Chapter Text
[1st day, 1st semester]
Kakasikat palang ng araw at wala pang gaanong tao sa campus. Mabibilang pa sa sampung daliri sa kamay ni Baekhyun kung ilang tao – na lahat ay hindi niya kilala – ang nakasalubong niya sa state university kung saan niya pipiliting maka-graduate on time within five years. Malinaw naman ang goals niya sa buhay. Ang tanging gusto niya lang naman ay matulungan ang Mama niyang mag-isa siyang pinalaki simula ng sumakabilang-buhay na ang Papa niya ten years ago. Bago tuluyang hanapin ang classroom niya para sa una niyang subject ay tinignan muna niya ang kanyang cellphone para i-check kung anong oras na. Maaga pa, Baekhyun. Sobrang aga pa. ‘Wag kang OA. Napangiti nalang siya nang makita ang malabong scanned copy ng family picture nila na siya ring screensaver niya.
Hindi naman siya nahirapang hanapin ang room nila. R301. Katulad ng inaasahan niya, dahil nga sobrang aga pa, nakapatay pa ang ilaw sa mga classrooms. Hawak-hawak ang door knob, tumingkayad siya ng kaunti para masilip sa salamin sa pinto ang classroom ng unang klase niya. Mukhang wala pa namang tao sa loob kaya pumasok na si Baekhyun. Laking gulat nalang niya ng may lalaking nakasuot ng hoodie ang tumingala mula sa pagkakatungo nito sa arm chair kung saan siya natutulog.
Napakamot sa ulo si Baekhyun, “Sorry. Nagising yata kita.”
Humikab at nag-inat naman ang kausap niya. Hindi maaninag ni Baekhyun ang mukha ng lalaki dahil sa mga nakapatay na ilaw. Tinanggal nito ang hoodie at inayos ang kanyang nagulong buhok. Mistulang gumanti naman ang lalaki ng tapatan niya ng flashlight ng kanyang cellphone si Baekhyun na siya namang ikinagulat nito. “Akala ko si Manong Guard.”
“Ha?”, pagtataka ni Baekhyun habang kinukusot ang mga mata niyang nasilaw ng flashlight. Umupo na rin siya, one seat apart sa kausap niya.
“Pinagbawalan kasi akong buksan yung aircon kanina kasi sobrang aga pa. Akala ko nahuli na ako.” Sagot ng kausap na sinundan ng mahinang tawa.
Napalingon si Baekhyun sa likod para tignan ang aircon unit. Matapos ay tinignan naman niya ang lalaki na nagbabasa ng messages sa cellphone niya. Mula sa bluish na ilaw ng cellphone ay naaninag ni Baekhyun kung gaano kagwapo ang kausap. Tangina, bagong gising pero ganyan ka-fresh ang mukha?
Napansin naman ng lalaki na tinitignan siya ng taong gumising sa kanya. Lumingon siya at nagpakilala. “Sehun Oh. Mechanical Engineering.” Nakapatay man ang mga ilaw at tanging ang liwanag mula sa cellphone ni Sehun lamang ang umaaninag sa mukha nito, alam ni Baekhyun na nakangiti ang kausap.
Inabot naman ni Baekhyun ang kamay ng kausap for a hand shake, “Baekhyun Byun. Industrial Engineering.”
Bumalik na sa pagbabasa ng phone si Sehun. Mga ilang minuto rin silang nanahimik nang biglang lumipat sa tabi ni Baekhyun si Sehun.
“Pwede bang tumabi sayo? ‘Wag kang mag-alala. ‘Di naman ako nangangagat.” Sabi ni Sehun.
Kahit na malamig ang binubugang hangin ng aircon ay parang pinagpawisan si Baekhyun. Ang luwag-luwag ng classroom pero wala naman nang irereklamo pa si Baekhyun. “Wala na rin naman akong choice. Nakaupo ka na eh.”
“Hindi ba dapat baliktad? Dapat ako yung nagsusungit, ako yung bagong gising eh.” Biro ni Sehun.
Napangiti naman si Baekhyun, “Hindi naman kita sinusungitan. Mabait ako, promise.”
“Okay lang naman sayo kung patay yung mga ilaw diba?”
Mas okay sana na nakabukas para makita ko na ng mas malinaw ang mukha mo. “Okay lang naman. Walang kaso kung patay yung mga ilaw. Magliliwanag na rin naman.”
Dahil nga sobrang aga pa bago magsimula ang klase nila sa Rizal, nagkakuwentuhan at nagkagaanan na ng loob ang dalawang estudyante sa loob ng classroom. Likas naman na madaldal si Baekhyun kaya walang kaso sa kanya ang makipagkuwentuhan sa bagong classmate. Siya namang opposite ni Sehun, na wala sa nature ang pagiging extrovert. But there’s something about this Baekhyun that’s so familiar and interesting that he found himself talking nonstop.
Hindi na rin masamang magkausap sila ni Sehun. After all, wala naman talagang kilala si Baekhyun sa school na ito. Sehun’s company will be good. Knowing that they come from the same engineering department, and marami silang classes together, it would really be nice kung magiging magkaibigan sila. Bonus na rin siguro yung gwapo siya.
Sa loob ng one hour and fifteen minutes, halos naikwento na ni Baekhyun ang life story niya kay Sehun. Mula sa family background niya, hanggang sa kung bakit dito sa school niya napiling mag-aral ng course na gusto niya, at kung bakit ang aga niyang pumasok sa first day; name it, wala ka ng hihilingin pang mas magandang introduction. Hindi rin naman nagpahuli si Sehun. Marami-rami rin siyang naikwento sa kausap. Alam niya sa sarili niyang hindi siya madaling mag-open up sa ibang tao but he really just finds Baekhyun so endearing. Hindi na nila napansin na binuksan na ang ilaw sa loob ng classroom at may iba na ring students ang pumasok. Their conversation just went on and on. There was an instant connection between them that both were not sure as to which part of their conversation it began. Nakakahiya mang aminin sa sarili niya pero sa tingin ni Baekhyun… Sehun is really something else. Mabilis, oo. Nahiya naman ang 3 minutes waiting time na pagluto ng instant noodles, pero ganun naman ang sparks diba? Hindi na niya maalala sa sobrang tagal nung huli siyang nakaramdam ng ganitong sparks, pero ibang kwento ‘yun. Bagong kwento si Sehun. Bagong simula.
“May nakaupo ba dito?” Naputol ang pakikipag-usap niya kay Sehun nang marinig ang pamilyar na boses. Dahan-dahan siyang tumingala para tignan kung sino ang nagtanong, pero hindi na kailangan dahil kilalang-kilala ni Baekhyun kung sino ito.
Biglang tumayo si Sehun at nakipag-high five sa taong nagtanong kay Baekhyun. “Chanyeol Park! Dito ka rin pala mag-aaral? You should’ve told me, bro.”
Umupo na sa tabi ni Baekhyun si Chanyeol at bumalik na rin sa kabilang side si Sehun. “Magkakilala kayo?”, nanlalaking-matang tanong ni Baekhyun kay Sehun. Unti-unti nang gumuguho ang mundo ni Baekhyun, pero naalala niya na hindi siya dapat ganito ka-OA. Pero bakit ba sa dinami-dami ng rooms at ng classes sa university, bakit dito pa? Hindi ka dapat magpa-apekto sa kanya, Baek. Chill.
Tumango ito at sinabing “Oo. Basketball.” Napansin naman nito na hindi makapaniwala ang kausap, na siya namang ipinagtaka niya. “Kayo? Magkakilala rin kayo ni Chanyeol?”
Hindi na naghintayan pa ang dalawa, kahit hindi nagpapansinan, at sabay na sumagot. “Magkapitbahay kami.”
***Paper Crane #1***
April 4, 2007
Sparks! Ito na ba yung sinasabi nilang sparks? Yung lagi ko nalang napapanood sa TV, tsaka nababasa sa mga pocket books ng mga pinsan ko? Naranasan ko na rin yung sparks! At dahil sa sparks na ‘to, sisimulan ko nang gumawa ng 1000 paper cranes para matupad ang wish ko na maging kami ng bago kong crush! Matagal-tagal pa bago ako maka-1000 pero okay lang kung matutupad naman ang wish ko!
Habang hinihintay ko si Manong Magtataho kaninang umaga, may dumaang pick-up truck at tumigil sa bahay na katapat ng sa amin. Tama nga ang sabi ni Mama, may bagong lipat sa tapat. May bago kaming kapitbahay.
Pumunta ako para tumulong sa kanila. ‘Yun kasi sabi sa akin ni Papa nung buhay pa siya. Dapat daw akong maging matulungin na bata. Kaya kinulbit ko yung batang nakatayo sa tapat ng truck. Tinanong ko yung pangalan niya pagkatapos kong magpakilala. Chanyeol Park. Hindi siya ngumingiti at mukha siyang masungit, pero cute siya. Sobrang cute! Pero mas cute ako, kaya bagay kami. Lalo na yung malalaki niyang tainga na parang sa daga. Nakakatawa yung tainga niya pero syempre hindi ako tumawa kasi baka lalo siyang mainis. Tutulungan ko sana siya sa binubuhat niyang kahon kaso sabi niya tumabi nalang daw ako at hindi niya daw kailangan ang tulong ko. Pero okay lang yun! Baka ayaw niya lang akong mahirapan, tsaka mukhang magaan naman yung binubuhat niya. Ang mahalaga naman nahawakan ko kahit saglit yung kamay niya. Ayun yung sparks! Ang saya ng sparks! Tama yung mga napanood ko sa TV at mga nabasa ko sa pocket books! Eksaktong-eksakto! Parang kuryente pero nakakakiliti at nakakakilig. Sparks!
Pagkatapos nilang maghakot ng gamit, hinintay ko lumabas si Chanyeol sa bahay nila. Pero hapon na hindi pa rin siya lumabas. Baka nahihiya siya sa akin, mabait naman ako. Tsaka kaibigan na niya ako kaya okay lang na maghintay ako ng matagal. Buti nalang nung hapunan na, naisipan ni Mama na magluto ng sinigang at bigyan ang pamilya nila Chanyeol. Pinapasok nila kami sa bahay nila, medyo magulo pa pero pwede na. Sabi ko nga sa Papa ni Chanyeol kung kailangan nila ng tulong sa pag-aayos, pwede akong tumulong. Wala pa naman kaming pasok sa school. At narinig ko rin pala na magkumare na yung tawagan ng Mama ko at Mama ni Chanyeol, at sa school din namin papasok si Chanyeol. Magkaklase kami sa Grade 5! Excited na tuloy akong magpasukan!
- BBH
***
[17th week, 1st semester]
Nakapag-adjust na si Baekhyun bilang isang freshman sa college. Sa pananaw niya, ibang-iba talaga ang high school as compared sa university. Maraming mga nagbago kagaya ng mas flexible na schedule, hindi masyadong strict na mga professors, mas free na environment, at mas open-minded at mga mature na tao. Mayroon din namang mga pagkakapareho tulad ng sandamakmak na requirements sa acads at mga minor subjects na nagfi-feeling major.
“Sinong groupmates mo ‘dun sa binigay na final requirement ni Ma’am?”, tanong ng bago niyang kaibigan at classmate sa Rizal na si Kyungsoo.
“Si Sehun tsaka si Chanyeol.” Sagot niya. Obvious naman na sila ang magkakagrupo kaya hindi niya sigurado kung anong point ni Kyungsoo. Wala rin siyang choice dahil simula ng magsimula ang sem, sa bawat subject na magkakaklase silang tatlo, palagi nalang siyang napag-gigitnaan ng dalawa sa upuan. Wala namang seating arrangement sa college unlike nung high school, pero para bang meron sa kaso nilang tatlo. Chanyeol sa kanan, Baekhyun sa gitna, Sehun sa kaliwa.
Tinanaw ni Baekhyun mula sa kinauupuan niya ang dalawa niyang groupmates na nakita niyang nabili ng shake sa iisang stall sa cafeteria. Napag-usapan kasi ng buong barkada na magkita-kita habang break para pag-usapan ang final project nila sa Rizal kung saan kailangan nilang bisitahin ang isa sa mga lugar na connected sa pambansang bayani at gawan ito ng report.
Matapos ubusin ang kinakaing fishballs ay sumabat naman ang boyfriend ni Kyungsoo na si Jongin. “Hala? Pwede bang tatluhan?”
Piningot naman ni Kyungsoo ang tainga ng kasintahan. “Hindi ka kasi nakikinig, panay ka Twitter sa Rizal. Oo! Pwedeng tatluhan. Bakit? May gusto ka pa bang isama bukod sa akin? Ha?”
Gumanti naman si Jongin at pinisil ang cheeks ni Kyungsoo. “Syempre ikaw lang! Tsaka hindi rin naman tayo pwedeng mag-tatluhan kasi malamang, ang partner ni Jongdae ay si Minseok…”
Tapos si Kris naman tsaka si Tao, na lagi nalang nawawala at ‘di na nasama sa atin simula nung maging sila nung high school pa tayo. Never ko pa ngang nakita ang dalawang ‘yun bukod sa klase natin sa Rizal. Laging nagtatago. Fishy.” Pagdugsong naman ni Kyungsoo.
Oo na. Sila na ang masaya. Sila na ang pinagpala. Si Baekhyun na ang single. “Pwede bang tigil-tigilan niyo na ‘yang landian nyo? Nakakaumay.”
Tumawa naman sina Kyungsoo at Jongin, na lalong kinaasar ng kaibigan nila. Tuluyan naman siyang inalaska ni Kyungsoo “’Wag ka na kasing bitter, Baek. Dalawang ilog nga naghihintay sayo na pamangkaan mo. Pipili ka nalang kung saan ka sasagwan, ‘wag kang magmaganda. Ganda ka?”
Alam naman ni Baekhyun na sina Sehun at Chanyeol ang tinutukoy ng kaibigan. Hindi na nakahirit pa si Baekhyun nang sumingit sa usapan ang kababata niyang si Jongdae, hila-hila ang boyfriend nitong si Minseok na naging kabarkada rin nila dahil kakilala ito ni Sehun at Chanyeol dahil sa basketball. Small world.
“Basta kay Chanyeol ako. Witness ako kung paano nagsimula ang love story nila simula pa nung mga bata pa kami. Hindi papatalo ang manok ko.”
Tumayo naman si Jongin, mistulang nakikipag-debate. “Sehun kami! Bihira lang ma-fall tropa namin kaya dapat ‘di mo na sinasayang ang chance. Wala ‘yang niligawan nung nasa high school pa kami kahit na maraming nakapilang girls, boys, baklas and tomboys. You won’t regret it, bro.”
Minsan lang magsalita si Minseok, kaya naman napatahimik sila ng tanungin niya si Baekhyun. “Based sa mga kwento sa akin ni Jongdae, patay na patay ka kay Chanyeol simula nung mga bata pa kayo. Pero ano bang nangyari? Ano bang pinag-awayan niyo? Bakit parang ‘di mo na siya pinapansin ngayon? Buntot ng buntot tuloy sa inyo ni Sehun.”
“Eh kasi nga si Sehun na ang gusto niya, tapos gusto rin naman siya ni Sehun. Pampagulo lang naman si Chanyeol, ‘di tuloy makaporma ng ayos yung tropa ko…” Sabat ni Jongin, pero napatigil ito sa pagsasalita nang kurutin sa tagiliran ni Kyungsoo.
Nape-pressure si Baekhyun dahil lahat ng attention ng mga kaibigan ay nasa kanya na hindi na niya maubos ang kinakain niyang fried noodles. Tonight with Boy Abunda? The Buzz? Nagtataka siya kung paanong ang usapan tungkol sa project nila sa Rizal ay napunta sa existing-but-irrelevant love life niya. Wala talagang nakakaalam kung anong nangyari sa kanilang dalawa ni Chanyeol, kung bakit bigla nalang nagbago ang pagtingin niya sa taong naging crush niya for almost seven long years. Kahit si Jongdae na best friend niya at lagi niyang pinagkukuwentuhan ng mga ganap with Chanyeol, hindi alam ang nag-iisang scenario na nagpabago ng lahat. Tanging ang mga papel kung saan niya sinusulat ang lahat ng kabaliwan niya kay Chanyeol bago niya ito tiklupin para maging origami at isabit sa paper crane mobile sa kwarto niya ang nakakaalam ng buong kwento. Buti nalang lahat ‘yun pinasunog na niya sa Mama niya nung summer bago mag-college. Tanging siya at si Chanyeol nalang ang nakakaalam ng mga detalye, at mukha namang wala ni isa sa kanilang dalawa ang handang magkuwento sa barkada nila.
Bago pa man mag-explain si Baekhyun, na hindi naman sigurado kung anong gagawing palusot, ay lumapit si Sehun sa mga nagkukumpulang kaibigan dala ang isang mango shake at ibinigay kay Baekhyun. Nakangiti niyang inalok si Baekhyun, “Sorry kung natagalan. Ano na palang napag-usapan niyo about dun sa final requirement sa Rizal? Saan niyo napiling pumunta? Calamba? Intramuros?”
Aabutin na sana ni Baekhyun ang mango shake na ibinigay ni Sehun nang dumating si Chanyeol dala ang isang strawberry shake, na favorite ni Baekhyun. “Favorite mo ‘to diba?”
Ito na naman silang dalawa. Simula ng unang araw na napag-gitnaan si Baekhyun nina Chanyeol at Sehun sa klase nila sa Rizal, palagi nalang siyang naiipit sa dalawang nag-uumpugang bato. Aminado naman si Baekhyun na dati niyang crush si Chanyeol - emphasis on “dati” – at hindi rin naman lingid sa kaalaman ng lahat na nagkakamabutihan sila ni Sehun ever since nagkakilala sila, pero para bang laging nagpapaligsahan ang dalawa sa lahat ng bagay na connected sa kanya. Hindi na rin naman niya sila masisisi dahil nature na nila ang pagiging competitive given na basketball players sila, pero hindi naman kasi ako bola na pag-aagawan niyo bago i-shoot.
Klaro naman ang lahat kahit na nasa pagitan ng “Actions speak louder than words” at “Never assume unless otherwise stated” ang status nila ni Sehun, pero ang ipinagtataka ni Baekhyun ay ang mga kakaibang ikinikilos ni Chanyeol. Hindi naman siya ganito dati kaya lalong naguguluhan si Baekhyun. Matapos mangyari ang mga nangyari, bakit biglang parang sinususyo siya ng kapitbahay? Hindi naman niya kayang ipagtabuyan si Chanyeol dahil sa tingin naman niya ay naka-move on na siya sa pinag-awayan nilang dalawa at sa feelings niya rito mula nung mga bata pa sila. As much as possible, nililimitahan lang ni Baekhyun ang interactions kay Chanyeol para na rin hindi na ungkatin pa ng mga kabarkada ang past nila. Yes, may past kami. Hindi nga lang naging happy ending.
Para walang gulo, kinuha nalang pareho ni Baekhyun ang drinks na inaalok sa kanya, bahala na kung ano mang effect nito sa digestive system niya. Buti nalang at oras na para sa susunod nilang klase. Hindi naman siguro ako ija-judge ng mga kaklase namin kung dalawang drinks ang dadalhin ko sa loob ng classroom, diba? Tsaka nauuhaw na rin naman talaga ako.
***Paper Crane #57***
June 21, 2007
Dalawang linggo na simula ng magsimula ang classes namin. Palagi pa rin kaming sabay pumasok ni Chanyeol sa school kasi iisang tricycle lang naman ang kinuha ng Mama ko at ng Mama niya para maging service naming dalawa. Mas tipid daw kasi kung hati sa bayad. Kaso hanggang ngayon, kada nalang liliko na sa kanto ng subdivision ang service namin, papatigilin ni Chanyeol si Manong Driver para lumipat sa backride. Pinagbawalan naman siya ng Mama niya na sumakay sa likod pero sabi niya sa akin ‘wag daw akong magsumbong. Kaya hindi ko siya sinusumbong. Ayaw niya ba akong katabi? Mabango naman yung shampoo, baby cologne, at polbo na ginagamit ko araw-araw pero parang ayaw niya akong katabi. Gusto kong mainis pero baka hanggang ngayon nahihiya pa talaga si Chanyeol sa akin. Sobrang mahiyain ni Chanyeol pagdating sa akin. Hindi na niya ako hinihintay makababa ng tricycle at tumatakbo na siya papasok ng classroom. Ang aga-aga pa naman pero parang lagi siyang mahuhuli sa flag ceremony. Sa first row ako nakaupo tapos sa third row naman si Chanyeol kasi matangkad siya, pero kapag hindi pa nagsisimula ang class lagi akong tumatabi sa kanya habang nagbabasa naman siya ng lessons namin. Nung una nga pinapaalis niya pa ako sa tabi niya kasi lagi nalang sinisimulan ni Jongdae at ng mga kaklase namin ang pagkanta ng “Chanyeol, Baekhyun, sitting on a tree. K-I-S-S-I-N-G!” Naasar pa si Chanyeol nung una pero nasanay na naman siya. Dapat lang masanay na talaga siya para alam ng lahat na ako lang ang crush ni Chanyeol, tsaka crush ko rin naman siya kaya okay lang. Crush lang naman eh. Crush is paghanga. Pero sana magkalakas na ng loob si Chanyeol na i-level up yung pagka-crush niya sa akin kasi ako ready na ako matagal na. Siya lang naman hinihintay ko eh. Handa na ba siya? Sayang naman kung hindi pa siya handa. Married pa naman daw kami sabi nung FLAMES ng mga pangalan namin.
-BBH
***
[18th week, 1st semester]
Bago pa man sila sumabak sa final exams, tumungo na sa kani-kanilang itinerary ang buong barkada. May kanya-kanyang assignment ang bawat grupo at balak na lamang nilang magpalitan ng reports para naman makumpleto ang final project nila sa Rizal. Nagbunutan sila para fair sa lahat at ang grupo nila Baekhyun, Sehun at Chanyeol ang nakapili sa pinakamalayong destination kaya maaga pa lamang ay umalis na sina Chanyeol at Baekhyun sa kanila dahil mahaba-haba pa ang byahe nila pa-Calamba. Buti nalang at Sunday ngayon at walang pasok ang Papa ni Chanyeol kaya naman pwede niyang hiramin ang sasakyan nito.
Halata sa mga mata ni Baekhyun na kulang pa siya sa tulog dahil nag-advance review na siya kagabi para sa mga exams nila sa Monday. Pinatay nito ang aircon sa loob ng sasakyan para hindi siya lalong antukin sa byahe.
“Nilalamig ka ba?”, tanong ni Chanyeol sa katabi. Itinigil muna nito ang sasakyan upang tanggalin ang suot niyang jacket at inalok kay Baekhyun. Umiling lamang si Baekhyun. “Sige na, suotin mo na. ‘Di ko rin naman magagamit ‘yan mamaya kasi malamang mainit na.”
Kinuha nalang ni Baekhyun ang jacket at ikinumot sa sarili niya, wala rin naman siyang ganang makipagtalo ng ganitong kaaga. Medyo nilalamig na rin naman talaga siya kaya hindi na siya nag-inarte. “Thanks.”
Nag-drive na ulit si Chanyeol. “Pasensya na pala kung pinilit ka ni Mama na sa akin na sumabay. Alam mo naman ‘yun kapag gusto, ipipilit talaga. Tapos nag-agree pa si Tita.” Ngumiti si Chanyeol kay Baekhyun, pero nakasilip lang ito sa bintana ng sasakyan. “Okay lang.”
“Kay Sehun ka dapat sasabay diba?”, nag-aalangang tanong ni Chanyeol.
Hindi pa rin siya tinitignan ni Baekhyun, “Oo, pero nasabihan ko na siya kagabi na sa’yo na ako sasabay.”
“Anong sabi niya?”
“Okay lang daw. Mag-ingat daw tayo sa byahe.”
“Hindi ka niya pinagbawalan?”, sinubukan ni Chanyeol na biruin ang katabi ngunit hikab lang ang unang isinagot ni Baekhyun.
“Bakit naman niya ako pagbabawalan?”, tanong ni Baekhyun.
Nag-dalawang isip muna si Chanyeol kung dapat ba niyang ituloy ang usapan na ‘to, pero gusto niya rin kasi talagang malaman. “Hindi ba… kayo na?”
Lumingon si Baekhyun mula sa pagkakasilip niya sa bintana para tignan ang kausap. Buti na lamang at naka-focus ang mga mata ni Chanyeol sa daan, dahil hindi siya sure kung anong reaction ni Baekhyun.
“Hindi…”, mahinang tugon ni Baekhyun.
“Ahhhh…” Nakahinga ng maluwag si Chanyeol.
“Hindi pa kami.”
Magkahalong tuwa at inis ang naramdaman ni Chanyeol nang marinig ang sinabi ni Baekhyun. Tuwa dahil hindi pa nakukuha ni Sehun si Baekhyun, na may pag-asa pa siyang itama ang mga mali niya. At inis naman dahil sa tila ba malaking pag-asa na binibigay ni Baekhyun kay Sehun, na siya naman ipinagkakait niya kay Chanyeol.
Sa tipid ng mga sagot ni Baekhyun, alam ni Chanyeol na wala ito sa mood makipag-usap. Nung una, naninibago pa siya dahil simula’t sapul lagi nalang siyang sinusundan at kinukulit ng madaldal at nakakairita niyang kapitbahay. Minsan nga nung mga bata pa sila ay hiniling nalang niyang mapagod o kaya naman ay maputol ang dila ni Baekhyun, o kaya naman kahit simpleng maubusan siya ng laway, ngunit hindi ito nangyari. Gustuhin man niyang paalisin si Baekhyun sa maraming pagkakataon, alam niyang hindi niya kayang gawin ‘yun dahil una, papagalitan siya ng Mama niya, at pangalawa, ayaw niya rin namang makasakit ng damdamin ng iba, kahit na sobrang kulit pa ni Baekhyun. Sa pagkakataong ito, na-realize ni Chanyeol na may mga bagay pala talaga na hahanap-hanapin mo rin kung bigla itong mawawala. Napangiti nalang si Chanyeol. Sa isip niya ay tinatawanan niya ang sarili niya dahil, kahit mukhang imposible, gusto niyang bumalik ang dating makulit na Baekhyun.
Nakatulog na si Baekhyun sa haba ng byahe nila at narating na nila ang bayan ng Calamba. Nakahanap na ng parking area si Chanyeol bago niya gisingin ang katabi.
“Baek, andito na tayo.” Ngunit hindi pa rin siya nagigising.
Inabot ni Chanyeol ang seatbelt ni Baekhyun at dahan-dahan itong tinanggal. First time malapit ni Chanyeol ng ganitong kalapit kay Baekhyun. Hindi niya mapigilan ang sarili na titigan ang maamong mukha ng kababatang pilit niyang iniiwasan dati, na ngayo’y napagtanto niya na hindi niya pala talaga natitigan ng masinsinan ang mukha nito noon pa man. Kung pwede lang na manatili nalang sila ng ganito, ganitong kalapit sa isa’t isa, kahit na ang layu-layo na ng loob nito sa kanya, ay makukuntento na si Chanyeol.
Wala man sa mga plano niya ay dahan-dahan niyang hinaplos ang mukha ni Baekhyun, at mahinang bumulong na “Gising na, Baekhyun. Nandito na tayo.”
Sa haplos ng kamay sa kanyang pisngi ay marahan nang iminulat ni Baekhyun ang kanyang mga mata. Ikinabigla nito ang pagkakalapit ng mga mukha nila ni Chanyeol kaya walang anu-ano’y naitulak niya ito ng bahagya. Hindi na rin naman ikinagulat ni Chanyeol na ganoon ang naging reaksyon ni Baekhyun, ngunit sigurado siya na bago pa man lumabas ng sasakyan si Baekhyun ay nakita niyang medyo namumula ang mga pisngi nito. Napansin nalang ni Chanyeol na siya’y napangiti, kahit na hindi naman siya sigurado kung pareho pa rin ba ng nararamdaman ang kababata katulad ng dati, o sadyang namumula lang ang mga pisngi ni Baekhyun dahil sa lamig.
“Nasa UST na raw sila Kris at Tao, at nakarating na rin sa Ateneo sina Jongdae at Minseok.” Sabi ni Sehun nang lumapit ito sa dalawa.
Nag-inat pa ng kaunti si Baekhyun bago nya itanong, “Eh sila Kyungsoo at Jongin?” Napansin ni Sehun na magulo ang buhok ni Baekhyun kaya inayos niya ito.
“Nabiyahe palang pa-Intramuros. Na-late daw ng gising si Jongin eh. Tumawag kanina sa akin si Kyungsoo.” Sagot naman ni Chanyeol, pilit na itinatago ang inis niya nang mapansin kung gaano na kakumportable si Baekhyun sa mga gestures ni Sehun.
Hindi na nag-aksaya ng panahon ang tatlong magkakagrupo at tumungo na sila sa ancestral house ni Gat Jose Rizal sa bayan ng Calamba. Sakto naman na wala masyadong gaanong turista at may natyempuhan pa silang tour guide kaya naman nagpatulong na sila sa mga detalye para sa kanilang report. Si Baekhyun ang nagtatanong sa tour guide, si Sehun ang kumukuha ng mga litrato, at si Chanyeol naman ang naatasan na kumuha ng video para sa documentation. Sa dami ng kwento ng kabataan at ng pamilya ni Rizal, magtatanghalian na ng matapos nilang libutin ang bawat sulok ng bahay at ang hardin nito. Matapos nilang magpasalamat sa tour guide ay dumeretso na ang kanilang grupo sa isang malapit na coffee shop kung saan nila napagdesisyunang kumain at tapusin na rin ang kanilang report.
Hindi na namalayan ng tatlo na lumipas na ang mahabang oras at inabot na sila ng hapon sa pag-gawa ng report at paghihintay na maisend ng mga kabarkada ang iba pang icocompile na mga files. Laking pasasalamat ni Chanyeol na busy sila sa kanya-kanyang mga tasks at mga laptop at naiwasan ang awkward na atmosphere kapag hindi siya pinapansin ni Baekhyun, o kaya naman ay kapag parang nasa sariling mundo ang dalawa niyang group mates at naiiwan siya sa ere. Medyo nagsisi rin siya na inako niya ang video documentation dahil solo flight niya itong ine-edit, hindi katulad ni Sehun na tinutulungan si Baekhyun sa pictures na aakma sa text ng report nila.
“Tapos ka na ba diyan sa video?”, nabigla si Chanyeol ng tanungin siya ni Baekhyun. Ngumiti siya bago sumagot, dahil sa pagkakatanda niya, nung nasa sasakyan pa sila nung huli siyang kinausap nito. Palagi nalang kasing si Sehun.
“Nire-render ko pa eh. 34% pa lang.”
“Mukhang matatagalan pa tayo dito ah. Sayo rin ba isesend nila Kyungsoo at Jongin yung report nila? Sila nalang kasi yung hinihintay natin.”, tanong naman ni Sehun. Tumango lang si Chanyeol.
Nakatanggap naman ng text si Baekhyun galing kay Jongdae at ipinabasa sa mga kagrupo.
To: Baekhyun
From: Jongdae
Nasa Calamba pa ba kayo? If nandyan pa kayo, daan naman kayo sa plaza ng Calamba. May giant banga dun na pwedeng pumasok sa loob, nakita ko sa internet. Isama niyo na rin sa report niyo para may background tayo about sa birthplace ni Rizal. Thanks, besh!
“Chanyeol, you won’t mind naman if mauna na kami ni Baekhyun sa plaza diba? Nire-render mo pa naman ‘yang video eh tsaka hinihintay mo pa yung report nila Kyungsoo at Jongin.” Tanong ni Sehun.
Masama ang kutob ni Chanyeol sa tono ng pananalita ni Sehun. Alam naman niyang hindi nito papabayaan si Baekhyun, pero hindi siya papayag na umalis silang dalawa ng sila lang. Tinignan lang nito si Sehun.
Napansin naman ni Baekhyun ang tension na namumuo sa dalawang kagrupo. “It’s not a bad idea na mauna na kami ni Sehun. Gagabihin tayo kung hihintayin pa nating matapos ‘yan.”
Hindi na rin napigilan ni Chanyeol ang sarili niya. “So iiwan mo ako? Iiwan niyo ako? Kaninang-kanina ko pa napapansin na parang kayong dalawa lang ang magkagrupo ah.”
“Chill, bro. May kanya-kanya tayong tasks ah. Pinili mo ‘yang video kaya panindigan mo.” Sagot naman ni Sehun na nag-iinit na rin ang ulo.
Hinawakan ni Baekhyun ang braso ni Sehun, tinignan ito sa mata para sabihing ‘wag nang patulan si Chanyeol. Nang sa tingin niya ay kumalma na rin si Sehun, kinausap niya si Chanyeol. “Hindi naman ‘yun ang point ko, Chanyeol. Gusto ko nalang talagang matapos ‘to at makauwi tayo ng maaga. Walang issue dito na iniiwan ka namin sa ere ni Sehun, okay? And I apologize kung ‘yun ‘yung napansin mo. We’re sorry. Pwede ka namang sumunod sa plaza pag tapos na ‘yang video at nareceive mo na ‘yung report, diba?”
Kalmadong-kalmado sa pakikipag-usap si Baekhyun na siya naming ikinahiya ni Chanyeol ang pagtaas niya ng boses kanina. Hindi na nito nagawa pang kausapin si Baekhyun at tumango nalang. “Sorry rin. Sige na, susunod nalang ako.”
Nang makaalis ang dalawa, pakiramdam ni Chanyeol na talunan na naman siya. Hindi siya sanay na natatalo siya sa lahat ng bagay, pero parang sa simula palang, ipinananlo na ni Baekhyun si Sehun. Kung anu-anong thoughts ang pumapasok sa isipan ni Chanyeol habang pinapanood niya na pagbuksan ng pinto ni Sehun si Baekhyun at maglakad papalayo ang dalawa niyang kagrupo. Bakit ba kasi ang tagal nitong video?
“Lakarin nalang natin, Baek. Malapit lang naman pala eh.” Alok ni Sehun sa kasama, habang pinapakita ang route sa screen ng Google Maps.
Tumango naman si Baekhyun. Sa tagal-tagal ng iniupo niya sa coffee shop, magandang exercise na rin ang paglalakad. “Pero wait, hindi ba nagmamadali tayo? Para maaga tayong makauwi? May kotse ka namang dala.”
Ngumiti lang si Sehun at umiling. “Wag na. Tsaka para masolo rin kita. Ang hirap kumilos pag nandyan si Chanyeol eh. Parang laging may bakod sa paligid mo kahit wala naman.”
Madalas pa ring ikinagugulat ni Baekhyun kung gaano ka-straightforward si Sehun, at hindi pa rin siya sanay kapag bumabanat siya ng mga ganito. Natawa nalang si Baekhyun sa sinabi ng kausap, “Ako? Babakuran ni Chanyeol? Nagpapatawa ka ba?”
Alam ni Sehun na defensive lang talaga si Baekhyun, pero hindi naman siya ganoong ka-dense para hindi mapansin ang mga ikinikilos ni Chanyeol. Tumingin nalang siya sa malayo para itago ang inis na nararamdaman niya kay Chanyeol. Ayaw naman niyang ipakita kay Baekhyun na naaapektuhan siya ng panghaharang ni Chanyeol kasi as much as possible, he would want to eliminate Chanyeol from the equation. Oo, mahirap na kaibigan mo pa yung karibal mo, pero kagaya rin ni Chanyeol, ayaw ni Sehun na matalo – lalo na kung si Baekhyun ang pinag-uusapan.
“Pagpasensiyahan mo na si Chanyeol ha. I mean, I’ve known him for the longest time, and I can say na madali talaga siyang mairita sa mga bagay-bagay.” Tugon ni Baekhyun nang mapansin na nanahimik ang kausap, habang inaalala ang mapakaraming times na pinalagpas niyang pansinin na naiinis na si Chanyeol sa kanya noong mga bata pa sila.
“You don’t have to apologize on his part. Alam ko namang madalas kang nahihirapan sa aming dalawa, and we should be the one apologizing sa sakit ng ulo na dulot namin. Hindi mo rin naman kami masisisi…”
Umiling naman si Baekhyun, “No, you don’t have to apologize din naman. May pinagsamahan na naman tayong dalawa, diba? Tsaka kami rin naman ni Chanyeol…”
Hindi pa man natatapos si Baekhyun sa pagsasalita ay sumingit na si Sehun. “’Yun na nga ‘yung kaso eh. May pinagsamahan na kayo. Matagal mo na siyang kilala. Ako… ngayun-ngayon lang? Kaya lalo akong nahihirapang ipakita sayo yung worth ko. Para kasing ang lumalabas, ako pa yung sumisingit sa kwento niyo.”
This time, hindi na alam ni Baekhyun kung matatawa pa rin ba siya sa mga sinasabi ni Sehun dahil seryoso na ang expression nito. May laman na yung mga salita niya, may kung anong bigat. Hindi naman kagaya ng iba nilang kaibigan si Sehun na kaya niyang iwasan ang mga topics na ganito.
“Wala namang ‘kami’ to begin with.” Maingat na sagot ni Baekhyun.
“Pero may feelings ka pa rin sa kanya…”
Hindi tanong ‘yung sinabi ni Sehun pero gustong depensahan ni Baekhyun ang kanyang sarili. Ngunit bago pa man makapagsalita si Baekhyun, nabigla na lamang siya ng hawakan ng kanang kamay ni Sehun ang kaliwang kamay niya.
‘Di alintana ang mga taong nakikimasid sa kanilang mga magkadaupang-palad habang naglalakad, sinabi ni Sehun na “Basta Baekhyun, hindi kita bibitawan hangga’t hindi nalalagpasan ng feelings mo sa akin ‘yung feelings mo para kay Chanyeol.”
Hindi na nakapagsalita pa si Baekhyun dahil sa sobrang naghahalong kalituhan at saya. Maging siya man ay naguguluhan na sa kanyang mga nararamdaman, pinili na lamang niyang sulitin ang moment na kasama niya si Sehun. Tulad nga ng sinabi ni Sehun, hindi naman masama na siya na muna, at wag na muna si Chanyeol ang patakbuhin niya sa kanyang isipan. Hindi na rin namalayan ng dalawa na narating na nila ang famous landmark ng Calamba.
Binitawan ni Sehun ang kamay ni Baekhyun para iadjust ang settings ng camera na dala nya. “Baek, tayo ka dun.”
Ikinagulat naman ni Baekhyun ang biglaang pag-utos ni Sehun na tumayo siya sa harap ng malaking banga sa plaza. Kaunti man ang mga tao sa paligid ay nahihiya pa rin si Baekhyun. “Wait, bakit ako? Diba dapat yung banga yung kuhanan mo ng picture?”
Ngumiti naman si Sehun, at napangiti rin pabalik si Baekhyun, “Sige na. Please?”
Sumunod na rin naman si Baekhyun, at hindi rin naman siya makakahindi kay Sehun. Si Sehun pa ba? Tumayo at ngumiti lang siya sa spot na tinuro ni Sehun, at ngumiti sa harap ng camera. Tinignan ni Sehun ang mga litratong kinuha niya at siya naman ang napangiti. “Perfect.”
“Ha?”, tanong ni Baekhyun dahil hindi nya masyadong narinig ang sinabi ng kasama.
Nabaling ang tingin ni Sehun sa litrato papunta kay Baekhyun na nakatayo malayo sa kanya. Kahit na mas malapit sa paningin niya ang camerang hawak niya, mas maganda pa rin yung mismong Baekhyun na nasa harap niya. Hindi niya ipagpapalit ang view na ‘to sa kahit na ano pang magagandang litrato na pwedeng ma-capture ng camera niya.
Walang anu-ano’y lumapit siya kay Baekhyun at hinawakan ulit ang kanyang kamay. “Tara sa loob.”
“Wait, okay na ba yung pictures? ‘Wag ‘yan ‘yung gamitin natin sa project ha. Patingin nga.” Pagpupumilit ni Baekhyun, pero nagpadala pa rin siya sa paghila sa kanya ni Sehun.
“It’s perfectly fine. You’re perfectly fine.” Sagot ni Sehun.
Nang marating na nila ang loob ng higanteng banga, iniharap ni Sehun sa kanya si Baekhyun at niyakap ito ng mahigpit. Nabigla naman si Baekhyun sa sudden gesture ni Sehun, pero parang instinct na rin nya ang nagsabi na yakapin rin ng mahigpit si Sehun. Lagi man silang magkasama ay ngayon palang naging ganitong kaliit ang distansiya sa kanilang dalawa, at mukha namang walang kaso ‘yun para sa kanila.
“I know, Baek… na saglit palang tayong magkakilala…” bulong ni Sehun habang yakap-yakap niya ang taong pinakamahalaga ngayon sa buhay niya.
“Sandali lang. Anong meron?” pagtataka ni Baekhyun, ngunit hindi rin niya mapigilan na mapangiti.
“Sshhh. Mamaya ka na magtanong. Hear me out, please.” Sabi ni Sehun habang marahan niyang ginulo ang buhok sa likod ng ulo ni Baekhyun. Tumango lang si Baekhyun.
“Eighteen weeks. Mabilis, oo, aaminin ko. Kahit ako hindi ko rin ineexpect, pero iba ka, Baekhyun.” Panimulang muli ni Sehun.
Wala nang balak pang magsalita si Baekhyun. Hindi na rin naman niya alam kung ano pang mga sasabihin dahil ngayon lang niya narinig maging ganitong kaseryoso si Sehun sa tuwing nag-uusap sila. Gusto niyang pakinggan ang bawat salitang lalabas sa bibig ni Sehun, dahil ngayon palang niya yata maririnig ang mga ito sa buong buhay niya.
Kumalas si Sehun mula sa pagkakayakap nilang dalawa, at nang magkaharap na ang kanilang mga mata ay umakyat ang mga kamay ni Sehun papunta sa magkabilang pisngi ni Baekhyun. “I don’t know if I’ve said this enough through my actions, but I’m gonna say this now, just to make it clear…”
Matagal silang nagkatitigan, kahit na hindi masyadong maliwanag sa loob ng malaking banga kung saan hindi sila mahuhusgahan ng kahit na sinuman. Matagal bago magpatuloy si Sehun sa sinasabi niya, ngunit tila alam na ng dalawa ang mga susunod na salitang bibigkasin, na tila ba ay hindi na kailangan pa dahil unti-unti nang lumalapit ang mga labi nila sa isa’t isa.
“You don’t have to say it back now… but I want you to know that I love you, Baekhyun.” Bulong ni Sehun bago niya ilapat ang kanyang labi sa labi ni Baekhyun.
It was an honest-to-goodness innocent kiss, and it was far from what Baekhyun was imagining how his first kiss would be. It’s not that it’s a bad thing, it’s just that… this is Sehun – ‘yung taong hindi niya rin ine-expect na makaka-connect niya with this kind of affection. The perfect Oh Sehun that everyone dreams about, who dreams about him, an average college guy trying to just get by. He was more than glad to have felt Sehun’s soft lips on his, at tulad nga ng sinabi niya kanina, hindi naman niya kailangan ng affirmation from him. This is their thing – and both are satisfied kung ano mang meron sila ngayon. No complications, just the two of them.
Nakatulala lang sa kisame si Chanyeol habang nakahilata siya sa kanyang kama. Hindi pa rin maalis sa isip niya ang image na gumulantang sa buo niyang pagkatao nang halikan ni Sehun si Baekhyun. Kung paanong ang mga kamay ni Sehun ay nasa magkabilang pisngi ni Baekhyun, na tila ba wala siyang balak pakawalan ito; at kung paanong ang mga kamay naman ni Baekhyun ay nasa dibdib ni Sehun, marahil ay pinakikiramdaman kung pareho ba ng tinitibok ang mga puso nila. At kahit na ayaw niyang aminin, sa tingin ni Chanyeol, oo, pareho nilang mahal ang isa’t isa. Wala man siyang balak sauluhin ang mga detalye, ay tila ba tinatraydor siya ng nararamdaman niya. All this time, akala niya ay gusto niya lang ulit mapalapit si Baekhyun sa kanya, na bumalik ang lahat sa dati – pero mukhang malabo nang mangyari ‘yun, lalo na ngayon. Lalo na ngayon dahil may Sehun na siya.
May kumatok sa pinto ng kwarto niya. “Anak, nandyan si Baekhyun sa baba. May sasabihin daw sa’yo.”
Agad namang tumayo si Chanyeol at marahang bumaba sa hagdan ng bahay nila, kahit na gusto na niyang tumakbo pababa. Nasa pintuan lang si Baekhyun, at sa pagkakakilala niya rito, alam niyang kahit anong pilit ng Mama niya na papasukin si Baekhyun ay hindi ito papasok sa bahay nila. Hindi katulad ng dati na kahit hindi imbitado, sa halos araw-araw, ay walang pakundangang pumapasok si Baekhyun sa kanila.
Paglapit ni Chanyeol kay Baekhyun, ay nakita nito na hinihintay siya ni Sehun na nakasandal sa kotse niya na nakapark sa tapat ng bahay nila. Nang magkasalubong ang kanilang mga tingin, sumaludo lang sila sa isa’t isa – gesture nilang magkakaibigan – kahit na hindi na sila sigurado kung magkaibigan pa bang matatawag ang samahan nilang dalawa.
Inunahan na ni Chanyeol si Baekhyun magsalita, “Nauna na ako umuwi kasi akala ko umalis na rin kayo, kaya hindi na ako nakadaan sa plaza.”
Hindi alam ni Baekhyun kung dapat ba siyang ngumiti, dahil obviously, iniwan na naman nila si Chanyeol sa ere. He knows that Chanyeol hates that feeling, and siya rin naman, ayaw niyang may tao siyang nakakaligtaan, that’s why he’s feeling guilty.
Sinubukan pa rin nyang ngumiti, yung ngiting alam ni Chanyeol, “Hinatid naman ako ni Sehun.”
“Yeah, I figured.” Maikling sagot ni Chanyeol, at tinignan niya ulit si Sehun, na busy na sa pagbabasa ng kung ano man sa phone niya.
Inabot ni Baekhyun ang jacket na hiniram niya kay Chanyeol kanina, “Salamat nga pala dito, and naisend ko na pala yung compilation ng reports natin para mabasa mo na rin.
Hindi masyadong naintindihan ni Chanyeol ang mga sinabi ng kausap dahil nakatitig lang ito sa mga labi ni Baekhyun. May kung ano bang nagsasabi sa kanya na hilahin ito papasok ng kanilang bahay, kargahin ang magaan na katawan ng kababata at iakyat sa kwarto niya, i-lock ang pinto para hindi makapasok si Sehun, at halikan din ang mistulang malalambot na mga labi ni Baekhyun. Ngunit kung gagawin ito ni Chanyeol, malamang ay tuluyan ng magalit sa kanya si Baekhyun, at ‘yun ang pinakaayaw niyang mangyari, kaya wag na lang – at mukha rin namang wala siyang lakas ng loob. Ngayong gabi, oo, talunan si Chanyeol.
“Ayaw mo bang kunin? Sige, lalabhan ko muna.” Nawala ang ngiti ni Baekhyun nang hindi mag-react si Chanyeol.
Mabilis naman ang reflex ni Chanyeol at sinubukang kunin ang jacket niya, but his hands made its way to touch Baekhyun’s small ones. “Hindi… Hindi… Okay lang… Kahit wag mo nang labhan.”, sabay ng napakalaki niyang ngiti.
Agad namang inalis ni Baekhyun ang mga kamay niya, na siya namang ikinalungkot ni Chanyeol, though he’s kind of expecting that response rin naman. Wala namang masamang umasa, diba? Sa isip ni Chanyeol ay tinatawanan niya ang kanyang sarili since the tables have been turned sa pagitan nila ni Baekhyun. Kung dati, siya ang hinahabul-habol ni Baekhyun. But now, it’s as if he’s begging for the other’s attention.
The atmosphere was awkward, kaya nagsalita na si Chanyeol, “Ahmm. Thanks.” Napakamot nalang siya sa kanyang ulo dahil may kung anong hiya siyang naramdaman, and that’s a rare thing for a confident person like him.
Natuwa naman si Chanyeol nang ngumiti pabalik si Baekhyun, this time, sa tingin niya ay mas genuine. “No problem.”
Patuloy pa rin sa pagkamot ng ulo si Chanyeol, dahil hindi na niya alam kung ano pang pwedeng sabihin just to keep this conversation going. Para bang ang tagal-tagal na nilang hindi nagkausap ni Baekhyun, just to think na ilang meters away lang ang bahay nila sa isa’t isa, at magkatapat pa ang bintana ng mga kwarto nilang dalawa.
“So… papasok na ako sa loob. Ingat ka pauwi.” Mahiyang paalala ni Chanyeol.
Natawa naman ng bahagya si Baekhyun, “Wag kang OA. Tatawid lang ako ng kalsada makakauwi na ako.”
At that moment, gustong kurutin ni Chanyeol ang magkabilang pisngi ni Baekhyun dahil sobrang cute nito. Pero syempre, hindi niya ginawa dahil alam naman niya ang magiging reaction nito. “Sabi ko nga.”
Dahan-dahan ng isinara ni Chanyeol ang pintuan nila ng tawagin ulit siya ni Baekhyun.
“Yes?”
Hindi makatingin sa mga mata niya si Baekhyun, at rinig niya ang kaba sa boses nito. “Ahmmm. Ano… Ahhh… Good luck sa exam bukas.”
This time, hindi na napigilan ni Chanyeol ang sarili at inabot ng kanyang kamay ang ulo ni Baekhyun para guluhin ng bahagya ang buhok nito. “Ako pa ba? Di ka ba bilib sa akin?”
Sobrang bilib ko nga sayo dati, diba?
Nang ma-realize ni Chanyeol na nabigla si Baekhyun sa gesture niya ay agad nitong sinabi na “Good luck din sayo bukas. Good night!”, at pinagsarahan na niya ng pinto ang kababata.
***Paper Crane #743***
October 25, 2011
Pwede bang mamatay na lang?
Wala na. Finish na. Talo ka na, Baek. Panalo na si Irene Bae. Ano nga ba namang panama mo sa isang diyosa, kung aliping sagigilid ka lang? Ano bang binatbat mo sa napaka-perfect at napakabait at walang kapintas-pintas na nilalang? Wala kang laban sa kanya kasi kahit anong paligo mo sa sarili mo, sa lahat ng bagay, siya pa rin ang lamang.
Naalala ko tuloy yung unang araw na tumuntong ang malilinis na mga talampakan ni Irene sa school namin. Parang nabigyan niya ng buhay ang lahat, dahil lahat nahumaling sa ganda niya. Oo, maganda naman kasi talaga siya, wag tayong plastic. And by lahat, pati si Chanyeol. Samantalang ako, buong buhay ko, si Chanyeol ang mundo ko. Napasakit, pakshet!
Okay naman ang lahat mula first year hanggang third year, para bang naging extension lang ng elementary days namin ang high school. Andiyan pa rin naman yung mangilan-ngilan naming kaklase nung elem na tuloy pa rin kaming inaasar ni Chanyeol, pero syempre, dahil nga teenagers na kami ay minsan ako na nagsasabi sa kanila na itigil na dahil parang naaalibadbaran na sa akin si Chanyeol. Muntik na nga kaming mag-FO ni Jongdae, ang promotor ng pang-aasar at self-declared leader ng ChanBaek love team (na obviously, kahit masakit, ay hindi naman nag-exist, OO NA TANGGAP KO NA, OKAY??? IRENE BAE, SA’YO NA ANG KORONA, SA’YO NA SI CHANYEOL, SA’YO NA ANG LAHAT! PATI ETONG UNIFORM KO KUNIN MO NA RIN HIYANG-HIYA NAMAN AKO SA’YO)
Masaya naman ang lahat, pero simula ng pumasok si Irene sa eksena noong fourth year na kami, para bang naging extra nalang ako kay Chanyeol. Ano pa nga bang hihilingin sa isang high school setting? Ang star basketball player slash MVP ng school, ay nahulog ang loob at na-in love sa mahinhin at mala-Maria Clara na crush ng bayan. Nagsimula naman ang lahat ng chismis tungkol sa kanilang dalawa nang ipagkampanya ni Chanyeol si Irene nung tumakbo itong Vice President ng supreme student government. Dun ko lang din nakitang sobrang pursigido si Chanyeol sa tanang buhay namin na magkasama, pero binalewala ko lang yun’ KASI NGA TANGA AKO. TANGANG-TANGA AKO KAY CHANYEOL. OKAY BAEKHYUN ANG TANGA MO PARA SAAN PA YUNG MGA MEDALS MO NUNG ELEMENTARY KUNG NABOBOBO KA RIN LANG NAMAN KAY CHANYEOL PERO KASI MAHAL KO SIYA, MAMA HUHUHUHUHU AYOKO NA PERO WAIT SIGE PA PO HUHUHUHUHU. Samantalang ako, kahit ipagdikit man lang ng mga flyers na pinrint ng Mama niya at Mama ko, ni hindi nagawa ni Chanyeol. Pero okay lang yun sa akin, nanalo pa rin akong PRO kahit na walang tulong niya, sa daldal ko ba namang ‘to? At syempre nanalo rin si Irene. Grand slam pa nga eh, sinabi ko naman kasi kay Jongdae na wala siyang panama, tigas din kasi ng ulo. Anyway, that’s not the point. Mabait naman talaga si Irene dahil nakakasama ko siya sa mga school projects, kaya ang hirap sa part ko na magalit sa kanya. PERO MUMSH BAKIT KASI SI CHANYEOL PAAAA??? KUNIN MO NA ANG LAHAT SA AKIN WAG LANG SI CHANYEOL KO. Kasi in the first place, hindi naman talaga kasalanan ni Irene na pinanganak siyang maganda at nahumaling si Chanyeol sa kanya. PERO ANG SAKIT-SAKIT PA DIN???
Lalong umugong ang mga bali-balita nang palitan ni Chanyeol ang prof pic nya sa FB ng picture ni Irene, at nang si Chanyeol naman ang ginawang cover photo ng dyosa. Kahit walang confirmation na naganap, alam ko at ng buong school na silang dalawa na. Masakit, oo. Inexpect ko na din naman, hindi naman ako ganoong katanga. Pero wala nang mas sasakit pa sa nakita ko kanina nung pauwi ako kanina. Bakit pa kasi sa likod ako ng school dumaan? Nakita ko lang naman na naglalampungan sina Chanyeol at Irene. Halos mamatay ako sa inggit, ako kasi dapat ‘yun eh! Pero wala nalang akong nagawa kanina kundi ang dumaan sa main gate, kahit na pigil na pigil na ako sa pag-iyak. Putangina ang sakit-sakit kasi talaga. Buti nalang wala pa si Mama sa bahay nung pag-uwi ko kaya nakahagulgol pa ako ng matiwasay at nailabas ko na ang lahat ng sakit (kahit naman masakit pa rin hanggang ngayon) habang naka-continuous play ang Someday ni kumareng Nina.
Inabangan ko kanina habang nakadungaw sa bintana kung umuwi na ba si Chanyeol. Nung nakita ko na siyang naglalakad palapit sa bahay nila, bumaba kaagad ako para kausapin siya. Ewan ko ba, siguro talaga hindi talaga ako nag-iisip kapag si Chanyeol na yung laman ng utak ko. Na-confront ko talaga siya, kahit wala naman akong karapatang magtanong kasi wala namang kami, pero gusto ko na kasing maliwanagan kung anong meron sa kanila ni Irene, as if hindi pa sapat yung nakita ko sila kanina sa likod ng school. So tinanong ko siya kung sila na ba ni Irene. “Ano ba sa tingin mo?” ANO BANG KLASENG SAGOT ‘YAN DIBA? So sabi ko sa kanya na oo at hindi lang naman ang pwede nyang isagot. At nung narinig ko na yung seryoso niyang “Oo.”, wala na, bumigat na yung dibdib ko, kahit na pinipilit kong hindi umiyak at lalong mag-mukhang tanga sa harap nya. Patulo na yung mga luha ko nang tanungin nya ako kung bakit ko raw natanong yung tinanong ko. TANGINA MO, CHANYEOL. ANG MANHID-MANHID MO! Para makatakas sa kahihiyan, tumakbo nalang ako sa pinakamalapit na sari-sari store matapos kong i-alibi sa kanya na inutusan ako ni Mama na bumili ng suka.
PS. Okay, hindi sila naglalampungan. Basta nakita ko silang nagki-kiss. PUCHA ANG SAKIT PA RIN AYOKO NA PO!
- BBH
***
