Actions

Work Header

Kamukha

Chapter Text

Nagtitigan kayo ng matagalan na parang kayong dalawa na lang ang natitirang tao dito sa mundo. Nawala ang bigat ng loob mo nang makita mo siya sa katotohanan, harap-harapan, parang nagkatotoo na din ang pangarap na makita ang taong na sinasabi nila na kamuka mo; mapa-buhok man, salamin, ugali, o kung paano ngumiti at sumimangot. Magkamuka nga. Sabi ng isipan mo. Puta kamuka ko nga. Sigaw pa ng isip mong nagsisimula nang magsindak dahil sa mga pangyayari sa kapaligiran mo.

 

Matapos ng ilang segundo na pagtitigan sa inyong mga mata, matapos ang ilang segundong pagtahimik ng paligid; walang businang naririnig o mga taong nag-iingay, ang mga ilaw sa daan lang ang nagsilbing nagbibigay buhay sa madilim na paligid na animo’y iba sa kanila kumukuti-kutitap sa ibang daanan.

 

Suot niya ay itim, ikaw din. Suot niya salamin niya, ikaw din. Suot niya itim na pantalon, ikaw din. Halos magkapareha kayo ng buhok ngunit masmahaba yun iyo ng kaunti, masdugyutin ang itsura, habang sa kanya ay halos inaalagaan araw-araw kaya maganda itsura ng buhok niya. 

 

May mga bagay din na may pagkakaiba kayo sa isa’t-isa: Siya ay lalake, at ikaw ay babae. Mas payat siya kaysa sa iyo. Iba ang hugis ng inyong salamin ngunit ang salamin niya na gamit niya noon ay parehas ng iyo ngayon.

 

May mga punto sa iyong buhay na naikukumpara ka ng mga tao at kaibigan mo sa taong ito, at ang taong ito na sinasabi nila ay nasa harap mo, tinititigan mo habang siya ay tinititigan ka, nag-aantay kung sino unang kikibo.

 

Mga nasa halos isang minuto na kayong nagtitigan at hindi na ito natuloy pa nang may malakas na busina sa harap naming dalawa. Sundo niya ata. Sabi ng isip mo.

 

“Sorry hala--” Mga unang salita na binitawan mo galing sa iyong bibig. “Napatulala ako--”

 

“Hindi-- okay lang, ako dapat mag-sorry.” Binalik niya ang mga salita gamit ng kanyang malamig na boses na nakakahumaling sa mainit na panahon.

 

Binuksan na niya ang pintuan ng kanilang kotse, at lumingon ng kaunti harap mo. 

 

Nilakasan mo boses mo dahil iniisip mo ulit na baka hindi siya naging kumportable sa pagtitigan ninyong dalawa. “Sorry talaga hindi ko talaga sinadya na---” 

 

“Ayos lang talaga.” Ngumiti siya habang nakatingin sa baba. Inangat niya ang kanyang ulo at tumingin ulit sa iyo at tumungo.



Bago humiwalay sa isa’t isa, iisang pangungusap lamang ang nasa isip niyo;

Sana makita ko siya muli.