Actions

Work Header

1994

Chapter Text

Entry 001.

1994 | 1995 | 1996 | 1997 | 1998

Location: Club Dredd

Hindi gaano karami ang tao ngayong gabi, iilang mga kakilala lang at kaklase ang dumalo sa pinaka-unang gig ng banda ni Hector Samala. Kahit madilim, kabisado ni Hector ang mga mukhang nakikita nya bago sumalang sa entablado…

Bukod sa isa.

Pumasok si Joy sa bar na may alinlangan pa sa kanyang mukha. Hindi naman sya pala-punta rito pero upang maabutan ang bandang usap-usapan ngayon sa campus, sinubukan nya na rin. Pinagsusulat sila ng kanilang propesor ng isang riserts patungkol sa music scene ng Pilipinas ngayon at ang napili nyang banda ay ang 1994.

Umakyat na ang tatlo. Si Hector, Emman at Anthony. Bakas sa kanila na nagagalak sila sa gagawin nila ngayong gabi pero kinakabahan din. Inayos nila ang kanilang mga instrumento at nang ito’y maayos na, nagsalita na si Hector sa mic.

“Uh… We’re 1994, taon kung saan isinilang ang aming banda… and this is…” pakilala ni Hector sa mga tao na nasa loob ng bar. Agad na tumugtog ang banda ng una nilang kanta na pinamagatang ‘Bato’, may bigat ang bawat hampas at bagsak sa mga instrumento. Iba sa mga sumisikat na banda ngayon. Kahit ganon, napapatungo ang mga tao, ninanamnam ang bawat tunog at liriko na kinakanta ni Hector, kabilang na si Joy.

Kumukuha ito ng bidyo at kinukuhanan ng litrato ang banda, patibay na sinusundan nya ang bandang 1994 para sa kanyang maikling riserts. Umorder ito ng alak sa counter at bahagyang sumasabay ang kanyang katawan sa kanta.

Matapos ang ilang kanta, bumaba muna ang banda at nagsabing magpapahinga ito saglit. Sinalubong ito ni Joy sa gilid na kakapaalam lang sa organizer kung ano ang balak nyang gawin sa banda.

“Joy Manawari, second year Journalism student. Nais ko sana kayong ma-interview para sa isang project ni Sir Rivera. I heard kilala mo sya?” bati nito kay Hector na agad syang inunlakan. Kanina pa sinusulyapan ni Hector si Joy sa entablado at nagulat ito nang bigla syang salubungin ng dalaga.

Dahan-dahang tinungo ni Hector ang kanyang ulo, iniisip kung papayag ba syang magpa-interview para sa klase ni Sir Rivera. Magkakilala sila, oo. Pero dahil naka-ilang retake ito ng major sa kanya. “Sure! Kaso, kailangan na ba ngayon?” tanong nito kay Joy.

Ngumiti si Joy, at nakakahawa ito (para siguro kay Hector) kaya napangiti rin ang binata. “Hindi naman. Siguro wrong timing ang pagpaalam ko sa’yo dito. Hindi ko kasi alam paano kayo mako-kontak dahil hindi naman naka-kalat ang number nyo. Hindi ko rin alam kung nagsstay ba kayo sa dorm. Kaya nung may nag-post sa bulletin na may gig kayo dito sa Dredd, dali-dali akong pumunta.” paliwanag ni Joy, “Okay lang ba kunin yung number ng manager nyo? Para mai-sked yung interview ko sa inyo tutal sembreak pa naman.” dagdag nito.

Napailing si Hector at kinapa ang pitaka sa bulsa ng kanyang pantalon, “Wala pa kaming manager as of now. Tutal nagsisimula pa lang din naman kami…” hinablot ni Hector ang kapirasong papel na may number nya sa pitaka at inabot kay Joy, “Pero pwede mo naman akong tawagan. Ittry kong hagilapin yung dalawa ko pang kabanda dahil alam ko uuwi sila sa kani-kanilang bahay.”

Tinanggap ito ni Joy. Tumahimik ang dalawa. Awkward.

Tinago ni Joy ang papel sa bulsa at nakipagkamay kay Hector. “Nice meeting you, Hector. Uh, see you! Kontak na lang kita as soon as possible. Salamat!” tinanggap ni Hector ang pakikipagkamay at pinanuod na makaalis si Joy sa harap nya. Umiling ulit ito at sumunod kung nasaan man si Emman at Anthony.

Location: Toyang’s, Bahay din ni Joy at Tiya Dely

Tinatapos ni Joy ang pagsusulat nya ng iilang mga katanungan para sa banda ni Hector. Medyo nahihirapan ‘to, nangangapa sa kung paano ba magtanong sa isang banda dahil nasanay ito sa ibang Beat.

Dumaan si Tiyang Dely sa pinagppwestuhan ni Joy at napatingin sa ginagawa nito. “Anong oras na Joy, hindi ka ba matutulog?”

“Nako, Tiyang. Matatapos na po!” nakangiting sagot ni Joy, “Mauna na ho kayong matulog, magliligpit na rin po ako.”

“O sya, sige.” hinayaan ni Tiyang Dely si Joy sa ginagawa nya at pumwesto na sa kama. Nang tumahimik ulit ang paligid ni Joy, nagsimula ulit itong magsulat sa panibagong papel na may panibagong mga katanungan ulit.