Actions

Work Header

tahanan

Work Text:

“Single pa rin siya,” biglang sabi ni Yachi. Napairap naman si Tobio at hindi inangat ang tingin niya sa kaibigan. Alam ni Yachi na alam ni Tobio ang tinutukoy niya. 

 

“Walang nagtatanong,” walang ganang sagot ni Tobio. Nagkibit balikat na lang si Yachi at tumingin sa kasintahan niyang si Yamaguchi at umiling dito. Bilang katrabaho ni Tobio at best friend ni Kei, mahirap para sa kanya ang makitang nagkakaganito ang dalawa. Simula ng magkahiwalay sila, binubuhos nila ang kanilang oras sa pagtatrabaho.

 

Tumayo si Tobio at lumingon sa dalawa, “May bibilhin ako sa sa vending machine, may ipapasabay kayo?” 

 

“Orange juice sa’kin!” sagot ni Yachi samantalang umiling lang si Yamaguchi. Tumango si Tobio bago lumabas ng kanilang opisina at tumungo sa vending machine na nasa ibabang palapag. Nang nasa harap na siya nito, inilabas niya ang kanyang wallet, kumuha ng barya at inihulog sa may lalagyan. Pinindot niya ang ibinilin ni Yachi at ang gatas. Pinulot niya ito sa ilalim nang malaglag pero nagpasya siyang hindi muna bumalik sa loob. 

 

Umupo si Tobio sa bench na nasa harap ng vending machine. Napabuntong hininga siya at dumako ang kanyang tingin sa labas. Ilang buwan na simula nang naghiwalay sila ni Kei nang dahil lang sa hindi pagkakaunawaan. Parehas na mainit ang ulo, pagod sa trabaho na humantong sa sigawan. Hindi naman sinasadya, hindi na niya namalayang ang mga salitang kusang lumabas sa kanyang bibig.

 

“Ayoko na, Kei. Pagod na ako!”

 

Natigilan silang dalawa at pawang mga mabibigat na paghinga ang naririnig nila sa isa’t isa. Kumabog ng malakas ang puso ni Tobio, hindi alam ang gagawin. Kita niya ang pagod at dismaya sa mata ng kasintahan pero tila gumuho ang kanyang mundo nang umalis si Kei sa kanilang apartment. Walang binitawang salita pero rinig ni Tobio ang bigat sa kanyang mga hakbang at ang padabog na pagsara ng pintuan. Hindi agad niya napagtanto. Akala niya babalik kinaumagahan si Kei pero hindi.

 

Isang araw.

 

Limang araw.

 

Isang linggo hanggang tumagal ng isang buwan. Walang Tsukishima Kei na nagpakita sa apartment nila. Naiwan siyang mag-isa sa tahanan na kanilang nakasanayan pero ang taong nagparamdam sa kanya ng pagmamahal ay wala na sa tabi niya. Napagod na. Bumitaw na. Hanggang ngayon patuloy niya pa ring sinisisi ang sarili niya.

 

Ayaw mang aminin ni Tobio pero sa loob-loob nito, alam niyang walang makakapalit kay Kei sa puso niya. HIndi siya kompleto at alam niyang si Kei lamang ang makakapuno sa puwang ng kanyang puso. He feels so lost without him.

 

Kung sana naging kalmado ako noong araw na iyon, hindi tayo magiging ganito. Tayo pa rin sana.

 

Napailing nalang si Tobio at tinigil ang pag-iisip sa dating kasintahan. Masakit pa rin.

 

Ininom na niya ng mabilisan ang kanyang biniling gatas at bumalik na siya sa loob upang ibigay ang juice ni Yachi. Nilunod niya ulit ang kanyang sarili sa trabaho upang hindi na niya maisip siya .

 

Ilang oras ang nakalipas nang tawagin siya ng kanilang superyor. Tumayo siya at pumasok sa opisina nito. “Ano po yun, Sir?”

 

“May meeting tayo with another company to secure the partnership. Yamaguchi’s the one assigned with it but he suggested na ikaw nalang since may importanteng lakad daw siya. I hope it’s alright for you?”

 

Day off ko sana bukas, naisip ni Tobio.

 

“Okay po, Sir,” nasabi niya nalang. Okay na rin, at least I will be preoccupied to think about him.

 

“Alright. I’ll send the address to your email nalang. You can go home na.” Tumango si Tobio at mahinang sumabi ng ‘thank you’ at umalis sa opisina. Gabi na at halos nagsi-uwian na ang kanyang mga kasama. Pagbalik niya sa kanyang cubicle, nakita niya ang note na iniwan ni Yamaguchi.

 

Kags, sorry talaga ha? Something important came up kasi sa house and hindi pwedeng wala ako don pati rin si Yachi. I’ll treat you nalang the day after ng meeting. Btw, nauna na kami. Ingat ka.  - Y.T

 

Napailing nalang siya at inayos ang kanyang mga gamit. Magmula nang maging magkatrabaho sila, kahit papaano gumaan ang pakiramdam niya dahil may kilala na siya sa kompanya. Naalala niya pa kung paano bilinan ni Kei si Yamaguchi tungkol sa kanya. Na dapat kumain ng wasto si Tobio at hindi masyado magpakastress sa trabaho.

 

Napangiti ng mapait si Tobio nang sumagi naman ito sa isip niya. 

 

They were beautiful. With just six words, their relationship falls like withered flowers fading away, completely unattended and left dead.

 

Pagkauwi ni Tobio, bumigat naman ang pakiramdam niya. Kaya ayaw niyang manatili mag-isa sa apartment nila dahil nakikita at nararamdaman niya pa rin ang presensya ni Kei sa bawat sulok ng kanilang tahanan. 

 

Nagluto siya ng kanyang hapunan at ginawa ang kailangan niyang gawin. Nang matapos na siyang maghugas ay binuksan niya ang kanyang laptop upang tingnan kung nasend na ng kanyang superyor ang address ng meeting bukas. 

 

Sendai City. 

 

Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso sa kaba. Malaki at malawak ang lungsod pero may maliit na tyansang magkrus ang kanilang landas. Kahit papaano, may namumuong munting pag-asa sa puso niya.

 

Kinaumagahan, maagang nag-abang ng tren si Tobio sa Tokyo papuntang Miyagi. Hindi makatulog si tobio ng gabing iyon dahil sa maraming 'what ifs' sa kanyang isipan. Samut-saring emosyon ang kanyang nararamdaman. Kinakabahan siya na nasasabik pero hindi niya talaga alam ang kanyang gagawin pag sakali mang magkita sila. Ni hindi nga niya alam ang nararamdaman ni Kei simula nang mawala ang koneksyon nila.

 

Pagkarating niya sa Sendai, kaagad siyang sumakay ng taxi at sinabi ang nasabing address. Ibinaba siya sa harap ng malaking gusali, kitang-kita ang ‘SENDAI TECH’. Sa pagkakaalam ni Tobio, ito ang kalaban sa pinagta-trabahuhan ni Kei. Pumasok siya at bumungad sa kanya ang eleganteng interiyor. Pumunta siya sa may receptionist at sinabi ang kanyang appointment.

 

“Name po, Sir?”

 

“Kageyama Tobio in place of Yamaguchi Tadashi. From NeoTech Tokyo.” Iginala ng receptionist ang kanyang mga mata sa clipboard na hawak niya. “Okay, Sir. Third floor, meeting room. Yung may malaking glass walls.” Iniabot sa kanya ang id na tag na ‘guest’ at sinuot iyon ni Tobio.

 

“Thank you.” 

 

Pumunta siya sa may harap ng elevator at pinindot ang button. Naghintay siya ng ilang minuto bago ito bumukas. Pumasok siya sa loob at pinindot ang button ng 3rd floor. Mahigpit ang hawak niya sa kanyang bag, hindi mawari kung bakit nanginginig ang kamay niya. Nang makarating siya sa 3rd floor ay lumabas siya sa elevator, madali niyang nahanap ang meeting room dahil na rin sa glass wall. Mabilis siyang lumakad papunta doon at nakita niyang wala pang tao sa loob kaya pumasok nalang siya. Umupo siya sa isa sa mga upuan at napabuntong hininga. Ramdam niya ang namumulsong pagsakit ng kanyang ulo dulot sa walang tulog kagabi. 

 

Tinanaw niya ang tanawin sa labas; makulimlim na ang langit at mukhang uulan pa. Wala siyang payong dala.

 

“Sorry, did you wait for too long?” 

 

Pamilyar. Sobrang pamilyar na mabilis bumalikid si Tobio sa boses ng taong iyon.

 

Narito siya.  Sino bang mag-aakala na sa dinami-dami ng lugar, dito pa sila magtatagpo?

 

Nagulat sila sa presensya ng isa’t isa. Blue eyes stare at Tsukishima Kei’s golden ones behind his frames. Bago pa umilang, tumikhim si Kei at naglakad sa upuan na nasa gitna.

 

Parehas silang nagkunwari na parang wala sa kanila. Na para bang estranghero sila. Na parang ang kanilang tibok ng puso ay hindi kumakabog sa loob ng kanilang dibdib. Na para bang hindi sila naghahangad sa isa’t isa.

 

“Uhm… Good morning. I am here in the place of Yamaguchi Tadashi.” Tahimik na pinasalamatan ni tobio ang sarili sa hindi pagka-utal. 

 

Tangina, Tadashi. Naisip ni Kei bago tumango sa kanya. “Good morning, too. I supposed you’ve brought the files?” 

 

Agad na binuksan ni Tobio ang kanyang bag at inilabas ang folder na naglalaman ng files at dokumento. Sobrang tahimik sa loob at tanging tunog lang ng aircon ang maririnig. “Here.”

 

“Shall we start?”

 

“Uh… I thought I’m meeting Mr. Shinsuke?”

 

Mabilis siyang tiningnan ni Kei bago ito sumagot, “I’m taking over him for the meantime. He's overseas.”

 

“....Okay. You can start na.”

 

Sobrang bagal tumakbo ng oras. Paminsan-minsang sumulyap si Tobio kay Kei kada hindi nakatutok sa kanya ang mata nito. Napansin niyang namayat ng kaunti si Kei. Hindi ba siya kumakain ng tama?

 


 

Nararamdaman ni Kei ang mga titig sa kanya ni Tobio ngunit pinipilit niyang hindi maapektuhan nito. Sa sandaling paglingon ni Tobio kanina nang siya ay pumasok sa silid ng meeting room, nagkaroon siya ng pagnanasa na yakapin at bumulong ng paumanhin sa kanya ngunit tila ang kanyang mga paa ay nakapako at hindi siya nakagalaw sa kinatatayuan niya. 

 

Nang matapos ang kanyang pagpapaliwanag tungkol sa panukala, inangat niya ang tingin kay Tobio na siyang napaurong nang magtama ang kanilang mga mata. Hindi ka pa rin nagbabago. 

 

“So? What’d you think?” tanong niya at tinitigan si Tobio. Nanunuot ang lalamunan ni Tobio, pakiramdam niya parang ang liit niya sa ilalim ng mga titig nito.

 

“I think our company would be satisfied with that and all the terms are within the expectations so we’ll sign the contract,” sagot ni Tobio.

 

“Alright.” Pinirmahan ni Kei ang dalawang papel ng kontrata bago iniabot ito kay Tobio. Nagtama ang kanilang mga kamay saglit pero parang may kuryenteng dumaloy. “Tig-iisang copy tayo.”

 

Tumango si Tobio at pinirmahan ito bago ibinalik kay Kei ang isang kopya. “Thank you for your time, Mr. Tsukishima.” Ngumiti ng kaunti si Tobio na nagpapadala ng sakit sa puso ni Kei. Ang ganda niya pa rin pero napansin niya ang eyebags nito. Hindi ba ‘to natutulog ng maayos?

 

“Thank you also, Mr. Kageyama.” Sobrang namiss ni Tobio ang pagtawag ni Kei sa pangalan niya.

 

Tapos na ang adyenda nila ng kompanya nila ngunit parang ni isa sa kanila ay ayaw umalis. Nagpapakiramdaman kung sino ang mauunang babasag ng katahimikan. 

 

Pero hindi kaya ni Tobio ang katahimikan kaya inayos niya na ang kanyang gamit at tumayo, “Mauna na ako. Thank you.” Umalis na siya bago pa man siyang pigilan ni Kei.

 

Napahimas nalang si Kei sa kanyang sentido. Balak niya sanang kausapin si Tobio tungkol sa nangyari noong nakaraang buwan. May kasalanan din naman siya. Hindi dapat dinadala sa bahay ang trabaho. Si Tobio pa ang napagbuntunan niya ng galit kahit wala naman itong kasalanan. Parehas silang pagod at nagulat siya sa biglang iyak ni Tobio, sabay sabing pagod na siya. Na ayaw niya na. Ang mga negatibong saloobin ay sumakop sa kanyang paghatol at isip kaya umalis siya nang walang pasabi. Ni hindi man lang nagpaalam o gumawa ng paraan upang maayos pa pero tanga at gago siya, umalis siya. 

 

Wala siyang lakas ng loob upang harapin si Tobio dahil sa mga salitang binitawan niya. Ang naisip niya, napagod na si Tobio. Tama na. Pero kabaliktaran ang nangyari, hinahanap niya si Tobio. Nagtatanong at nagbibilin pa rin sa bestfriend niya na bantayan si Tobio. Tuwing gigising siya, hinahanap-hanap niya ang init at nakapulupot na kamay ni Tobio sa katawan niya. Nasanay siya sa presensya nito na pakiramdam niyang kulang siya.

 

Biglang bumuhos ang malakas ng ulan. Kinuha ni Kei ang kontrata at dali-daling pumunta sa kanyang opisina upang ilagay ito sa drawer niya. Nagmamadali siyang bumaba hanggang sa lobby, nagbabakasakali na maabutan si Tobio. Baka pwede pang pag-usapan.

 

At naabutan nga niya sa labas, nag-aantay na tumila ang ulan pero mukhang imposible.

 

“Tobio.”

 

Tila nanigas si Tobio sa kanyang pwesto nang marinig niya ang pangalan niya mula sa bibig ni Kei na hindi niya manlang namalayan na nasa likuran niya. Lumingon siya at nakita niya na ang naghahabol hininga si Kei. Hinabol niya ba ako?

 

Hindi sumagot si Tobio at hinihintay niya ang susunod na sasabihin nito. “Uuwi ka na?” tanong ni Kei nang makabawi siya. Hindi siya papayag na hindi sila magkakaayos. Pinagsisihan niya ang nangyari noong gabing ‘yon at gagawin niya ang lahat upang makuha ang kapatawaran at sana payagan siyang bigyan ng isa pang tyansa. Kahit gaano pa katagal basta para kay Tobio. Nagkamali na siya at hindi na niya hahayaang gagawa pa ulit ng kasalanan na makakasakit pa sa kanya.

 

“Oo kung titila na ang ulan,” sagot ni Tobio. Pinagmasdan ni Kei ang ulan sa labas at binalik ang tingin sa nakababata. “Can we talk?”

 

Isang panandaliang katahimikan.

 

“...About us,” tuloy ni Kei. Sobrang lakas ng tibok ng puso niya dahil sa kaba, natatakot siyang marinig ito ni Tobio. 

 

Tiningnan siya ng marahan ni Tobio bago ito tumango sabay sabing, “Okay.” Halos hindi mahuli ni Kei ang kanyang sagot dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan pero lumundag sa tuwa ang puso niya nang marinig ang tugon nito.

 

“I have my car sa underground parking lot. Tara?” Tumango si Tobio at pinangunahan ni Kei papunta sa nasabing parking lot.

 

Walang umimik sa kanilang dalawa. Tanging tunog lang ng ulan ang maririnig habang naglalakad sila. Paminsan-minsan sumasagi ang kanilang mga kamay ngunit pareho nilang pinigilan ang kanilang sarili mula sa paghawak ng kamay ng bawat isa at ipagsakop ito tulad ginagawa nila palagi noong nakaraan.

 

Nang makarating sila ay pinagbuksan ni Kei si Tobio ng pintuan na siyang pinasalamatan nito. Umikot si Kei sa kabila, pumasok at umupo sa driver’s seat. Pinaandar niya ang sasakyan at umalis na sila. Sa gitna ng byahe, wala ni isa sa kanila ang may lakas ng loob upang simulan ang usap. Nakatitig lang si Tobio sa tanawin sa may bintana habang ang mga kamay nito ay nanginginig sa kaba at ginaw. Tumingin saglit si Kei sa kanya at huminto sa gilid ng kalsada upang kunin ang kanyang hoodie jacket sa backseat at ibinigay kay Tobio. Hininaan niya rin ang aircon. 

 

Nakita niya ang naguguluhang tingin sa mukha ni Tobio. “You’re cold,” tanging sagot ni Kei bago siya nagdrive ulit. Tila may paru-paru sa tyan ni Tobio nang marinig niya ang sagot nito. 

 

Sinuot niya ang hoodie ni Kei at naamoy niya ang bango nito. Gaya ng dati, malaki pa rin ang hoodie nito sa kanya and he still likes the way it is. It keeps him warm and brings comfort. It’s as if Kei’s consoling and embracing him. 

 

Pamilyar sa kanya ang daang tinatahak ni Kei at kung hindi siya nagkakamali, ito ang daan sa apartment na binili nila kapag bumibisita sila sa kanilang pamilya. Nagtataka si tobio kung nandoon pa rin ang kanyang damit, o kung nagpasya si Kei na itapon na ang mga ito.

 

Pinark ni Kei ang kanyang kotse sa may parking lot at pinatay ang makina. Tiningnan lang ni Tobio ang kanyang sunod na gagawin. Lumingon si Kei sa likuran at hinanap kung may payong siyang naiwan pero napamura siya nang wala. 

 

“May problema ba?” rinig niyang tanong ni Tobio. Umiling si Kei at binalik ang tingin sa kanya. “I thought I had a spare umbrella but no worries.”

 

Akmang huhubadin ni Tobio ang hoodie ni Kei nang pinigilan siya nito. “Don’t take it off. I can just shower kung mabasa ako.” Lumapit ng kaunti si Kei at itinaas ang hoodie nito sa ulo ni Tobio.

 

“Let’s run?” Tumango si Tobio. Binuksan ni Kei ang kanyang pintuan at ganon din si Tobio at tumakbo sila sa harap ng apartment. Dumiretso sila sa elevator at si Tobio na ang nagboluntaryong pindutin ang button ng 3rd floor. Lumingon siya kay Kei at nakita niyang basa na ito. Nakonsensya siya kasi suot niya ang hoodie nito.

 

“Sorry,” mahina niyang wika. 

 

“Don’t be. I should be the one saying sorry.”

 

Double meaning.

 

Hindi nalang umimik si Tobio.

 

Tumunog ang elevator na siyang bumasag ng nakakabinging katahimikan sa pagitan nila. Naunang lumabas si Kei at sumunod si Tobio sa likuran niya. Pagkarating nila sa harap ng pintuan ay nilagay ni Kei ang code.

 

1109.

 

Ang araw kung kailan sinagot ni Tobio si Kei. Kumirot ng kaunti ang puso ni Tobio. Pumasok sila at hinubad ang kanilang sapatos. Nandito pa rin ang pambahay na tsinelas ni Tobio. 

 

“Wala nga pala yung natirang clothes mo dito. Nasa laundry shop pa,” sabi ni Kei at pumasok sa kwarto nila. Napagpasyahan nalang na umupo ni Tobio sa sofa at hintayin si Kei.

 

Ganon pa rin ang ayos ng kanilang apartment. Walang nagbago maliban sa kanilang relasyon. Napangiti ng mapait si Tobio sa naisip niya. 

 

“Here.” Iniabot sa kanya ni Kei ang pajama, t-shirt at panibagong hoodie jacket. “Mauna ka na sa cr.”

 

“Pero ikaw yung mas nabasa-”

 

“Okay lang.”

 

Hindi na sumagot si Tobio, bagkus tahimik siyang pumunta sa cr para maligo upang hindi siya lagnatin. Pagkatapos niya sa cr ay lumabas na siya, suot ang damit ni Kei. Tinapunan siya ng tingin ni Kei at mabilis na umiwas ng tingin bago dumiretso sa cr. 

 

Pagkasarado ni Kei ng pinto ay rinig niya ang sobrang bilis ng pagtibok ng puso niya. Nag-iinit ang kanyang pisngi. He looks so small and cute in my clothes, naisip niya at para bang hindi nasanay sa apat na taong pagsasama nila noong sila pa. 

 


 

Nakita ni Tobio ang nakahandang baso ng gatas sa lamesa. Kinuha ito ni Tobio at hinipan bago inumin. It is his favorite brand of milk.

 

Nang matapos niyang inumin ay inilagay niya ito sa lababo. Pagkatapos ay nahanap lamang niya ang kanyang sarili na nakatayo sa harap ng glass door patungo sa terasa. Malakas pa rin ang ulan at mukhang hindi pa ito titigil. Sa kabila ng malakas na ulan ay nababahala siya sa pag-uusapan nila ni Kei. 

 

“Hindi pa ata titila ang ulan.” Muntik nang mapatalon sa gulat sa Tobio sa biglaang boses ni Kei sa likuran niya. Nilingon niya ito at suot niya rin ay pambahay. Ang kanyang nakataas na ginintuang buhok kanina ay nakababa na.

 

Katahimikan.

 

“I’m sorry,” panimula ni Kei. “Pasensya kasi sa’yo ko nabuhos yung pagod ko sa trabaho. Sobrang mali ako ‘dun kasi pagod ka rin sa trabaho ‘e. I should’ve calmed down. Ikaw yung pahinga at tahanan ko pero winasak at sinaktan kita. I’m really sorry, Tobio.” Nanginginig ang boses niya, pinipigilang hindi umiyak sa harap ni Tobio.

 

“Naduwag ako ako noong kinaumagahan. Nakatatak sa’kin noong sinabi mong pagod ka na. I don’t know how to face you when I’ve also said harsh words to you at sobrang pinagsisisihan ko ‘yun. Hindi mo deserve ‘yun. Sobrang gago ko at hindi ko pinatawad ang sarili ko dahil sa nagawa ko sa’yo.” Ramdam ni Tobio ang sakit at panghihinayang sa boses ni Kei. 

 

“Kei…”

 

“Mahal pa rin kita…” Halos ibulong ni Kei kaya napalingon si Tobio sa kanya. Maluha-luha siyang tinitingnan ni Kei na siyang dahilan ng pagkirot ng puso niya. 

 

“Pero sa ginawa ko sa’yo parang ‘di kita deserve.” 

 

Umiling si Tobio na ngayo’y umiiyak na rin, “Don’t say that. I’m sorry, too. For the sudden outburst. Nadala lang din ako. Pareho tayong may kasalanan. Pagod tayong dalawa. I don’t mean any of those words I’ve lashed out that night.” 

 

Hinawakan niya ang kamay ni Kei at tiningnan siya ng may pagmamahal, “Mahal din kita. Hindi buo ang araw ko pag ‘di kita kasama. Pero you know, within a month. Nag-isip isip ako. I’ve reflected on what happened that night. Breather din ‘yun for the both us pero may kulang pa rin sa’kin ‘e.” Nginitian niya si Kei at pinisil ang kanyang kamay.

 

“Ikaw ‘yun.”

 

“I’m really sorry for what happened to us, Tobio.”

 

“You’re forgiven. And I’m sorry din.”

 

“You know, kahit kailan hindi kita sinisi sa nangyari. I’d understand naman kung ayaw mo na.” Pinunasan ni Kei ang luhang dumadaloy sa pisngi ni Tobio at nginitian niya ito. 

 

Umiling si Tobio bago ngumiti pabalik, “Umuwi ka na sa’kin, please.”

 

At sino si Kei para tumanggi? 

 

Sobrang bilis ng pangyayari, bigla niyang hinila ang kamay ni Tobio na nakahawak palapit sa kanya at niyakap ng mahigpit. Hindi niya mapigilang maluha ulit at ibinaon ang kanyang mukha sa leeg ni Tobio. “ I’m home. Thank you.”

 

Ramdam ni Kei ang paghikbi ni Tobio at paghigpit ng hawak nito sa kanya. Sa wakas, nagkaayos na rin sila. Sa wakas, nasa bisig na sila ng isa’t isa. Ang mga pusong na minsa’y nasaktan ay kumakanta sa tuwa. 

 

“Hayaan mo akong bumawi sa’yo. I’d do my best to be worthy of your love again. I can’t promise you something pero hiding-hindi na kitang hahayang mag-isa pa ulit,” bulong ni Kei bago humiwalay sa yakap. Natatawang umiiyak si Tobio habang nakatingala kay Kei. “Aasahan ko ‘yan.”

 

Nakatitig sila sa isa’t isa ng may ngiti sa kanilang mukha hanggang sa unti-unti nagkalapit ang kanilang mukha hanggang sa naramdaman nila ang pagdampi ng kanilang labi sa isa’t isa. Parang kung may fireworks na sumabog ng magtagpo ang kanilang labi. Ang halik kung saan ipinapadama ang pananabik sa isa’t isa. Sa kabila ng lamig na hatid ng panahon ay nakakaramdam sila ng init. Naramdaman ni Kei ang ngiti ni Tobio sa kanilang halik at pakiramdam ni Kei siya na ang pinakaswerteng tao sa buong mundo.

 

Humiwalay sila nang kailangan nila ng hangin pero nakahawak pa rin sila sa isa’t isa at wala nang balak bitawan pa.

 

“I love you,” bulong ni Tobio habang nakangiti kay Kei.

 

Hinalikan ni Kei ang noo niya at ikinulong siya sa bisig nito, “Mahal na mahal din kita. Thank you for giving me another chance.”

 

Nevermind the withered flowers; another one bloomed into something more beautiful. They still are beautiful. 

 

Pusong minsan nang nasaktan at may puwang ay ngayo’y kompleto na nang mahanap ulit ang isa’t isa.