol pa siyang sinabi.
“Tama na ang mga sulat, Chanyeol. Tama na ‘to. Huwag mo nang sayangin ang oras at pagod mo sa pagsusulat.” He remembered one of Chanyeol’s letters that said he’s special. “Kaya ka lang naman naging interesado dahil nalaman mong ako si LB pero kung hindi, hindi naman ako magiging espesyal para sayo. Sana dito na ‘to matatapos. Goodbye. ”
Dear Baekhyun,
Good morning! Did you have a cup of coffee? I hope this day will be wonderful for a special person like you. Start fresh. Don’t let stress and negativity ruin it. I know there’s so much going on and it’s not new for college students like us but remember to breathe a little. It is not a sin to rest and clear your mind for a while.
I hope you’re always happy as your smile brings joy to someone.
SYC.
Throughout rereading those letters, Baekhyun is just smiling widely. Tinupi niya ang huling sulat na binasa niya ngunit hindi pa ‘yon ang panghuling natanggap niya. Ang dami-dami pa.
Natigil lang siya dahil tumunog na ang cellphone niya. He checks and sees his fiancé’s reply to his text informing the latter that he has arrived.
From: My Chanyeol
Are you still awake?
I’m still at the party :(
There’s no one else here but the friends.
Tita and Tito told me not to sneak-out to your room.
I promised them so I really won’t.
Can’t wait to see you tomorrow, my love.
Nilapag niya ang mga box ng mga sulat sa tabi niya habang binabasa ang sinabi ni Chanyeol ngayon lang.
Looking back, he never expected Chanyeol to be a makulit na manliligaw after their mini confrontation at the locker area.
He remembers Chanyeol telling him, “I respect your decision, Baekhyun. I am rejected and I accept that. Pero alam mo ba ‘yung hindi ko matanggap? ‘Yung iniisip mong pinaglalaruan lang kita at hindi ako seryoso, na nagustuhan lang kita dahil nalaman kong ikaw si LB. Hindi ko magawang hayaan na isipin mo ‘yon kasi hindi ‘yon totoo. I admire you for who you are. I’ve seen you many times take care of the people around you but I never, not even once, see someone do the same thing to you. I know you deserve to receive the love you give to others… And I want to be the person who would do that for you. If you only let me.”
Sinong hindi lalambot pag sinabihan ng ganun? Dagdag pa ang lahat-lahat ng effort na pinakita at ginawa nito.
Material things? Madaling bilhin ang mga ‘yon basta kaya. Pero ‘yung pag-aalaga sa kanya? Na kahit ilang beses niya itong iniwasan, hindi pinansin kahit nasa tabi lang naman niya sa library tuwing sinasamahan siyang magpa-late umuwi, payungan siya kapag umuulan, paalalahanan siyang kumain, kaibiganin si Kuya Boy para hindi raw ito naiinip sa tuwing hinihintay siya, ituring na parang sariling Lola si Nanay Helen noong nakakadalaw na sa kanila, purihin ang masasarap na luto ni Ate Myrna, at marami pang iba na si Chanyeol lang ang nagpakita’t nagparamdam sa kanya.
Hindi lang siya ang sinuyo ni Chanyeol kundi ang buong pamilya niya. Ngunit sa lahat-lahat ng ginawa nito para sa kanya, ang tuluyang nagpalambot sa puso niyang pilit niyang ginagawang bato kahit sa totoo lang ay hindi naman talaga niya kaya ay ang humarap ito sa mga magulang niya.
Tandang-tanda niya pa ang pag-uusap ng mga ito habang nasa kusina siya’t nagtatago, nakikinig kasama ang botong-boto na sina Nanay Helen at Ate Myrna.
“Patutunayan ko po, sir at ma’am, na malinis ang intensyon ko sa anak niyo.”
“Hindi ba ikaw ang nagreport sa kanya? You mistook Baekhyun for cheating.”
Kung siya ang nasa katayuan ni Chanyeol ng mga oras na ‘yon, baka nagtatakbo na siya palabas ng bahay. Bukod sa alam niyang strikto talaga ang ama niya, nakakatakot din talaga ang boses at tono ng pananalita nito.
But Chanyeol’s sincerity overpowered the fear. “Hindi ko po ‘yon itatago sa inyo. Nagkamali po ako at pinagsisisihin ‘yon ngayon. Kaya rin po ginusto kong makausap kayo para personal na humingi ng paumanhin. Hindi ko po magagawang patagalin ang panunuyo kay Baekhyun kung hindi po ako makakahingi ng tawad sa inyo dahil sa nagawa ko. Nirerespeto ko po kayo. Hindi po ako mangangako, bilang hindi naman ako perpekto, pero gagawin ko po ang lahat para ‘yon na ang huling beses na masasaktan ko si Baekhyun.”
His father was still cold towards Chanyeol despite that conversation, while his mother was fine and accepted Chanyeol. Ang sabi pa nito, kung siya nga raw ay nagawang tanggapin si Chanyeol, ano naman daw ang karapatan nito para ipagkait ang bagay na ‘yon?
Sa totoo lang, kahit nang maging sila, obviously kinalaunan ay bumigay rin siya dahil narealize niyang hindi pa rin naman talaga nawawala ang feelings niya at habang tumatagal ay mas nahuhulog lang siya, halos hindi kinakausap ng ama niya si Chanyeol. Bilang sanay na siya dahil kahit naman sila ay hindi close, sinabi niya kay Chanyeol na ayos lang ‘yon at ganun talaga ang tatay niya kaya naman laking gulat niya ng isang araw ay ayain nito ang boyfriend niya, hindi pa sila engaged ‘non, na sumama mag-golf.
Kinwento niya rin ‘yon kela Minseok at Jongdae na kahit ilang buwan na sila noong panahong ‘yon ay mga hindi pa rin makapaniwalang sila na talaga. Gulat din ang mga ito.
It was sembreak. Bilang bored siya, inaya niya si Chanyeol lumabas pero tumanggi ito at sinabing wala raw sa bahay. Nirerespeto nilang dalawa na may kanya-kanya pa rin silang mga buhay bukod sa pagiging boyfriend ng isa’t-isa kaya walang kaso ‘yon sa kanya. Pero bilang boyfriend nga, gusto niya lang malaman kung nasaan ba si Chanyeol kaya naman tinanong niya and he was stunned after getting a reply from the latter.
I am with Tito. Golf kami. Tuturuan niya daw ako. Kasunod ‘non ay ang stolen shot ng tatay niyang kinuhaan ni Chanyeol.
Halos hindi niya alam kung ano ang irereply niya kay Chanyeol matapos ‘non. Siya na anak, kahit kailan ay hindi inaya sa ganun tapos si Chanyeol, na buong akala nila ay ayaw ng tatay niya ay nakasama nito?
Siguro kung ibang tao si Chanyeol para sa kanya, he’d think that’s unfair. But knowing two of the people he loves being close to each other, nakakatuwa. Lalo pa’t siya ang dahilan, ang koneksyon.
Sinabihan niya na lang ng enjoy at goodluck si Chanyeol ng araw na ‘yon. Goodluck kasi siguradong kahit alam niyang gusto na ng ama niya sa boyfriend niya, magsusungit pa din ito. Doon lang din niya narealize na sa Dad niya pala nakuha ang ugali niyang ‘yon and to think that Chanyeol were able to melt both their cold hearts, that’s something.
‘Yung kanya kayang-kaya pa talaga bilang nauna naman siyang magkagusto rito, but Mr. Park? Ang sabi nga ng mama niya sa kanya noong hindi pa niya ito sinasagot at araw-araw na sinusungitan pero ayaw naman niyang nawawala sa paningin niya, bilib daw ito sa dedikasyon ni Chanyeol.
At hindi nga ito nagkamali, kahit siya, maski na rin ang ama niya sa pagbibigay ng tiwala nila kay Chanyeol. Kaya heto, ngayong bukas na ang kasal nila, sobrang malapit na ito sa mga magulang niya. Sayang lang at wala si Kuya Boy at Ate Myrna upang masaksihan ang kinahantungan ng kwento nilang dalawa.
Kinailangan kasing umuwi ng mga ito sa mga pamilya, lalo pa’t kayang-kaya na ni Baekhyun ang sarili. Hindi na niya kailangan ng driver. Marunong na siya at nariyan din naman si Chanyeol. Si Nanay Helen naman, bilang parang totoong Lola niya na talaga ito, hindi na umalis sa kanila. At masaya siya kasi malapit din ito kay Chanyeol talaga. Ang sabi nga nito, kapag nagkaanak na raw sila ay hindi na nila poproblemahin ang kasama at makakatulong sa pag-aalaga. Gagabayan daw sila.
Tuluyan na niyang tinabi ang mga sulat na galing dito na magpahanggang ngayon, minsan-minsan, ay nadadagdagan pa rin. Siguro nga talagang parte na ng pag-iibigan nila ang love letters.
After all, that’s how they started.
Maski ang proposal ni Chanyeol, related pa rin sa kung paano sila nagsimula. It was at their college university. Talagang pinakiusapan ni Chanyeol ang admins at bilang alumnus silang pareho, napagbigyan.
Weekends ‘yon kaya walang tao. Ayaw rin naman kasi nila pareho ang magarbo. Mas maganda nga naman kung intimate lang, parang ang kasal nila bukas.
Inaya siya ni Chanyeol mag-date pero dadaan daw muna sila ng university kasi may kukuhain ito. Tanong siya nang tanong kung ano ‘yon pero paulit-ulit lang din na sinasabi ni Chanyeol na document ‘yon for his masteral degree. Bilang supportive na boyfriend, wala naman siyang objection doon kaya lang hindi sila sa registrar dumiretso kundi sa college locker area, ‘yung eksaktong hilera kung nasaan ang kanila noon.
Ilang taon na ang lumipas pero pareho pa rin nilang natatandaan.
“Anong ginagawa natin dito?” Ang tanong niya kay Chanyeol na nakaplano na ang ipapalusot para naman hindi halata.
“Nakisuyo ‘yung kapatid ni Jongin, may pinapakuha sa locker. Nalaman kasi na pupunta tayo. Pakibukas mo nga, by.” Ang sagot nito habang nasa harapan sila ng locker niya dati. Hindi naman siya nagtaka o nag-isip ng kahit na ano dahil totoong may nakakabatang kapatid ang kaibigan ni Chanyeol na si Jongin at doon din ito kasalukuyang nag-aaral noong panahong ‘yon. “0911 ang passcode.”
He nodded and opened the locker without realizing what the passcode meant until he saw what’s inside.
There’s nothing but a white paper folded the same way they did to the love letters they gave each other before.
Nagtaka siya kaya naman nilingon niya si Chanyeol ngunit biglang wala na ito sa tabi niya. Nakaramdam na siya ng something surprise kaya kinuha niya ang papel, but what he didn’t expect is the actual question written inside the white paper.
Dear Baekhyun,
Will you marry me?
If your answer is yes, please proceed to the cafeteria. If your answer is no, kindly reconsider. I’ll give you more time to think.
PS. No rush, baby.
Sincerely Yours,
Chanyeol
Syempre, bilang obedient siya at yes ang sagot niya, dumiretso siya ng cafeteria and there, he saw the man who he’s willing to spend the rest of his life with.
Chanyeol was waiting for him at the table where they usually seated noong nanliligaw pa lang ito sa kanya. May mga pagkain at natawa siya nang makita sa mesa ang mga usual order nila noong mga estudyante pa lang sila.
Through that simple engagement, they were able to celebrate their love contentedly.
Kahit na pareho nilang gustong hindi magarbo at mga malalapit na tao lang ang makakasaksi sa kasal nila, hindi pa rin naging madali at mabilis ang preparasyon na nangyari lalo pa’t ang hirap din i-clear ng mga schedule nila. Ngunit sa kabila ‘non at lahat-lahat ng pinagdaanan nila, mangyayari na nga ang pinaghandaan at ipunan nila ilang oras na lang mula ng gabing ‘yon.
Sigurado siyang hindi lang sila ni Chanyeol ang excited kundi ang mga kamag-anak din nila, mga kaibigan, at mga magulang.
Laking gulat nga rin ng ina ni Chanyeol nang malamang sila na, pero gaya lang ng reaksyon ng halos lahat, masayang-masaya ito.
Ngayon, alam niyang pati ang sarili niyang ama ay hindi na makapaghintay na maging parte si Chanyeol ng pamilya. Chanyeol and his father are not only in-laws, they became friends. Dahil nga rin dito kaya napalapit din siya sa ama niya. ‘Yung pressure na dala-dala niya halos buong buhay niya bilang estudyante ay tila nawala nang dumating si Chanyeol sa buhay nila.
Hindi nito sinabi sa kanya pero aksidente niyang narinig isang gabing hindi niya malilimutan na dumalaw si Chanyeol sa bahay nila at napag-usapan siya ng dalawa.
“Si Baekhyun po? Sobrang galing niya, tito. You don’t have to push him to be better ‘cause he’s already the best in his own way. He’s not perfect, pero lahat naman po tayo ‘di ba? I know na nakikita niyo rin po ang kakayahan niya at proud na proud kayo sa kanya. Kung sasabihin niyo po, siguradong matutuwa ‘yon nang sobra.”
“I am. I am. I just don’t know how will I say it. Hindi kami expressive dito, eh.”
“I understand po. Sinabi ko lang kasi I know it would mean a lot to him. It’s not the awards and recognitions from other people that he needs and truly make him happy. It’s your validation that no matter what happens, magkamali man siya, nandyan po kayo para sa kanya.”
Magmula nang matapos ang gabing ‘yon, nakita niya ang pagbabago sa ama niya. Mas kinakausap at pinapansin na siya nito. Higit sa lahat, pinagmamalaki na siya nito.
He used to think Chanyeol broke him even more. At some point in his life, maybe. Pero bawing-bawi naman ito magmula noon hanggang ngayon. Chanyeol is consistent. Noon natakot pa siya na baka kapag naging sila na ay mawala ‘yung Chanyeol na sweet, Chanyeol na matiyaga, Chanyeol na maalaga, Chanyeol na maintindihin, Chanyeol na mapagmahal, at lahat lahat na pero nagkamali siya.
Sa mga nakalipas na taon, mas lalo lang nitong pinatunayan ang nararamdaman para sa kanya. Their relationship is not perfect. They fight, sometimes even over small things, they have personal issues, there are times where they feel tired, they experience the storm of a relationship which they know will continue to come now that they’re entering a new chapter of their love story. But despite all the struggles they faced and will encounter in the near future, they hold-on to each other. They always choose to stay, choose to stay in love, choose to be each other’s lifetime partner.
It’s not easy, pero ‘di ba ganun naman talaga? Love is not a fairytale.
Ang tanong ng iba, “Paano kayo nagtagal?”
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang sagot nila pareho. “Gusto kasi naming magtagal.”
Mayroon pang mga nagsasabi na maghihiwalay din sila, na imposibleng sobrang mahal nila ang isa’t-isa samantalang nagsimula silang magkaaway.
Pero mali ang mga ito at wala silang kailangang patunayan sa kahit na sino.
Ang sabi nga sa isang quote, “Relationships aren’t perfect, it’s the love a couple has for each other that makes up for all the small imperfections.”
Baekhyun then types a reply for his fiancé. Nagpaalam na siyang matutulog na para makapagfocus siya sa gagawin niya.
A little white lie won’t hurt. Sasabihin niya rin naman bukas kapag magkaharap na sila.
Sa ngayon, kumuha lang muna siya ng isang malinis na papel at ballpen. Naupo siya at saglit tinitigan ang regalong binili niya bago sumulat sa papel na kinuha niya.
September 10, 202x
He smiles, a genuine one. Tomorrow’s 0911. Exactly 10 years ago when he dropped into Chanyeol’s locker the very first love letter he sent.
Dear my Dear Chanyeol,
Accept this gift as a symbol of my love and faith. This will be the last time you'll receive a gift from Baekhyun Byun. The next one, it will be from Baekhyun B. Park. I am excited for all the things that we will encounter as a married couple and also for the ones that I will continue to learn about you. I can’t wait to spend the rest of my life with you.
See you in the garden.
SYB.
